"O pa'no Rob, ikaw na ang bahala rito sa kababata mo. Paluin mo sa puwit kung ayaw sumunod sa iyo. At ikaw Sophie, makinig ka kay Rob. Araw-araw siyang magbibigay ng update sa akin tungkol sa mga ginagawa mo," bilin ng Daddy niya kay Rob. Naroon sila ngayon sa NAIA 3. Paalis ang mga ito para sa isang buwan na honeymoon sa Carribean. Iyon ang surprise gift niya sa mga magulang.
Lumabi siya sa sinabi ng ama. "Dad naman, I'm not a kid anymore."
"Of course you still are! You will forever be my stubborn little princess." Kinabig siya nito payakap. "I'm serious, Sophie. Behave," bulong pa nito.
"Yes, Dad," walang gana niyang sagot. Nang bumitiw sa kanya ang ama, yumakap naman siya kay Tita Lucy.
"Salamat sa honeymoon trip na ito, anak!" ani Tita Lucy na bumeso pa sa kanya.
"No biggie, Tita! Basta ang gusto ko, mag-enjoy kayo doon ni Daddy," aniya.
"Talagang mag-eenjoy kami!" sabat ng Daddy niya, pilyo pang tumingin kay Tita Lucy. Nanikwas ang nguso niya. Si Rob naman, nakitawa.
"Basta Rob, itong kababata mo," pahabol na bilin pa ng Daddy niya.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong umoo si Rob.
"Narinig mo 'yon, Ting? Ako raw bahala sa 'yo. Kaya dapat, behave ka lang," anito habang pinagmamasdan nila ang magulang niyang papasok na departure area.
Bumaling siya rito. "Make me," aniya bago nakangising nagmartsa pabalik sa sasakyan nito.
-----
Nang humapon, magkasama sila ni Raine na pumunta sa charity event para sa isang bahay ampunan. Isa kasi ito sa mga major sponsor ng event na iyon. Si Raine Alejandro ang kaibigan niya mula pa kolehiyo at classmate niya sa kursong Mass Communication. Ngunit pagka-graduate, mas pinili nitong magtayo na lang ng isang high-end jewelry shop, ang Treasures. Hindi naman ito nagkamali sa pinasok na negosyo sapagkat sa loob lang ng tatlong taon, mayroon na itong dalawang branches, isa sa Greenhills at isa sa Glorietta. Puro mga bigating tao ang nagiging kliyente nito. Kung hindi artista ay pawang mga may sinasabi sa buhay. Kaya naman binansagan na ito ngayong Jeweller of the Stars. Palibhasa'y maagang naulila at lumaki rin sa ampunan, malapit talaga ang puso nito sa mga batang kapos-palad. Kaya palagian itong nag-oorganize ng mga charity events to help the less fortunate.
"Kumusta na?" tanong nito sa kanya. Naroon sila sa isang coffe shop sa Makati. Doon sila dumiretso ng matapos ang charity event.
"I'm doing great! My agency gave me 60-day of much deserved vacation kasi katatapos lang ng fashion week. Ikaw kumusta?" masiglang tanong niya.
Nanulis ang nguso nito. "Gaya mo, heto, diyosa pa rin. Kaya lang, maraming intrigero at intregera. At higit sa lahat, may mga intrimida ring bashers." Inayos nito ang buhok nito. "Pero kung ito ang sumpa ng pagiging maningning na diyosa na may nakasisilaw na kagandahan, okay na rin. Kayang-kaya ko. Mangisay sila ng lahat sa kagandahan ko!" Napahalakhak na ito.
"Agree ako d'yan. Self-confidence for the win!" natatawa niyang pahayag.
"Naman!" Bumingisngis ito bago uminom ng kape. "Maiba ako, nag-iisa ka 'ata ngayon. Bakit wala si Rob aka Mr. Knight in Shining Armor slash alalay slash bodyguard slash best friend mo?"
Sumimsim siya sa cup ng cappuccino na inorder niya. "Busy 'yon, nasa project site pa siguro," maikli niyang sagot. Ayon sa kuwento nito kanina nang ihatid siya nito sa lugar ng charity event, didiretso raw ito sa Tagaytay for site visit dahil naroon ang recent project ng RMM Builders.
Tumango-tango lamang si Raine bilang sagot. "E si Philip kayo na ba?" Nanunudyo ang mga mata nito, nang-iintriga.
"Phil is just a friend," paglilinaw niya.
Nanikwas ang nguso nito. "Ano ba naman 'yang sagot mo, very showbiz!" reklamo nito. "E si Rob, kailan magiging kayo?"
Nalukot na ang mukha niya. "He! Tigilan mo 'ko pang-iintriga, Francine Marithe! Magkaibigan lang kami ni Rob forever and ever, amen! Baka nga ngayon mismo may date sila ni Rachel."
"Sinong Rachel?"
"Recent girlfriend ni Rob."
Napamaang ito. "Ay, iba na naman? Parang 6 months ago, 'yong starlet pa ang dyowa no'n a. Hindi ka nagseselos?" dire-diretsong hirit nito.
"H-hindi. Bakit naman ako magseselos?" She'd be dumped at the end of the quarter anyway, gusto niya sanang idagdag pero pinigilan niya ang sarili.
Nangalumbaba si Raine, sandaling nag-isip. "Alam mo, naisip ko lang, pa'no na kung magtino na 'yang si Roberto at makaisip nang magpakasal?"
Natigilan siya. Sa loob ng maraming taon ng pagkakaibigan nila ng kababata, ni minsan hindi pa iyon sumagi sa isip niya. Paano na nga kaya? Agad na bumigat ang dibdib niya sa naisip.
"Alam mo, maraming na-iinlove na mag-bestfriends sa umpisa," patuloy pa nito bago makahulugang tumingin sa kanya.
Napakurap-kurap siya, nailang sa titig ng pang-iintriga ni Raine. "M-malayong mangyari sa amin 'yon," tanggi niya.
Ngumisi ito. "Talaga lang, ha? Alam mo ba na, there's a thin line between love and friendship?"
Napairap na siya kunwari. "Sabihin mo nga Raine, may bago ka bang raket ngayon? Bakit kung makaintriga ka daig mo pa mga showbiz reporters? May pa-thin line thin line ka pang nalalaman!"
Dumiretso ito ng upo. "Of course! Because that thin line is the event horizon. And no matter what you do, no matter what you say, nobody gets back after going past that line."
Kumabog ang dibdib niya sa sinabi ng kaibigan. It's the same thugging of her heart she felt when she and Rob almost kissed the night came home from Paris 2 days ago.
Nagkunwari siyang uminom ng kape dahil wala siyang mahagilap na sasabihin. O mas tamang sabihin na kahit na alam niya ang sasabihin, she'd rather not speak about it.
Rumolyo ang mga mata ni Raine, halatang imbyerna. "If I know, may HD 'yon sayo. Kaya gano'n kung kani-kanino binabaling ang atensiyon." dugtong pa nito.
"H-HD, as in...hidden desire?"
Ngumisi ito. "Sira, hidden diri!"
Nang humalakhak si Raine, nakihalakhak na lang din siya kahit na hindi napalis ang pagbigat ng dibdib niya.
-----
Gabi na subalit hindi makatulog si Sophie. Binubulabog pa rin siya ng sinabi ni Raine sa kanya kanina. Wala sa sarili niyang sinipat ang larawan nila ni Rob sa kanyang night table. She smiled. Kuha iyon noong 21st birthday niya. Actually, it was a candid shot of him and her laughing.
Suddenly, she felt nostalgic. Buong buhay niya, kasama niya si Rob. They've known each other since forever. Rob is her constant. And she had to admit, though she realized it late, that one time in her life, she had this silly crush on him. Pero matagal na 'yon, ni hindi na nga niya maalala kung bakit at paano umusbong sa batang puso niya ang damdaming iyon para sa kababata. She got over it somehow.
Did she really got over that silly feeling? Or she just got used to it because she's very good in playing pretense?
Siguro nakalimutan na niya. Binirahan siya kasi nito ng, "Sorry Sophie, hindi ako pumapatol sa nene."
She giggled at the thought.
