Share

Kabanata 914

Author: Ginger Bud
Laging mainit sa Bassburgh kapag winter at malamig naman kapag summer. Ang mga rosas na nasa garden at nasa labas lang ng bintana ay maganda pa rin dahil sa magaling na pag-aalaga ng hardinero noong winter.

Binibigyan ni Maisie ang sarili na magpahinga nitong nakaraan at iniwanan niya ang kumpanya sa pamamahala ni Lucy. Bumisita siya kay apphie ngayong araw sa tito Kennedy niya.

Kalahating taon na si Sapphie ngayon, at ang malambot niyang buhok ay unti-unti ng humahaba. Hindi pa gaanong lumalabas ang facial features niya, bukod sa maliwanag at malaki nitong mga mata na tila kasya ang isang buong galaxy. Nagiging crescent moon din ang mga ito kapag ngumingiti siya.

“Siguradong magiging napakagandang dalaga ng batang ‘to kapag lumaki.” Buhat-buhat ni Kennedy si Sapphie at ayaw mahiwalay. Kahit na hindi siya ang tunay nitong ama, sa ilang buwan nilang pagsasama ay tinuring niya na si Sapphie bilang sarili niyang anak.

Ngumiti si Maisie at nagmungkahi, “Hindi na ako makapaghintay na bi
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 915

    Kinamot ni Maisie ang tungki ng kaniyang ilong. “Ryleigh Hill, tanga ka ba o ano? Engaged ka kay Louis pero nagpalipas ka ng gabi sa bahay ni Jose pagkatapos mong makipag-inuman sa kaniya? Alam mo ba kung anong gagawin ng publiko sa mga taong katulad mo? Kakatayin ka nila sa internet.”“Bad mood ako nang araw na yun.” Pinatong ni Ryleigh ang ulo sa kaniyang kamay at tumulala sa mesa. “Pumunta sa dinner ang ex-girlfriend niya, at bakit hindi niya inisip ang mararamdaman ko at ang tungkol sa engagement namin noong pumunta siya sa banquet bilang partner ng ex niya?”Naningkit ang mga mata ni Maisie.Biglang tumawa nang malakas si Ryleigh. “Peke lang ang engagement. Kung hindi lang pinagkasunduan ng dalawang pamilya ang kasal, baka nagawa ng makipagbalikan ng ex niya sa kaniya.”Pinatong ni Maisie ang baba sa kaniyang kamay. “Kung gusto talaga ni Louis na makipagbalikan kay Xyla, matagal ng natapos ang engagement niya sa iyo. Baka may iba pang dahilan kung bakit siya sumama kay Xyla sa

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 916

    Gustong huminga ng malalim ni Ryleigh, pero hindi siya makagalaw dahil mahigpit ang hawak sa kaniya. Pinakawalan lang siya ni Louis nang hindi na siya nagpupumiglas.Hinawakan niya ang baba ni Ryleigh at lumapit sa labi niya, inalis ang buhok sa kaniyang labi. "Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon kahit gusto mo siya. Hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal natin."Ryleigh, sa akin lang dapat ang puso mo."Tumulo ang luha ni Ryleigh pababa sa kaniyang mukha, hindi niya masabi ang lungkot sa puso niya.Hinalikan niya ang luha sa kaniyang pisngi pero nagpatuloy siya sa paghalik sa kaniyang leeg, pagkatapos ay binuhat siya at naglakad papuntang opisina.Nahirapan siyang huminga dahil sa sakin, at malalim ang kagat niya sa kaniyang labi. Nagsimula siyang halikan ni Louis sa kaniyang pisngi mula sa likod, nakatagilid ang kaniyang ulo.Naging malabo ang ilaw sa likod ng kurtina, mas nakikita ang anino sa bintana.Hanggang gabi, nakaupo si Ryleigh sa passenger seat habang suot an

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 917

    Katulad ng pumunta si Xyla para magpasalamat, nasa office lang siya ng wala pang 10 minuto at walang posibleng nangyari.Lahat ng sinabi ni Helios ang naging dahilan ng pag-isip ni Louis sa reaksyon ni Ryleigh, at mukhang may pakialam siya.Nasa noo niya ang kaniyang kamay, at nagsimulang sumakit ang ulo niya. "Wala akong intensyon na makipagbalikan kay Xyla. Event lang yun para sa bago niyang pelikula. May iba siyang date noong gabing yun, pero may biglang nangyari, kaya pinuntahan niya ako."Sumang-ayon siya na may utang na loob siya sa kaniya, at hindi naman malaki ang tulong na binigay niya.Nilagay ni Helios ang kamay niya sa balikat ni Louis at tinapik yun. "Alam kong may utang na loob ka sa kaniya, pero mas mabuting magpaliwanag ka kay Ryleigh. Hindi niya alam kung anong nangyari sa inyo, kaya normal lang na mali ang maisip niya."Kinabukasan…Nagpaplano ang music academy sa Christmas event. Nag-register ang mga estudyante na sumali sa mga clubs, pero halos lahat sila ay s

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 918

    Nakita sila ni Charles pero hindi niya pinakita yun sa mukha niya. Ngumiti siya at tinanong si Ryleigh, "Mukhang hindi tayo nakakuha ng maraming estudyante para mag sign up."Nahihiyang ngumiti si Ryleigh.Estudyante ni Charles si Ruby. Tumawa siya at sinabing, "Sir, ginagawa talaga ni Ray ang lahat sa recruiting. May tatlong araw kami. Kung makakuha kami ng kaunti ngayon at kaunti bukas, baka hindi tayo makakuha ng matami, pero magiging sapat yun para sa performance."Natutuwang tumango si Charles. "Ayos lang, naniniwala ako sa'yo. Nakasalalay sa'yo ang development ng orchestra ng academy."Nagsimulang mag-usap si Ruby kay Charles sa gilid, naiwang nakatayo sina Ryleigh at Louis sa pwesto nila.Naguguluhan si Ryleigh kung aalis ba siya o hindi, pero nang nagda-dalawang isip siya, nilabas ni Louis ang kamay niya."Anong ginagawa mo?" Tanong ni Ryleigh."Akin na kamay mo." Sabi niya.Nagda-dalawang isip siyang nilagay ang kaliwang kamay, pero bago pa yun maunat, hinila na ni Lo

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 919

    Binaba ni Louis ang ulo niya at tiningnan si Ryleigh. "Pero nakaraan na ang nangyari sa pagitan namin. Hindi ko na siya kakausapin kung hindi mo gusto yun."Hindi inakala ni Ryleigh na susunduin ni Louis ang gusto niya at hindi niya alam ang sasabihin sa oras na yun. Ang dating sa kaniya ay mababaw siya at naghahanap ng mali kahit wala naman."Ryleigh," Hinawakan ni Louis ang pisngi niya at lumapit, "Walang nangyari sa amin sa loob ng anim na taon naming relasyon. Ikaw lang ang hinawakan ko."Namula ang mukha ni Ryleigh, at inangat niya ang kaniyang kamay at tinulak palayo si Louis. Yumuko siya at sinaging, "Tama na.""Kahapon yung una… Nasaktan kita. Gagalingan ko— Mm."Tinakpan ni Ryleigh ang bibig ni Louis, namumula ang mukha niya na parang kamatis. "Sabi ko tama na."Hinawakan ni Louis ang kamay niya at hinalikan ang mga daliri niya. Na-blangko ang utak niya at halos magsimulang umusok.Nagpatuloy siya sa paghalik kay Ryleigh, nakalimutan niya kung gaano siya katindi noong n

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 920

    Walang ekspresyon na sumagot si Barbara, "Hindi naman kita ganoon kakilala.""Ngayong patay na ang kaibigan kong si Eric, nakalimutan mo na rin ako?" Nilagay ng lalaki ang kamay niya sa balikat ni Barbara at lumapit. "Maganda ka pa rin kahit ilang taon na ang lumipas."Bumaba ang kamay niya.Biglang tumayo si Maisie, hinawakan ang kamay niya, at sinipa siya sa tuhod. Bumagsak ang lalaki sa sahig."Kabubuhos lang sa'yo ng tsaa, at hinahawakan mo na ngayon ang kaibigan ko. Sexual harassment 'yan."Naagaw ng boses ni Maisie ang tingin ng iba. Napahiya ang lalaki, tumayo sa sahig, at tumawa. "Siraulo, huwag kang makialam."Inambahan niya si Maisie, na nakaiwas at tinulak siya sa sahig pagkatapos.Tumayo ang iba para manood. Kinuha ang phone nila para kumuha ng picture habang ang iba ay nagsisigawan.Lumapit si Ryleigh at sinipa siya. "Para yan sa pambu-bully mo ng babae.""Kayo… siguraduhin niyong mag ingat kayo!" Nadapa ang lalaki at tumakbo palayo.Tiningnan ni Maisie si Barbar

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 921

    Tinaas ni Helios ang bintana.“‘See you later?’Nagkatinginan sina Ryleigh at Maisie bago bumagsak ang tingin nila kay Barbara. Mukhang hindi naman sila ang kausap ni Helios.Hinatid muna ni Syadie si Ryleigh pauwi bago ihatid sina Barbara at Maisie.Lumingon si Maisie at nagtanong, “Ayos ka lang?”Bumalik si Barbara mula sa malalim niyang iniisip at nakangiting sumagot, “Oo. Ayos lang ako.”“Para sa akin, mukhang hindi ka basta-basta pakakawalan ni Johnny. Huwag ka na muna siguro lumabas sa mga susunod na araw.”Sandaling natigilan si Barbara bago ngumisi. “Huwag ka mag-alala. Kaya ko ang sarili ko.”Hininto ni Saydie ang kotse sa labas ng Skyhigh Park, at umalis lang siya pagkatapos lumabas ni Barbara ng kotse at nagpaalam sa kanila.Tumingin si Barbara sa rear mirror at sinabing, “Miss, babalik ako sa Morwich.”“May nangyari ba kay Daddy Strix?” Kinakabahang nagtanong si Maisie.Umiling si Saydie at sumagot, “Ayos lang si Strix. Nahanap niya daw ang mga magulang ko, kaya

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 922

    Kumibot ang gilid ng labi ni Colton.“Gusto ko palitan ang kapatid ko.”Tinarayan siya ni Daisie.Umiling na lang si Nollace at nagpatuloy sa pagkain. Ayaw niya palang sumali sa isip-batang asaran ng dalawang magkapatid.Habang nasa biyahe sila pabalik sa Blue Bay villa, pinuri ni Maisie ang pagiging katulad ni Nollace kay Waylon pagdating sa pagiging mabait.Bahagyang naningkit ang mga mata ni Nolan at nagtanong, “Mukhang gusto mo rin ang batang yun?”Natigilan si Maisie. Pagkatapos nito, tumawa. “Anong problema? Nagseselos ka ba sa isang bata?”Tiningnan siya ni Nolan at sinabing, “Hindi siya katulad ni Waylon. Napakabata niya pa pero napakatuso na. Hindi siya ganoon kasimple katulad ng nakikita mo.”Nang makita ni Nolan kung paano tuksuhin ni Nollace si Colton kanina habang kumakain, wala siyang magandang impresyon sa batang yun.Hindi kasing alerto nina Colton at Waylon si Daisie, kaya hindi niya yun napansin.Naguluhan si Maisie. Kahit na napansin niyang iba si Nollace m

Pinakabagong kabanata

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2763

    Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2762

    Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2761

    Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2760

    Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2759

    Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2758

    Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2757

    Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2756

    Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2755

    Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status