Akala nila dahil hindi sila naiintindihan ni Maisie, pwede na silang maging kampante at magmataas. Hindi nila inaasahan, habang masaya silang nagkukwentuhan, isang boses ang narinig mula sa likuran nila. “Manahimik kayo bago pa magalit si Mr. Henry.”Nanginig ang mga kasambahay, at mabilis natapos ang tsismisan nila. Nang tumalikod sila at nakita si Maggie, ang housekeeper, magalang silang yumuko at hindi na nagsalita pa bago nagmamadaling bumalik sa kaniya-kaniya nilang trabaho.Tinulak ng housekeeper ang frame sa kaniyang nasal bridge para ayusin ang kaniyang salamin bago lumapit sa likuran ni Maisie. “Miss, nandito pala kayo. Hinahanap kayo ni Mr. Henry.”Lumingon si Maisie sa kaniya. Si Maggie ay nasa 40s at housekeeper ng Hanns Palace. Malinis at metikuluso ang pananamit nito.Nang makitang naghihintay pa din si Maggie, dahan-dahang tumayo si Maisie at lumapit. Madilim at wala pa din buhay ang magaganda niyang mata. “Dalhin mo ako sa kaniya.”Dinala siya ni Maggie sa stu
Suminghal si Strix. “So, anong magagawa mo sa kakayahan mo ngayon?”Napatikom ang labi ni Maisie.Tinitigan siya ni Strix at marahang sinabi, “Bakit hindi sinabi ni Erwin sa iyo ang mga bagay na yun? Dahil alam niyang hindi mo kakayaning harapin nang mag-isa ang mga taong yun. Ang nangyari sa Stoslo ay simula pa lang.”“Alam niyo ang tungkol dun?” Tiningnan siya ni Maisie, medyo nagulat.Nilapag ni Strix ang mga kamay sa mesa at naningkit ang mga mata. “Wala akong hindi alam sa mundong ‘to, kasama na ang nangyari sa iyo at sa mga Goldmann.”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Maisie. Alam niyang mayroong mga sinabi si Erwin kay Strix.‘Minsan na sinabi ni Tito Erwin na marami siyang hindi sinasabi sa akin para sa ikabubuti ko, dahil hindi niya alam kung kaya ko yun tanggapin o hindi.’Ang nangyari sa Stoslo noong nagdaang mga buwan ay ang naglinaw sa kaniya na mayroong masasamang tao na walang pakialam sa buhay ng iba.Hindi rin simple ang nangyaring insidente sa kaniya
Makalipas ang tatlong taon…Sa Bassburgh, sa isang madilim na gabi…Pumasok si Louis sa isang bar, nagpalinga-linga sa paligid, bago napako ang tingin sa isang babaeng nakaupo sa bar.Agad niyang nakilala si Ryleigh.Lumapit siya kay Ryleigh at kinuha ang hawak nitong wine glass. Mukhang lasing na si Ryleigh. Lumingon siya at doble-doble na ang paningin niya. "Bakit ikaw? Pwede mong inumin ang gusto mo, bakit mo kinuha ang wine glass ko?"Hirap si Ryleigh na subukang kunin nang diretso ang wine glass, hinawakan namna ni Louis ang kamay niya. "Wala na si Maisie dito, at ginugol mo ang nakalipas na tatlong taon sa pag-inom araw-araw, hindi ba?"Nang mabanggit si Maisie, agad na umiwas ng tingin si Ryleigh. "Bakit mo ako pinuntahan?"Nilapag ni Louis ang wine glass sa mesa at pinagmasdan si Ryleigh. "Nakakausap mo ba si Maisie sa nakalipas na tatlong taon?"Nawala si Maisie pagkatapos ng aksidente tatlong taon na ang nakalilipas. Nabaliw na kakahanap ang pamilya Lucas at m
Isa lang itong panggulo para isipin ng mga taong yun na limitado na lang ang araw ni Mr. Goldmann.'Para naman sa pamilya Lucas at mga de Arma, ginagawa nila ang lahat para mahanap si Ms. Vanderbilt. Si Mr. Goldmann ang tanging nakakaalam kung nasaan si Ms. Vanderbilt pero hindi niya ito hinahanap. Sa tingin ko ay hindi sa ayaw niyang maghanap, wala lang siyang lakas ng loob para hanapin si Ms. Vanderbilt.'Matalim at madilim ang mga mata ni Nolan, pero hindi siya sumagot.Kinaumagahan…Matinding sakit ng ulo lang ang nararamdaman ni Ryleigh. Para bang sasabog ang ulo niya, at tinatakpan niya ang mata dahil nasisilaw siya sa liwanag. At nang idilat niya ang mga ito, mayroon siyang naisip at natulalang napaupo.Inayos niya ang magulo niyang buhok gamit ang kamay at hindi maalala kung paano siya nakauwi kagabi."Gising ka na?" Agad napatigil si Ryleigh dahil sa boses na yun. Gulat siyang napalingon.Nakita niya si Louis na nakaupo sa couch at naka-de kwatro. Seryoso ang eks
Sinabi ni Maisie sa lalaki.Natanggal siya sa trabaho pero hindi siya maka-reklamo. Masaya na siyang nakalabas siya ng buhay. Kinuha ni Maisie ang phone niya at nag-reply sa message ni Ryleigh. Palihim siyang nakikipag-usap kay Ryleigh nitong nakaraang tatlong taon, pero hindi niya sinasabi kung nasaan siya. Ang alam lang ni Ryleigh ay nasa abroad siya.Nalaman ni Maisie na ang pamilya ni Lucas at ang lolo niya ay hinahanap siya, nalaman niya ito sa pakikipag-usap niya kay Ryleigh, at ang mga anak niya ay masayang kasama ang mga Goldmann. Si Waylon ay inihahanda para maging isang tagapagmana tulad ni Nolan at palaging nasa tabi ni Titus. Pero hindi sya nag tanong tungkol kay Nolan. Bakit kailangan ni Waylon gampanan ang trabaho ni Nolan sa ganitong edad, at bakit naman biglang inangkin sila ng mga Goldmann?Kinuha ni Maisie ang ilang litrato. Hindi pa niya pinapakita ang sarili niya nitong nakaraang tatlong taon na nasa Morwich siya, at pati ang media ay walang ideya kung an
Sumagot si Maisie, “Hindi ko pa alam kasi bago yun mangyari nakita ko si Rowena, pero hindi pa ako sigurado kung siya yun.”Walang balita kay Rowena sa loob ng tatlong taon, at nagpadala siya ng mga taong maghahanap sa kanya. Wala ring balita tungkol sa kanya sa Stoslo.Binaba niu Erwin ang tasa at nilapag niya sa lamesa ang litrato na kinuha niya mula sa bulsa. “Nakuha ko itong litrato noong nakaraang taon. Siguro para imbestigahan ko.”Tiningnan ni Maisie ang litrato. Isa itong babaeng naka-mask at sumbrero na nasa crowd matapos ang nangyari. Katulad ni Rowena ang tangkad at tindig nito!Inangat ni Maisie ang ulo niya sa gulat. “Tito Erwin, sinong nagbigay sayo nitong larawan ng nangyari?”Sinubukang magsalita si Erwin. “Siya.”Hindi na nagtanong si Maisie, pero ang mata niya ay nagdilim. Ayaw niyang siguraduhin na si Nolan yun at nanonood siya sa nangyari. Tanong ni Erwin, “Galit ka ba sa kanya, Zee?”Galit? Hindi alam ni Maisie kung galit ba siya dahil wala namang
“Kung personal mo syang tatanungin, makukuha mo siguro ang sagot.” Tinaas ni Erwin ang kilay niya at ngumiti. “Pero sa sitwasyon mo ngayon, may pakialam ka pa ba sa mga tao sa nakaraan mo? Maaring halos patay na siya at ang katawan ay nakaratay na lang sa kama na may ilang taon na lang para mamuhay. “At sya ang gusto ng divorce. Gusto mo ba talaga bumalik?”Dahil sa mga sinabi niya, napatayo si Maisie sa kanyang mga iniisip. …Si Ryleigh ay nagtatrabaho pa rin sa parehong cafe. Wala masyadong mga customer sa umaga, kaya maririnig niya kung may pumasok kahit hindi na siya tumingin. “Hello, ano ang sa inyo? “Isang latte.”Nanginginig ang daliri ni Ryleigh, at tinaas niya ang ulo niya nang marinig ang boses. Ngumiti siya nang makitang si Louis ito. “Bakit ka nandito?”“Hindi ba ako pwede bumili ng kape?” Kumunot ang noo ni Louis. Ginawa na nI Ryleigh ang order, “Syempre pwede.”Tumalikod siya para gawin ito at nilagay ito sa counter pagkatapos niya. “Latte mo.”Mah
Nang mag-rereply na sana si Ryleigh, kinuha ang phone niya, at nagulat siya. “Louis, ibalik mo sa akin yang phone!”Muntik na siyang tumakbo palabas para makuha ang phone niya. May nakita si Louis at nakita ang isang taong tumatakbo papunta sa kaniya, kaya tinaas pa niya lalo ang kamay niya. 6’2 ang tangkad niya, at hindi man lang mahawakan ni Ryleigh ang kamay nito. “Talon,” Sinubok siya ni Louis, “Pandak.”Galit na galit si Ryleigh. Sinipa niya ang tuhod nito, at napa-luhod si Louis dahil nabigla siya. Tumingin siya at nangalit ang kaniyang ngipin. “Ryleigh!”Kinuha ni Ryleigh ang kaniyang phone, humakbang palayo, at nagmamalaking ngumiti. “Hindi ko hahayaang magpakitang-gilas ka.”“Haha! Tumayo si Louis at tumawa. “Magaling, Ryleigh, tandaan mo. Kakailanganin mo rin ako balang araw.” Galit siyang tumalikod at umalis. Agad na nag-reply si Ryleigh sa message ni Maisie matapos niyang umalis, pero bigla siyang nakatanggap ng isa pang message na nagpagulat sa kanya. …
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,