Share

Kabanata 915

Kinamot ni Maisie ang tungki ng kaniyang ilong. “Ryleigh Hill, tanga ka ba o ano? Engaged ka kay Louis pero nagpalipas ka ng gabi sa bahay ni Jose pagkatapos mong makipag-inuman sa kaniya? Alam mo ba kung anong gagawin ng publiko sa mga taong katulad mo? Kakatayin ka nila sa internet.”

“Bad mood ako nang araw na yun.” Pinatong ni Ryleigh ang ulo sa kaniyang kamay at tumulala sa mesa. “Pumunta sa dinner ang ex-girlfriend niya, at bakit hindi niya inisip ang mararamdaman ko at ang tungkol sa engagement namin noong pumunta siya sa banquet bilang partner ng ex niya?”

Naningkit ang mga mata ni Maisie.

Biglang tumawa nang malakas si Ryleigh. “Peke lang ang engagement. Kung hindi lang pinagkasunduan ng dalawang pamilya ang kasal, baka nagawa ng makipagbalikan ng ex niya sa kaniya.”

Pinatong ni Maisie ang baba sa kaniyang kamay. “Kung gusto talaga ni Louis na makipagbalikan kay Xyla, matagal ng natapos ang engagement niya sa iyo. Baka may iba pang dahilan kung bakit siya sumama kay Xyla sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status