Hindi mapakali si Sophie habang naka-upo sa shotgun seat ng pick-up ni Rob. It's been almost a week since they've last seen each other. Ni wala nga ito noong na-discharge siya sa ospital e. Gusto niyang magtampo, kaya lang ideya naman niya 'yon. Ideya niya na layuan nila ang isa't-isa kahit na mahirap para sa kanya.
Aside from the fact that Rob is torn between her and Rachel, she thought that if she won't see Rob, she could teach herself to forget about what she felt for him. Also, distancing from him would shield herself from more heartaches. Well, that's what she thought. Mahirap pala. She'd missed him everyday and resisting not to text him was a struggle.
Rob is a habit she can't shake off. And she's not sure if she'll ever do so in the future.
Akala nga niya hindi na ito magpaparamdam sa kanya kaso heto sila ngayon patungo sa kung saan kahit na hindi pa pumuputok ang araw. Hindi niya alam kung paano siya nito nakumbinsi na lumabas nang gano'n kaaga. But then again her heart surrenders easily to Rob. One look from him, and she's goner.
Kaya heto siya ngayon, tahimik subalit hindi mapakali habang hinihintay kung saan talaga ang destinasyon nilang dalawa.
Ilang sandali pa, huminto sila sa gitna ng isang bakanteng lote na nasa mataas na bahagi ng undeveloped area sa Rizal. Mula roon ay tanaw ang noo'y nagkikisalapan pang ilaw mula sa Maynila. Napangiti siya bago bumaba ng sasakyan. The view was simply breathtaking.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang may makita siyang malaking signage sa isang bahagi ng lote.
Private Property. No Trespassing.
"Rob," tawag niya rito bago inginuso ang signage.
"I'm sure the owner won't mind. Sandali lang naman tayo e," anito bago siya iginiya paupo sa hood ng pick-up nito.
Inilibot niya ang tingin. Mangilan-ngilan pa lang ang bahay sa lugar. But all were very grandiose in design. Halatang may sinasabi ang mga may-ari. The place maybe a part of an upscale subdivision, she thought.
Muli niyang tinapunan ng tingin si Rob. He was looking up and staring at the still dark sky, unknowing of how he was causing the still yet intense havoc in her system.
Napangiti siya, mapait. And no matter how hard she denies, she missed him. Will always miss him, even for the days ahead that they would spend more and more apart from each other.
Naalala niya ang pangako niya rito na kapag na-in love siya ay ito ang unang makakaalam. How could she tell him that she has been in-love with him for years?
Now that's a secret worth-keeping, she thought and smiled drily.
Bumaling ito sa kanya. "Bakit? May dumi ba sa mukha ko?," untag nito sa kanya.
Agad siyang umiwas ng tingin. Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil nabuko siyang nakatitig dito.
"H-ha? A... ano... ano, naisip ko lang kung anong gagawin n-natin dito?" alanganin niyang sagot.
"You'll see," anito bago muling tumanaw sa malayo. Maya-maya pa, hinawakan nito ang kamay niya bago, "Here it goes. Look!"
Itinuro nito sa kanya ang bahagi kung saan papasikat ang araw. She held her breath and sat there amazed as the beauty of nature unfolds right before her eyes. Kusa siyang napapikit nang maramdaman ang pagdampi ng pang-umagang araw sa kanyang mukha. Muli, binabati siya ng isang magandang umaga.
Rob gently squeezed her hand. She turned her eyes on him.
"I've never seen such a beautiful sunrise," bulong niya, nakangiti.
Alanganin itong ngumiti, tumungo bago pinakawalan ang kamay niya. After that, he looked confused and uneasy.
"Rob, are you okay?" hindi na niya natiis na tanong.
Marahan itong umiling. "Recently, I've been thinking about my life. And how I take time, love and my relationships for granted." umpisa nito. "And everytime I think of all the relationships I had that didn't work, I'm convinced that I'm a real jerk and an asshole."
Napangiti ito. Bahagya naman siyang natawa.
"I don't know why my relationships just won't work. But then again, most women I've been with, came to me for play. I pursued none of them and so when they'd dump me, I'm fine with it. I'll just go looking for another woman who'd be willing to play with me and do the same mistakes I did over and over again. Which does not make sense at all. Because I have such a high respect for my mother." Bumaling ito sa kanya. "Lalo na sa 'yo."
She smiled. "What's this Rob? A playboy's remorse?"
He chuckled. "You can say that. But there's more to it than just that. I guess, I'm at the turning point of my life,Sophie.
Nagsalubong ang kilay niya. "Turning point?"
Tumango ito. Isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng faded jeans nito at naglabas ng itim na kahita. Binuksan nito iyon sa harap niya. Laman ng box ang isang princess-cut sapphire platinum ring na ang band ay napapalibutan ng maliliit na diamonds.
Pinigil niya ang mapasinghap bago ibinalik ang tingin dito.
"You would always tell me that I should settle down with someone I am in love with and the woman that would love me no matter what, and you're right. For the past days I've been thinking and asking myself. Even assessing my feelings. And now I'm sure." Kinuha nito mula sa kahita ang singsing. "Maganda ba?" tanong nito sa kanya.
Naguguluhan siyang tumango. Nang ngumiti ito, lalong kumabog ang dibdib niya. Does this mean, Rob realized something that involves... her? Ayaw niyang mag-assume pero papunta na talaga do'n ang isip niya at kahit anong gawin niya, hindi niya mapigilan.
His eyes twinkled with satisfaction and excitement. "Sa tingin mo magugustuhan 'to ni Rachel?"
Rachel? Natigilan siya, napakurap-kurap.
"I have decided to propose to Rachel," anito na hindi nawawala ang kislap sa mga mata.
Namanhid ang buong katawan niya. She felt like there's a knife twisting inside her chest that she found it hard to breath.
Seryoso ba ito?
"And I need your help," deklara nito.
"H-ha?"
Ngumiti ito. "I need you to help me. Ito ang unang pagkakataon na gagawin ko 'to kaya kailangan ko ng tulong mo." Mabilis nitong isinuklay ang kamay sa buhok nito. "Heck, I might even need you to rehearse!" excited na dugtong nito bago muling ibinaling sa singsing ang atensiyon nito.
Rehearse?
Mabilis na nagecho ang salitang 'yon sa utak niya. She bit he lip. Pilit niyang nilunok ang bikig sa kanyang lalamunan bago umiwas ng tingin. Masigla na sa pagbuhos ng ilaw ang araw. Masuyo na rin ang pagdampi ng pang-umagang hangin sa kanyang balat. Maayos ang umaga kung tutuusin. Kaya lang, bakit gano'n, pakiramdam niya ito na ang isa pinakamalungkot na araw ng buhay niya.
Of all people, sa akin ka pa talaga magre-rehearse? ngitngit ng puso niya. Napatingala siya nang wala sa oras.
Is this a punishment for falling in love with my bestfriend? Wala sa loob niyang tanong sa langit. She had been relatively good. She doesn't deserve this kind of pain.
"Sophie?" untag ni Rob sa kanya maya-maya.
Pilit niyang hinamig ang sarili. Tumikhim siya bago muling bumaling sa kaibigan. "B-bakit, nakapag-propose na ba ako sa babae dati at ako ang napili mong maging mentor?" aniya sa kaswal na tinig. Bumaba na siya sa hood ng sasakyan nito. Baka kasi kapag hindi niya ginawa 'yon, matadyakan niya ito baka sakaling mapaisip ito at magbago ng desisyon.
Sumunod ito. "C'mon, Sophie. You'd always ask me to stop playing and just settle down. At ngayon sigurado na 'ko, mahal ko si Rachel kaya pakakasalan ko siya. Kapag engaged na kami, I'm sure, hindi na rin 'yon gaanong magseselos sa 'yo. Then we can go back to being friends," seryosong sabi nito na ginagap pa ang kanyang mga kamay.
Friends. Oh how that word hurts!
Nanginig na ang labi niya. Nangilid na rin ang luha sa mga mata niya. Maiiyak na 'ata siyang talaga.
"So, ano? Tutulungan mo ba ako o hindi?" dugtong pa nito, nakangiti.
Funny how his happiness could shatter her like this. She swallowed the painful lump in her throat. And tried her damnest not to cry.
"O-okay. I'll h-help you." She faked a smile. "P-para namang kasing may choice ako," dugtong pa niya.
Lalong napangiti si Rob at agad napayakap sa kanya.
"I love you," usal nito.
"Y-you do?" Kumawala siya sa yakap nito at pinakatitigan itong mabuti.
"Of course! You're my best friend!" masayang sagot nito.
Muli itong yumakap sa kanya. Iyon na ang simula ng pagluluksa ng puso niya.
"Okay ka lang?" tanong ni Raine kay Sophie. Hindi siya sumagot. Bagkus ay lalo niyang ibinuro ang bigat niya sa passenger's seat ng sasakyan ni Raine at pinagbutihan ang pagtanaw ng mga kaganapan sa loob ng isang mamahaling restaurant. Sa mga oras na iyon, tiyak na naganap na ang proposal ni Rob sa malditang girlfriend nito.Ang pangakong walang makakaalam ng lihim na damdamin niya para kay Rob ay hindi na niya matutupad pa. Sinabi na niyang lahat kay Raine ang katotohanan. Hindi ito nagsalita o nagalit man lang dahil sa kagagahan niya. Bagkus ay buong puso itong nakinig at pinatatag ang loob niya. Tinulungan pa nga siya nitong magtawag ng mga suppliers para sa proposal ni Rob. But of course, that did not happen nang hindi siya nito napapangaralan at natatalakan ng isang oras. Pero hinayaan na lang niya. She had always known that Raine is a dependable friend. Ngayon nga pinagbigyan siya
Humigpit ang pagkakahawak ni Rob sa steering-wheel bago minaniobra ang sasakyan niya patungo sa parking lot ng isang sikat na French Restaurant.Bumangon na naman ang pamilyar na inis sa dibdib niya na mula pa kaninang umaga ay ayaw na siyang lubayan.He's still pissed.Hindi niya pa rin kasi maintindihan kung ano'ng pumasok sa isip ni Sophie at gusto nitong magsolo! Para lang itong batang nag-crave ng cotton candy sa gitna ng gabi at gustong bumili nang ora-orada! At ang malala, ni hindi niya ito napigilan. Hindi na nga 'ata ito nakikinig sa kanya e. Well that's a given, magsingtigas sila ng ulo e.Pero kung tutuusin, may sarili itong buhay na iba sa kanya, kahit pa sabihing magkababata sila. Sooner or later, mai-in love din it
"Nagmamaganda ka na naman!" nakaingos na sabi ni Raine kay Sophie. Kasalukuyan siyang nakaharap sa vanity at nagmo-moisturizer. Doon kasi siya matutulog sa condo ni Raine ngayon because she offered her unit for Phil to stay for a week."Bakit pa kasi kailangang dito ka pa matulog, puwede namang tabi kayo ni Fafa Phil sa kama.Tutal kayo naman na, 'di ba?"She scoffed. "Saan mo naman nahagilap 'yang tsismis na 'yan Francine?" tanong niya, habang patuloy na paglalagay ng mositurizer.Tumikwas ang nguso nito. "Updated ako, 'no? Kalat na kalat sa social media ang pagde-date ninyo kanina. O, tignan mo," anito, ipinakita pa ang cellphone nito sa kanya.Magkayakap sila ni Phil sa picture, kuha iyon kanina nang nasa restaurant sila kung saan sila nag-dinner ng kaibigan.
Awtomatikong nagbuhol ang mga kilay ni Rob nang may marinig na nagtatawanan sa game room gayong kadarating lang niya mula sa opisina. Hindi rin niya alam kung bakit naroon ang dalawang bodyguards ni Phil sa portico at kausap ang mga sundalong naka-detailsa Papa niya.Malimit na tahimik ang bahay nila, maliban na lamang kung naroon si Sophie na nangungulit sa kanyaMabilis niyang kinalas ang necktie niya nang maalala ang kababata. Tatlong araw na siyang walang balita rito. Ayaw siya nitong kausapin kahit na anong pilit niya. He had tried calling her pero laging unattended ang phone nito. Mukhang nagpalit ito ng numero.Kaya naman hindi na rin niya ipinilit pang bumalik sa condo nito. Nagpasya itong mabuhay ng solo, e 'di bahala na ito sa buhay n
"Kumusta ang dinner?" usisa agad ni Raine kay Sophie nang makauwi siya sa unit nito."It went fine," walang gana niyang sagot bago ibinagsak ang sarili sa sofa. Ramdam na niya ngayon ang panghinina ng tuhod niya. She's exhausted, tired and weary.Is she really fine?"E bakit sambakol 'yang mukha mo if the dinner went fine?" lukot ang mukhang tanong ni Raine, nakapamaywang sa harap niya."Kasi pagod ako.""Sa'n ka napagod? Kumain lang naman kayo." Humalukipkip na ito, talagang balak siyang intrigahin. "Magsabi ka nga ng totoo Sophia, hindi mo kinayang makita si Rob, 'no?""Ano ka? Nakipagkuwentuhan pa ko." Napatayo na siya at tinungo
"What do you need, Rob?" kaswal niyang tanong."That's it? Not even a hi?" anito, tunog may tampo.Pinigil niya ang sariling mag-taray."I'm working, Rob and you're interfering."Napakamot ito sa batok nito. "Right, sorry." Bumulong-bulong ito bago muling tumitig sa kanya. "You made my mother upset.""W-what?""She won't eat. She won't tend to her flowers. And she won't even come out of their room. She's been like that since after you and Phil came for dinner."Napasinghap siya, natutop ang bibig. Bumangon ang matinding kaba sa kanyang dibdib para sa taong itinuturing na niyang pangalawang ina.
Hapon, Racing Circuit, CaviteMabilis na pinihit ni Sophie ang hand grip. Agad na nagrebolusyon ang makina ng motorsiklo. Her mouth stretched into a satisfied smile. The sound of the engine gave a sudden shot of adrenalineHalos dalawang taon na ang nakakalipas nang huli niyang sakyan ang kanyang Ducati MotoGP. Doon niya ginastos ang mga unang talent fee niya sa pagmomodelo. Second hand na iyon nang mabili niya ngunit pinakaiingat-ngatan niya iyon. Inilihim pa nga niya pagbili niya noon. Ayaw kasi ng Daddy niya at ni Rob na nakikipag-karera siya. She had always been in love with cars and motorcycles. When she was a teen, she used to participate in drag racings, sa impluwensiya na rin ni Rob. Ito rin ang nagturo sa kanya kung paano mag-drive ng kotse at motorsiklo. Pero inaway siya nito nang bilhin niya ang Duca
Latag na ang dilim nang marating nina Sophie at Rob ang bahay-bakasyunan ng mga Mendoza sa bayan ng Talisay, Batangas. Nakapunta na siya roon noong bata pa siya. Isinama siya ni Tita Mae minsan sa pagbisita. Sa pagkakaalam niya, ancestral house iyon ng pamilya ni Tita Mae na eventually ay ipinamana rito ng mga namayapang magulang nito.The house sits in the middle of a vast agricultural property surrounded by coconut trees and rice fields. Alanganing sinulyapan ni Sophie ang mataas na bakod na gawa sa bakal at bato. It did not change a bit. It was still the weather-beaten yet sturdy gate she recalls from her memory.Sandaling bumaba ng motorsiklo si Rob upang buksan ang lumang gate gamit ang spare key na nakatago sa isa sa mga ornate gate lamp. Maya-maya pa, umusad na sila papasok sa isang sementadong driveway. Bumungad sa kanila ang ma
A quite knock on the door made Sophie turn to its direction. Maya-maya pa, bumukas iyon—revealing Rob’s conflicted face.Mabilis siyang lumapit sa asawa habang kinakabit ang diamond earring sa tainga niya. “Why? What’s wrong?” nag-aalalang tanong niya.Rob huffed and shook his head slowly. “I guess your sister is stalling again. Nagkulong na naman daw sa banyo sabi ni Mommy Lucy. I told you, she doesn’t want to have this kind of party. Honey, she’s not comfortable.”Napailing na rin siya, nasapo ang ulo na bigla ‘atang nanakit. Tonight is Jasmine’s, her adoptive sister, 18th birthday. Siya ang nakaisip niyon matapos niyang malaman na binu-bully ang kapatid niya sa St. Gabriel University kung saan ito ngayon nag-aaral bilang senior highschool. She wanted to show the world that though it is a common knowledge that she and Jasmine do not share the same blood, they both carry the Benitez name and nothing will ever change that.Jasmine is her sister. At handa siyang ipagtanggol ito sa kahit
Cassie seemed to be too overtaken by a lot of emotions that her logic starts to fail in comprehension. Pero mas lalo naman siyang natuliro nang marahan siyang akayin ni Rob paakyat sa hagdan. She did not question him. Tahimik lang siyang sumunod dito. Nang marating nila ang 3rd floor, iginiya siya nito sa malawak na veranda. The whole place was surrounded with tea-light scented candles. Nagkalat din sa sahig ang talulot ng gumamela at iba pang bulaklak. Lalong bumilis ang pagkabog ng dibdib niya nang makita niya sina Raine, Tyrone, at ang mga biyenan at magulang niya, all standing on one side of the veranda with satisfied smiles on their faces. Her mind got clouded with confusion almost immediately. "B-bakit kayo nandito? Dad akala ko... Raine, bakit... " Hal
Nagmamadaling lumabas ng sasakyan nito si Raine at dire-diretsong nag-doorbell. Pinagbuksan ito ng isang unipormadong katulong at pinapasok sa maliit na gate.Tensiyonado siyang naghintay sa loob ng sasakyan. Inabala niya ang sarili sa pagtingin-tingin sa cellphone niya at sa baby niya. Kaya lang, sampung minuto na ang nakakalipas subalit hindi pa rin nagte-text si Raine. Nang pumalo na sa kinse minutos ang paghihintay niya, tuluyan na siyang nainip. Malapit na rin kasing lumatag ang dilim sa paligid. Saktong pababa na siya ng kotse nang makatanggap siya ng text mula sa kaibigan. Puwede na raw siyang pumasok.Karga-karga niya ang baby niya nang bumaba siya ng kotse at nagtungo sa sa gate. Magdo-doorbell sana siya pero nakita niyang bukas ang maliit na gate sa gilid ng bahay.
"Alam mo ba na mahal ang bayad sa mga kargador, Sophia?" tikwas ang ngusong reklamo ni Raine habang hirap na hirap ito sa pagbibitbit ng mga iuuwing gamit ni Baby Ethan. "Sa dami nitong gamit ni Baby Ethan, para na rin kayong naglipat-bahay dito sa ospital, a.""E sabi mo 'pag kailangan ko ang nakakasilaw na kagandahan mo tawagan lang kita," kaswal na sagot niya, hinaplos pa ang pisngi ni Ethan na nasa mga bisig niya. "Kailangan ko ng tagahakot e."Lalong nanulis ang nguso nito. "Jusko! Sana sinabi mo man lang na gagawin mo lang pala akong kargador at driver para hindi na ko nag-stilletos!" patuloy na reklamo nito bago nagpatiunang pumasok sa elevator. Hinihingal nitong ibinaba ang ilang bag na naglalaman ng mga ginamit ni Baby Ethan sa mahigit dalawang linggo nitong pananatili sa ospital. Raine kept on murmuring as sh
Nang makauwi si Sophie, nagpakalma muna siya sa kanila bago siya nagpunta sa mga bahay ng biyenan niya. Wala rin kasi sa kanila ang mga magulang niya. Alam niyang abala pa rin ang mga ito sa paghahanda ng nursery ng baby niya. Gusto niyang makita ang nursery ng baby niya. She wanted to cherish that moment of becoming a first time mom no matter how painful is the other side of it. Gusto niya, paglaki ng anak niya, may maikukuwento pa rin siya kung paano at gaano ito kamahal ng mga lolo at lola nito noong dumating ito sa mundo. And no matter how fleeting her baby would stay in that room, she'll make lots of memories in it for her son. Nakapagdesisyon na kasi siya. She'll ask her attorney to draw a legal separation agreement for her and Rob. At kapag kaya na niya,
Tinititigan ni Sophie ang sarili niya sa salamin. She was asking herself what's wrong with the way she looks that her husband just won't take even just a glance at her.Napabuga siya ng hininga at inayos ang buhok niyang nakalugay.Halos dalawang linggo na siyang nagpapaganda, nagbe-bake ng cheesecake at nanunuyo, pero deadma pa rin talaga ang pa-importanteng Kulot!She had tried many times to talk to him but he'd deliberately avoid her at all costs. Ang dahilan nito, busy ito sa trabaho. Marami raw itong na-pending na gawain mula nang ma-coma ito. Rob would stay-up late at night in the office and go home to his parent's house. Habang siya, natutulog sa bahay nila. Ni minsan, hindi pa sila nagtabi na mag-asawa mula nang manganak siya.
"Saan ba kayo galing na naman na dalawa?" takang tanong ng Daddy ni Sophie sa kanila nang makauwi sila at naghahapunan. Gaya nang napagusapan, sa bahay nila sila tutuloy ngayong gabi ni Rob. Binitbit na lamang ni Tita Mae ang mga putaheng niluto nito papunta sa kanila."Sa opisina po. Dad. May inayos lang po akong importanteng bagay," kaswal na sagot ni Rob, ang mga mata nasa plato.Napatingin si Sophie sa asawa. Kanina pa, habang pauwi sila mula sa RMM Builders, niya napapansin na walang imik masyado si Rob.Tumango-tango lang ang Daddy niya."Hindi sa nanghihimasok kami sa inyong dalawa Rob, pero ang gusto sana namin ng Daddy ninyo, makasal kayong dalawa ni Sophie sa simbahan," sabi ni Tit
Nang nasa lobby na sila ng building kung nasaan ang opisina ng RMM Builders, agad silang binati ng security guard. Alas-kuwatro pa lang ng hapon. At ang mga empleyado, abala pa rin sa pagta-trabaho. But what was curious about it was, they were all in shock when they saw her and Rob together.Rob gently reached for her hand and held it tight. Kahit na noong nasa elevator sila, hindi nito binitiwan ang kamay niya. Panay tuloy ang bulungan ng mga empleyadong nakasabayan nila sa elevator.Bumukas ang pinto ng elevator sa 30th floor-- ang opisina ng CEO ng RMM Builders. Tahimik siyang nagpatangay kay Rob hanggang sa board room kahit na panay ang lingon ng mga emplyedo sa direksiyon nila.Napasinghap pa siya nang makita niya sa board room ang lahat ng board of d
Hindi alam ni Sophie kung paano uumpisahang kausapin si Rob. It's been three days since she gave birth subalit hindi pa rin sila nag-uusap tungkol sa mga nangyari—kung bakit siya umalis ng L.A. at sumugod pauwi ng Pilipinas. Lalo na ang tungkol kay Rachel. She had waited for him to open up— to tell her what really happened that night. To come clean about that almost midnight conversation she had heard between Rob and his parents. Naghintay siya. Pero hindi nito ginawa. Kaya hanggang ngayon, nalilito pa rin siya. Nag-iisip. Tinitimbang kung ano ang dapat niyang gawin.Nang hapong iyon, na-discharge na siya sa ospital subalit nanatili si Baby Ethan sa incubator dahil nga kulang ito ng ilang linggo. Masakit man sa loob niya na iwan ang anak niya roon, wala rin siyang nagawa. Her baby's health and safety must come first.