Home / Romance / The Twist In Our Story / Chapter 2: Everyone's Playing Cupid 1

Share

Chapter 2: Everyone's Playing Cupid 1

Author: Jenny Javier
last update Last Updated: 2021-07-19 08:44:12

"Hello po, Tita Mae," bati ni Sophie sa ina ni Rob na noon ay abala sa pag-i-spray ng alaga nitong halaman sa orchidarium.

Namilog ang mga mata nito nang makita siya. "Oh my, it's really you, hija!" Nagmadali itong lumapit sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Retired biology professor ito sa isang unibersidad sa Maynila at ngayon ay may mina-manage itong orchid farm sa Batangas.

"When Rob told me that you are home, hindi ako naniwala agad. Why, this is a nice surprise!" anito bago siya binitiwan. "You've grown prettier, hija," magiliw pang sabi nito bago magaang pinisil ang pisngi niya. Bata pa siya ay hilig na nitong gawin iyon sa kanya. Kapag kuwan'y nagsalubong ang kilay nito. "Pero parang pumayat ka. Naku, ginugutom mo 'ata ang sarili mo doon, anak. Hindi maganda 'yan. Sandali magpapahanda ulit ako ng breakfast?"

"H'wag na po, Tita. I just had my breakfast," tanggi niya.

"Then this is the day that you will have a double breakfast," determinadong sagot ng matandang babae. "And don't you say no. Magagalit ako," dugtong pa nito.

Hindi na siya nakasagot pa dahil mabilis itong pumasok ng kabahayan. Naiwan siya sa garden set malapit sa pool. Pagbalik nito, may bitbit na itong dalawang baso ng juice.

"Have a drink first. Nagpahanda ako ng Filipino breakfast na paborito ninyo ni Rob," deklara ni Tita Mae, habang excited na isinilbi sa kanya ang baso ng juice.

Tita Mae had always been kind and treats her like the daughter she never had. The woman's kindess and radiance is reflected on her round pretty face. Tita Mae had always been on the plump side ever since. But she had a beautiful pair of dark eyes, bagay na namana ni Rob.

Mabilis siyang sumimsim ng juice sa baso at ibinaba rin iyon pagkatapos. "Before I forget, Tita, may pasalubong po ako sa inyo ni Tito Ben," aniya habang iniaabot ang dalawang paper bags sa matandang babae.

Atubili iyong tinanggap ni Tita Mae. "Naku naman anak, nag-abala ka pa."

"Okay lang po 'yon, Tita. Talagang para po sa inyo 'yan talaga. Regalo ko po sa inyo ni Uncle Ben. Isipin niyo na lang pong pasasalamat ko sa inyo sa pagtingin-tiingin kay Daddy habang wala ako,"

Ngumiti ito, sumingkit ang mga mata. "That's so sweet of you, Sophie. Pero hindi mo na kami dapat pasalamatan sa pagtingin-tingin namin sa Daddy mo. Aba, e halos pamilya na ang turing namin sa inyo ng Daddy mo a. Binabayaran ba ang pagmamalasakit sa kapamilya?" Tinapik-tapik nito ang kamay niya. "But thanks anyway, hija."

Umupo na rin ito sa garden set, sa mismong tapat niya.

"Si Rob po, Tita?"

"Natutulog pa."

Pagkasabi niyon ay tumunog ang telepono sa salas. "I have to get that," paalam nito. Pero sumunod siya sa ginang nang pumasok ito sa kabahayan. Nang makita siya nitong sumunod, bumaling ito sa kanya.

"Please be a sweetheart Sophie at ikaw na nga lang ang pumanhik para gisingin 'yong kababata mo. Kanina pa kasi may tumatawag na Rachel daw ang pangalan," naiiling na sabi nito bago dumiretso sa nagri-ring pa rin na telephono. Tumango siya bago umakyat ng hagdan.

Rachel? Must be the new girl.

If there's one thing he can't stand with her bestfriend, it's his appetite for women.

Three months.

Ayon sa kanyang kababata, may expiration date ang isang relasyon at 'yon ay hanggang three months lang, no more no less. Nawawalan daw kasi ng excitement at spice ang isang relasyon habang tumatagal. And according to Rob, three months is more than enough to determine if a relationship is for keeps or not. At kung saan napulot ni Rob ang ganoong pilosopiya, malay niya. Basta ang alam niya, Rob gets to have four girlfriends each year. And before she could even memorize the poor girl's name, Rob has already ditched her.

