Hapon, Racing Circuit, Cavite
Mabilis na pinihit ni Sophie ang hand grip. Agad na nagrebolusyon ang makina ng motorsiklo. Her mouth stretched into a satisfied smile. The sound of the engine gave a sudden shot of adrenaline
Halos dalawang taon na ang nakakalipas nang huli niyang sakyan ang kanyang Ducati MotoGP. Doon niya ginastos ang mga unang talent fee niya sa pagmomodelo. Second hand na iyon nang mabili niya ngunit pinakaiingat-ngatan niya iyon. Inilihim pa nga niya pagbili niya noon. Ayaw kasi ng Daddy niya at ni Rob na nakikipag-karera siya. She had always been in love with cars and motorcycles. When she was a teen, she used to participate in drag racings, sa impluwensiya na rin ni Rob. Ito rin ang nagturo sa kanya kung paano mag-drive ng kotse at motorsiklo. Pero inaway siya nito nang bilhin niya ang Duca
Latag na ang dilim nang marating nina Sophie at Rob ang bahay-bakasyunan ng mga Mendoza sa bayan ng Talisay, Batangas. Nakapunta na siya roon noong bata pa siya. Isinama siya ni Tita Mae minsan sa pagbisita. Sa pagkakaalam niya, ancestral house iyon ng pamilya ni Tita Mae na eventually ay ipinamana rito ng mga namayapang magulang nito.The house sits in the middle of a vast agricultural property surrounded by coconut trees and rice fields. Alanganing sinulyapan ni Sophie ang mataas na bakod na gawa sa bakal at bato. It did not change a bit. It was still the weather-beaten yet sturdy gate she recalls from her memory.Sandaling bumaba ng motorsiklo si Rob upang buksan ang lumang gate gamit ang spare key na nakatago sa isa sa mga ornate gate lamp. Maya-maya pa, umusad na sila papasok sa isang sementadong driveway. Bumungad sa kanila ang ma
"Hey where are you?" nag-aalala ang tinig nito."I- I'm with Rob," halos pabulong lang ang pagkakasabi niya ng pangalan nito."Really? When are you coming back? We're leaving early in the morning tomorrow."Napabuntong-hininga siya. Alam niya, nangako siya kay Phil na sasamahan ito sa Balesin para makipag-meet sa mga co-investors nito about an island he bought at kailangang i-develop. Pero dahil natalo siya sa karera kanina, malabo na niyang matupad ang pangako rito. "About that, I don't think I can't make it. S-something came up... and... I'm so sorry, Phil."Hindi agad sumagot si Phil. "Alright, don't feel bad about it. Just enjoy your time with the perfect guy," anito, nanunudyo.
"Hello, Sophie!" excited na bati ni Tita Mae kay Sophie bago siya bineso-beso at niyakap nang mahigpit. Nasa likuran nito si Tito Ben at ang dalawang enlisted men na naka-detail dito bilang security. Malapit nang magtanghali at kadarating lang ng mag-asawa sa resthouse."Hindi ako makapaniwala kagabi nang sabihin ni Rob na hindi ka na matutuloy sa Balesin at kami ang sasamahan mo," ani Tita Mae nang bitiwan siya nito.Alanganin siyang ngumiti bago tinapunan ng tingin si Rob na noon ay ilang hakbang ang layo sa kanila at tahimik silang pinagmamasdan. Nagtama ang mga mata nila. Siya na ang unang umiwas. Pigilan man niya, agad siyang pinamulahan ng pisngi. The kiss they've shared last night kept on playing on her head.Kagabi, matapos ang hindi nila sinasadyang paghahalikan sa library, hi
Nakasandal sa hamba ng pintuan si Rob habang hinihintay niya ang paglabas ni Sophie sa kuwarto nito. Kadarating lang niya mula sa bayan. Binilhan niya ito ng lahat ng klase pantalon, jogging pants at t-shirt."Matagal ka pa ba?" inip niyang tanong maya-maya."Nagmamadali? May lakad? Puwede bang sandali lang? Isa pa, maluwag lahat itong binili mo!" pasigaw na reklamo nito."Mabuti na 'yan kaysa naman..." Hindi niya naituloy ang gustong sabihin nang maaalala ang itsura ng mga tauhan sa farm nang makita nila si Sophie kanina.Napailing siya. Ang lakas din kasing mang-trip ni Yaya Isay. Hindi naman honeymoon ang pupuntahan ng alaga nito pero bakit puro nighties ang iniempake nitong gamit ni Sophie.
