"Okay ka lang?" tanong ni Raine kay Sophie. Hindi siya sumagot. Bagkus ay lalo niyang ibinuro ang bigat niya sa passenger's seat ng sasakyan ni Raine at pinagbutihan ang pagtanaw ng mga kaganapan sa loob ng isang mamahaling restaurant. Sa mga oras na iyon, tiyak na naganap na ang proposal ni Rob sa malditang girlfriend nito.
Ang pangakong walang makakaalam ng lihim na damdamin niya para kay Rob ay hindi na niya matutupad pa. Sinabi na niyang lahat kay Raine ang katotohanan. Hindi ito nagsalita o nagalit man lang dahil sa kagagahan niya. Bagkus ay buong puso itong nakinig at pinatatag ang loob niya. Tinulungan pa nga siya nitong magtawag ng mga suppliers para sa proposal ni Rob. But of course, that did not happen nang hindi siya nito napapangaralan at natatalakan ng isang oras. Pero hinayaan na lang niya. She had always known that Raine is a dependable friend. Ngayon nga pinagbigyan siya
Humigpit ang pagkakahawak ni Rob sa steering-wheel bago minaniobra ang sasakyan niya patungo sa parking lot ng isang sikat na French Restaurant.Bumangon na naman ang pamilyar na inis sa dibdib niya na mula pa kaninang umaga ay ayaw na siyang lubayan.He's still pissed.Hindi niya pa rin kasi maintindihan kung ano'ng pumasok sa isip ni Sophie at gusto nitong magsolo! Para lang itong batang nag-crave ng cotton candy sa gitna ng gabi at gustong bumili nang ora-orada! At ang malala, ni hindi niya ito napigilan. Hindi na nga 'ata ito nakikinig sa kanya e. Well that's a given, magsingtigas sila ng ulo e.Pero kung tutuusin, may sarili itong buhay na iba sa kanya, kahit pa sabihing magkababata sila. Sooner or later, mai-in love din it
"Nagmamaganda ka na naman!" nakaingos na sabi ni Raine kay Sophie. Kasalukuyan siyang nakaharap sa vanity at nagmo-moisturizer. Doon kasi siya matutulog sa condo ni Raine ngayon because she offered her unit for Phil to stay for a week."Bakit pa kasi kailangang dito ka pa matulog, puwede namang tabi kayo ni Fafa Phil sa kama.Tutal kayo naman na, 'di ba?"She scoffed. "Saan mo naman nahagilap 'yang tsismis na 'yan Francine?" tanong niya, habang patuloy na paglalagay ng mositurizer.Tumikwas ang nguso nito. "Updated ako, 'no? Kalat na kalat sa social media ang pagde-date ninyo kanina. O, tignan mo," anito, ipinakita pa ang cellphone nito sa kanya.Magkayakap sila ni Phil sa picture, kuha iyon kanina nang nasa restaurant sila kung saan sila nag-dinner ng kaibigan.
Awtomatikong nagbuhol ang mga kilay ni Rob nang may marinig na nagtatawanan sa game room gayong kadarating lang niya mula sa opisina. Hindi rin niya alam kung bakit naroon ang dalawang bodyguards ni Phil sa portico at kausap ang mga sundalong naka-detailsa Papa niya.Malimit na tahimik ang bahay nila, maliban na lamang kung naroon si Sophie na nangungulit sa kanyaMabilis niyang kinalas ang necktie niya nang maalala ang kababata. Tatlong araw na siyang walang balita rito. Ayaw siya nitong kausapin kahit na anong pilit niya. He had tried calling her pero laging unattended ang phone nito. Mukhang nagpalit ito ng numero.Kaya naman hindi na rin niya ipinilit pang bumalik sa condo nito. Nagpasya itong mabuhay ng solo, e 'di bahala na ito sa buhay n
"Kumusta ang dinner?" usisa agad ni Raine kay Sophie nang makauwi siya sa unit nito."It went fine," walang gana niyang sagot bago ibinagsak ang sarili sa sofa. Ramdam na niya ngayon ang panghinina ng tuhod niya. She's exhausted, tired and weary.Is she really fine?"E bakit sambakol 'yang mukha mo if the dinner went fine?" lukot ang mukhang tanong ni Raine, nakapamaywang sa harap niya."Kasi pagod ako.""Sa'n ka napagod? Kumain lang naman kayo." Humalukipkip na ito, talagang balak siyang intrigahin. "Magsabi ka nga ng totoo Sophia, hindi mo kinayang makita si Rob, 'no?""Ano ka? Nakipagkuwentuhan pa ko." Napatayo na siya at tinungo
"What do you need, Rob?" kaswal niyang tanong."That's it? Not even a hi?" anito, tunog may tampo.Pinigil niya ang sariling mag-taray."I'm working, Rob and you're interfering."Napakamot ito sa batok nito. "Right, sorry." Bumulong-bulong ito bago muling tumitig sa kanya. "You made my mother upset.""W-what?""She won't eat. She won't tend to her flowers. And she won't even come out of their room. She's been like that since after you and Phil came for dinner."Napasinghap siya, natutop ang bibig. Bumangon ang matinding kaba sa kanyang dibdib para sa taong itinuturing na niyang pangalawang ina.
Hapon, Racing Circuit, CaviteMabilis na pinihit ni Sophie ang hand grip. Agad na nagrebolusyon ang makina ng motorsiklo. Her mouth stretched into a satisfied smile. The sound of the engine gave a sudden shot of adrenalineHalos dalawang taon na ang nakakalipas nang huli niyang sakyan ang kanyang Ducati MotoGP. Doon niya ginastos ang mga unang talent fee niya sa pagmomodelo. Second hand na iyon nang mabili niya ngunit pinakaiingat-ngatan niya iyon. Inilihim pa nga niya pagbili niya noon. Ayaw kasi ng Daddy niya at ni Rob na nakikipag-karera siya. She had always been in love with cars and motorcycles. When she was a teen, she used to participate in drag racings, sa impluwensiya na rin ni Rob. Ito rin ang nagturo sa kanya kung paano mag-drive ng kotse at motorsiklo. Pero inaway siya nito nang bilhin niya ang Duca
Latag na ang dilim nang marating nina Sophie at Rob ang bahay-bakasyunan ng mga Mendoza sa bayan ng Talisay, Batangas. Nakapunta na siya roon noong bata pa siya. Isinama siya ni Tita Mae minsan sa pagbisita. Sa pagkakaalam niya, ancestral house iyon ng pamilya ni Tita Mae na eventually ay ipinamana rito ng mga namayapang magulang nito.The house sits in the middle of a vast agricultural property surrounded by coconut trees and rice fields. Alanganing sinulyapan ni Sophie ang mataas na bakod na gawa sa bakal at bato. It did not change a bit. It was still the weather-beaten yet sturdy gate she recalls from her memory.Sandaling bumaba ng motorsiklo si Rob upang buksan ang lumang gate gamit ang spare key na nakatago sa isa sa mga ornate gate lamp. Maya-maya pa, umusad na sila papasok sa isang sementadong driveway. Bumungad sa kanila ang ma
"Hey where are you?" nag-aalala ang tinig nito."I- I'm with Rob," halos pabulong lang ang pagkakasabi niya ng pangalan nito."Really? When are you coming back? We're leaving early in the morning tomorrow."Napabuntong-hininga siya. Alam niya, nangako siya kay Phil na sasamahan ito sa Balesin para makipag-meet sa mga co-investors nito about an island he bought at kailangang i-develop. Pero dahil natalo siya sa karera kanina, malabo na niyang matupad ang pangako rito. "About that, I don't think I can't make it. S-something came up... and... I'm so sorry, Phil."Hindi agad sumagot si Phil. "Alright, don't feel bad about it. Just enjoy your time with the perfect guy," anito, nanunudyo.