Dahil sa paliwanag ng taong namumuno sa production crew, maraming tao ang pumuri kay Helios dahil sa katapangan niya. Ang ibang tao ay nililigtas ang sarili nila samantalang siya naman ay inaalala ang kaligtasan ng ibang tao. Nakuha nito ang puso ng mga tao at naging fans na rin niya.Nakita na ang pagkakakilanlan at impormasyon sa artista na niligtas ni Helios at kinalat ito ng mga tao. Bago siyang artista na ginaganap ang ilan sa mga supporting roles sa “The Dream From the Past”.Matapos malaman kung sino siya, ilang haters ng pinuntahan ang kaniyang twitter profile at sinabihan siya na isa siyang tanga na salarin kaya nagkaroon ng injury si Helios—ang iba ay sinabihan pa siyang isang salot. Pero ang iba sa mga taong hindi kayang tiisin ang ganung pagtatrato ay nakipag-away sa mga haters.Pero, biglang nagkaroon ng sandamakmak na atensyon ang bagong artista dahil sa mga sinabi sa kaniya. At nagsimula na rin siyang magkaroon ng maraming followers sa Twitter dahil sa nangyaring iyon
Pumasok si Ryleigh hawak ang bouquet, kinamot ang ulo niya, at ngumiti. "Teehee, hindi ba halata na nandito ako para bisitahin si Helios?"Lumakad naman siya papuntang cabinet sa tabi ng kama, nilagay ang bouquet doon, tumalikod para tingnan si Helios, at kumindat.Naningkit ang mata ni Helios at walang sinabi.Tumalikod si Ryleigh at lumapit sa tabi ni Christina. "Tita, p'wede naman na ako muna magbantay kay Helios kung marami kang gagawin."Ilang sandali na nag isip si Christina. "Pero hindi naman ako busy.""Mom, nandito ka na buong gabi. Dapat umuwi ka na at magpahinga. Hayaan mo na si Ryleigh samahan ako. Matagal ko na siyang hindi nakikita, kaya kakauspin ko siya habang nandito pa."Tiningnan ni Christina si Helios at binuksan ang kaniyang bibig pero wala siyang sinabi. At tumayo siya. "Sige, basta hindi mo iniisip na makulit ako. Hayaan ko na so Ryleigh na bantayan ka. Huwag kalimutan na tawagan ako pag may nangyari."Kumaway si Ryleigh kay Christina habang pinapanuod ni
Nakatayo lang si Nina nang may nakita siya bago pa man siya makapagsalita, habang agad na nilayo ni Barbara ang sarili niya kay Helios at umupo.Agad din na inalis ni Helios ang kamay niya. "Anong problema?"Umiling si Nina nang mabalik siya sa katotohanan at nahihiyang sumagot, "Oh… tama, gusto ni Michelle na magpasalamat sayo ng personal kasi niligtas mo siya."'Buti na lang hindi ko dinala ng direkta rito si Michelle. Kung hindi, talagang magiging usapin na naman ito bukas kung makikita ito ng babaeng yun.'Bahagyang kumunot ang noo ni Helios. "Wala lang yun. Sabihin mo sa kaniya na hindi na niya kailangan magpasalamat.""Pero naghihintay na siya sa labas." Pagpapatuloy ni Nina. "Nasaktan ka nung nililigtas mo siya, at napunta na itong nangyari sa mga balita. Kung iiwasan mo ang pagpapasalamat niya ngayon, hindi mo alam ang sasabihin ng media sayo kung malalaman nila ito."Kinamot ni Helios ang ilong niya. "Edi papasukan mo na siya.""Lalabas muna ako." Gusto tumayo ni Barbar
Pinisil ni Helios ang pisngi niya, "Hindi ka matanda, mature ka."Kahit ano pa man ang itsura niya at ang ugali niya, hindi talaga mukhang inosenteng batang babae si Barbara. Lagi siyang may mature na itsura at eleganteng ganda, at ang mukha niya ay pang-maharlika, at mabilis na maalala. Ang mga artista na ganito ang itsura sa entertainment industry ay madalas napupunta sa sovereign at sexy na character ang setting at style.Si Michelle naman, 20 years old la lang siya, bata pa siya, at nasa fair, bata, at mga energetic na style. Pero, ang mga artista na may ganitong karakter ay sagana sa entertainment industry.Pero mukhang iniisip pa rin ito ni Barbara at iniba niya ang kaniyang tingin. "Ang pagiging mature ay isa na ring matanda sa dictionary ko."Binalot ni Helios ang kamay niya kay Barbara. Nagulat si Barbara at tumalikod para tingnan siya. Sa kabilang banda, bahagyang ngumiti si Helios. "Pero gusto ko yun, at ayun lang ang importante."Nagulat ulit si Barbara. Talagang n
