Share

Kabanata 2534

Nagulat si Daisie at tiningnan si Madam Ames. “Pero si Nollace ang kumuha sa kaniya.”

“Pinigilan niya ako na makita ka kanina, hindi ba kakaiba para sa'yo ‘yon? Kadalasan, kapag may bisita, dapat sabihan ka niya, ikaw na may-ari ng manor, kahit ano pang mangyari. Pero hindi ka man lang niya sinabihan at sigurado siya na paaalisin mo kami. Pakiramdam ko ay may ibang balak ang babae na ito.”

‘Hindi nagkakamali ang hinala ng babae. Paano nga naman nakapag desisyon ang empleyado para sa amo niya?

‘Hindi ako naniniwala na binigyan siya ni Nollace nang ganoong awtoridad.’

Kinagat ni Dasie ang labi niya at hindi nagsalita.

Umupo siya nang maayos at kinuha ang kamay nito. “Sige, naghahanap ng trabaho ang babae na ito at hindi ko kailangan ng empleyado ngayon. Kaya pinapakilala ko siya sa'yo. Huwag kang mag-alala. Magaling ako maghanap ng empleyado.”

May tiwala si Daisie kay Freyja kaya tumango siya. “Okay, hahayaan ko siyang manatili.”

Tumayo si Freyja at lumapit kay Mia. “Magtatrabaho
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status