"Nagmamaganda ka na naman!" nakaingos na sabi ni Raine kay Sophie. Kasalukuyan siyang nakaharap sa vanity at nagmo-moisturizer. Doon kasi siya matutulog sa condo ni Raine ngayon because she offered her unit for Phil to stay for a week."Bakit pa kasi kailangang dito ka pa matulog, puwede namang tabi kayo ni Fafa Phil sa kama.Tutal kayo naman na, 'di ba?"
She scoffed. "Saan mo naman nahagilap 'yang tsismis na 'yan Francine?" tanong niya, habang patuloy na paglalagay ng mositurizer.
Tumikwas ang nguso nito. "Updated ako, 'no? Kalat na kalat sa social media ang pagde-date ninyo kanina. O, tignan mo," anito, ipinakita pa ang cellphone nito sa kanya.
Magkayakap sila ni Phil sa picture, kuha iyon kanina nang nasa restaurant sila kung saan sila nag-dinner ng kaibigan.
Awtomatikong nagbuhol ang mga kilay ni Rob nang may marinig na nagtatawanan sa game room gayong kadarating lang niya mula sa opisina. Hindi rin niya alam kung bakit naroon ang dalawang bodyguards ni Phil sa portico at kausap ang mga sundalong naka-detailsa Papa niya.Malimit na tahimik ang bahay nila, maliban na lamang kung naroon si Sophie na nangungulit sa kanyaMabilis niyang kinalas ang necktie niya nang maalala ang kababata. Tatlong araw na siyang walang balita rito. Ayaw siya nitong kausapin kahit na anong pilit niya. He had tried calling her pero laging unattended ang phone nito. Mukhang nagpalit ito ng numero.Kaya naman hindi na rin niya ipinilit pang bumalik sa condo nito. Nagpasya itong mabuhay ng solo, e 'di bahala na ito sa buhay n
"Kumusta ang dinner?" usisa agad ni Raine kay Sophie nang makauwi siya sa unit nito."It went fine," walang gana niyang sagot bago ibinagsak ang sarili sa sofa. Ramdam na niya ngayon ang panghinina ng tuhod niya. She's exhausted, tired and weary.Is she really fine?"E bakit sambakol 'yang mukha mo if the dinner went fine?" lukot ang mukhang tanong ni Raine, nakapamaywang sa harap niya."Kasi pagod ako.""Sa'n ka napagod? Kumain lang naman kayo." Humalukipkip na ito, talagang balak siyang intrigahin. "Magsabi ka nga ng totoo Sophia, hindi mo kinayang makita si Rob, 'no?""Ano ka? Nakipagkuwentuhan pa ko." Napatayo na siya at tinungo
"What do you need, Rob?" kaswal niyang tanong."That's it? Not even a hi?" anito, tunog may tampo.Pinigil niya ang sariling mag-taray."I'm working, Rob and you're interfering."Napakamot ito sa batok nito. "Right, sorry." Bumulong-bulong ito bago muling tumitig sa kanya. "You made my mother upset.""W-what?""She won't eat. She won't tend to her flowers. And she won't even come out of their room. She's been like that since after you and Phil came for dinner."Napasinghap siya, natutop ang bibig. Bumangon ang matinding kaba sa kanyang dibdib para sa taong itinuturing na niyang pangalawang ina.
Hapon, Racing Circuit, CaviteMabilis na pinihit ni Sophie ang hand grip. Agad na nagrebolusyon ang makina ng motorsiklo. Her mouth stretched into a satisfied smile. The sound of the engine gave a sudden shot of adrenalineHalos dalawang taon na ang nakakalipas nang huli niyang sakyan ang kanyang Ducati MotoGP. Doon niya ginastos ang mga unang talent fee niya sa pagmomodelo. Second hand na iyon nang mabili niya ngunit pinakaiingat-ngatan niya iyon. Inilihim pa nga niya pagbili niya noon. Ayaw kasi ng Daddy niya at ni Rob na nakikipag-karera siya. She had always been in love with cars and motorcycles. When she was a teen, she used to participate in drag racings, sa impluwensiya na rin ni Rob. Ito rin ang nagturo sa kanya kung paano mag-drive ng kotse at motorsiklo. Pero inaway siya nito nang bilhin niya ang Duca
Latag na ang dilim nang marating nina Sophie at Rob ang bahay-bakasyunan ng mga Mendoza sa bayan ng Talisay, Batangas. Nakapunta na siya roon noong bata pa siya. Isinama siya ni Tita Mae minsan sa pagbisita. Sa pagkakaalam niya, ancestral house iyon ng pamilya ni Tita Mae na eventually ay ipinamana rito ng mga namayapang magulang nito.The house sits in the middle of a vast agricultural property surrounded by coconut trees and rice fields. Alanganing sinulyapan ni Sophie ang mataas na bakod na gawa sa bakal at bato. It did not change a bit. It was still the weather-beaten yet sturdy gate she recalls from her memory.Sandaling bumaba ng motorsiklo si Rob upang buksan ang lumang gate gamit ang spare key na nakatago sa isa sa mga ornate gate lamp. Maya-maya pa, umusad na sila papasok sa isang sementadong driveway. Bumungad sa kanila ang ma
"Hey where are you?" nag-aalala ang tinig nito."I- I'm with Rob," halos pabulong lang ang pagkakasabi niya ng pangalan nito."Really? When are you coming back? We're leaving early in the morning tomorrow."Napabuntong-hininga siya. Alam niya, nangako siya kay Phil na sasamahan ito sa Balesin para makipag-meet sa mga co-investors nito about an island he bought at kailangang i-develop. Pero dahil natalo siya sa karera kanina, malabo na niyang matupad ang pangako rito. "About that, I don't think I can't make it. S-something came up... and... I'm so sorry, Phil."Hindi agad sumagot si Phil. "Alright, don't feel bad about it. Just enjoy your time with the perfect guy," anito, nanunudyo.
"Hello, Sophie!" excited na bati ni Tita Mae kay Sophie bago siya bineso-beso at niyakap nang mahigpit. Nasa likuran nito si Tito Ben at ang dalawang enlisted men na naka-detail dito bilang security. Malapit nang magtanghali at kadarating lang ng mag-asawa sa resthouse."Hindi ako makapaniwala kagabi nang sabihin ni Rob na hindi ka na matutuloy sa Balesin at kami ang sasamahan mo," ani Tita Mae nang bitiwan siya nito.Alanganin siyang ngumiti bago tinapunan ng tingin si Rob na noon ay ilang hakbang ang layo sa kanila at tahimik silang pinagmamasdan. Nagtama ang mga mata nila. Siya na ang unang umiwas. Pigilan man niya, agad siyang pinamulahan ng pisngi. The kiss they've shared last night kept on playing on her head.Kagabi, matapos ang hindi nila sinasadyang paghahalikan sa library, hi
Nakasandal sa hamba ng pintuan si Rob habang hinihintay niya ang paglabas ni Sophie sa kuwarto nito. Kadarating lang niya mula sa bayan. Binilhan niya ito ng lahat ng klase pantalon, jogging pants at t-shirt."Matagal ka pa ba?" inip niyang tanong maya-maya."Nagmamadali? May lakad? Puwede bang sandali lang? Isa pa, maluwag lahat itong binili mo!" pasigaw na reklamo nito."Mabuti na 'yan kaysa naman..." Hindi niya naituloy ang gustong sabihin nang maaalala ang itsura ng mga tauhan sa farm nang makita nila si Sophie kanina.Napailing siya. Ang lakas din kasing mang-trip ni Yaya Isay. Hindi naman honeymoon ang pupuntahan ng alaga nito pero bakit puro nighties ang iniempake nitong gamit ni Sophie.