Share

Chapter 5: Pain of Pretense 2

"Maarte, kerengkeng, at parang tuko kung makakapit sa braso ni Rob. Basta! Isa siyang malditang ibinabad sa glutathione!" ani Sophie habang sinisipat ang sarili sa harap ng salamin. Naroon sila ni Raine sa powder room ng isang sikat na bar sa Taguig.

Actually, kumpromiso lang ang pagpunta niya roon dahil kaibigan niya ang may-ari ng bar si Candace. Kaibigan nila ito ni Raine noong college at nakapag-asawa ng businessman na may-ari ng chain of restaurants and bar sa Metro Manila. Baka kasi magtampo ito kapag nalaman nitong hindi man lang siya bumisita sa bagong branch ng sikat na bar nito.

"A, socialite bitch?" kaswal na bulong ni Raine habang nagre-retouch ng lipstick nito sa tabi niya.

Napasinghap siya. "I did not call her that!"

"Hindi nga pero parang gano'n na rin 'yon. Ang lamang lang niya, sosyal siyang manamit kaysa sa mga nakatambay sa Circle."

Umasim ang mukha niya. She didn't mean to label Rob's girlfriend as bitch. But now that she's thinking about it, there's no perfect word that best describes Rachel but that. Kung may mas masahol pa siguro doon na ibang salita, she'll probably use that. Ibang lebel ang kamalditahan at kaplastikan nito e—tipikal na hango sa mga kontrabida sa pelikula. Nakakagigil!

"Alam mo, nakita ko 'yong F******k niya. Maraming kakilalang starlet. Mukhang may balak din mag-artista! Ano ba trabaho no'n? Baka maraming sugar daddy,," si Raine ulit habang marahang naglalagay ng face powder sa mukha nito.

Hindi siya sumagot. Malay niya at pakialam niya sa trabaho ng maldita! She can sell her kidneys for all she cares! Basta, Rachel is a bitch! Period!

Muli niyang naalala ang sinabi n Rachel sa kanya ng mag-dinner silang tatlo ni Rob.

Trouble. Nothing but just trouble.

Ano siya, kanta ni Taylor Swift? O 'di kaya naman kriminal?

She scoffed.

She's adventurous and persistent, and maybe a child at heart at times. But she's not just trouble. Well, not everytime!

Napairap siya sa hangin. Nakunsumi siya nang wala sa oras. Ano ba ang nakita ni Rob sa babaeng iyon? Pa-check up niya kaya mata ni Rob. Mukhang palyado na e.

"Get well soon," untag ni Raine sa kanya na kanina pa pala siya tinititigan.

"H-ha?" Napakurap-kurap siya.

"Girl, jealousy is a disease. Kaya kung ako sa iyo, magpagaling kang maigi," anito, nakapamaywang pa na parang nangangaral.

"Jealous? I'm not jealous! At bakit naman ako magseselos sa babaeng maldita na isinawsaw sa glutathione na 'yon? "

Tumikwas ang nguso nito. "Defensive ka, girl. Masyado kang obvious!"

Kumabog ang dibdib niya. Is she really that obvious?

"O-obvious na ano?" tanong niya kunwari kahit na alam na niya ang tinutumbok nito.

Rumolyo na ang mga mata nito. "Naku, ewan ko sa 'yo! Napaka-showbiz mo na talaga. Ang hilig mo nang mag-deny at mag-tell a lie! Halika na nga! Umuwi na tayo. Baka sakaling 'yong dyosang version ko sa panaginip mo, ma-convince mo pa sa sinasabi mo," anito bago nagpatiunang lumabas ng powder room.

"Sophie!" Tili ng grupong sumasayaw sa dance floor. "Puwedeng groufie tayo?" sabi ng isa.

"Sure!" Nakangiti niyang sagot. Agad siyang pumwesto sa gitna ng grupo at nag-pose.

"Hi, Sophie!" bati pa ng ibang nasa dancefloor.

"Hello!" ganting bati niya sabay ngiti. Humiling din ito ng selfie. Pinagbigyan niya.