Marahan niyang kinatok ang kuwarto ng kababata nang marating niya iyon. Ngunit nakakailang katok na siya ay hindi pa rin siya nito pinagbubuksan. Which is unusual because Rob has always been an early riser.

"Rob, it's me Sophie. Open up you drooling sleepyhead!" malakas niyang sigaw bago ulit kumatok. Mas malakas kaysa nauna. Makalipas ang ilang minuto at nanatiling nakapinid ang pinto ng kuwarto ng binata ay nabuo sa isip niya ang isang plano.

If there's a will there's a way.

-----

Labis ang pagtataka ni Rob nang biglaang mawala ang boses ni Sophie sa kabilang bahagi ng pinto.

She won't give up that easy, he thought.

Muli niyang isinubsob ang ulo sa unan at inutusan ang sarili na matulog, ngunit bigo siya. Naistorbo na ang tulog niya at malakas na rin sa tenga niya ang iba't ibang tunog na nagmumula sa labas.

Aburido siyang bumangon at tinumbok ang banyo upang sana ay mag-shower. Hindi pa siya nakakalayo sa kama nang makarinig siya ng kaluskos mula sa veranda ng kanyang kuwarto. Maya-maya pa, bumukas pagilid ang sliding door ng veranda at sumungaw doon ang bulto ni Sophie.

"Roberto Miguel!" nakapamaywang nitong sigaw nang tuluyang makapasok sa kuwarto niya. "Gising ka na pala e. Alam mong kumakatok ako ba't ayaw mo 'kong pagbuksan?"

Napahilamos siya sa mukha niya nang wala sa oras. Nagtataka niyang nilampasan ang kaibigan at sumilip sa ibaba ng veranda na pinagmulan nito. Naroon ang hagdang-kawayan na nakaimbak sa likod-bahay nila. Napapantastikuhan niya itong nilingon. Natatawa naman itong humilata sa kama na parang walang ginawang kababalaghan.

Her laughter rang in his ears like a sweet song he missed of hearing. He does not know but he suddenly found her laughter amusing, attractive and...sexy.

Sexy?

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Sa pag-aakalang maalis sa pamamagitan niyon ang ka-weirduhang tumatakbo sa kanyang isipan. Nagtataka rin siya kung bakit biglang uminit ng pakiramdam niya gayong naka-full ang aircon sa kuwarto niya.

Could it be because of Sophie's presence?

Damn! Wala naming bago d'on, a. Noon nga, magkatabi pa silang natutulog na dalawa sa kama pero hindi naman siya nakaramdam ng gano'n. He groaned silently. Kung anu-anong ka-weirduhan ang pumapasok sa isip niya mula pa kagabi mula nang muntik na silang maghalikan nito. Late na siyang natulog dahil do'n. At mukhang wala pa rin sa ayos ang isip niya dahil nabulabog ang gising niya kaya gano'n ang nararamdan niya.

Pinili niyang pangaralan ang kababata. "You're really impossible, you know?" Daig mo pa ang akyat-bahay, a. Hindi ka na bata, Sophie. You could've fallen, you know?"

"But I did not!" she casually retorted. "Can't you see, I'm still in one piece."

He huffed and gently shook his head. Mula noon, hanggang ngayon, hindi talaga siya kailanman mananalo sa arguments ni Sophie. Talking to her is like talking to his stubborn and arrogant self!

"So, tinuro na rin sa 'yo kung paano rumampa sa pader?"

Ngumsi ito. "Nope. But that's my special talent. Pinag-aaralan ko pa lang nga kung ilalagay ko sa bio-data ko."

"Isama mo na rin ang pagkain ng isaw, adidas, at kwek-kwek".

Nagninging ang mga mata nito, parang may narinig na kaaya-aya. Bigla itong bumangon at lumapit sa kanya."Exactly! Kaya maligo ka na at ilibre mo ako do'n sa ihawan nila Aling Panyang," anito, bahagya pang hinila ang manggas ng suot niyang kamiseta. Ang tinutukoy nito ay ang tindahan ng mga street foods malapit sa St. Gabriel University kung saan sila nag-aral ng college.

Tumaltak siya. "Magpapalibre ka lang pala, nag-akyat bahay ka pa. Ito na ba ang simula ng pagbabayad ko sa bigay mong relo?"

Umirap ito. "Nyenye! You talk too much, Roberto. Maligo ka na nga! You stink, you know," anito bago humakbang patungo sa pinto.

Inamoy-amoy niya ang sarili. "I don't stink. That's just the smell of all my awesomeness you're not used to."

She rolled her eyes in annoyance and covered her ears with her hands "Oh God! Conceit becomes you!"

Natawa na siya. "Sige na, lumabas ka na. Hintayin mo na lang ako sa baba."

She just rolled her eyes again before turning the knob. Maya-maya pa, muli itong humarap sa kanya. "May pinapasabi pala si Tita Mae. Kanina pa raw tumatawag si Rachel. Who's she? Next victim?"

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pangalan ng girlfriend niya. Ni hindi niya ito natawagan kagabi upang magpaliwanag. He silently cursed himself for acting weird.

Imbes na sagutin ang kaibigan, inutusan na lamang niya itong bumaba na at doon siya hintayin. He quickly checked his cellphone and found dozens of missed calls from Rachel.

He knew he's in so damn trouble!

Imbes na tawagan ang nobya, dumiretso siya sa banyo at itinapat ang sarili sa dutsa. Hiling niya na sana ay kasamang tangayin ng tubig ang anumang kalituhan sa kanyang sistema.

-----

Isang simpleng kasalan ang ginanap sa rose garden ng mga Mendoza nang hapon ding iyon. Imbitado lamang ang malalapit na kamag-anak at kaibigan ng bawat partido. Doon na rin ginanap ang reception.

Hindi mapigilan ni Sophie ang maiyak habang pinagmamasdan sa dance floor ang kanyang ama at madrasta na masuyong sumasayaw. Matagal na niyang hindi nakikita ang mga ngiting iyon mula sa kanyang Daddy. And she is genuinely happy for him.

"Ting," mahinang tawag sa kanya ni Rob na hindi niya namalayan ang paglapit sa puwesto niya malapit sa mobile bar. May hawak itong champagne flute sa isang kamay nito. "Inggit ka, 'no?"

Umirap siya. "Masaya 'ko para kina Daddy at Tita Lucy. At saka bakit ako maiingit? I know for a fact that when it's time, Mr. Right will come and find me. Or, kapag nainip ako, I'll just look for him instead. "

Humugong ito, nang-aasar. "Paano mo mahahanap si Mr. Right kung NBSB ka?"

Bumaling siya sa kababata, pinakatitigan ito bago ngumisi. "Sure ka ba na NBSB ako?"

Rob cleared his throat, pumormal. "Bakit? May... may boyfriend ka na ba?"

Napahawak siya sa baba niya at kunwaring nag-isip. Maya-maya pa, tahimik siyang nagbilang gamit ang kanyang mga daliri.

Nanlaki ang mga mata ni Rob, nagsalubong ang mga kilay. "Seriously, more than one? Bakit hindi ko alam? Sino-sino sila?"

Natawa na siya sa itsura nito. "Sa tindi ninyong manakot at mangbugaw ni Dad sa mga manliligaw ko, sa tingin ninyo may makakalusot?"

"Dapat lang, baka kung sino-sino lang manligaw at mang-uto sa 'yo, mahirap na! Given a chance, I'll break those bastards face myself!" deklara nito bago sinaid ang laman na alak ng champagne flute na hawak nito.

Napangiti siya. OA na kung OA but she felt the genuine concern on Rob's voice. And it warmed her heart knowing that Rob was and will always be her protector no matter what.

"Kapag na in-love ako, I'll let you know," aniya maya-maya.

"Dapat lang!"

Napairap siya. "Hindi ka rin demanding, 'no?" sarkastiko niyang sabi.

"Hindi talaga," mabilis nitong sagot, sinaid pa ulit ang laman ng champagne flute na kare-refill lang.

Natawa na siya, sinusumpong naman ng kasungitan ang kababata.

"Tara, sayaw tayo," aya niya rito. Marahan niya itong hinila patungo sa gitna ng make-shift dance floor. Nagsisinuran din ang iba pang mga bisita.