Sigurado siya, wala ng next level pa ang relasyon nila ni Rob. Isa pa bukod sa nene siya sa paningin nito, hindi rin siya ang tipo ni Rob. Ang tipo nito ay mestiza, with curves on the right places, at biniyayaan ng malaking hinaharap. At ni isa sa mga iyon, wala sa kanya.
Muli niyang naalala ang usapan nila ni Raine kanina. Bumigat ulit ang dibdib niya nang maisip na anumang oras ay maaring ikasal si Rob.
"I'll be ready when that happens," wala sa sarili niyang sabi bago niyakap ang unan niya.
It was more of a prayer than a statement.
-----
Binisita ni Sophie si Tita Mae kinabukasan ng hapon. The old woman was tending to her orchids yet again. Gaya nang dati, hindi pa rin niya mapigilan ang mapahanga sa mga naggagandahang mga bulaklak na alaga nito. Iba-iba ang kulay ng mga iyon at may kanya-kanyang pangalan sa ibabang bahagi ng driftwood na kinalalagyan ng mga ito.
"Bakit po walang pangalan ang isang iyon, Tita?" tanong niya. Ang tinutukoy niya ay ang isang driftwood na nasa gitnang bahagi ng Orchidarium. Malalaking kulay puti ang bulaklak niyon na may ibat-ibang kulay sa gitna. Kung tutuusin, hindi iyon pansinin dahil tila ordinaryo ang hitsura. Pero dahil sa tingkad ng kaputian niyon at puwesto na rin, hindi iyon puwedeng hindi mapansin.
Ngumiti si Tita Mae bago sumagot. "That's actually one of the most priceless flower on my personal collection. Alam mo bang binigay 'yan sa akin ng kaibigan kong orchid biologist from Sri Lanka? Siya mismo ang nag-alter genetically bago niya ipinagkatiwala sa akin ang propagation at floral transformation. It's one of a kind." Nanatili itong nakatitig lang sa bulaklak mula sa puwesto nila. " And I pray, sooner or later, my son would realize the beauty of that flower," bulong nito maya-maya.
"Po?"
Nakangiti itong bumaling sa kanya. "Ay hindi, wala. Teka, nagugutom ka ba? Tara sa lanai, magpapahanda ako ng merienda."
Hindi na siya nakatanggi sa paanyaya nito. Sa lanai nila ipinagpatuloy ang kanilang kuwentuhan. Marami itong tanong. Karamihan tungkol sa trabaho niya. Sinagot naman niyang lahat. Nang gumabi na at hindi pa ito tapos sa pagtatanong, hindi na rin siya nakatanggi nang ayain siya nitong doon na rin maghapunan.
Pasado alas-sais ng gabi nang dumating si Rob.
"Ting, nandito ka pala," bungad na bati nito sa kanya, nakangisi.
Agad na tumikwas ang nguso niya. "Maganda na sana ang bungad mo e, nanlait ka pa."
"Ito naman hindi na mabiro. Suplada!" anito bago madiin na kinurot ang kanyang mga pisngi.
"Aray! Masakit 'yon Roberto!" angal niya nang tantanan nito ang pisngi niya. Mangiyak-ngiyak niya iyong minasahe kaya lang ayaw kumalma ng mga kamay niyang gustong maghiganti sa kulot na salot! Tumayo na siya at tinangka itong hampasin. Ngunit alisto itong tumakbo papasok ng bahay. Hinabol niya ito ngunit tuloy pa rin ito sa pagtakbo. Tuloy, para silang aso't pusa na naghahabulan sa salas.
Tumigil lamang sila nang lumabas si Tita Mae mula sa kusina at sinabihan silang handa na ang hapunan.
"Maiba ako, hija," umpisa ni Tita Mae habang nasa hapag sila. "Totoo ba na boyfriend mo na iyong Phil na napapabalita sa TV?"
Humugong si Rob. "Ma, tsimis na naman yan e."
Inirapan ni Tita Mae si Rob. "He! Pabayaan mo 'ko. Ikaw ba tinatanong ko? Bakit ikaw ang sumasagot? Kumain ka na lang d'yan, Roberto," saway ni Mae sa anak.
Lihim siyang napabungisngis pero napansin 'yon ni Phil. Minulagatan siya nito. Binelatan naman niya ito bilang ganti.
"Sophie?" pukaw sa kanya ni Tita Mae maya-maya.
Bumaling siya kay Tita Mae. "Phil and I are just friends, Tita. Nothing romantic really."
Biglang umaliwalas ang mukha nito. "Ibig sabihin, may pag-asa pa itong si Roberto ko."
Nasamid si Rob. Napamaang naman siya.
Tama ba ang dinig niya?
Nagkatitigan sila ng kaibigan..
"Este ang ibig kong sabihin, malaki ang pag-asa na makapag-asawa ka ng Pilipino," pagliliwanag nito. "Hay naku, Sophie. H'wag kang mag-aasawa ng hindi Pinoy, ha? Alam mo naman, para na kitang anak. Mahirap pakisamahan ang ibang lahi. Baka api-apihin ka lang no'n. Basta do'n tayo sa Pinoy. Tandaan mo 'yan."
Nagkatinginan lang ulit sila ni Rob bago sabay din na umiwas ng tingin.
"Lucky are the pair of eyes who can see," bulong pa nito. Tatanungin pa sana niya ito ulit tungkol sa sinabi nito kaso dumating na si Tito Ben at sumalo sa kanila sa hapag. Naging maingay ang kuwentuhan sa sumunod na dalawang oras.
Pababa pa lang ng parking lot ng isang sikat na French restaurant si Sophie nang matanawan niya sa loob niyon si Rob. Ilang araw din silang hindi nagkita dahil naging busy ito sa mga client meetings nito. At siya naman, naging abala sa ilang mga interviews at guestings.Kaya naman nang ayain siya nito na magdi-dinner daw sila sa labas ng gabing iyon, hindi na siya tumanggi. She wore her classy little black dress from Chanel and nude pumps from Louboutin. She also opted to let her long straight hair down and went for a subtle make-up. It took her hours to finally decide on the ensemble she'd wear. Hindi niya alam kung bakit, but she really wanted to look a little bit extra tonight. This is the first time in years that Rob had invited her to dine out. So, she really wanted to look good.Kinawayan siya ni Rob nang tulu
Puyat man nang nagdaang gabi, maagang nagising si Sophie kinabukasan. She planned to jog around the subdivision in the hopes that it would give sometime to clear her head. Sinipat niya ang smartwatch niya bago tumingala. Pasado alas-singko pa lang ng madaling-araw at madilim pa ang langit. Mas gusto niya iyong madilim pa upang wala masyadong makapansin sa kanya.Sandali siyang nag-stretching bago tuluyang binuksan ang gate. Papatakbo na sana siya nang umingit din pabukas ang gate ng mga Mendoza sa tapat. Maya-maya pa, lumabas sa single-entry gate ang bulto ni Rob. Nagulat pa ito nang makita siya."Magjo-jogging ka rin?" anito.Inirapan niya ito bago nagpatiunang tumakbo."Hey, wait up!" anito, hinabol siya. Maya-maya pa,
"Maarte, kerengkeng, at parang tuko kung makakapit sa braso ni Rob. Basta! Isa siyang malditang ibinabad sa glutathione!" ani Sophie habang sinisipat ang sarili sa harap ng salamin. Naroon sila ni Raine sa powder room ng isang sikat na bar sa Taguig.Actually, kumpromiso lang ang pagpunta niya roon dahil kaibigan niya ang may-ari ng bar si Candace. Kaibigan nila ito ni Raine noong college at nakapag-asawa ng businessman na may-ari ng chain of restaurants and bar sa Metro Manila. Baka kasi magtampo ito kapag nalaman nitong hindi man lang siya bumisita sa bagong branch ng sikat na bar nito."A, socialite bitch?" kaswal na bulong ni Raine habang nagre-retouch ng lipstick nito sa tabi niya.Napasinghap siya. "I did not call her that!"
Kanina pa panay ang tunog ng cellphone ni Sophie. Kanina pa rin siya mulat at nakatitig lamang sa kisame ng kanyang kuwarto. Pero ayaw niyang bumangon o sagutin man lamang ang telepono. Ang gusto niya ay lamunin siya ng malambot niyang kama at manatili sa loob niyon hanggang humupa na ang intriga na si Rob mismo ang may kagagawan.Tatlong araw. Tatlong araw na silang hindi nag-uusap nito. At tatlong araw na rin silang laman ng mga balita, social media, broadsheets maging tabloids.The world is crazy over her and Rob. Bakit naman hindi? Isang mayamang playboy bachelor lang pala ang katapat niya. Ang image niya ngayon sa mundo, sa dinami-rami ng nanligaw sa kanya-- prinsipe, anak ng presidente, business tycoon, at Hollywood actor, sa bestfriend lang pala niya ang bagsak niya. Sa bestfriend niyang playboy na mayroong girlfrie
"So, hindi talaga kayo?" lukot ang mukhang tanong ni Raine kay Sophie. Biyernes ng gabi at binisita niya ang kaibigan sa condo nito. It's the first time she went out of the house since thenewsabout her and Rob came out."Hindi. Pero nag-offer siya na maging fake boyfriend ko," kaswal niyang sagot habang chini-check ang mga prutas sa fruit basket na nakapatong sa kitchen island.Namaywang si Raine, binitawan ang spatula na hawak nito na pinampapatag nito sa batter ng cake na binuhos nito sa pan. "Tinanggihan mo talaga? Sana kinonsulta mo muna ako bago ka tumanggi."Nalukot ang mukha niya. "E bakit?""Anong bakit? Sa ating dalawa, ako na ang nagka-boyfriend. Kumbaga, I know love better than you, Sophia. Kaya dapat n
"Beautiful! We're almost done! Three more shots,"anang photographer kay Sophie. She continued to pose, this time she seductively bit her lower lip and raise her arm on top of her head and glanced sideways for a candid shot. Kumislap ang mga ilaw na nakapalibot sa kanya.Maya-maya pa, "That's a wrap! We got it!" sigaw ng baklang producer ng photoshoot na si Tim. Nagta-trabaho ito sa isang sikat na local fashion magazine at isa sa mga naunang nakilala niya sa industriya. Kaya naman nang ayain siya nito for a photoshoot, hindi niya mahindian.Agad na lumapit ang isang production assistant at binigyan siya ng robe. Kanina pa siya nanginginig sa lamig ng aircon sa studio, why she's just wearing a red two-piece bikini! Nang maisuot niya ang robe, agad niyang sinilip ang monitor kung saan naroon ang mga
"Bakit ka ba nagkasit?" tanong ni Raine sa kanya habang ipinagbabalat siya ng ponkan. Lukot ang mukha nito, nananantiya rin ang tingin.Napasandal siya sa headrest ng kama at bumaling sa bintana. Tatlong araw siyang nilagnat. Sa sobrang nerbiyos ni Yaya Isay, isinugod siya nito sa ospital nang madaling-araw. Ang unang akala nila ay may dengue siya buti na lamang at nag-negative siya sa dengue test. She had acute bronchitis. Napabayaan niya kasi ang ubo niya. Paano, sa nakalipas na linggo, nag-trabaho siya nang husto. Kahit nga 'yong mga TV guestings na hinihindian niya noon, tinanggap na rin niya. Ayaw niya kasing maburo sa bahay nila.Working is better than staying at home and think about Rob, that was her reason. Kaya lang, nasobrahan siya 'ata sa kaka-trabaho, kaya heto siya ngayon, may sakit.
Hindi mapakali si Sophie habang naka-upo sa shotgun seat ng pick-up ni Rob. It's been almost a week since they've last seen each other. Ni wala nga ito noong na-discharge siya sa ospital e. Gusto niyang magtampo, kaya lang ideya naman niya 'yon. Ideya niya na layuan nila ang isa't-isa kahit na mahirap para sa kanya.Aside from the fact that Rob is torn between her and Rachel, she thought that if she won't see Rob, she could teach herself to forget about what she felt for him. Also, distancing from him would shield herself from more heartaches. Well, that's what she thought. Mahirap pala. She'd missed him everyday and resisting not to text him was a struggle.Rob is a habit she can't shake off. And she's not sure if she'll ever do so in the future.Akala nga niya hindi na ito magp