Nagulat si Maisie. Tumingala siya at tiningnan ang lalaking na nasa harapan niya. Malinis ang mukha ng lalaki at mayroong isang pares ng matatalim na kulay asul na mga mata. Mukhang kasing edad siya ni Erwin, at regal din ang aura.Nakasuot siya ng dark gray striped suit na may peacock blue tie at isang tie clip na hugis ahas.Nag-squat ang lalaki at tinulungan siya na makatayo. Tinitigan siya nito sandali at tumawa. “Anak ka nga niya. Parehong-pareho kayo.”“Sino ka?” Naguguluhang tanong ni Maisie.“Hindi ba sinabi ni Erwin ang tungkol sa akin?” Tinulungan siya ng lalaki na bumalik sa kama. Sandali siyang tinitigan nito at mahinang sinabi, “Mukhang wala siyang sinabi sa iyo.”Humila siya ng upuan at naka-de kwatrong umupo sa tabi ng kama. Pinatong niya ang mga kamay sa kaniyang binti at saka nagsalita, “Henry na ang pangalan ko ngayon. Miyembro ng Metropolis si Erwin, at siya ang pinaka pinagkakatiwalaan na miyembro. Inutusan ko siya na manatili sa tabi ng nanay mo at protek
Kinuha ni Nolan ang divorce papers na pinirmahan ni Maisie, at halos malukot na niya ito.‘Umalis na talaga si Zee. Hindi ko na siya ulit makikita…’Lahat ng media outlets ay nirereport ang insidente kung saan umiiyak at nagwawala si Nolan sa harapan ng sasakyan na sangkot sa aksidente noong nakaraang linggo. Sinasabi ng media na namatay sa aksidente ang asawa ni Nolan na nagdulot ng malaking komosyon sa publiko.Ang tatlong batang walang kaalam-alam sa nangyari ay sumugod sa Goldmann mansion at dumiretso sa kwarto. Lumapit si Waylon kay Nolan at sumigaw, “Nasaan si Mommy?”Hindi tumingin at sumagot si Nolan hanggang sa nakita ni Waylon ang divorce papers sa sahig.Dumating sina Titus at Mr. Cheshire sa pinto ng kwarto. Hindi nila alam ang sasabihin para pagaanin ang loob ng tatlong bata.Hinagis ni Waylon ang divorce papers kay Nolan. “Ibalik mo ang Mommy namin!”Nabigla sina Daisie at Colton sa reaksyon ng nakatatanda nilang kapatid.Pero base sa sitwasyon, hindi pa r
Akala nila dahil hindi sila naiintindihan ni Maisie, pwede na silang maging kampante at magmataas. Hindi nila inaasahan, habang masaya silang nagkukwentuhan, isang boses ang narinig mula sa likuran nila. “Manahimik kayo bago pa magalit si Mr. Henry.”Nanginig ang mga kasambahay, at mabilis natapos ang tsismisan nila. Nang tumalikod sila at nakita si Maggie, ang housekeeper, magalang silang yumuko at hindi na nagsalita pa bago nagmamadaling bumalik sa kaniya-kaniya nilang trabaho.Tinulak ng housekeeper ang frame sa kaniyang nasal bridge para ayusin ang kaniyang salamin bago lumapit sa likuran ni Maisie. “Miss, nandito pala kayo. Hinahanap kayo ni Mr. Henry.”Lumingon si Maisie sa kaniya. Si Maggie ay nasa 40s at housekeeper ng Hanns Palace. Malinis at metikuluso ang pananamit nito.Nang makitang naghihintay pa din si Maggie, dahan-dahang tumayo si Maisie at lumapit. Madilim at wala pa din buhay ang magaganda niyang mata. “Dalhin mo ako sa kaniya.”Dinala siya ni Maggie sa stu
Suminghal si Strix. “So, anong magagawa mo sa kakayahan mo ngayon?”Napatikom ang labi ni Maisie.Tinitigan siya ni Strix at marahang sinabi, “Bakit hindi sinabi ni Erwin sa iyo ang mga bagay na yun? Dahil alam niyang hindi mo kakayaning harapin nang mag-isa ang mga taong yun. Ang nangyari sa Stoslo ay simula pa lang.”“Alam niyo ang tungkol dun?” Tiningnan siya ni Maisie, medyo nagulat.Nilapag ni Strix ang mga kamay sa mesa at naningkit ang mga mata. “Wala akong hindi alam sa mundong ‘to, kasama na ang nangyari sa iyo at sa mga Goldmann.”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Maisie. Alam niyang mayroong mga sinabi si Erwin kay Strix.‘Minsan na sinabi ni Tito Erwin na marami siyang hindi sinasabi sa akin para sa ikabubuti ko, dahil hindi niya alam kung kaya ko yun tanggapin o hindi.’Ang nangyari sa Stoslo noong nagdaang mga buwan ay ang naglinaw sa kaniya na mayroong masasamang tao na walang pakialam sa buhay ng iba.Hindi rin simple ang nangyaring insidente sa kaniya
Makalipas ang tatlong taon…Sa Bassburgh, sa isang madilim na gabi…Pumasok si Louis sa isang bar, nagpalinga-linga sa paligid, bago napako ang tingin sa isang babaeng nakaupo sa bar.Agad niyang nakilala si Ryleigh.Lumapit siya kay Ryleigh at kinuha ang hawak nitong wine glass. Mukhang lasing na si Ryleigh. Lumingon siya at doble-doble na ang paningin niya. "Bakit ikaw? Pwede mong inumin ang gusto mo, bakit mo kinuha ang wine glass ko?"Hirap si Ryleigh na subukang kunin nang diretso ang wine glass, hinawakan namna ni Louis ang kamay niya. "Wala na si Maisie dito, at ginugol mo ang nakalipas na tatlong taon sa pag-inom araw-araw, hindi ba?"Nang mabanggit si Maisie, agad na umiwas ng tingin si Ryleigh. "Bakit mo ako pinuntahan?"Nilapag ni Louis ang wine glass sa mesa at pinagmasdan si Ryleigh. "Nakakausap mo ba si Maisie sa nakalipas na tatlong taon?"Nawala si Maisie pagkatapos ng aksidente tatlong taon na ang nakalilipas. Nabaliw na kakahanap ang pamilya Lucas at m
Isa lang itong panggulo para isipin ng mga taong yun na limitado na lang ang araw ni Mr. Goldmann.'Para naman sa pamilya Lucas at mga de Arma, ginagawa nila ang lahat para mahanap si Ms. Vanderbilt. Si Mr. Goldmann ang tanging nakakaalam kung nasaan si Ms. Vanderbilt pero hindi niya ito hinahanap. Sa tingin ko ay hindi sa ayaw niyang maghanap, wala lang siyang lakas ng loob para hanapin si Ms. Vanderbilt.'Matalim at madilim ang mga mata ni Nolan, pero hindi siya sumagot.Kinaumagahan…Matinding sakit ng ulo lang ang nararamdaman ni Ryleigh. Para bang sasabog ang ulo niya, at tinatakpan niya ang mata dahil nasisilaw siya sa liwanag. At nang idilat niya ang mga ito, mayroon siyang naisip at natulalang napaupo.Inayos niya ang magulo niyang buhok gamit ang kamay at hindi maalala kung paano siya nakauwi kagabi."Gising ka na?" Agad napatigil si Ryleigh dahil sa boses na yun. Gulat siyang napalingon.Nakita niya si Louis na nakaupo sa couch at naka-de kwatro. Seryoso ang eks
Sinabi ni Maisie sa lalaki.Natanggal siya sa trabaho pero hindi siya maka-reklamo. Masaya na siyang nakalabas siya ng buhay. Kinuha ni Maisie ang phone niya at nag-reply sa message ni Ryleigh. Palihim siyang nakikipag-usap kay Ryleigh nitong nakaraang tatlong taon, pero hindi niya sinasabi kung nasaan siya. Ang alam lang ni Ryleigh ay nasa abroad siya.Nalaman ni Maisie na ang pamilya ni Lucas at ang lolo niya ay hinahanap siya, nalaman niya ito sa pakikipag-usap niya kay Ryleigh, at ang mga anak niya ay masayang kasama ang mga Goldmann. Si Waylon ay inihahanda para maging isang tagapagmana tulad ni Nolan at palaging nasa tabi ni Titus. Pero hindi sya nag tanong tungkol kay Nolan. Bakit kailangan ni Waylon gampanan ang trabaho ni Nolan sa ganitong edad, at bakit naman biglang inangkin sila ng mga Goldmann?Kinuha ni Maisie ang ilang litrato. Hindi pa niya pinapakita ang sarili niya nitong nakaraang tatlong taon na nasa Morwich siya, at pati ang media ay walang ideya kung an
Sumagot si Maisie, “Hindi ko pa alam kasi bago yun mangyari nakita ko si Rowena, pero hindi pa ako sigurado kung siya yun.”Walang balita kay Rowena sa loob ng tatlong taon, at nagpadala siya ng mga taong maghahanap sa kanya. Wala ring balita tungkol sa kanya sa Stoslo.Binaba niu Erwin ang tasa at nilapag niya sa lamesa ang litrato na kinuha niya mula sa bulsa. “Nakuha ko itong litrato noong nakaraang taon. Siguro para imbestigahan ko.”Tiningnan ni Maisie ang litrato. Isa itong babaeng naka-mask at sumbrero na nasa crowd matapos ang nangyari. Katulad ni Rowena ang tangkad at tindig nito!Inangat ni Maisie ang ulo niya sa gulat. “Tito Erwin, sinong nagbigay sayo nitong larawan ng nangyari?”Sinubukang magsalita si Erwin. “Siya.”Hindi na nagtanong si Maisie, pero ang mata niya ay nagdilim. Ayaw niyang siguraduhin na si Nolan yun at nanonood siya sa nangyari. Tanong ni Erwin, “Galit ka ba sa kanya, Zee?”Galit? Hindi alam ni Maisie kung galit ba siya dahil wala namang
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa