Wala na masyadong oras.Nagsara ang pinto at umalis na ang itim na kotse, naglaho ito sa dilim ng gabi.Napako si Maisie sa kinatatayuan niya. Nang yumuko sya, ang mga luhang nagpalabo ng kanyang mata ay pumatak sa sapatos niya.Tumakbo papunta sa kaniya si Ryleigh at hinawakan siya sa balikat. “Maisie, bakit hindi ka pa sumuko kung gusto na niya—”“Hindi mo naiintindihan,” pinutol ni Maisie ang sinasabi niya, makikita ang mahaba niyang anino. Matapos ang ilang sandali, mahina niyang sinabi, “Iuwi mo na ako sa Vanderbilt manor, please.”Hindi niya inangat ang ulo niya.Sandali siyang tiningnan ni Helios, “Kunin ko na yung kotse.”Tahimik si Maisie pag-uwi. Kinuha ang phone niya, pinasalamatan si Helios, at bumaba na ng kotse at hindi na lumingon pa nang makarating sila sa Vanderbilt manor. Tiningnan siya ni Helios papuntang pinto. Malalim ang iniisip niya habang nakakunot ang noo. Kinuha niya ang phone niya at nag-send ng message. Samantala, sa Goldmann mansion…P
“Hindi mo ba kailangan magtrabaho?”“Hay, Pwede naman ako magpahinga. Hindi lang ako mababayaran ng ilang araw.” ginalaw ni Ryleigh ang kamay niya.Kinuha ni Maisie ang kape, uminom, at nagsimulang makaramdam ng pagsusuka. Agad niyang binaba ang kape at tumakbo sa banyo.“Zee?” Tumayo si Ryleigh.Nagmadali si Maisie sa banyo at pumunta sa isang stall. Nagsimula siyang sumuka nang buksan ang takip. “Zee, ayos ka lang ba?”Tumayo si Ryleigh sa labas. Nang makita niya si Maisie na sumusuka, nagulat siya, “Zee, baka—”Napaisip din siya. Agad siyang nanigas. Palagi siyang nasusuka, walang gana kumain, at hindi pa siya dinadatnan. Baka nga!?Binuhusan ni Maisie at lumabas siyang nakahawak ang kamay sa tiyan, at namumutla pa lalo.Nag-alala si Ryleigh. “Gusto mo samahan kita sa ospital para magpacheck-up?”Hindi tumutol si Maisie. Paano kung buntis talaga siya Anong gagawin niya gusto ng divorce ni Nolan, anong mangyayari sa bataDinala ni Ryleigh si Maisie sa hospital
“Hindi siya makikipag-divorce nang walang dahilan!" Halatang galit si Maisie, namumula ang mata niya. "Elder Master Goldmann, parang awa mo na, iharap niyo siya sa akin!"Nag-igting ang panga ni Titus, pero nanatili ang ekspresyon niya. "Desidido na siya sa divorce. Bakit mo pa siya ginugulo? Hindi pa ba sapat ang gulo na binigay mo sa kaniya? Hindi kami makikipaglaban sa karapatan sa mga bata, at binigay na ni Nolan ang ibang shares niya. Hindi pa ba yun sapat?"Namutla ang daliri ni Maisie. Ayun ba ang gusto niya? Hindi!Nanginig ang boses niya. "Gusto ko lang ng closure."Kinuyom ni Titus ang kamao niya, na pinipigilan niya. Nang maalala niya ang pinagdaanan ng apo niya, naging malamig ang mata niya. "Closure? Hindi nga ako payag sa relasyon niyo. Ako ang nag-utos sa kaniyang makipag-divorce. Hindi ka bagay para sa kaniya."Kung hindi kakayanin ni Nolan maging matatag, siya na lang ang magiging "masamang tao" na naghiwalay sa kanila.Nagngalit ang ngipin niya at sinabing
Nagising si Maisie dahil sa pamilyar na amoy ng medical disinfectant. Puting kisame lang ang nakikita niya."Gising ka na, Zee?" Nakangiting tanong ni Ryleigh nang makita siya.Nandoon din sa kwarto sina Stephen ar Cherie. Matapos mawalan ng malay, narinig niyang sinabi ni Cherie na dinala si Maisie sa hospital kaya agad na pumunta, "Zee, sabi ng doktor kailangan mong magpahinga nang maayos. Buntis… buntis ka at muntik ka na makunan dahil sa sobrang balisa mo."Nagulat si Maisie. Hinaplos niya ang tiyan niya at nakaramdam ng pagsisisi dahil inilagay niya sa kapahamakan ang bata. Nanghihina niyang sinabi, "Sinong nagdala sa akin dito?"Naalala niyang may nakita siya bago siya mawalan ng malay. Napatikom ang labi ni Ryleigh, alam niya na iba ang inaasahan niya. "Yung pinsan ko. Tinawagan siya ng assistant niya."Napatikom ang labi ni Maisie habang kumukurap.Tinulungan siya ni Cherie nang makita niyang gustong umupo ni Maisie. Kung hindi sinabi sa kaniya ng kapatid niya, hind
Sa nakalipas na tatlong araw, hindi nag-message o tinawagan ni Nolan si Maisie. Hindi na rin siya nagpakita sa kaniya.Nilapag ni Cherie ang lunch box sa mesa at sumagot, "Mahina ka raw ngayon sabi ng doktor, at may mga sintomas ka ng miscarriage. Kaya naman, kailangan mo muna na magpagaling bago ka makalabas ng ospital."Walang sagot si Maisie.Lumapit sa kaniya si Cherie at sinuportahan siya papunta sa kama. "Mrs. Goldmann, sa ngayon, ang kailangan mo lang gawin ay kumain. Subukan niyo kahit kaunti lang. Hindi na 'to masarap kapag lumamig."Walang gana si Maisie, at sumusuka siya sa tuwing kumakain siya. Nag-aalala si Stephen sa kaniya, kaya nag-search ito sa internet at ipinagluto siya ng masustansyang pagkain.Kahit na wala talaga siyang gana na kumain, pinilit niya pa rin kumain alang-alang sa sanggol na nasa sinapupunan niya.Tumingala si Maisie para tingnan si Cherie at sinabi, "Salamat sa pag-aalaga mo sa akin at pagdadala ng mga pagkain.""Walang anuman. Yun ang d
Nagliwanag sa tuwa ang mukha ng matandang babae. Nilabas niya ang kaniyang phone at sinabing, “Talaga? Salamat, anak.”Nag-selfie si Helios kasama siya, at pagkatapos ay nagpaalam na ang matanda. Sinuot ulit ni Helios ang itim na spectacles at sinabing, “Phew, muntik na yun.”Tumawa si Maisie. “Ikaw pa rin ang pinakasikat na artista. Hindi ako makapaniwala na naglalakad-lakad ka sa ospital nang walang suot na mask. Hindi ka ba natatakot na may makakilala sa iyo, Mr. Boucher?”Mabuti na lang at hindi masiyadong mahilig ang matandang babaeng yun sa entertainment industry. Kung hindi, siguradong mabibisto siya.Kung mayroong makakilala kay Helios, sigurado si Maisie na magkakagulo ang buong ospital.Ngumiti si Helios at walang sinagot.Hindi rin siya nagtagal. Pagkatapos ihatid si Maisie sa ward nito, sinabi niya, “Kailangan ko nang bumalik. Huwag mo kalimutan na alagaan ang sarili mo.”“Sige,” Sagot ni Maisie habang tumatango.Habang naglalakad siya paalis, mayroon siya b
Nagulat si Maisie. Kahit na natatakpan ng face mask ang kalahati ng mukha ng babae, ang talim ng titig at masamang aura na nagmumula sa kaniya ay nagsasabi kay Maisie kung sino ang babaeng yun.Si Rowena! Hindi ba’t nasa Stoslo siya? Kailan siya bumalik?’“Zee?” Tinawag siya ni Stephen nang mapansin na hindi pa siya sumasakay sa kotse at nakatingin sa malayo.Lumingon si Maisie sa kaniya at sinabing, “Parang nakita ko si….”Pero, nang lumingon siya ulit, wala na ang babae.Lumingon ulit si Stephen, pero wala naman siyang nakita. Nagtanong siya, “Sinong nakita mo?”Bumukas ang bibig ni Maisie, at ang salitang “wala” ang lumabas sa mga labi niya.‘Mali ba ako ng nakita?’Nasa Stoslo dapat si Rowena, at alam na ni Nolan ang lahat ng ginawa niya, may lakas ng loob pa ba siyang bumalik?Sa tingin ni Maisie ay wala na.Nang maisip yun, pumasok na siya sa kotse. Pinaandar ni Cherie ang makina, at nagsimulang umandar ang kotse.Gayunpaman, nang nasa loob ng kotse si Maisi
Nang makita ng bodyguard na gising na si Nolan, nautal siya, “Mr…Mr. Goldmann.”Kumunot ang noo ni Titus at nagtanong, “Anong nangyari?”Tiningnan ng bodyguard si Quincy at saka si Nolan. Hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin sa kanila ang balita, pero huminga siya nang malalim at sinabing, “Sina Ms. Cherie, Ms. Vanderbilt, at ang tatay niya… habang pauwi sila galing sa ospital, na…naasidente sila sa sasakyan. Nang dumating kami doon, nag-aapoy na ang kotse.”Kinwelyuhan siya ni Quincy at sinigawan, “Anong sinabi mo!?”“Kata…katatanggap lang din namin ng balita. Mga isang oras na ang nakalipas. Lahat sila, kasama na si Ms. Cherie, ay nasa loob ng kotse.”Nanigas ang katawan ni Quincy, at halata sa ekspresyon sa kaniyang mukha na hindi siya makapaniwala.“Nolan!” Bumalik lang si Titus sa kaniyang sarili nang makitang bumaba si Nolan sa kama at mabilis na lumabas.…Sa pinangyarihan ng aksidente, naglagay ng barricade tape ang mga pulis para hindi makalapit ang mga t
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa