Nanghihinang tumayo si Barbara at nakatulalang naglakad papunta sa pinto.“Barbara, bakit hindi mo sinasagot ang—-” Bago pa matapos ni Ryleigh ang sasabihin, nakita niya ang eksena sa loob ng sleeping gown ni Barbara at nanlaki ang mga mata niya.Humikab siya at sinabing, “Naka-mute yun kaya hindi ko narinig ang tawag.”Napansin niya na nakatitig si Ryleigh sa kwelyo niya, yumuko siya at tinakpan yun. “Anong tinitingnan mo?”Tinaas ni Ryleigh ang daliri at nagtanong, “Sino ang gumawa niyan?”Sandaling natulala si Barbara bago may sumagi sa isip niya. Napatakip siya sa leeg niya at sinara ang pinto, iniwan niya sa labas si Ryleigh.Hinampas ni Ryleigh ang doorbell at sumigaw, “Barbara, sabihin mo! May tinatago ka bang lalaki sa loob ng bahay mo?”Nagpunta si Barbara sa banyo at tumayo sa harapan ng salamin. Namula ang mga pisngi niya, at tinakpan niya ang kaniyang mukha.Mukhang ibang klaseng tao si Helios kapag nasa kama ito.Sa Soul…Nagbibigay ng gawain si Maisie kay Lucy
“Pagkatapos ng lahat, ang mga Knowles pa rin ang nagpalaki sa nanay ko,” Walang emosyong sagot ni Nolan. Ayaw niya sa mga Knowles, pero hindi niya maitatanggi na binuhay ng mga Knowles ang nanay niya kahit na ba iba ang layunin nila sa pagpapalaki nila kay Natasha.Kumunot ang noo ni Madam Hathaway at sinabing, “Wala ako masiyadong alam sa mga Knowles, pero base sa sinabi ni Yorrick, mayroon yun kinalaman sa tagapagmana.”“Tagapagmana?” Kumunot ang noo ni Nolan. “Akala ko ay iisa lang ang tagapagmana ng mga Knowles?”Sinabi sa kaniya ni Madam Hathaway na mayroong dalawang anak na lalaki si Elder Master Knowles, pero hindi sila pareho ng ina. Ang anak niya sa unang asawa ay si Sam, at siya ang tatay ni Rick.Pagkatapos pumanaw ng unang asawa ni Elder Master Knowles, nagpakasal siya sa ibang babae na halos kasing edad ng panganay niya. Nanganak ito kay Tristan. Kaya naman, mas matanda ng 8 taon si Tristan sa pamangkin niyang si Rick. Kung tutuusin, si Nollace dapat na maging tagapagm
Suminghal si Nollace. “Kung class president ang gagawa ng lahat, bakit pa natin kailangan ng vice president?”Tumayo si Colton habang nakatukod ang mga braso sa desk at sasagot na sana nang biglang may tumamang chalk sa likod ng ulo niya.Habang nakapamaywang ay tiningnan siya ni Daisie. “Colton, huwag kang tamad. Busy kami lahat sa mga gawain namin.”Walang lakas ng loob ang ibang estudyante na sabihan si Colton, pero iba si Daisie.Pumalatak ang dila ni Colton, pinulot niya ang mga ornaments na nakapatong sa desk, at tiningnan nang masama si Nollace. “Sige, sige, kailangan ko lang naman isabit ang mga dekorasyon, tama?”Si Lisa na tumutulong sa tabi ni Daisie ay mahinang tumawa. “Masama pa rin ba ang loob ni Colton dahil natalo siya ni Nollace sa class president election?”Bago lumipat si Nollace sa school nila, si Colton ang top student ng klase, at walang nakakatalo sa kaniya pagdating sa grades.Pero, pagkatapos malipat ni Nollace sa klase nila, mula sa pagiging una ay nagi
”Nolly, ayos lang ba ang braso mo?”Nang makitang iniwan siya agad ng kapatid niya para asikasuhin na naman si Nollace, kumibot ang mga sulok ng labi ni Colton.‘Kapatid niya lang ako na hindi kasing respetado ng pinsan niyang yan.’Nginitian siya ni Nollace. “Ayos lang ako.”Yumuko siya at sinabing, “Salamat sa pagligtas kay Colton. Ang sabi ni Mom, kapag niligtas ang buhay mo ng isang tao, kailangan mong ibayad ang katawan mo. Niligtas mo si Colton, kaya dapat ka niyang bayaran gamit ang katawan niya kapag matanda na siya.”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.Halos masuka si Colton at agad na tinakpan ang bibig ni Daisie.“Baliw ka ba? Lalaki ako at lalaki din siya. Paano ko siya babayaran gamit ang katawan ko?”Tumabingi ang ulo ni Daisie at nagtanong, “Hindi ba pwedeng magsama ang lalaki at isa pang lalaki?”Sabay na sumagot ang dalawang bata, “Hindi!”Nagkatinginan sina Colton at Nollace bago umiwas ng tingin at suminghal.Mayroong naisip si Daisie at nagtanong, “Oo nga
Kahahatid lang ni Maisie kay Saydie sa airport at pinapanood niya itong umalis nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Barbara.Sinagot niya ang tawag at narinig ang isang malakas at maingay na boses mula sa kabilang linya, kasama na doon ang boses ni Barbara at isang mapagbantang boses ng lalaki.Napagtanto niyang hindi maganda ang nangyayari, at bago pa niya marinig ang usapan nang malinaw, naputol na agad ang tawag.Sinubukan ulit ni Maisie na tawagan ang number, pero wala ng service ang cell phone. Mayroon siyang naisip at mabilis na tinawagan si Quincy.Sa kabilang banda, sinipa ni Jonny ang cell phone ni Barbara. Tumama sa pader ang phone, nabasag ang screen at tuluyan itong nasira.Lumapit siya at hinawakan ang buhok ni Barbara, pinilit niya itong tumingin nang diretso sa kaniya. “Patago ka pang tumawag. Sino sa tingin mo ang magliligtas sa iyo, ang dalawang babae na yun noong nakaraan?”Namutla ang mukha ni barbara habang sumasakit naman ang anit niya. “Hindi ka b
Pulang-pula ang mga mata ni Maisie, at kinuha niya pa ang vase sa mesa at ihahampas sana ito kay Johnny.Mabilis na lumapit si Quincy para pigilan siya. “Mrs. Goldmann, mamamatay siya kapag nagpatuloy kayo.”Suminghal si Maisie. “Paulit-ulit dapat na mamatay nang brutal ang mga ganiyang klaseng tao.”“Magkakaproblema kayo kapag namatay siya. Ayaw niyong mangyari yun, tama? Ipaubaya niyo na ang taong ‘to sa akin, at pwede niyo ng asikasuhin si Ms. Chase.” Alam ni Quincy na nawalan ng pasensya si Maisie. Hahampasin niya sana ang g*gong ito hanggang mamatay kung hindi niya ito napigilan.Kumalma na rin nang bahagya si Maisie. Binato niya ang vase, tumalikod at lumapit sa tabi ni Barbara.Tinakip ni Maisie ang coat niya kay Barbara, nilabas niya ito mula sa private room at malumanay niya itong kinausap. “Ayos ka na, ligtas ka na ngayon.”Nanghihina ang mga paa ni Barbara, at maputla pa rin ang mukha niya. Kahit na nakatakas siya sa nangyari, mayroon pa rin takot sa loob niya.Napatu
Nagulat si Johnny at hindi nakapagsalita.Tiningnan ni Maisie ang mga kuko niya at kaswal na sinabing, “Mukhang nagkamali sila na hindi ka nila kinulong nang habangbuhay para sa nangyari noon.”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Johnny, at inakala niyang si Maisie ang tumulong kay Barbara dati. “Ang nangyari noon…. Ang nangyari noon ay set up ni Katrina. Ginamit lang niya kami.”Tumaas ang tingin ni Maisie at tinitigan siya na nagdulot naman ng nakakakilabot na pakiramdam kay Johnny. “Inaamin ko, gusto ko lang ilabas ang galit ko. Kaya hinanap ko si Katrina at hiningian siya ng bayad para sa amin. Pagkatapos ng lahat, ang p*tang yun ang dahilan kung bakit kami nakulong.“Pero pagkatapos mamatay ng p*tang yun, wala akong….”Naningkit nang bahagya ang mga mata ni Maisie, matalim ang kaniyang tingin. “Namatay si Katrina dahil sa pera. Posible bang para sa iyo ang pera?”Nagulumihanan si Johnny. “N-nanghingi nga ako sa kaniya ng pera, pero wala akong kinalaman sa pagkamatay niya. Hi
May narinig na ingay si Nolan kaya tinaas niya ang kaniyang tingin. "Nandito na ako."Umupo si Maisie sa tabi niya, sinandal ang ulo niya sa balikat ni Nolan, parang pagod, at sumagot, "Uh-huh."Tinaas ni Nolan ang kamay niya at hinaplos ang taas ng ulo ni Maisie. "Hindi pa ba tapos?""Oo" Bahagyang nakatulala ang mata ni Maisie. "Pinarusahan ko sila, at parang naging masamang tao na ako."Lumingon si Nolan para tingnan siya at ngumisi. "Edi hindi ako masama?"Pinatong ni Maisie ang baba niya sa balikat ni Nolan, tiningnan siya, at tumawa nang mapansin na inaakit siya ni Nolan. "Sa tingin mo gaano karami na ang natutuhan ko sayo?"Hinalikan siya ni Nolan at hinaplos ang pisngi niya gamit ang palad niya. "Binigay mo lang ang nararapat para sa kaniya. Tama ginawa mo."Matapos yun, dinala sa hospital si Johnny. Nakuha niya kung ano ang nararapat sa kaniya dahil masyado siyang nandiri sa kahit anong tungkol sa sex—hindi na nga rin niya kayang maging malakas simula pa nun.Hindi na
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da