Maya-maya pa, dumami na ang taong nasa paligid niya. Lahat ng mga ito ay gusto siyang maka-selfie. Sabay-sabay na nagkislapan ang mga camera sa paligid niya at nasisilaw siya. Pilit din siyang isinisiksik ng mga ito at hindi siya makadaan palabas.

Nang maitulak na siya ng mga ito sa isang gilid ng bar, she knew she's in trouble.

Oh God!

-----

Tanaw ni Rob sa hindi kalayuan ang tila komosyon sa dancefloor. Ngunit hindi niya agad iyon pinansin at itinuloy lang ang paglagok sa bote ng beer.

"Sophie! Sophie! Sophie!" narinig niyang chant ng mga nagkakagulong nasa dancefloor.

"Supermodel Sophie Benitez in the house y'all! " anang DJ bago muling nag-segue ng malakas na tugtog.

Pahangos namang bumalik sa table nila si Sonny na kagagaling lang sa dancefloor at naki-usyoso.. "Grabe mga pare, ang ganda niya talaga! Ang kinis! Medyo nalapitan ko nga, ang bango pare! Tapos--" Siniko ito ni Grey at inginuso siya. Agad naman itong tumigil sa pagsasalita. Alam sa RMM Builders na magkababata sila ni Sophie. Kusang kumuyom ang mga palad niya.

Napatingin naman si Devin sa kanya. "Boss, tulungan mo na. Mukhang kailangan ka e."

Napatayo siya at tinantiya kung nasaan banda si Sophie.

"Dammit!" he hissed when he finally saw where she was. Naiipit na si Sophie sa isang gilid ng bar!

Padabog niyang ibinaba ang bote ng beer sa mesa at tinahak ang dance floor. Sa laki niyang lampas anim na pulgada, madali lamang niyang pinaghahawi ang mga taong nakabalakid sa daraanan niya. Wala siyang pakialam kung maipit ang mga ito. Ang importunate, madaluhan niya agad si Sophie na sa itsura nito ay tila nasu-suffocate na sa pang-iipit ng mga tao.

"R-Rob? W-what are you doing here?" takang-tanong nito sa kanya nang tuluyan siyang makalapit. Mabilis niyang hinawakan ang isang kamay nito at hinila ito palapit sa kanya. Niyakap niya ito bago inalalayan sa paglalakad paalis ng dancefloor.

Pare ang bango! Naalala niyang sabi ni Sonny. At ngayon nga ay langhap na langhap niya ang napakabangong buhok nito na nakalugay. She smelled of d flowers and berries. Delicate yet captivating.

Dammit! Lihim niyang nausal nang maramdaman ang epekto niyon sa katawan niya. And double damn because he's not yet too drunk to lust for Sophie. Shit! She's almost a sister to him!

Akala niya, tapos na nararamdaman niyang ka-weriduhang 'yon? Mukhang hindi pa pala.

Malapit na sila sa exit ng bar nang may humarang na reporter kay Sophie at nagtanong. "Sophie, totoo bang nagkahiwalay kayo ni Phil kaya ka umuwi ng Pilipinas?"

"That's not true at all," kalmanteng sagot nito.

"Are you dating someone at the moment?" muling tanong ng reporter. Hindi umimik si Sophie, humigpit ang kapit sa kanya. Sumunod ang mga tao sa paglabas nila at humarang sa exit ng bar kaya hindi sila makausad palabas.

"Sophie, are you seeing someone?" anang isa pang reporter. Muli ay nanahimik si Sophie. Ibinuro pa ang mukha sa dibdib niya upang iiwas iyon sa nagkikislapang mga camera.

"Yes. She's dating me. Satisfied? Now move or I'll sue all of you!" inis niyang sagot. Gulat na tumingala si Sophie sa kanya. In her eyes were a mix of questions and rage.

