Tumingin ang lahat sa kaniya. “Pero hindi mabuting paraan ang magnakaw. Kahit ang target mo ay ang mga taong hindi naman kailangan ang pera kasi iniisip mo hindi naman nila iisipin masyado pag nawalan sila ng maliit na halaga ng pera, hindi lahat ng pera ay hindi magiging masaya pag ganun. “Magpasalamat ka na ang naging target mo ay wala masyadong pakialam sa nangyari pero hindi pwede na swerte ka na lang lagi. Baka makulong ka ng ilang araw. Pag may nakahuli na isa kang magnanakaw, baka saktan ka at ipahiya sa publiko. Baka kung ano pang gawin sayo. Naisip mo ba kung paano mabubuhay ang kapatid mo kung wala ka?”Walang masabi si Mia dahil hindi niya pa iyon naisip.“Kailan ang surgery niya?”“January 28th.”Dinukot ni Freyja ang bulsa niya, kinuha niya ang pen at sinulat ang phone number ng villa sa palad ni Mia. “Tawagan mo ako sa susunod na araw, ibibigay ko sayo ang address. Magkita na lang tayo.”Ilang sandling napahinto si Mia at nagtatakang tiningnan ang number sa kaniyan
Tiningnan sila ni Freyja at sinabi, “Dahil nagawang patulungin ng home manager ang mga villager para hanapin ang wallet, ibig sabihin nirerespeto nila ang home manager. Kahit si Mia na matigas ang ulo ay nirerespeto siya. Sa tingin ko mabuti siyang tao. Siguro nirerespeto siya ng mga villager dahil tinutulungan niya ang mga taong kailangan ng tulong.”Tumango si Norman. “Kaya isa na siyang santo.”Lumalim ang gabi, at tahimik na ang lugar.Nagpapahinga si Freyja sa harap ng binata at tiningnan ang madilim na gubat. Maliwanag ang buwan at nasa ibabaw ng mga hills, sobrang linaw at payapa.Lumapit si Colton, niyakap si Freyja mula sa likod at pinatong niya ang kaniyang baba sa ulo nito. “Anong iniisip mo?” Ngumiti si Freyja. “Iniisip ko magtayo ng foundation.”Napahinto si Colton at natawa siya. “Basta masaya ka, susuportahan kita kahit ano pa.”Tiningnan siya ni Freyja. “Talaga?”“Iyon ang pera na iniwan sayo ng grandpa mo. Hindi kita pipigilan na gamitin iyon. Maganda rin nama
Namula ang mata ng madre. Hindi na niya mapigilan ang kaniyang emosyon habang sinasabi, “Ms. Pruitt… seryoso ba kayo?”Nilapitan na niya ang ilang organization para magtanong tungkol sa investment nila. Pero lahat ng iyon ay hindi pumayag tuwing nalalaman nilang walang binabayad ang nga matatandang nakatira sa kanilang nursing home. Ang dahilan kaya sila nagbibigay dahil gusto nila ng charity, hindi nila iyon gagawin nang libre lang. Simula noon, hindi na siya lumapit sa kahit anong organization.Hindi niya alam paano babawi kay Freyja sa offer na binigay niya.Tumango si Freyja. “Oo. Halata naman na naisip ko na ito bago ko sabihin ang ideya sayo.”“Ms. Pruitt, hindi… hindi mo alam paano ako babawi sa kabaitan mo,” sagot ng madre, puno ng luha ang kaniyang mga mata.Tumayo si Freyja at inabot ang tissue sa madre. “Hindi mo ako kailangan bayaran ng kahit ano. Matagal mo na itong ginagawa kaya gagawin ko ang kaya kong gawin para tulungan ka.”…Umalis na silang apat sa lugar ma
“Sige,” sagot ni Daisie. Nang makita ni Nollace na malungkot si Daisie, hinalikan niya ito sa labi at sinabi, “Be a good girl. Pag natapos ko na lahat ng gagawin ko, magiging free na ako para samahan ka.”Walang sinabi si Daisie na kahit ano.Bumaba si Nollace at tinawag si Madam Ames. “Pag gusto ni Daisie na lumabas mamaya, samahan mo siya.”Sumagot si Madam Ames, “Yes, sir.”Nang umalis na sa villa si Nollace, pumunta si Madam Ames sa kusina. Naghahanda na ng lunch ang mga katulong sa kusina para kay Daisie. Nang makita nila si Madam Ames, bumati sila sa kaniya, “Madam Ames.”Tumango si Madam Ames at sinabi, “Handa na ba ang pagkain? Dadalhin ko na sa taas.”Inabot ng katulong ang pagkain ni Daisie kay Madam Ames at naglakad palayo. Tiningnan ni Madam Ames ang masustansyang meal na nasa tray at dinala iyon sa taas.Kumatok siya sa pinto at ilang sandling naghintay. Nang makuha ang permiso ni Daisie, doon lang niya binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto.Nakaupo si Daisie s
Sa administrative office…Isang flashy-looking woman ang nakatanggap ng message at agad na binura iyon. Walang nag-aakala na si Madam Ames ay isang bantay na nilagay sa paligid ni Daisie.‘Siya ang sinasabing royal bride-to-be? Well, hindi na ako makapaghintay na makita siya.’Nang lumabas si Daisie ng elevator, isang babae ang lumapit at huminto sa harap niya. “Ikaw ang royal bride-to-be, ‘di ba?”Tumingin si Daisie at naningkit ang mata niya. Hindi pa niya nakita dati ang babaeng nasa harap niya. “Kilala ba kita?”Inunat ng babae ang kamay niya palapit kay Daisie at sinabi, “Ako si Cecilia Taylor, assistant ako ng His Highness. Isang Earl ang grandpa ko, at minister naman ang dad ko.”Nang hahawakan na sana ni Daisie ang kamay niya, binawi ito ni Cecilia at ngumiti. “Sorry at ang dami kong sinabi sayo. Pero nasa meeting pa rin ang His Highness. Sobrang busy siya kaya nag-aalala ako na baka wala siyang oras para makausap ka.”Napahinto ng ilang sandali si Daisie, pedo agad di
Hinawakan ni Nollace ang ilong niya at nanahimik.Nang binisita niya ang palace noong nakaraan, nilapitan siya ng kaniyang Dad at sinabi sa kaniya ang tungkol sa cabinet meeting. Doon dumating si Cecilia at naging assistant niya. Alam niya na lahat ng iyon ay kagagawan ng mga Taylor.Sinabi ng mga Taylor sa lahat na loyal sila sa pamilya sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga naging tulong nila sa royal family. Pero sa totoo lang, gusto lang nila ma-control ang royal family.Nang buhay pa ang grandfather niya, may ginagawa ang mga Taylor sa likod ng mga tao dahil hindi sila masaya na si Yorrick ang naging Minister of Finance.Sa oras na iyon, pinaalis ng grandfather niya sa cabinet ang isang minister na malapit sa mga Taylor para maging banta na kailangan nilang maging maayos. Kaya naman nagkaroon na ng mababang tingin sa mga Taylor simula noon.Ngayon na namatay na ang grandfather niya at ang mom niya na ang may hawak ng trono, nagsimula na namang maging active ang mga Taylor. Hin
Sadyang mas interesado lang si Cecilia sa benefits kaysa sa itsura. Pero, ngayon na ang mom na ni Nollace ang may hawak sa trono ng pagiging queen, isa na siyang hari at ang anak niya ang magiging king sa susunod. Syempre, dapat anak nila ang maging hari.Uminom si Cecilia ng wine at sinabi, “Your Highness, hindi mo ba naisip na hindi magandang tingnan na na-distract kita at nandito ka ngayon para kasama akong mag-dinner?”Tinapik ni Nollace ang daliri niya sa mesa at sinabi, “Ms. Taylor, sana naiintindihan mo ito. Sumama ako sa dinner na ito dahil gusto mo na gawin ko. Tinutupad ko lang ang request mo, pero hindi ibig sabihin na gusto ko mangyari ang meal na ito kasama ka.”Napahinto ang ngiti sa mukha ni Cecilia. Pero tinuruan siyang manatiling kalmado kahit sa ganitong sitwasyon tulad ng ganito kaya ngumiti lang siya at sinabi, “Ito ba ay dahil nag-aalala ka para sa asawa mo?”Walang sinabi na kahit ano si Nollace.Nilagay ni si Cecilia ang kamay niya sa baba ng kaniyang baba
Sumagot si Madam Ames, “Natutulog na si Mrs. Knowles.”Sumagot si Nollace ng mahinang hum at tinanong, “Kumain na ba siya?” Tapat na sumagot si Madam Ames, “Kumain siya pero sumuka rin agad. Hindi pa rin maayos ang gana niyang kumain.”Kumunot ang noo ni Nollace at umakyat sa taas. Nang pumunta siya sa kwarto, nakapatay ang ilaw sa loob. Binuksan lang niya ang ilaw sa bedside dahil natatakot siyang magising si Daisie sa liwanag ng chandelier.Nakahiga si Daisie sa kama, mahinahon siyang natutulog. Naglakad si Nollace sa sulok sa kama, lumapit siya para hawakan si Daisie. Pero nagising si Daisie nang maramdaman na hinaplos siya ni Nollace.Ngumiti si Nollace. “Hindi ka pa nakakatulog?”Dahan-dahang umupo si Daisie. “Nakauwi ka na?”“Oo, may inasikaso lang ako.”Hinagis ni Nollace ang coat niya sa chaise longue. Hindi niya tinago ang katotohanan na lumabas siya para sa isang dinner appointment pero hindi niya na naisip na kailangan pa niyang sabihin kay Daisie ang tungkol sa n