Masungit si Rob hanggang natapos ang party.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marilyn Aramay
hahaha selos yarn Roberto
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Twist In Our Story    Chapter 2: Everyone's Playing Cupid 2

    "O pa'no Rob, ikaw na ang bahala rito sa kababata mo. Paluin mo sa puwit kung ayaw sumunod sa iyo. At ikaw Sophie, makinig ka kay Rob. Araw-araw siyang magbibigay ng update sa akin tungkol sa mga ginagawa mo," bilin ng Daddy niya kay Rob. Naroon sila ngayon sa NAIA 3. Paalis ang mga ito para sa isang buwan na honeymoon sa Carribean. Iyon ang surprise gift niya sa mga magulang.Lumabi siya sa sinabi ng ama. "Dad naman, I'm not a kid anymore.""Of course you still are! You will forever be my stubborn little princess." Kinabig siya nito payakap. "I'm serious, Sophie. Behave," bulong pa nito."Yes, Dad," walang gana niyang sagot. Nang bumitiw sa kanya ang ama, yumakap naman siya kay Tita Lucy."Salamat sa honeymoon trip na ito, anak!" ani

    Last Updated : 2021-07-19
  • The Twist In Our Story    Chapter 3: The Girlfriend vs. The Bestfriend

    Pababa pa lang ng parking lot ng isang sikat na French restaurant si Sophie nang matanawan niya sa loob niyon si Rob. Ilang araw din silang hindi nagkita dahil naging busy ito sa mga client meetings nito. At siya naman, naging abala sa ilang mga interviews at guestings.Kaya naman nang ayain siya nito na magdi-dinner daw sila sa labas ng gabing iyon, hindi na siya tumanggi. She wore her classy little black dress from Chanel and nude pumps from Louboutin. She also opted to let her long straight hair down and went for a subtle make-up. It took her hours to finally decide on the ensemble she'd wear. Hindi niya alam kung bakit, but she really wanted to look a little bit extra tonight. This is the first time in years that Rob had invited her to dine out. So, she really wanted to look good.Kinawayan siya ni Rob nang tulu

    Last Updated : 2021-07-23
  • The Twist In Our Story    Chapter 4: Pain of Pretense

    Puyat man nang nagdaang gabi, maagang nagising si Sophie kinabukasan. She planned to jog around the subdivision in the hopes that it would give sometime to clear her head. Sinipat niya ang smartwatch niya bago tumingala. Pasado alas-singko pa lang ng madaling-araw at madilim pa ang langit. Mas gusto niya iyong madilim pa upang wala masyadong makapansin sa kanya.Sandali siyang nag-stretching bago tuluyang binuksan ang gate. Papatakbo na sana siya nang umingit din pabukas ang gate ng mga Mendoza sa tapat. Maya-maya pa, lumabas sa single-entry gate ang bulto ni Rob. Nagulat pa ito nang makita siya."Magjo-jogging ka rin?" anito.Inirapan niya ito bago nagpatiunang tumakbo."Hey, wait up!" anito, hinabol siya. Maya-maya pa,

    Last Updated : 2021-07-27
  • The Twist In Our Story    Chapter 5: Pain of Pretense 2

    "Maarte, kerengkeng, at parang tuko kung makakapit sa braso ni Rob. Basta! Isa siyang malditang ibinabad sa glutathione!" ani Sophie habang sinisipat ang sarili sa harap ng salamin. Naroon sila ni Raine sa powder room ng isang sikat na bar sa Taguig.Actually, kumpromiso lang ang pagpunta niya roon dahil kaibigan niya ang may-ari ng bar si Candace. Kaibigan nila ito ni Raine noong college at nakapag-asawa ng businessman na may-ari ng chain of restaurants and bar sa Metro Manila. Baka kasi magtampo ito kapag nalaman nitong hindi man lang siya bumisita sa bagong branch ng sikat na bar nito."A, socialite bitch?" kaswal na bulong ni Raine habang nagre-retouch ng lipstick nito sa tabi niya.Napasinghap siya. "I did not call her that!"

    Last Updated : 2021-08-02
  • The Twist In Our Story    Chapter 6: The Thin Line

    Kanina pa panay ang tunog ng cellphone ni Sophie. Kanina pa rin siya mulat at nakatitig lamang sa kisame ng kanyang kuwarto. Pero ayaw niyang bumangon o sagutin man lamang ang telepono. Ang gusto niya ay lamunin siya ng malambot niyang kama at manatili sa loob niyon hanggang humupa na ang intriga na si Rob mismo ang may kagagawan.Tatlong araw. Tatlong araw na silang hindi nag-uusap nito. At tatlong araw na rin silang laman ng mga balita, social media, broadsheets maging tabloids.The world is crazy over her and Rob. Bakit naman hindi? Isang mayamang playboy bachelor lang pala ang katapat niya. Ang image niya ngayon sa mundo, sa dinami-rami ng nanligaw sa kanya-- prinsipe, anak ng presidente, business tycoon, at Hollywood actor, sa bestfriend lang pala niya ang bagsak niya. Sa bestfriend niyang playboy na mayroong girlfrie

    Last Updated : 2021-08-05
  • The Twist In Our Story    Chapter 7: Unready

    "So, hindi talaga kayo?" lukot ang mukhang tanong ni Raine kay Sophie. Biyernes ng gabi at binisita niya ang kaibigan sa condo nito. It's the first time she went out of the house since thenewsabout her and Rob came out."Hindi. Pero nag-offer siya na maging fake boyfriend ko," kaswal niyang sagot habang chini-check ang mga prutas sa fruit basket na nakapatong sa kitchen island.Namaywang si Raine, binitawan ang spatula na hawak nito na pinampapatag nito sa batter ng cake na binuhos nito sa pan. "Tinanggihan mo talaga? Sana kinonsulta mo muna ako bago ka tumanggi."Nalukot ang mukha niya. "E bakit?""Anong bakit? Sa ating dalawa, ako na ang nagka-boyfriend. Kumbaga, I know love better than you, Sophia. Kaya dapat n

    Last Updated : 2021-08-09
  • The Twist In Our Story    Chapter 8: Bestfriends

    "Beautiful! We're almost done! Three more shots,"anang photographer kay Sophie. She continued to pose, this time she seductively bit her lower lip and raise her arm on top of her head and glanced sideways for a candid shot. Kumislap ang mga ilaw na nakapalibot sa kanya.Maya-maya pa, "That's a wrap! We got it!" sigaw ng baklang producer ng photoshoot na si Tim. Nagta-trabaho ito sa isang sikat na local fashion magazine at isa sa mga naunang nakilala niya sa industriya. Kaya naman nang ayain siya nito for a photoshoot, hindi niya mahindian.Agad na lumapit ang isang production assistant at binigyan siya ng robe. Kanina pa siya nanginginig sa lamig ng aircon sa studio, why she's just wearing a red two-piece bikini! Nang maisuot niya ang robe, agad niyang sinilip ang monitor kung saan naroon ang mga

    Last Updated : 2021-08-09
  • The Twist In Our Story    Chapter 9: Bestfriends 2

    "Bakit ka ba nagkasit?" tanong ni Raine sa kanya habang ipinagbabalat siya ng ponkan. Lukot ang mukha nito, nananantiya rin ang tingin.Napasandal siya sa headrest ng kama at bumaling sa bintana. Tatlong araw siyang nilagnat. Sa sobrang nerbiyos ni Yaya Isay, isinugod siya nito sa ospital nang madaling-araw. Ang unang akala nila ay may dengue siya buti na lamang at nag-negative siya sa dengue test. She had acute bronchitis. Napabayaan niya kasi ang ubo niya. Paano, sa nakalipas na linggo, nag-trabaho siya nang husto. Kahit nga 'yong mga TV guestings na hinihindian niya noon, tinanggap na rin niya. Ayaw niya kasing maburo sa bahay nila.Working is better than staying at home and think about Rob, that was her reason. Kaya lang, nasobrahan siya 'ata sa kaka-trabaho, kaya heto siya ngayon, may sakit.

    Last Updated : 2021-08-09

Latest chapter

  • The Twist In Our Story    Epilogue

    A quite knock on the door made Sophie turn to its direction. Maya-maya pa, bumukas iyon—revealing Rob’s conflicted face.Mabilis siyang lumapit sa asawa habang kinakabit ang diamond earring sa tainga niya. “Why? What’s wrong?” nag-aalalang tanong niya.Rob huffed and shook his head slowly. “I guess your sister is stalling again. Nagkulong na naman daw sa banyo sabi ni Mommy Lucy. I told you, she doesn’t want to have this kind of party. Honey, she’s not comfortable.”Napailing na rin siya, nasapo ang ulo na bigla ‘atang nanakit. Tonight is Jasmine’s, her adoptive sister, 18th birthday. Siya ang nakaisip niyon matapos niyang malaman na binu-bully ang kapatid niya sa St. Gabriel University kung saan ito ngayon nag-aaral bilang senior highschool. She wanted to show the world that though it is a common knowledge that she and Jasmine do not share the same blood, they both carry the Benitez name and nothing will ever change that.Jasmine is her sister. At handa siyang ipagtanggol ito sa kahit

  • The Twist In Our Story    Chapter 80: Her Fairytale Ending 3

    Cassie seemed to be too overtaken by a lot of emotions that her logic starts to fail in comprehension. Pero mas lalo naman siyang natuliro nang marahan siyang akayin ni Rob paakyat sa hagdan. She did not question him. Tahimik lang siyang sumunod dito. Nang marating nila ang 3rd floor, iginiya siya nito sa malawak na veranda. The whole place was surrounded with tea-light scented candles. Nagkalat din sa sahig ang talulot ng gumamela at iba pang bulaklak. Lalong bumilis ang pagkabog ng dibdib niya nang makita niya sina Raine, Tyrone, at ang mga biyenan at magulang niya, all standing on one side of the veranda with satisfied smiles on their faces. Her mind got clouded with confusion almost immediately. "B-bakit kayo nandito? Dad akala ko... Raine, bakit... " Hal

  • The Twist In Our Story    Chapter 79: Her Fairytale Ending 2

    Nagmamadaling lumabas ng sasakyan nito si Raine at dire-diretsong nag-doorbell. Pinagbuksan ito ng isang unipormadong katulong at pinapasok sa maliit na gate.Tensiyonado siyang naghintay sa loob ng sasakyan. Inabala niya ang sarili sa pagtingin-tingin sa cellphone niya at sa baby niya. Kaya lang, sampung minuto na ang nakakalipas subalit hindi pa rin nagte-text si Raine. Nang pumalo na sa kinse minutos ang paghihintay niya, tuluyan na siyang nainip. Malapit na rin kasing lumatag ang dilim sa paligid. Saktong pababa na siya ng kotse nang makatanggap siya ng text mula sa kaibigan. Puwede na raw siyang pumasok.Karga-karga niya ang baby niya nang bumaba siya ng kotse at nagtungo sa sa gate. Magdo-doorbell sana siya pero nakita niyang bukas ang maliit na gate sa gilid ng bahay.

  • The Twist In Our Story    Chapter 78: Her Fairytale Ending

    "Alam mo ba na mahal ang bayad sa mga kargador, Sophia?" tikwas ang ngusong reklamo ni Raine habang hirap na hirap ito sa pagbibitbit ng mga iuuwing gamit ni Baby Ethan. "Sa dami nitong gamit ni Baby Ethan, para na rin kayong naglipat-bahay dito sa ospital, a.""E sabi mo 'pag kailangan ko ang nakakasilaw na kagandahan mo tawagan lang kita," kaswal na sagot niya, hinaplos pa ang pisngi ni Ethan na nasa mga bisig niya. "Kailangan ko ng tagahakot e."Lalong nanulis ang nguso nito. "Jusko! Sana sinabi mo man lang na gagawin mo lang pala akong kargador at driver para hindi na ko nag-stilletos!" patuloy na reklamo nito bago nagpatiunang pumasok sa elevator. Hinihingal nitong ibinaba ang ilang bag na naglalaman ng mga ginamit ni Baby Ethan sa mahigit dalawang linggo nitong pananatili sa ospital. Raine kept on murmuring as sh

  • The Twist In Our Story    Chapter 77: Love vs. Honey 2

    Nang makauwi si Sophie, nagpakalma muna siya sa kanila bago siya nagpunta sa mga bahay ng biyenan niya. Wala rin kasi sa kanila ang mga magulang niya. Alam niyang abala pa rin ang mga ito sa paghahanda ng nursery ng baby niya. Gusto niyang makita ang nursery ng baby niya. She wanted to cherish that moment of becoming a first time mom no matter how painful is the other side of it. Gusto niya, paglaki ng anak niya, may maikukuwento pa rin siya kung paano at gaano ito kamahal ng mga lolo at lola nito noong dumating ito sa mundo. And no matter how fleeting her baby would stay in that room, she'll make lots of memories in it for her son. Nakapagdesisyon na kasi siya. She'll ask her attorney to draw a legal separation agreement for her and Rob. At kapag kaya na niya,

  • The Twist In Our Story    Chapter 76: Love vs. Honey

    Tinititigan ni Sophie ang sarili niya sa salamin. She was asking herself what's wrong with the way she looks that her husband just won't take even just a glance at her.Napabuga siya ng hininga at inayos ang buhok niyang nakalugay.Halos dalawang linggo na siyang nagpapaganda, nagbe-bake ng cheesecake at nanunuyo, pero deadma pa rin talaga ang pa-importanteng Kulot!She had tried many times to talk to him but he'd deliberately avoid her at all costs. Ang dahilan nito, busy ito sa trabaho. Marami raw itong na-pending na gawain mula nang ma-coma ito. Rob would stay-up late at night in the office and go home to his parent's house. Habang siya, natutulog sa bahay nila. Ni minsan, hindi pa sila nagtabi na mag-asawa mula nang manganak siya.

  • The Twist In Our Story    Chapter 75: When Things Get Out Of Hand

    "Saan ba kayo galing na naman na dalawa?" takang tanong ng Daddy ni Sophie sa kanila nang makauwi sila at naghahapunan. Gaya nang napagusapan, sa bahay nila sila tutuloy ngayong gabi ni Rob. Binitbit na lamang ni Tita Mae ang mga putaheng niluto nito papunta sa kanila."Sa opisina po. Dad. May inayos lang po akong importanteng bagay," kaswal na sagot ni Rob, ang mga mata nasa plato.Napatingin si Sophie sa asawa. Kanina pa, habang pauwi sila mula sa RMM Builders, niya napapansin na walang imik masyado si Rob.Tumango-tango lang ang Daddy niya."Hindi sa nanghihimasok kami sa inyong dalawa Rob, pero ang gusto sana namin ng Daddy ninyo, makasal kayong dalawa ni Sophie sa simbahan," sabi ni Tit

  • The Twist In Our Story    Chapter 74: When Things Get Out Of Hand

    Nang nasa lobby na sila ng building kung nasaan ang opisina ng RMM Builders, agad silang binati ng security guard. Alas-kuwatro pa lang ng hapon. At ang mga empleyado, abala pa rin sa pagta-trabaho. But what was curious about it was, they were all in shock when they saw her and Rob together.Rob gently reached for her hand and held it tight. Kahit na noong nasa elevator sila, hindi nito binitiwan ang kamay niya. Panay tuloy ang bulungan ng mga empleyadong nakasabayan nila sa elevator.Bumukas ang pinto ng elevator sa 30th floor-- ang opisina ng CEO ng RMM Builders. Tahimik siyang nagpatangay kay Rob hanggang sa board room kahit na panay ang lingon ng mga emplyedo sa direksiyon nila.Napasinghap pa siya nang makita niya sa board room ang lahat ng board of d

  • The Twist In Our Story    Chapter 73: The Boy That Will Forever Have Her Heart 3

    Hindi alam ni Sophie kung paano uumpisahang kausapin si Rob. It's been three days since she gave birth subalit hindi pa rin sila nag-uusap tungkol sa mga nangyari—kung bakit siya umalis ng L.A. at sumugod pauwi ng Pilipinas. Lalo na ang tungkol kay Rachel. She had waited for him to open up— to tell her what really happened that night. To come clean about that almost midnight conversation she had heard between Rob and his parents. Naghintay siya. Pero hindi nito ginawa. Kaya hanggang ngayon, nalilito pa rin siya. Nag-iisip. Tinitimbang kung ano ang dapat niyang gawin.Nang hapong iyon, na-discharge na siya sa ospital subalit nanatili si Baby Ethan sa incubator dahil nga kulang ito ng ilang linggo. Masakit man sa loob niya na iwan ang anak niya roon, wala rin siyang nagawa. Her baby's health and safety must come first.

DMCA.com Protection Status