Nang lapitan sila ng bouncers at pinigil ang mga tao sa pagsunod sa kanila, mabilis niya itong iginiya palabas ng bar habang nakayakap pa rin dito. Nang tuluyan silang makalabas, agad itong kumalas ng yakap sa kanya bago nagdadabog na tinumbok ang parking lot. Sinundan niya ito.

Gulat na mukha ni Raine ang bumungad sa kanya roon. Mabilis siyang nagpalinga-linga. He's not seeing Sophie's car. Marahil kotse ni Raine ang ginamit ng mga ito sa pagpunta roon.

"What took you so long?" inosenteng tanong ni Raine. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa. Hindi sila makasagot pareho dahil kapwa sila hinihingal mula sa pagkakaipit sa loob ng bar. Nagkatinginan sila ni Sophie.

"It's okay, Raine. Sabay na lang kaming uuwi ni Sophie," aniya maya-maya.

"Yeah, may paguusapan pa kami," segunda naman nito bago siya sinamaan ng tingin. Sandaling nag-atubili si Raine, subalit umalis din maya-maya. Tahimik siyang dumiretso sa pick-up niya. Sumunod ito.

-----

"You shouldn't have said that," ani Sophie habang binabagtas nila ni Rob ang daan pauwi. She tried to sound casual but she can't! Rob just made a scene back there!

"Yeah, you're welcome," sarkastikong sagot nito, ang mga mata nasa daan.

Kumuyom na ang mga palad niya. "Hindi ka na lang sana nagsalita! Alam mo ba kung ano ang impact ng sinabi mo kanina? Hindi lang ako ang bubulabugin ng mga paparazzi at pagchi-chismisan, pati ikaw! At saka si Rachel? Naisip mo ba si Rachel kanina bago ka nagmamagaling na sumagot sa tanong no'ng reporter kanina?"

Nagbuga ito ng marahas na hininga. "I'll talk to her about this. She'll understand. For the mean time, habang nandito ka, let's just pretend--"

"Pretend? Ayoko!" mabilis niyang tutol, inis pang inihagod ang kamay sa buhok.

"The situation asked for it, Sophie! I'd rather give those fuckers something to talk about than let you die with me in suffocation! Kung sana hindi matigas ang ulo mo at nakinig ka kay Tito Cris na kumuha ng bodyguard bago sila umalis, none of this would've happened. Pero nandito na tayo, nangyari na. For the meantime, puwede kang bantayan ng ibang personal detail ko habang nandito ka. Kapag sinabi kong girlfriend kita, mas pagbubutihin nila ang trabaho nila. Ayokong kumuha tayo ng ibang magbabantay sa 'yo. Gusto ko 'yong kilala ko na. Kaya ituloy na lang natin--"

"Sinabi nang ayoko!" singhal niya rito. Maisip pa lang niya na may mga susunod-sunod na namang bodyguards sa kanya gaya noong opisyal pa ang Daddy niya, nabubuwisit na siya! At saka bakit namimilit itong magpanggap sila e ayaw nga niya!

Dumaan sa isip niya ang malditang mukha ni Rachel. Nasapo niya ang ulo. "Si Rachel, how sure are you na maiintindihan niya?" Napabuga siya ng hininga bago muling sumandal sa passenger's seat. "Para sabihin ko sa 'yo, ayaw sa akin ng girlfriend mo Rob. Alam kong ramdam mo rin 'yon. Sa tingin mo ba, maniniwala 'yon agad sa'yo kapag nagpaliwanag ka sa kanya na kailangan nating magpanggap na magkarelasyon?"

Humigpit ang kapit nito sa steering wheel. "Hindi."

"Naman pala e! Bakit ka pa kasi nagmamagaling na sumagot sagot sa reporter kanina--- Ay!" Napatili siya nang biglang mag-preno si Rob. Buti na lang naka-seatbelt siya. Kung hindi, nasubsob na siya sa dashboard.

Bumaling siya rito. Kung may ibang kaaway si Rob ng oras na iyon tiyak niya, uuwi ito na lumpo. Rob looked of rage and fire. Napalunok siya. Kayang-kaya siyang balian ng mga buto ni Rob kung gugustuhin lamang nito at 'yan ay kung hindi siya manlalaban dahil parehas silang black belter ng Taekwondo.

"Hindi mo sinabi sa akin na lalabas ka," anito sa mababa ngunit nagbabantang tinig, ang mga mata nasa unahan ng sasakyan.

Kumibot ang labi niya. "I don't need to tell you everything!"

"Inihabilin ka sa akin ng tatay mo. Responsibilidad kita."

"Malaki na 'ko. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi mo na 'ko kailangang bantayan!"

Bumaling ito sa kanya. "Yong nangyari kanina, ganoon ba ang ideya mo ng kaya-mo-na-ang-sarili-mo?"

Lalo siyang nainis. "Are you impying that I'm stupid?"

He scoffed. "Careless. I'm telling you that you are careless! But stupid would suffice!" anito bago pinukpok ang manibela.

She bit her lower lip to prevent herself from crying. Ganoon pala ang tingin ng iba sa kanya. A stupid troublemaker.

How dare he!

Naningkit na nag mata niya. "You know what, I would slap you but that would be animal abuse so, I won't! You are a conceited, overbearing womanizing bastard! And I hate myself for having a friend like you!" singhal niya. Tinangka niyang buksan ang pinto ng kotse ngunit naka-lock iyon. "Open the damn door!" histerikal niyang sabi.

Hinagip nito ang isang braso niya at pilit siyang pinaharap dito. "And where do you think you're going?"

Marahas niyang ipiniksi ang braso niyang hawak nito. "Kahit saan basta malayo sa 'yo!"

Nagtagis ang mga bagang nito, halatang nagtitimpi. "Hindi! Uuwi ka sa inyo at ihahatid kita!" ganting sigaw nito bago muling pinaandar ang sasakyan.

Wala na siyang nagawa kundi ang umayos ng upo at ibaling ang tingin sa dilim sa labas. She bit her lower lip prevent herself from talking and crying. Totoong nasaktan siya sa sinabi nito. Pero pagod na rin siyang makipatalo pa rito at ipagtanggol ang sarili. Ang gusto na lang niya ngayon, umuwi at matulog.

Nang tuluyan tumapat ang pick-up nito sa bahay nila, nagdadabog at walang lingon-likod siyang bumaba. Gulat na mukha ni Yaya Isa yang sumalubong sa kanya nang pagbuksan siya nito. Nagtanong ito kung saan siya galing pero hindi niya sinagot. Dirediretso lang siyang umakyat ng hagdan.

Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ng kuwarto niya, tumulo agad luha niya. Humahagulgol siyang dumapa sa kama. Masamang-masa ang loob niya.

Bakit ba kasi ipinipilit nito na magpanggap sila na magkarelasyon? Bakit ba kasi hindi siya nito maintidihan? Bakit hindi nito maintindihan na hindi niya kayang magpanggap? Dahil para sa kanya, totoo na ang nararamdaman niya. Nagawa na niya ang bawal. Nagawa na niya ang hindi dapat.

Mahal na niya ito, higit pa sa dapat. At nasasaktan siya, dahil alam niya, kahit maghintay siya habambuhay, hindi siya kayang mahalin ni Rob nang gaya sa pagmamahal niya rito.

Napahikbi siya. Bigla siyang aawa sa sarili.

Maybe she really is stupid. Who in their right mind would fall in love with their bestfriend?

Tumunog ang cellphone niya. Humihikbi niya iyong kinuha mula sa handbag niya. Naka-flash sa LCD niyon ang pangalan ni Rob. Tinitigan lang niya iyon hanggang sa tumigil ang pag-ring niyon. Maya-maya pa, nag-text si Rob.

Answer your phone. Please.

Pagod siyang nagbuga ng hininga bago in-off ang cellphone niya.

She just tiredly laid down on her bed and cried herself to sleep.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marilyn Aramay
pareho lang kau ng nararamdaman magaling lang kaung magtago ng mga feelings nyo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status