Dinala ni Russell si Louis sa study room. Pagkatapos nilang maupo sa harap ng mesa, inutusan niya ang kasambahay na dalhan sila ng tsaa.Tiningnan ni Louis ang study room. Simple at klasik ang decoration ng study room. Lahat ng naka-display na libro sa shelf ay nakaayos mula sa classical at modern titles. Naisip niya na nararapat lang na maging scholarly family ng Bassburgh ang mga Hills.Matapos ibigay ng kasambahay ang tsaa, pinatigil ni Louis si Russell nang sasalinan siya ng tsaa nito. Sabi niya, "Ako na, Mr. Hill."Tumawa si Russell at sinabing, "Ayos lang."Matapos magsalin ng tsaa, bumuntong hininga siya. "Pasensya ka na sa nangyari kanina."Habang hawak ang tasa ng tsaa sa kamay niya, sabi ni Louis, "Mahigpit ka kay Ryleigh, pero alam ko na hindi mo naman siya sinasaktan nang malala kahit gaano ka pa ka-galit sa kaniya."Mapait ang ngiti ni Russell. Totoo na sinasaktan niya si Ryleigh madalas, pero hindi yun malakas. Kung tutuusin, nag-iisa niya lang itong anak, at mahal
Sinundan ni Ryleigh ang tatay niya sa pinto at sumigaw, "Dad!"Pero, hindi siya pinansin ni Russell. Bumalik siya sa kwarto niya at ni-lock ang pinto.Nanatili si Louis sa study room at tumingin kay Ryleigh, na nakatayo sa labas. Matapos ang ilang sandali, pumasok si Ryleigh at kinwelyohan siya, "Ano bang gusto mo, Louis? Bakit mo ako ini-imbestigahan?'"Mayroon ka bang lihim na hindi dapat malaman ng iba?" Kalmadong sagot ni Louis.Walang sinabi pabalik si Ryleigh.Tinanggal niya ang kamay niya at inayos ang kaniyang kwelyo. Pagkatapos nun, tumayo siya at tumingin sa kaniya. "Sa tingin mo ba kasalanan mo ang nangyari nang taon na yun?"Napatigil si Ryleigh. Mahigpit na nakakuyom ang kamao niya at tinanong, "Anong ibig mong sabihin?"Lumapit sa kaniya si Louis at sinabing, "Hindi ako naniniwala na ganoon kang klase ng tao."Matapos nun, umalis siya ng study room, iniwan si Ryleigh na nakatayo pa rin sa pwesto niya habang nawawalan ng pag-asa.Sa Blackgold…Nilagpasan ni Maisi
Niluwagan ni Nolan ang necktie niya at sinabi kay Quincy. "Hindi ako pupunta sa dinner. Sabihin mo sa kanila kailangan ko maligo kasama ang asawa ko."Napatahimik si Quincy.Kinagabihan, pinagsisihan ni Maisie ang lahat ng sinabi niya kaninang tanghali. Maaaninag ang maliit na alon sa kisame. Mahamog ang banto, at luminaw lang ang paningin niya nang nawala na ang residual heat doon.Sumandal siya sa dibdib ni Nolan at pinakinggan ang tibok ng puso niya. Mayroong preskong amoy ang katawan niya matapos maligo, at ang butil ng pawis na tumutulo sa katawan niya ay parang batis ng ilaw."Hindi ka talaga pupunta sa dinner?" Tanong niya.Inangat niya ang basang buhok ni Maisie at hinawakan ito sa likod niya. "Ayaw ko rin naman talaga pumunta. At saka, hindi ba't mas importante na manatili sa misis ko kaysa makipag-socialize?"Natuwa si Maisie sa naging sagot niya. Tumayo siya at binalot ang katawan niya ng towel. Pagkatapos nun, kinuha niya ang hair blower at pumunta sa washbasin para p
Malaking sugat ang naiwan kay Ryleigh dahil sa nangyari noon. Hindi lang niya iniwasan ang music, kundi iniwasan niya rin ang paggamit ng kahit anong musical instrument hanggang ngayon.Nagulat si Nolan.Halata na para sa kaniya, ang insidente na nangyari sa pagitan nina Ryleigh at Naomi Topaz ay hindi pa nangyayari, at wala pa siyang naaalala na ganoon.Kinuha ni Maisie ang kamay niya, inangat ang ulo ni Nolan, at mahinang ngumiti. "Dahil kilala mo si Mr. Topaz, pwede mo ba ako ipakilala sa kaniya? Gusto ko siya makita sa personal."Inangat siya ni Nolan, nilagay siya sa kanto ng washbasin, at nilapit ang dibdib niya kay Maisie. "Matapos ng lahat ng sweet-talking mo sa akin, gusto mo lang pala siya makita?"Napatikom ang labi ni Maisie. "Tutulungan mo ba ako?"Hinalikan niya ang tainga ni Maisie at hininaan ang boses niya. "Depende sa performance ng misis ko."Tahimik ang gabi, at ang gray na kurtina na nakatakip sa French window at hinahangin. Nag perform si Maisie mula hating
"Pero, gusto ko malaman kung bakit napili mong makipag-collaborate sa Soul Jewelry, isang brand na baguhan pa lang sa field na 'to? Marami kang ibang pagpipilian."Tumingin si Xyla kay Maisie. "Dahil gusto ko ang design inspiration ng Soul Jewelry. Nakikita ko ang "soul" na taglay ng jewelry design dahil nakita ko na ang ibang masterpiece na ginawa mo ng nagtatrabaho ka pa sa Luxella noon. Magkaiba sila ng itsura at dating sa mga "soulless" pieces yun na mayroon lang magnificent-looking shells."Bumaba ang tingin ni Maisie at tumawa. "Isang karangalan na makilala ka. Alam mo kung paano hangaan ang designs ko, Ms. Mayweather."Ngumiti si Xyla. "Syempre, pero mayroon pang rason."Naningkit ang mata ni Maisie habang sinasabi ni Xyla na, "Narinig ko na gumawa ng ekspresyon si Louis para mag-shoot ng promotional advertisement para sa Soul Jewelry three years ago. Hindi naman masama brand na na-endorse ni Louis, ano?"Nagpalitan ng tingin si Maisie at Xyla.'Binunyag niya lang ang iba
Namimili ng luxury goods sina Barbara at Ryleigh, at wala sa ulirat si Ryleigh sa buong proseso. Ilang beses siyang kailangan na tawagin ni Barbara bago siya sumagot."Anong nasa isip mo?"Ngumuso si Ryleigh at biglang hinagod ang tiyan niya. "Nagugutom ako. Pwede na ba tayo mag dinner ngayon?"Tumawa si Barbara. "Hindi ba't kakakain lang natin kaninang tanghali?"Saglit na nabigla si Ryleigh. "Ganoon ba?"Mayroon sanang sasabihin si Barbara nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag nang makitang si Maisie yun. "Nasa mall kami ni Ryleigh ngayon. Siya? Naubusan ng battery ang phone niya at namatay. Ano?"Pinatay ni Barbara ang tawag na mayroong nababahalang ekspresyon matapos ang palitan ng ilang sinasabi.Kaya, tinanong ni Ryleigh, "Anong nangyari? Bakit ka tinawagan ni Zee?"Inangat ni Barbara ang talukap niya, tiningnan si Ryleigh, at nilagay ang kamay niya sa balikat ni Ryleigh. "Mayroon kang problema."Naguguluhan si Ryleigh.Nagmamadaling pumunta sa Soul Je
"Hindi tayo magkasundo? Ganyan lang ang makukuha ko?" Naglakad si Xyla sa at hinarap siya na namumula ang mata. "Anim na taon tayong magkasama. Mahal mo ang music, kaya inaral ko ang violin para sa'yo. Ginawa ko ang lahat para mapalapit sa'yo, para makapasok sa puso mo, pero ikaw? Ang ginawa mo lang ay maliitin 'tong nararamdaman ko para sa'yo."Mukhang naantig ang mata ni Louis. "I'm sorry.""Hindi ko kailangan ng apology mo." Niyakap siya ni Xyla. "Louis, kaya kong maging babae na gusto mo kung hindi mo gusto kung anong klaseng babae ako. Sinabi mo sa akin na susubukan mong tanggapin ako, pero anim na taon na ang lumipas…"'Hindi ako umabot sa puso niya, at ang makukuha ko lang sa kaniya ay breakup at ang simpleng "hindi tayo magkasundo." Hindi ko matanggap ang nangyari!'Tinulak siya ni Louis at agad na binaba ang kamay niyang nakahawak sa balikat niya. "Ayos ka lang, at wala kang dapat baguhin. Isipin mo na lang 'yun bilang pabor na utang ko sa'yo. Kaya ko yun palitan ng kahit
"Alam ni Xyla ang tungkol sa pagkatao ko at gusto niyang tanggalin ang posibilidad na pipigilan ko siyang gumawa ng kahit anong hakbang kay Ryleigh, kaya nilunok niya ang pride niya at nag alok ng endorsement sa Soul para masiguro niyang pipiliin kong hindi makisali sa gagawin niya sa susunod."Tumawa si Kennedy. "Inisip niyang mas mahalaga sa'yo ang benepisyo sa kumpanya kumpara sa iba.""At isa pa, nasa development ngayon ang Soul at kailangan pang makakuha ng ibang resources bago makarating sa punto na magagamit ng kumpanya ang international influence ni Xyla."Dumating sila sa pavilion at nakita ang maliit na convenience shop sa malapit, kaya tinanong ni Maisie, "Tiro Kennedy, gusto mo ba ng maiinom?""Kahit ano na lang."Pumunta si Maisie sa shop at bumili ng dalawang can ng lemon tea. Pero mayroong batang lalaki na naka bisikleta, at hindi niya yata napansin si Maisie, na biglang naglakad sa sidewalk.Isang anino ang lumapit sa kaniya at agad siyang hinila palayo. Sa oras d
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell