Share

Kabanata 926

Suminghal si Nollace. “Kung class president ang gagawa ng lahat, bakit pa natin kailangan ng vice president?”

Tumayo si Colton habang nakatukod ang mga braso sa desk at sasagot na sana nang biglang may tumamang chalk sa likod ng ulo niya.

Habang nakapamaywang ay tiningnan siya ni Daisie. “Colton, huwag kang tamad. Busy kami lahat sa mga gawain namin.”

Walang lakas ng loob ang ibang estudyante na sabihan si Colton, pero iba si Daisie.

Pumalatak ang dila ni Colton, pinulot niya ang mga ornaments na nakapatong sa desk, at tiningnan nang masama si Nollace. “Sige, sige, kailangan ko lang naman isabit ang mga dekorasyon, tama?”

Si Lisa na tumutulong sa tabi ni Daisie ay mahinang tumawa. “Masama pa rin ba ang loob ni Colton dahil natalo siya ni Nollace sa class president election?”

Bago lumipat si Nollace sa school nila, si Colton ang top student ng klase, at walang nakakatalo sa kaniya pagdating sa grades.

Pero, pagkatapos malipat ni Nollace sa klase nila, mula sa pagiging una ay nagi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status