Share

Kabanata 704

Siyempre, minsan ay nilalabas rin nila si Naomi para maarawan, pero limitado lang ang duration nun.

Pinagmasdan ni Maisie ang taong natutulog sa kama at narinig niyang bumuntong-hininga ang nurse. “Napakabata pa ni Ms. Topaz nang maaksidente at mahigit sampung taon na siyang natutulog. Kahit ang mga doktor ay pinapayuhan na si Mr. Topaz na bumitaw.”

Kumplikado ang nararamdaman ni Maisie. Hindi niya malalaman ang tungkol kay Naomi kung hindi ito nabanggit ni Louis.

Mayroon siyang naisip. “Walang ibang bumibisita sa kaniya bukod kay Mr. Topaz?”

Nag-isip ang nurse. “Noong una ay bumibisita ang mga coursemates niya, pero hindi yun nagtagal. Wala ng sumunod pagkatapos nun.”

Nagtagal doon si Maisie bago umalis sa nursing home. Sumakay siya sa kaniyang kotse at tinawagan si Ryleigh.

Nasa pool hall si Ryleigh kasama ni Barbara. Nagpunta dun si Maisie kasama si Saydie at nakita ang dalawa sa isang table.

Lumapit siya habang nakahalukipkip. “Nag-eenjoy kayo.”

Umiinom ng coke si Ryleigh a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status