Share

Kabanata 478

Suminghal si Strix. “So, anong magagawa mo sa kakayahan mo ngayon?”

Napatikom ang labi ni Maisie.

Tinitigan siya ni Strix at marahang sinabi, “Bakit hindi sinabi ni Erwin sa iyo ang mga bagay na yun? Dahil alam niyang hindi mo kakayaning harapin nang mag-isa ang mga taong yun. Ang nangyari sa Stoslo ay simula pa lang.”

“Alam niyo ang tungkol dun?” Tiningnan siya ni Maisie, medyo nagulat.

Nilapag ni Strix ang mga kamay sa mesa at naningkit ang mga mata. “Wala akong hindi alam sa mundong ‘to, kasama na ang nangyari sa iyo at sa mga Goldmann.”

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Maisie. Alam niyang mayroong mga sinabi si Erwin kay Strix.

‘Minsan na sinabi ni Tito Erwin na marami siyang hindi sinasabi sa akin para sa ikabubuti ko, dahil hindi niya alam kung kaya ko yun tanggapin o hindi.’

Ang nangyari sa Stoslo noong nagdaang mga buwan ay ang naglinaw sa kaniya na mayroong masasamang tao na walang pakialam sa buhay ng iba.

Hindi rin simple ang nangyaring insidente sa kaniya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status