"Alam ni Xyla ang tungkol sa pagkatao ko at gusto niyang tanggalin ang posibilidad na pipigilan ko siyang gumawa ng kahit anong hakbang kay Ryleigh, kaya nilunok niya ang pride niya at nag alok ng endorsement sa Soul para masiguro niyang pipiliin kong hindi makisali sa gagawin niya sa susunod."Tumawa si Kennedy. "Inisip niyang mas mahalaga sa'yo ang benepisyo sa kumpanya kumpara sa iba.""At isa pa, nasa development ngayon ang Soul at kailangan pang makakuha ng ibang resources bago makarating sa punto na magagamit ng kumpanya ang international influence ni Xyla."Dumating sila sa pavilion at nakita ang maliit na convenience shop sa malapit, kaya tinanong ni Maisie, "Tiro Kennedy, gusto mo ba ng maiinom?""Kahit ano na lang."Pumunta si Maisie sa shop at bumili ng dalawang can ng lemon tea. Pero mayroong batang lalaki na naka bisikleta, at hindi niya yata napansin si Maisie, na biglang naglakad sa sidewalk.Isang anino ang lumapit sa kaniya at agad siyang hinila palayo. Sa oras d
Nagtanong si Francisco, “Sino ang nagsabi niyan? Sa tingin mo ba ay nasa training camp pa din tayo?”Wala siyang kinatakutan na kung sinuman sa training camp.Ngumiti si Maisie pero hindi na nagsalita.Umalis si Samantha nang makuha niya ang gamot. Nag-aalala si Francisco na harasin ng tatay niya ang kaniyang nanay, kaya sumama siya kay Samantha.Nang umalis siya, binanggit niya na may utang sa kaniyang pagkain si Maisie para hindi niya ito makalimutan.Hindi yun makakalimutan ni Maisie, pero mukhang hindi pa kuntento si Francisco, kaya lumakad ito papunta sa kotse at malakas ang loob na sinabing, “Pagkatapos ng nangyari ngayong araw, dalawang meals na.”Walang masabi si Maisie.Pagkatapos umalis ng sasakyan, narinig ni Maisie ang busina ng sasakyan sa hindi kalayuan. Tumalikod siya at nakita ang isang agaw-pansin ngunit pamilyar na Maybach na nakaparada doon.Huminga nang malalim si Maisie. ‘Nolan!’Lumakad siya papunta sa sasakyan, at dahan-dahang bumaba ang bintana nito, na
Nasa vegetative state pa din ang anak ni Mr. Topaz at maaaring hindi na ito magising, pero hindi kailanman nawalan ng pag-asa ang ama.Nakita rin ni Anthony si Nolan at nilapitan ito. “Nandito ka.”Ngumiti si Nolan at tumango. “Tito Anthony.” Inakbayan niya si Maisie. “Hayaan niyong ipakilala ko kayo. Misis ko, si Maisie Vanderbilt.”Magalang na bumati si Maisie. “Marami po akong narinig tungkol sa inyo.”Magalang din sumagot si Anthony, “Marami akong nabalitaan tungkol sa inyong dalawa ni Nolan. Match made in heaven nga talaga kayo.”Ngumiti si Maisie. “Salamat po.”Nagbigay ng opening introduction ang host at inimbita ang isang tao mula sa organizing team para magbigay ng speech.Pinakita sa LED screen sa stage ang sitwasyon ng area kung saan mapupunta ang donasyon, at inimbita ng organizers ang mga bata mula sa mga villages para magbigay ng pasasalamat.Nang magsimula ang donation ceremony, lahat ng kumpanya ay nag-donate ng cash, paintings, at marami pa, lahat ay nagkakahal
May nakita si Maisie at tinulak ang regalong hawak niya sa mga braso ni Nolan. “Hawakan mo muna ‘to para sa akin. Babalik ako.”Pumasok si Maisie sa isang corridor at nakita si Anthony na may kausap na matandang lalaki sa labas.Hindi sila inistorbo ni Maisie at lumapit lang nang umalis na ang lalaki. “Mr. Topaz.”Lumingon sa kaniya si Anthony. “Ikaw pala. Bakit hindi mo kasama si Nolan?”Ngumiti si Nolan. “Sinabi ko sa kaniya na kakausapin ko kayo.”Napatigil si Anthony. “May maitutulong ba ako sa iyo?”Tumango si Maisie at humanap ng dahilan. “Estudyante ako sa Northwest University, at nakasama ko sa ilang classes ang anak niyong si Naomi. Marami akong nalaman tungkol sa inyo kanina.”Nagulat si Anthony at nagdilim ang kaniyang mga mata, “Oh…”“Kahit na hindi ko masiyadong nakasama ang anak niyo, alam kong masipag at positive siyang tao.”Naantig ang puso ni Anthony dahil matagal na simula nang huling may nakipag-usap sa kaniya tungkol sa kaniyang anak, at coursemate ito ni
Siyempre, minsan ay nilalabas rin nila si Naomi para maarawan, pero limitado lang ang duration nun.Pinagmasdan ni Maisie ang taong natutulog sa kama at narinig niyang bumuntong-hininga ang nurse. “Napakabata pa ni Ms. Topaz nang maaksidente at mahigit sampung taon na siyang natutulog. Kahit ang mga doktor ay pinapayuhan na si Mr. Topaz na bumitaw.”Kumplikado ang nararamdaman ni Maisie. Hindi niya malalaman ang tungkol kay Naomi kung hindi ito nabanggit ni Louis.Mayroon siyang naisip. “Walang ibang bumibisita sa kaniya bukod kay Mr. Topaz?”Nag-isip ang nurse. “Noong una ay bumibisita ang mga coursemates niya, pero hindi yun nagtagal. Wala ng sumunod pagkatapos nun.”Nagtagal doon si Maisie bago umalis sa nursing home. Sumakay siya sa kaniyang kotse at tinawagan si Ryleigh.Nasa pool hall si Ryleigh kasama ni Barbara. Nagpunta dun si Maisie kasama si Saydie at nakita ang dalawa sa isang table.Lumapit siya habang nakahalukipkip. “Nag-eenjoy kayo.”Umiinom ng coke si Ryleigh a
Tahimik lang si Maisie, nag-iisip.Sinuportahan ni Barbara ang sarili gamit ang isang kamay na nakatukod sa table, “Posible bang plinano yung lahat ng biktima?”Tiningnan siya ni Ryleigh, “Hindi gagamitin ni Naomi ang buhay niya bilang katuwaan.”Napahawak sa baba si Barbara. “Ibig sabihin, may umatake kay Naomi, pero bakit isisisi yun sa iyo ng attacker?”Walang ideya si Ryleigh.Humalukipkip si Maisie. “Dahil yun sa admission list ng Royal Academy of Music ng Zlokova. IIsa lang ang spot, kaya naman si Ryleigh o Naomi lang ang makakakuha nun.”Sina Ryleigh at Naomi ang pinakamagaling na magkaribal sa orchestra, pero kung gustong i-frame ni Naomi si Ryleigh para siya ang makapasok, hindi niya kailangan ilagay ang buhay niya sa panganib.Kung may umatake kay Naomi at si Ryleigh ang masisisi, katumbas na yun ng pagpatay ng dalawang ibon gamit ang iisang bato, dalawang karibal agad ang matatanggal. Kaya naman, ang kompetisyon nila ang may pinakamagandang makukuha sa insidente na yu
Naningkit ang mga mata ni Maisie, at dahan-dahang nawala ang ngiti sa mukha niya. “Iniisip mo ba na babalikan ka ni Louis pagkatapos umatras ni Ryleigh sa kasal nila?”Nagbago ang emosyon sa mga mata ni Xyla, pero agad niyang pinakalma ang sarili. “Sa tingin ko ay wala ka ng pakialam dun, Ms. Vanderbilt. Anim na taon na naging kami ni Louis. Kaya ko siyang mapa-ibig noon, at kaya ko rin ulit gawin yun ngayon.”Tumayo si Xyla at lumapit kay Maisie. Tinapik niya ang balikat nito at sinabing, “I’m looking forward sa cooperation natin.”Nang maglalakad na si Xyla papunta sa pinto, narinig niya ang boses mula sa likuran niya. “Hindi mo talaga kilala si Louis, ano? Siyempre, hindi mo rin ako kilala.”Nanigas ang katawan ni Xyla.Gayunpaman, wala na siyang sinabi at umalis na lang.Sa Royal Academy of Music…Nagtuturo si Louis sa classroom. Pagkatapos ng lesson, ilang mga babaeng estudyante ang nahihiyang lumapit sa kaniya para humingi ng payo tungkol sa finger positions.Tiningnan si
Namangha si Maisie kay Nolan. Ito nga talaga ang lalabas sa bibig nito pagkatapos mawalan ng alaala.Sumingit si Daisie at nagtanong, “Ano ang internet trolls?”Nagpaliwanag si Maisie, “Katulad ng mga taong nagalit sa inyo ng kapatid mo noon. Kilala sila bilang mga internet trolls.”“Oh, ganoon pala.” Sagot ni Daisie.Hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie at nagtanong, “Kung ganoon, hahayaan mo na siya ang maging spokesperson?”Nagkibit-balikat si Maisie. “Oo, wala akong magagawa. Ilang beses na niya akong pinuntahan, at masamang impluwensya yun sa Soul kapag tinanggihan ko siyang maging spokesperson.”Tumalim ang mga mata ni Nolan. “Ang Soul Jewelry ay nasa ilalim ngayon ng Blackgold Group. Sigurado akong wala siyang magagawa kapag sinabi mo sa kaniya na ayaw siyang maging spokesperson ng Blackgold.”Ayaw niyang magpadalus-dalos si Nolan, kaya mabilis itong pinigilan ni Maisie. “Darling, ibigay mo na ito sa akin. Huwag ka mag-alala, hindi ko hahayaan na makuha niya ang gusto n
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell