Ayaw ni Ryleigh na maiwang mag-isa doon, kaya kinuha niya ang handbag niya pero napansin niya na naiwan ang phone ni Maisie sa couch."Hay, bakit…"Nang kunin niya ang phone at pinindot ang screen, nakita niya ang isang unread text message. Halatang nagulat siya sa content ng text message.Tiningnan siya ni Louis. "Phone niya ba yan?"Hindi sumagot si Ryleigh, dala ang kaniyang handbag, mabilis siyang lumabas ng kwarto."Lew, anong…" Tanong ni Donovan habang naguguluhan naman ang dalawa pa nilang kasama.Huminga nang malalim si Louis at tumayo. "Uminom lang kayo, guys. Susundan ko sila.*Pagkalabas ni Ryleigh ng bar, hinabol siya ni Louis, hinawakan at marahang sinabi, "Tawagan mo si Helios, tanungin mo kung nasaan siya. Dadalhin kita dun."Nakatulala pa rin si Ryleigh.Akala ni Louis ay hindi siya nito narinig at magsasalita sana ulit nang biglang tumingin sa kaniya si Ryleigh. "Gustong makipag-divorce ni Mr. Goldmann kay Zee."Nakaupo si Maisie sa isang bench sa t
“Oo, naiinggit ako sa kaniya dahil mayroon siyang mga magulang na nagmamahal sa kaniya, at naiinggit ako sa kalayaan na mayroon siya.”Naramdaman ni Maisie na totoo nga ang inggit nito kay Nolan dahil sa lungkot sa mga mata ni Helios.Walang emosyon na dinagdag ni Helios, “Mayroon nagsabi sa akin na isang trahedya kung walang pangarap at lakas ng loob ang mga tao para mabuhay para sa mga sarili nila, kung ang alam lang nila ay sumunod sa batas at mabuhay sa mundong ‘to, itinatawid lang ang bawat araw.”Lumingon siya kay Maisie. “Ang taong nagsabi nun ay ang nanay ni Nolan, si Tita Natasha Knowles.”Bumuka ang bibig ni Maisie pero hindi siya nagsalita.Nagpatuloy sa pagsasalita si Helios. “Istrikto talaga ang mga elders sa pamilya ko. Noong bata ako, bukod sa pag-aaral ng etiquette at mga established practice, kailangan ko rin magbasa ng iba’t-ibang libro para lumawak ang kaalaman ko. At pagkatapos kong pumasok sa isang private college, mas kinailangan kong mag-aral. Kaya nama
Hindi nagsalita si Maisie.‘Nalaman ko kay Cherie ang istorya ng mga Boucher at Knowles. Kung hindi sumuko si Yael kay Natasha dahil sa arrangement ng pamilya niya noon, baka hindi si Nolan ang Nolan na nakilala ko at minahal. Hindi rin si Helios ang Helios na katabi niya ngayon.‘Nakatadhana na ang lahat, at kung hindi nagbago ang isip ko noon, baka hindi ko nakilala si Nolan.‘Six years ago ay nagtagpo ang mga buhay namin, isang buto na kinalaunan ay tumubo. Paglipas ng anim na taon, muli na naman umikot ang tadhana, dahilan para magkita ulit kami. Pero hindi ba’t desisyon ko lahat ng ‘to? Kung hindi ko pinili na bumalik sa Zlokova para ipaglaban ang Vaenna at kung nanatili lang sa Stoslo para tamasain ang kasikatan at kayamanan na nakuha ko doon, baka hindi ko nakilala ang tatay ng mga anak ko.’Sinilip ni Helios ang relo niya. “Gabing-gabi na. Ihahatid na kita.”Pagkatapos ng usapan nila, hindi na naiinip si Maisie, kaya tumayo siya at sinabing, “Salamat.”“Hindi mo kai
“Nolan—” Gustong sumugod ni Louis at bugbugin si Nolan, pero hinahawakan siya ni Ryleigh at hindi niya ito pwedeng itulak na lang.Bihira lang magalit si Louis at hindi siya kailanman nakikipag-away ng walang dahilan, pero sumusobra na si Nolan!“Tama na yan.”Kasing kalmado ng estatwa si Maisie—imposibleng mabasa ang ekspresyon niya. Nakayukom ang mga kamay niya at nanginginig,Tiningnan niya si Nolan, namumula na ang mga mata niya, at halos tumulo na ang kaniyang mga luha. Pero, hindi pa rin siya tinitingnan ni Nolan. Wala itong pakialam.“Nolan, anong gagawin mo sa akin kung pipiliin kong hindi ituloy ang divorce?” Oo, nawalan siya ng dignidad, pero gusto niya pa rin subukan salbahin ang relasyon nila. Umatras siya pero hindi niya tatanggapin ang divorce. Hindi siya aalis kahit na ipagtabuyan siya nito.Paano siya maniniwala na ang lalaking nilagay ang buhay sa panganib para iligtas siya sa Stoslo ay hindi na siya mahal at pagod na sa kaniya?“Maisie, hindi mo ba siya
Wala na masyadong oras.Nagsara ang pinto at umalis na ang itim na kotse, naglaho ito sa dilim ng gabi.Napako si Maisie sa kinatatayuan niya. Nang yumuko sya, ang mga luhang nagpalabo ng kanyang mata ay pumatak sa sapatos niya.Tumakbo papunta sa kaniya si Ryleigh at hinawakan siya sa balikat. “Maisie, bakit hindi ka pa sumuko kung gusto na niya—”“Hindi mo naiintindihan,” pinutol ni Maisie ang sinasabi niya, makikita ang mahaba niyang anino. Matapos ang ilang sandali, mahina niyang sinabi, “Iuwi mo na ako sa Vanderbilt manor, please.”Hindi niya inangat ang ulo niya.Sandali siyang tiningnan ni Helios, “Kunin ko na yung kotse.”Tahimik si Maisie pag-uwi. Kinuha ang phone niya, pinasalamatan si Helios, at bumaba na ng kotse at hindi na lumingon pa nang makarating sila sa Vanderbilt manor. Tiningnan siya ni Helios papuntang pinto. Malalim ang iniisip niya habang nakakunot ang noo. Kinuha niya ang phone niya at nag-send ng message. Samantala, sa Goldmann mansion…P
“Hindi mo ba kailangan magtrabaho?”“Hay, Pwede naman ako magpahinga. Hindi lang ako mababayaran ng ilang araw.” ginalaw ni Ryleigh ang kamay niya.Kinuha ni Maisie ang kape, uminom, at nagsimulang makaramdam ng pagsusuka. Agad niyang binaba ang kape at tumakbo sa banyo.“Zee?” Tumayo si Ryleigh.Nagmadali si Maisie sa banyo at pumunta sa isang stall. Nagsimula siyang sumuka nang buksan ang takip. “Zee, ayos ka lang ba?”Tumayo si Ryleigh sa labas. Nang makita niya si Maisie na sumusuka, nagulat siya, “Zee, baka—”Napaisip din siya. Agad siyang nanigas. Palagi siyang nasusuka, walang gana kumain, at hindi pa siya dinadatnan. Baka nga!?Binuhusan ni Maisie at lumabas siyang nakahawak ang kamay sa tiyan, at namumutla pa lalo.Nag-alala si Ryleigh. “Gusto mo samahan kita sa ospital para magpacheck-up?”Hindi tumutol si Maisie. Paano kung buntis talaga siya Anong gagawin niya gusto ng divorce ni Nolan, anong mangyayari sa bataDinala ni Ryleigh si Maisie sa hospital
“Hindi siya makikipag-divorce nang walang dahilan!" Halatang galit si Maisie, namumula ang mata niya. "Elder Master Goldmann, parang awa mo na, iharap niyo siya sa akin!"Nag-igting ang panga ni Titus, pero nanatili ang ekspresyon niya. "Desidido na siya sa divorce. Bakit mo pa siya ginugulo? Hindi pa ba sapat ang gulo na binigay mo sa kaniya? Hindi kami makikipaglaban sa karapatan sa mga bata, at binigay na ni Nolan ang ibang shares niya. Hindi pa ba yun sapat?"Namutla ang daliri ni Maisie. Ayun ba ang gusto niya? Hindi!Nanginig ang boses niya. "Gusto ko lang ng closure."Kinuyom ni Titus ang kamao niya, na pinipigilan niya. Nang maalala niya ang pinagdaanan ng apo niya, naging malamig ang mata niya. "Closure? Hindi nga ako payag sa relasyon niyo. Ako ang nag-utos sa kaniyang makipag-divorce. Hindi ka bagay para sa kaniya."Kung hindi kakayanin ni Nolan maging matatag, siya na lang ang magiging "masamang tao" na naghiwalay sa kanila.Nagngalit ang ngipin niya at sinabing
Nagising si Maisie dahil sa pamilyar na amoy ng medical disinfectant. Puting kisame lang ang nakikita niya."Gising ka na, Zee?" Nakangiting tanong ni Ryleigh nang makita siya.Nandoon din sa kwarto sina Stephen ar Cherie. Matapos mawalan ng malay, narinig niyang sinabi ni Cherie na dinala si Maisie sa hospital kaya agad na pumunta, "Zee, sabi ng doktor kailangan mong magpahinga nang maayos. Buntis… buntis ka at muntik ka na makunan dahil sa sobrang balisa mo."Nagulat si Maisie. Hinaplos niya ang tiyan niya at nakaramdam ng pagsisisi dahil inilagay niya sa kapahamakan ang bata. Nanghihina niyang sinabi, "Sinong nagdala sa akin dito?"Naalala niyang may nakita siya bago siya mawalan ng malay. Napatikom ang labi ni Ryleigh, alam niya na iba ang inaasahan niya. "Yung pinsan ko. Tinawagan siya ng assistant niya."Napatikom ang labi ni Maisie habang kumukurap.Tinulungan siya ni Cherie nang makita niyang gustong umupo ni Maisie. Kung hindi sinabi sa kaniya ng kapatid niya, hind
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,