Isa lang itong panggulo para isipin ng mga taong yun na limitado na lang ang araw ni Mr. Goldmann.'Para naman sa pamilya Lucas at mga de Arma, ginagawa nila ang lahat para mahanap si Ms. Vanderbilt. Si Mr. Goldmann ang tanging nakakaalam kung nasaan si Ms. Vanderbilt pero hindi niya ito hinahanap. Sa tingin ko ay hindi sa ayaw niyang maghanap, wala lang siyang lakas ng loob para hanapin si Ms. Vanderbilt.'Matalim at madilim ang mga mata ni Nolan, pero hindi siya sumagot.Kinaumagahan…Matinding sakit ng ulo lang ang nararamdaman ni Ryleigh. Para bang sasabog ang ulo niya, at tinatakpan niya ang mata dahil nasisilaw siya sa liwanag. At nang idilat niya ang mga ito, mayroon siyang naisip at natulalang napaupo.Inayos niya ang magulo niyang buhok gamit ang kamay at hindi maalala kung paano siya nakauwi kagabi."Gising ka na?" Agad napatigil si Ryleigh dahil sa boses na yun. Gulat siyang napalingon.Nakita niya si Louis na nakaupo sa couch at naka-de kwatro. Seryoso ang eks
Sinabi ni Maisie sa lalaki.Natanggal siya sa trabaho pero hindi siya maka-reklamo. Masaya na siyang nakalabas siya ng buhay. Kinuha ni Maisie ang phone niya at nag-reply sa message ni Ryleigh. Palihim siyang nakikipag-usap kay Ryleigh nitong nakaraang tatlong taon, pero hindi niya sinasabi kung nasaan siya. Ang alam lang ni Ryleigh ay nasa abroad siya.Nalaman ni Maisie na ang pamilya ni Lucas at ang lolo niya ay hinahanap siya, nalaman niya ito sa pakikipag-usap niya kay Ryleigh, at ang mga anak niya ay masayang kasama ang mga Goldmann. Si Waylon ay inihahanda para maging isang tagapagmana tulad ni Nolan at palaging nasa tabi ni Titus. Pero hindi sya nag tanong tungkol kay Nolan. Bakit kailangan ni Waylon gampanan ang trabaho ni Nolan sa ganitong edad, at bakit naman biglang inangkin sila ng mga Goldmann?Kinuha ni Maisie ang ilang litrato. Hindi pa niya pinapakita ang sarili niya nitong nakaraang tatlong taon na nasa Morwich siya, at pati ang media ay walang ideya kung an
Sumagot si Maisie, “Hindi ko pa alam kasi bago yun mangyari nakita ko si Rowena, pero hindi pa ako sigurado kung siya yun.”Walang balita kay Rowena sa loob ng tatlong taon, at nagpadala siya ng mga taong maghahanap sa kanya. Wala ring balita tungkol sa kanya sa Stoslo.Binaba niu Erwin ang tasa at nilapag niya sa lamesa ang litrato na kinuha niya mula sa bulsa. “Nakuha ko itong litrato noong nakaraang taon. Siguro para imbestigahan ko.”Tiningnan ni Maisie ang litrato. Isa itong babaeng naka-mask at sumbrero na nasa crowd matapos ang nangyari. Katulad ni Rowena ang tangkad at tindig nito!Inangat ni Maisie ang ulo niya sa gulat. “Tito Erwin, sinong nagbigay sayo nitong larawan ng nangyari?”Sinubukang magsalita si Erwin. “Siya.”Hindi na nagtanong si Maisie, pero ang mata niya ay nagdilim. Ayaw niyang siguraduhin na si Nolan yun at nanonood siya sa nangyari. Tanong ni Erwin, “Galit ka ba sa kanya, Zee?”Galit? Hindi alam ni Maisie kung galit ba siya dahil wala namang
“Kung personal mo syang tatanungin, makukuha mo siguro ang sagot.” Tinaas ni Erwin ang kilay niya at ngumiti. “Pero sa sitwasyon mo ngayon, may pakialam ka pa ba sa mga tao sa nakaraan mo? Maaring halos patay na siya at ang katawan ay nakaratay na lang sa kama na may ilang taon na lang para mamuhay. “At sya ang gusto ng divorce. Gusto mo ba talaga bumalik?”Dahil sa mga sinabi niya, napatayo si Maisie sa kanyang mga iniisip. …Si Ryleigh ay nagtatrabaho pa rin sa parehong cafe. Wala masyadong mga customer sa umaga, kaya maririnig niya kung may pumasok kahit hindi na siya tumingin. “Hello, ano ang sa inyo? “Isang latte.”Nanginginig ang daliri ni Ryleigh, at tinaas niya ang ulo niya nang marinig ang boses. Ngumiti siya nang makitang si Louis ito. “Bakit ka nandito?”“Hindi ba ako pwede bumili ng kape?” Kumunot ang noo ni Louis. Ginawa na nI Ryleigh ang order, “Syempre pwede.”Tumalikod siya para gawin ito at nilagay ito sa counter pagkatapos niya. “Latte mo.”Mah
Nang mag-rereply na sana si Ryleigh, kinuha ang phone niya, at nagulat siya. “Louis, ibalik mo sa akin yang phone!”Muntik na siyang tumakbo palabas para makuha ang phone niya. May nakita si Louis at nakita ang isang taong tumatakbo papunta sa kaniya, kaya tinaas pa niya lalo ang kamay niya. 6’2 ang tangkad niya, at hindi man lang mahawakan ni Ryleigh ang kamay nito. “Talon,” Sinubok siya ni Louis, “Pandak.”Galit na galit si Ryleigh. Sinipa niya ang tuhod nito, at napa-luhod si Louis dahil nabigla siya. Tumingin siya at nangalit ang kaniyang ngipin. “Ryleigh!”Kinuha ni Ryleigh ang kaniyang phone, humakbang palayo, at nagmamalaking ngumiti. “Hindi ko hahayaang magpakitang-gilas ka.”“Haha! Tumayo si Louis at tumawa. “Magaling, Ryleigh, tandaan mo. Kakailanganin mo rin ako balang araw.” Galit siyang tumalikod at umalis. Agad na nag-reply si Ryleigh sa message ni Maisie matapos niyang umalis, pero bigla siyang nakatanggap ng isa pang message na nagpagulat sa kanya. …
Paalis na si Ryleigh nang sabihin ni Quincy, “May rason si Mr. Goldmann.”Tumigil si Ryleigh at lumingon, pero bumalik na si Quincy sa loob.Sa study, nakatingin si Nolan sa bintana at may naalala. Tagos sa buto ang lamig na ipinakita ni Nolan, at naramdaman ito ni Quincy nang makarating siya sa pinto. "Mr. Goldmann, umalis na si Ms. Hills," sabi niya. "Mm." Naka-focus si Nolan, pero tumango lang siya.Nakakunot noo si Quincy nang hindi nagtanong si Nolan. "Mr. Goldmann, hindi mo ba tatanungin bakit siya nandito?"Mukhang hindi naapektuhan si Nolan, pero ang kamay sa kaniyang hita ay nakakapit ng mahigpit habang malamig ang mata niya. "Hindi na yun mahalaga." Tumingin si Quincy sa kaniya at hindi na nagsalita pa. Ang pagsasabi na hindi na yun mahalaga ay isang kasinungalingan. Kahit sino ay alam kung gaano kahalaga si Maisie sa kaniya at kung gaano niya ito kamahal.Kung hindi yun mahalaga, hindi na dapat niya nag-imbestiga sa insidente tatlong taon ang nakalipas at
Binaba ni Strix ang dokumento at inangat ang ulo niya para makita si Maisie. "Nasa gulo ang lolo mo ngayon. Gusto mo bang bumalik at makita ang pamilyang de Arma?"Nagulat si Maisie. "Anong nangyari?"Si Hernandez na lang ang natitirang tao sa mundo na kamag-anak niya, siya ay lolo niya. Pero bakit naman siya nasa gulo?Tumango si Strix. "Ang kabilang partido ng mga Royal ay nagpadala ng taong susunod sa lolo mo. Habang nasa gulo ang pamilyang de Arma ngayon, sinamantala nila ang oportunidad na sakupin ang mga pag-aari nila. Sa tingin ko na kaya nila ito ginagawa ay para pigilan ang lolo mo na makialam sa darating na eleksyon."Nagsasagawa ng eleksyon ang Stoslo kada-anim na taon. Hindi nakikialam ang royal family at gobyerno sa eleksyon. Siguro ang dahilan ni Roger sa paghingi niya ng tulong sa gobyerno ay para mapalakas ang impluwensya niya, o baka hindi lang ang trono ang gusto niya kundi ang buong Stoslo.Nang hindi makatanggap ng kahit anong sagot si Strix mula kay Maisi
Dumating ang sasakyan para pumarada sa Easton Estate. Malawak ang Easton Estate. Puno ng Irises ang garden, na personal na itinanim ni Strix. Lumabas si Maisie sa sasakyan, at magalang na sinabi ng mga tao sa gilid niya, "Binili ni Mr. Henry ang Easton Estate nang dumating siya sa Stoslo para sa business. Lahat ng tao dito ay tauhan ni Mr. Henry, at pwede mo sabihin sa kanila kung anong gusto mo."Tumango si Maisie. At isang katulong ang sinamahan siya sa manor. Pareho sa Hanns Palace ang dekorasyon sa manor, na halatang sobrang mahal. Pumunta siya sa couch at umupo. Matapos yun, tumingin siya sa lalaki at tinanong, "May alam ka ba tungkol sa pamilyang de Arma?""Ang pamiya de Arma?" Nagulat ang lalaki ng ilang sandali bago sumagot, "Sabi nila ang pamilyang de Arma at mga Kents ay ilang taon ng nag-aaway at ang mga de Arma ang nangunguna. Pero, nawawala si Hernandez ilang araw na ang nakalipas, at ang mga tauhan ni Roger ay sinamantala ang oportunidad na kunin ang teritoryo
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa