Sumagot si Madam Ames, “Natutulog na si Mrs. Knowles.”Sumagot si Nollace ng mahinang hum at tinanong, “Kumain na ba siya?” Tapat na sumagot si Madam Ames, “Kumain siya pero sumuka rin agad. Hindi pa rin maayos ang gana niyang kumain.”Kumunot ang noo ni Nollace at umakyat sa taas. Nang pumunta siya sa kwarto, nakapatay ang ilaw sa loob. Binuksan lang niya ang ilaw sa bedside dahil natatakot siyang magising si Daisie sa liwanag ng chandelier.Nakahiga si Daisie sa kama, mahinahon siyang natutulog. Naglakad si Nollace sa sulok sa kama, lumapit siya para hawakan si Daisie. Pero nagising si Daisie nang maramdaman na hinaplos siya ni Nollace.Ngumiti si Nollace. “Hindi ka pa nakakatulog?”Dahan-dahang umupo si Daisie. “Nakauwi ka na?”“Oo, may inasikaso lang ako.”Hinagis ni Nollace ang coat niya sa chaise longue. Hindi niya tinago ang katotohanan na lumabas siya para sa isang dinner appointment pero hindi niya na naisip na kailangan pa niyang sabihin kay Daisie ang tungkol sa n
“Ikaw…” Kinagat ni Mia ang labi niya at yumuko. “May ginawa akong masama sa'yo, at gusto mo pa rin akong tulungan?”“Una sa lahat, ginawa mo ‘yon para sa kapatid mo, hindi ba? Kahit na mali na magnakaw ng wallet ng iba dahil gusto mo siyang gumaling, nakikita ko naman na hindi ka ganoon kasama.” Inilagay ni Freyja ang card sa mesa at nilapit kay Mia. “May $30,000 diyan, at ipapahiram ko sa'yo. Bibigyan kita ng trabaho pagkatapos ng surgery ng kapatid mo at mabalik na ang paningin niya. Maibabalik mo ang pera kapag nagsimula kang magtrabaho.”Kinuha ni Mia ang card at hindi makapaniwala na tumingin kay Freyja. “Handa ka talagang tulungan ako?”Ngumiti si Freyja. “Pinautang kita ng pera na kailangan mo, at pwede mo tawagan ang hospital para mai-reschedule ang surgery. Ano pa ba ang dapat mong ipangamba?”Tumayo si Mia at lumuhod sa sahig. Agad na tumayo si Freyja at tinulungan siyang tumayo. “Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga.”Tiningnan siya ni Mia habang tumutulo ang luha sa mga p
Binaba ni Freyja ang sulat at tumingin kay Mia na ibinalik na ang unay na kulay ng buhok nito. “Bagay sa’yo ang natural na buhok.”Ngumiti si Mia at sinabing, “Tulad ng payo mo, tinanggal ko ang pulang kulay at naging ganito na pagkatapos mawala ng kulay pula.”“Na-reschedule na ba ang surgery ng kapatid mo?”Nakangiti siyang tumango. “Yeah, nakaayos na at ilang araw na lang bago ang surgery kaya hindi niya na kailangan pa maghintay nang matagal.”Tumayo si Freyja, lumapit sa kaniya at inilagay ang kamay niya sa balikat nito. “Kung ganoon, dadalhin kita para sa job interview ngayon.”Sumunod sa kaniya si Mia, nakikipag-usap at nagtatanong habang naglalakad, “Anong trabaho? Saan tayo pupunta para sa interview? Mahirap ba?”Huminto si Freyja sa harap ng sasakyan, binuksan ang pinto at pinapasok muna si Mia. “Malalaman mo kapag nakarating na tayo.”“Oh, okay.” Masunurin siyang pumasok sa sasakyan.Hindi nagtagal, dumating ang sasakyan sa Blue Valley Manor.Isinilip ni Mia ang ulo
Nagulat si Daisie at tiningnan si Madam Ames. “Pero si Nollace ang kumuha sa kaniya.”“Pinigilan niya ako na makita ka kanina, hindi ba kakaiba para sa'yo ‘yon? Kadalasan, kapag may bisita, dapat sabihan ka niya, ikaw na may-ari ng manor, kahit ano pang mangyari. Pero hindi ka man lang niya sinabihan at sigurado siya na paaalisin mo kami. Pakiramdam ko ay may ibang balak ang babae na ito.”‘Hindi nagkakamali ang hinala ng babae. Paano nga naman nakapag desisyon ang empleyado para sa amo niya?‘Hindi ako naniniwala na binigyan siya ni Nollace nang ganoong awtoridad.’Kinagat ni Dasie ang labi niya at hindi nagsalita.Umupo siya nang maayos at kinuha ang kamay nito. “Sige, naghahanap ng trabaho ang babae na ito at hindi ko kailangan ng empleyado ngayon. Kaya pinapakilala ko siya sa'yo. Huwag kang mag-alala. Magaling ako maghanap ng empleyado.”May tiwala si Daisie kay Freyja kaya tumango siya. “Okay, hahayaan ko siyang manatili.”Tumayo si Freyja at lumapit kay Mia. “Magtatrabaho
Umupo si Daisie sa bench sa garden at sinabihan din si Mia na umupo. “Hindi mo ba mami-miss ang pamilya mo kapag nanatili ka sa ibang bansa?”Natigil sandali si Mia at yumuko. “Wala akong pamilya.”“Pasensya na. Hindi ko alam ang tungkol doon.”Agad na kinaway ni Mia ang kamay niya. “Ayos lang. Hindi niyo kailangan humingi ng tawad sa akin. Nasanay na ako. Isa akong ulila at wala ako gaanong impresyon sa magulang ko, kaya kahit na banggitin ito ng iba sa akin, hindi ako napipikon.”Sumandal si Daisie sa likod ng bench. “Nang mabuntis ako, madalang lang ako makipag-usap sa mga tao sa labas ng manor na ito.”“Buntis kayo?” nagulat si Mia.Naningkit si Daisie at ngumiti. “Hindi mo ba nakikita?”Mabilis na tiningnan ni Mia ang tiyan ni Maisie. “Ah, nakikita ko na ngayon. Sinabi ng dean na malaki ang epekto ng pagbubuntis sa katawan ng babae. Magiging emotionally unstable ka, at magiging bloated at mataba. Mawawalan ka rin ng gana at hindi makakatulog nang maayos sa gabi pero hindi n
Binalot ni Nollace ang braso niya sa bewang ni Daisie. “Hindi na ako lalabas para mag dinner. Uuwi ako para samahan ang asawa ko araw-araw mula ngayon.”Natigil si Daisie at mahina siyang tinulak palayo. “Bakit hindi ka pupunta sa dinner appointment? Ikaw ang director at president ng kumpanya. Kapag hindi kita hinayaan, hindi ko maisip kung anong iisipin sa akin ng iba. Baka magkaroon ng problema kapag may nagsabi na hindi ako mabuting asawa.”Kumunot siya. “Sino naman ang magsasabi?”“Paano ko malalaman?”Pumunta si Daisie sa dining table at umupo. Nang makita na may prunes sa mesa, kumuha siya ng isa at sinubo ‘yon. “The best pa rin ang maasim na pagkain.”Tumabi si Nollace, pinatong ang kamay niya sa kanto ng mesa, lumapit, tinitigan si Daisie at tumawa. “Galit ka pa rin ba?”Sumagot siya, “Hindi, ano namang ikagagalit ko?”Inutusan ni Nollace ang katulong na dalhin ang dessert. “Bumili ako ng paborito mo.”Inangat ni Daisie ang ulo niya. “Binili mo talaga ito sa akin?”Ina
“Oo nga, may kakayahan nga siya sa pagiging magaling na housekeeper.” Yumuko si Daisie. “Pumunta si Freyja para makita ako kanina pero pinigilan niya si Freyja. At nang sinabi ko na gusto ko na panatilihin si Mia rito, pinilit niyang hingiin ko muna ang permiso mo.“Alam kong ikaw ang kumuha sa kaniya kaya normal lang na makikinig siya sa sinasabi mom Pero pakiramdam ko na isinasantabi ako, at hindi ko magawa ang gusto ko.”Sumikip ang dibdib ni Nollace at binuhat niya si Daisie at inupo sa hita niya. “Bakit ka mag-iisip nang ganoong bagay?”Nilapitan niya si Daisie at tumama ang hininga niya sa pisngi nito. “Kung hindi mo gusto, hindi mo kailangan na makinig sa kaniya. Pwede mong gawin ang kahit anong gusto mo pero kailangan pa rin sumunod ng mga bodyguard kapag lalabas ka.”Pagkatapos sabihin ‘yon, mahigpit niyang niyakap si Daisie. “Natatakot ako na baka magkasakit ka dahil sa lugmok. Daisie, ayaw kong maging malungkot ka. At kung hindi ka talaga masaya, gagawin ko…”Tiningnan
Maingat na tiningnan ng katulong si Daisie. “Tawagan ko kaya si Madam Ames at sabihin na pumunta na siya ngayon?”Suminghal si Daisie. “Hindi na kailangan. Sa tingin ko ay wala akong awtoridad na utusan siya.”Pagkatapos magsabi ng sarkastikong komento, mag-isang pumunta si Daisie sa kusina pero agad siyang pinigilan ni Mia. “Anong gagawin niyo?”“Gagawa ako ng sarili kong almusal.”“Paano ‘yon!?” Hinila niya si Daisie at pinaupo sa dining table. “Kahit na wala ang chef dito, mayroon kayong ako. Ako, si Mia Keaton, ay naging swerte at nakapag trabaho bilang part-time sous-chef sa isang restaurant. Huwag kang mag-alaala. Kahit na matagal na akong hindi nagluto, pangako masarap pa rin ito!”Pumasok siya sa kusina at nagsimulang mamili ng ilang ingredients.Nag-aalala ang dalawang katulong na masunog nito ang kusina pero dahil nandoon si Daisie, wala silang sinabi. Nagkatinginan sila at nakaisip ng pareong solusyon.Agad na pumunta ang isang katulong sa bakuran, kinuha ang cell pho