Nang humapon, inaya si Sophie ni Tita Mae na mamasyal. She hesitantly agreed because she didn’t want to see Rob. Pero alam naman niya na mas lalo siyang malulunod sa kung anu-anong hindi kaaya-ayang emosyon at pag-iisip kung magmumukmok siya sa tinutuluyan niyang kuwarto. Hindi na siya nagpalit ng damit, she just wore her trusty sneakers and went on their way. Gamit ang 4x4 na sasakyan, ipinasyal siya ng mga Mendoza sa kapihan ng mga ito.Ang kakahuyan palang natatanaw niya mula sa likod ng resthouse ay kapihan. Nasa pre-testing stage pa lamang ito, bilang paghahanda na rin daw sa pagreretiro ni Tito Ben.Pagdating doon, sinalubong sila ni Mg Cenon, ang katiwala sa coffee farm. He’s a man in his late fifties and has a welcoming countenance. Pala-kuwento rin ang matanda kaya nawili siyang kausapin ito. Marami itong kuwento tu
"Rob, bakit nakasulat ang pangalan mo rito?" aniya, halos pabulong."Saan?" anito, lumapit sa kinaroroonan niya."Ito, o," Tinuro niya ang nakaukit na pangalan bago siya bumaling dito.Napakunot-noo si Rob. " Baka kapangalan ko ‘yong dating may-ari nitong lupa.""Yung great-great grandfather mo? ‘Yong kinukuwento ni Mg Cenon?”Nagkibit-balikat ito. “Siguro.”She scoffed and grinned. “’Yan kasing pangalan mo pang-nakalipas na century na."Tumuwid ito ng tayo, pinabukol ang dila sa loob ng pisngi. "Pero gano’n pa rin naman, women love t
"Surprise!" malawak ang ngiti na bati ni Rachel sa kanila nang makabalik sila sa resthouse. Agad nitong sinalubong ng halik si Rob. Uncaring if there are people watching.Umasim agad ang mukha ni Sophie. She’s wondering if someone had put a jinx on her for the last two days that she’s been bothered by series of unfortunate events.Matapos halikan ng maldita si Rob, bineso nito sina Tito Ben at Tita Mae. The Mendoza couple responded politely kahit na palihim na nagsusulyapan ang mga ito at halatang gulat din sa pagdating ng kanilang bisita. Nang bumaling ang maldita sa kanya, nakaplaster na ang pekeng ngiti sa mukha nito subalit matalim ang mga mata. Hindi ito lumapit sa kanya, bumati lang.“And hello to you too, Sophie. I didn’t know you’d be here,”
Bahagya pa siyang tinablan ng takot nang makitang madilim na ang daang tinahak niya patungo roon. But she had no choice, iyon lang ang alam niyang daan pabalik.Akma na sana siyang sasakay sa Ducati niya nang may marinig siyang paparating na sasakyan. Awtomatikong bumangon ang kaba sa dibdib niya. She readied to defend herself.Nang makita niya ang pamilyar na 4x4 na sasakyan ng mga Mendoza, she relaxed a bit. Agad niyang namukhaan ang driver. It was Rob. Ngunit sandali lang siyang napanatag dahil hindi niya alam how the hell did he find her yet again?Itinigil ni Rob ang sasakyan sa tabi ng Ducati niya bago ito lumundag papababa ng 4x4. Mula sa ilaw na nangmumula sa buwan, naaninag niya ang madilim na mukha ni Rob.Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kanya."P