Suminghal si Strix. “So, anong magagawa mo sa kakayahan mo ngayon?”Napatikom ang labi ni Maisie.Tinitigan siya ni Strix at marahang sinabi, “Bakit hindi sinabi ni Erwin sa iyo ang mga bagay na yun? Dahil alam niyang hindi mo kakayaning harapin nang mag-isa ang mga taong yun. Ang nangyari sa Stoslo ay simula pa lang.”“Alam niyo ang tungkol dun?” Tiningnan siya ni Maisie, medyo nagulat.Nilapag ni Strix ang mga kamay sa mesa at naningkit ang mga mata. “Wala akong hindi alam sa mundong ‘to, kasama na ang nangyari sa iyo at sa mga Goldmann.”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Maisie. Alam niyang mayroong mga sinabi si Erwin kay Strix.‘Minsan na sinabi ni Tito Erwin na marami siyang hindi sinasabi sa akin para sa ikabubuti ko, dahil hindi niya alam kung kaya ko yun tanggapin o hindi.’Ang nangyari sa Stoslo noong nagdaang mga buwan ay ang naglinaw sa kaniya na mayroong masasamang tao na walang pakialam sa buhay ng iba.Hindi rin simple ang nangyaring insidente sa kaniya
Makalipas ang tatlong taon…Sa Bassburgh, sa isang madilim na gabi…Pumasok si Louis sa isang bar, nagpalinga-linga sa paligid, bago napako ang tingin sa isang babaeng nakaupo sa bar.Agad niyang nakilala si Ryleigh.Lumapit siya kay Ryleigh at kinuha ang hawak nitong wine glass. Mukhang lasing na si Ryleigh. Lumingon siya at doble-doble na ang paningin niya. "Bakit ikaw? Pwede mong inumin ang gusto mo, bakit mo kinuha ang wine glass ko?"Hirap si Ryleigh na subukang kunin nang diretso ang wine glass, hinawakan namna ni Louis ang kamay niya. "Wala na si Maisie dito, at ginugol mo ang nakalipas na tatlong taon sa pag-inom araw-araw, hindi ba?"Nang mabanggit si Maisie, agad na umiwas ng tingin si Ryleigh. "Bakit mo ako pinuntahan?"Nilapag ni Louis ang wine glass sa mesa at pinagmasdan si Ryleigh. "Nakakausap mo ba si Maisie sa nakalipas na tatlong taon?"Nawala si Maisie pagkatapos ng aksidente tatlong taon na ang nakalilipas. Nabaliw na kakahanap ang pamilya Lucas at m
Isa lang itong panggulo para isipin ng mga taong yun na limitado na lang ang araw ni Mr. Goldmann.'Para naman sa pamilya Lucas at mga de Arma, ginagawa nila ang lahat para mahanap si Ms. Vanderbilt. Si Mr. Goldmann ang tanging nakakaalam kung nasaan si Ms. Vanderbilt pero hindi niya ito hinahanap. Sa tingin ko ay hindi sa ayaw niyang maghanap, wala lang siyang lakas ng loob para hanapin si Ms. Vanderbilt.'Matalim at madilim ang mga mata ni Nolan, pero hindi siya sumagot.Kinaumagahan…Matinding sakit ng ulo lang ang nararamdaman ni Ryleigh. Para bang sasabog ang ulo niya, at tinatakpan niya ang mata dahil nasisilaw siya sa liwanag. At nang idilat niya ang mga ito, mayroon siyang naisip at natulalang napaupo.Inayos niya ang magulo niyang buhok gamit ang kamay at hindi maalala kung paano siya nakauwi kagabi."Gising ka na?" Agad napatigil si Ryleigh dahil sa boses na yun. Gulat siyang napalingon.Nakita niya si Louis na nakaupo sa couch at naka-de kwatro. Seryoso ang eks
Sinabi ni Maisie sa lalaki.Natanggal siya sa trabaho pero hindi siya maka-reklamo. Masaya na siyang nakalabas siya ng buhay. Kinuha ni Maisie ang phone niya at nag-reply sa message ni Ryleigh. Palihim siyang nakikipag-usap kay Ryleigh nitong nakaraang tatlong taon, pero hindi niya sinasabi kung nasaan siya. Ang alam lang ni Ryleigh ay nasa abroad siya.Nalaman ni Maisie na ang pamilya ni Lucas at ang lolo niya ay hinahanap siya, nalaman niya ito sa pakikipag-usap niya kay Ryleigh, at ang mga anak niya ay masayang kasama ang mga Goldmann. Si Waylon ay inihahanda para maging isang tagapagmana tulad ni Nolan at palaging nasa tabi ni Titus. Pero hindi sya nag tanong tungkol kay Nolan. Bakit kailangan ni Waylon gampanan ang trabaho ni Nolan sa ganitong edad, at bakit naman biglang inangkin sila ng mga Goldmann?Kinuha ni Maisie ang ilang litrato. Hindi pa niya pinapakita ang sarili niya nitong nakaraang tatlong taon na nasa Morwich siya, at pati ang media ay walang ideya kung an
Sumagot si Maisie, “Hindi ko pa alam kasi bago yun mangyari nakita ko si Rowena, pero hindi pa ako sigurado kung siya yun.”Walang balita kay Rowena sa loob ng tatlong taon, at nagpadala siya ng mga taong maghahanap sa kanya. Wala ring balita tungkol sa kanya sa Stoslo.Binaba niu Erwin ang tasa at nilapag niya sa lamesa ang litrato na kinuha niya mula sa bulsa. “Nakuha ko itong litrato noong nakaraang taon. Siguro para imbestigahan ko.”Tiningnan ni Maisie ang litrato. Isa itong babaeng naka-mask at sumbrero na nasa crowd matapos ang nangyari. Katulad ni Rowena ang tangkad at tindig nito!Inangat ni Maisie ang ulo niya sa gulat. “Tito Erwin, sinong nagbigay sayo nitong larawan ng nangyari?”Sinubukang magsalita si Erwin. “Siya.”Hindi na nagtanong si Maisie, pero ang mata niya ay nagdilim. Ayaw niyang siguraduhin na si Nolan yun at nanonood siya sa nangyari. Tanong ni Erwin, “Galit ka ba sa kanya, Zee?”Galit? Hindi alam ni Maisie kung galit ba siya dahil wala namang
“Kung personal mo syang tatanungin, makukuha mo siguro ang sagot.” Tinaas ni Erwin ang kilay niya at ngumiti. “Pero sa sitwasyon mo ngayon, may pakialam ka pa ba sa mga tao sa nakaraan mo? Maaring halos patay na siya at ang katawan ay nakaratay na lang sa kama na may ilang taon na lang para mamuhay. “At sya ang gusto ng divorce. Gusto mo ba talaga bumalik?”Dahil sa mga sinabi niya, napatayo si Maisie sa kanyang mga iniisip. …Si Ryleigh ay nagtatrabaho pa rin sa parehong cafe. Wala masyadong mga customer sa umaga, kaya maririnig niya kung may pumasok kahit hindi na siya tumingin. “Hello, ano ang sa inyo? “Isang latte.”Nanginginig ang daliri ni Ryleigh, at tinaas niya ang ulo niya nang marinig ang boses. Ngumiti siya nang makitang si Louis ito. “Bakit ka nandito?”“Hindi ba ako pwede bumili ng kape?” Kumunot ang noo ni Louis. Ginawa na nI Ryleigh ang order, “Syempre pwede.”Tumalikod siya para gawin ito at nilagay ito sa counter pagkatapos niya. “Latte mo.”Mah
Nang mag-rereply na sana si Ryleigh, kinuha ang phone niya, at nagulat siya. “Louis, ibalik mo sa akin yang phone!”Muntik na siyang tumakbo palabas para makuha ang phone niya. May nakita si Louis at nakita ang isang taong tumatakbo papunta sa kaniya, kaya tinaas pa niya lalo ang kamay niya. 6’2 ang tangkad niya, at hindi man lang mahawakan ni Ryleigh ang kamay nito. “Talon,” Sinubok siya ni Louis, “Pandak.”Galit na galit si Ryleigh. Sinipa niya ang tuhod nito, at napa-luhod si Louis dahil nabigla siya. Tumingin siya at nangalit ang kaniyang ngipin. “Ryleigh!”Kinuha ni Ryleigh ang kaniyang phone, humakbang palayo, at nagmamalaking ngumiti. “Hindi ko hahayaang magpakitang-gilas ka.”“Haha! Tumayo si Louis at tumawa. “Magaling, Ryleigh, tandaan mo. Kakailanganin mo rin ako balang araw.” Galit siyang tumalikod at umalis. Agad na nag-reply si Ryleigh sa message ni Maisie matapos niyang umalis, pero bigla siyang nakatanggap ng isa pang message na nagpagulat sa kanya. …
Paalis na si Ryleigh nang sabihin ni Quincy, “May rason si Mr. Goldmann.”Tumigil si Ryleigh at lumingon, pero bumalik na si Quincy sa loob.Sa study, nakatingin si Nolan sa bintana at may naalala. Tagos sa buto ang lamig na ipinakita ni Nolan, at naramdaman ito ni Quincy nang makarating siya sa pinto. "Mr. Goldmann, umalis na si Ms. Hills," sabi niya. "Mm." Naka-focus si Nolan, pero tumango lang siya.Nakakunot noo si Quincy nang hindi nagtanong si Nolan. "Mr. Goldmann, hindi mo ba tatanungin bakit siya nandito?"Mukhang hindi naapektuhan si Nolan, pero ang kamay sa kaniyang hita ay nakakapit ng mahigpit habang malamig ang mata niya. "Hindi na yun mahalaga." Tumingin si Quincy sa kaniya at hindi na nagsalita pa. Ang pagsasabi na hindi na yun mahalaga ay isang kasinungalingan. Kahit sino ay alam kung gaano kahalaga si Maisie sa kaniya at kung gaano niya ito kamahal.Kung hindi yun mahalaga, hindi na dapat niya nag-imbestiga sa insidente tatlong taon ang nakalipas at