Nakatingin si Daisie sa kapatid niya at hindi napansin ng nangyayari sa likod niya.Hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Be a good girl.”"Hindi, pag hindi ka pumayag." Kinuha niya ang kamay niya at tumalikod.Kinamot ni Nolan ang noo niya at nilabas ang kamay niya hilain si Maisie. "Pag-usapan natin ito mamaya."Si Maisie na nakasandal sa kamay niya ay magiliw na ngumiti.Magsisimula na ang play. Nakatayo si Colton sa stage, pero hindi napansin ng mga estudyante ng ibang klase at mga magulang na lalaki pala ang prinsesa.Ginanapan ng isa pang batang lalaki ang pagiging prinsipe sa klase nila, habang isang babae na estudyante ang gumanap sa evil dragon rider.Lahat ng ilaw ay nakatutok sa stage at napaka-exciting ng performance na lahat ng mata ay nakatutok sa kanila.Na-kidnapped ng evil dragon ang prinsesa, at nang kuhanin sila pataaa ng wires, dahan-dahan silang lumutang.Nang biglang, namatay lahat ng ilaw at nang lahat ay nagulat, sumigaw ang babae.Nilabas ng lahat ang ph
Lumabas ng building si Daisie at tinago niya ang sarili sa likod ng pader nang makita ang isang taong kahina-hinalang lumabas.Tumakbo siya sa flowerbed, nag squat, at nakita ang tao na naglalakad palapit sa kotse na naka-parada sa school compound at tumayo roon.Tumingin si Daisie. Nakababa ang bintana sa kotse, may nakita siyang babae sa loob pero hindi niya nakita ang mukha nito.Nang biglang, tinakpan ng kamay mula sa likod ang bibig niya. Gusto niya sumigaw pero pinatahimik siya ng tao. "Ako ito."Huminti Daisie at tumalikod. Nakatayo sa likod niya si Nollace."Nolly, ikaw—Ouch!" Tinakpan ulit ang bibig niya habang nilagay naman ni Nollace ang isa niyang daliri sa labi niya. "Huwag ka mag-ingay."Tumango si Daisie.Binitawan niya na ang bibig ni Daisie, ay pareho silang tumalikod para tumingin.May sinabi ang lalaki sa babae sa kotse at umupo sa passenger side. Tumingin ang babae sa bintana, at diniin ni Nollace ang ulo ni Daisie pababa. Tiningnan niya ang kotse sa pag-a
Nagulat si Nolan. "Anong sinabi mo?""Nakita ko yung lalaki na kahina-hinalang tumakbo, kaya sumunod ako. Sumakay sila ng sasakyan."Bumagsak ang mukha ni Nolan nang marinig ang sinabi ni Daisie, at sumigaw siya pagkatapos ng mahabang sandali, "Daisie Vanderbilt! Sinong nagsabi sa'yo na pwede mong gawin yun!?"Nagulat si Daisie dahil hindi pa siya napagtaasan ng boses ng kaniyang tatay at hindi rin siya nito kinwestyon noon.Kinagat niya ang kaniyang labi at nakakunot. "Hindi ko kayang hayaan na saktan ng mga tao na yun si Colton, kahit… Kahit na hindi naman talaga siya balak saktan ng tao na yun."Hindi niya sinubukang tumingin sa kaniyang Dad dahil alam niyang galit ito.Huminga ng malalim si Nolan at sinabihan ang principal at vice principal na umalis. Nang umalis na sila, ilang tao na lang ang naiwan sa breakroom.Nakayuko pa rin ang ulo ni Daisie, nakatikom din ang labi niya.Hinawakan ni Nolan ang buto ng kaniyang ilong. "Daisie, kapag may nangyari ulit na ganito, sabihin
Tumagilid si Nollace, tiningnan sa mga mata si Daisie, at malungkot na ngumiti.Kinagat ni Daisie ang labi niya, tumalikod, at tumakbo palabas.Sinabihan ni Nolan si Tristan na kunin si Nollace pagkatapos ng insidente kay Colton. Alam ni Tristan ang tungkol doon at nanatiling tahimik bago nagpadala ng tao para sunduin si Nollace.Ilang araw na hindi pumasok sa paaralan sina Nollace at Colton.Tiningnan ni Daisie ang dalawang bakanyeng desk, at humigpit ang daliri niyang nakahawak sa lapis.Sa Goldmann mansion…Naglakad si Maisie sa study at sumilip sa bahagyang nakasarang pinto. Nakita niya si Nolan na nakatayo sa harap ng bintana.Humalukipkip si Maisie at sumandal sa pinto. "Pinalato mo ba yung bata dahil iniisip mo na na-set up niya si Colton?"Mabagal na humarap si Nolan kay Maisie. Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi na, "Magulo ang nakaraan ng batang yun. Mas mabuting hindi siya makasama ng matagal ng mga anak natin."Yumuko si Maisie. "May tinatago ka sa akin."Nakakun
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na