Binuksan ni Nollace ang pinto ng kwarto at nakita si Daisie na tinatamad na nakaupo sa lazy boy at nanonood ng movie. Kahit na wala siyang gana kumain ng proper meal, kaya niyang kumain ng chips. Sinabit ni Nollace ang kaniyang coat at tinaas ang kaniyang sleeve habang lumalapit kay Daisie. “Parang may gana ka na kumain ngayong araw.” Dinilian ni Daisie ang daliri niya. “Ginawa ito ni Mia. Nagluto rin siya ng spaghetti para sa akin at naubos ko.” Ngumiti si Nollace at kinurot ang chubby cheeks ni Daisie. “Mas magaling ba ako magluto o si Mia?” Umupo si Daisie nang tuwid. “Gusto mo makumpara sa kaniya?” Kumandong si Daisie kay Nollace at hinawakan nito ang buhok niya. “Sagutin mo ako.” Binaba ni Daisie ang bag ng chips at niyakap ang leeg ni Nollace. “Nagseselos ka sa babae?” “Kumain ka.”Tumawa si Daisie. “Ang asawa ko ang best cook sa buong mundo, ‘di ba?”Hinalikan ni Nollace ang mukha ni Daisie at ngumiti. “Ikaw ang pinakasweet.” “Honey, pwede bang mag makeup ka ng
Nawalan ng balance si Daisie at natumba sa bisig ni Nollace at agad naman siyang sinalo nito. Nang umalis na ang doctor, agad na pumasok si Daisie sa kwarto. “Mia!”Nakahiga si Mia sa kama at may IV drip sa kaniyang kamay, maayos na ang sitwasyon niya pero mukhang mahina pa rin. “Ayos lang ako, ma’am…”Tinanong ni Daisie, “Mia, sabihin mo sa akin, may gamot ka bang ininom?” Nagtaka si Mia. “Gamot? Wala.” Tiningnan siya ni Daisie. Mukhang hindi naman nagsisinungaling si Mia. Kung umiinom siya ng gamot, alam niya dapat kung ano ang ininom niya pero wala naman siyang iniinom na kahit ano, paano nangyari na…Dahan-dahang umupo si Mia at sumandal sa pader, “Nagsimulang sumama ang pakiramdam ko matapos ang dinner.” Nag-iba ang ekspresyon ni Daisie. “Ang pagkain ko na kinain mo sa kwarto?” Tumango si Mia, may naalala siya. “Mabuti na lang at hindi kayo ang kumain o baka napunta pa kayo sa kapahamakan. Pero nakakapagtaka. Hindi naman ako naglagay ng kahit ano sa pagkain kaya bakit
Tumango ang lalaki. “Yes, sir.” Nang umalis siya, kinuha ni Nollace ang phone niya at tinawagan si Colton. Hindi nagtagal, maririnig ang boses ni Colton. “Gabi na bakit tumatawag ka pa?” “May nangyari. Kailangan mong pumunta sa ospital ngayon.”Wala pang 20 minutes, dumating na sila Freyja at Colton habang naghihintay naman si Nollace sa kanila sa corridor. “Anong nangyari kay Daisie?” Sabi ni Nollace, “Ayos lang siya. Si Mia ang may sakit.” Nagtaka si Freyja. “Mia?” Sinabi ni Nollace sa kanila ano ang nangyari, at nagulat si Freyja matapos making sa kwento ni Nollace. “Baka yung babaeng steward. Noong unang nakita ko siya at may kakaiba na akong pakiramdam sa kaniya.”Lumapit si Colton kay Nollace. “Knowles, magpasalamat ka na ayos lang si Daisie dahil hindi kita papakawalan kung may nangyari sa kaniya.” “Alam ko.” Sobrang kalmado lang ni Nollace. “Nakita ko na ang salarin pero kailangan ko kayo para magbantay kay Daisie.” Umalis na si Nollace nang hindi lumilingon.
Habang iniisip ni Madam Ames paano ipapaliwanag kay Cecilia ang nangyari, napansin niya na papalayo na sa siyudad ang andar ng sasakyan. May napansin siyang kakaiba at nagtanong, “Hindi ito ang daan pauwi sa bahay ko.”Hindi nagsalita ang steward.Nag-panic na si Madam Ames at may bigla siyang naalala. Lumapit siya at hinawakan ang lalaki. “Saan mo ako dadalhin? Pahintuin mo ang sasakyan!”Sumubsob ang kotse ng inapakan ng steward ang brakes at tinulak si Madam Ames. Natumba si Madam Ames sa upuan niya, at pinahinto na ng steward ang sasakyan. Agad na lumabas ng sasakyan si Madam Ames nang na-unlock na ang pinto, iniwan na lang niya ang mga luggage niya. Hindi niya nakita na sumunod sa kaniya ang lalaki kaya inisip niya na nakatakas na siya. Pero, ilang kotse ang ang humarang sa harap niya ay inilawan siya ng headlights. Lumabas ang bodyguard na nakasuot ng black suit sa kotse, hinawakan niya si Madam Ames at tinulak siya. Nagulat si Madam Ames sa sakit, nakita niya ang
Nawala ang liwanag sa mata ni Clover habang bumabalot sa kaniya ang katahimikan. Matagal na niyang ginagawa lahat ng paraan para makatakas sa mga pulis at aristocrats pero bigla siyang binigo ng katotohanan. Pag dinala siya sa mga pulis, makukulong siya at siguradong hindi siya tatantanan ng mga aristocrats kahit nasa kulungan na siya. Mas malala pa iyon sa kamatayan! “Alisin niyo siya.”Nang tumalikod si Nollace, sumigaw si Clover, “Sasabihin ko na sayo sino ang may pakana niyo! Please pakawalan mo ako! Hindi pwedeng mahuli ako. Sasabihin ko sayo lahat basta pakawalan mo lang ako!”Napahinto sa paglalakad si Nollace at tumalikod siya para tingnan si Clover. “Paano mo naisip na dapat akong magtiwala sayo?” “Alam kong mas alam mo kung sino ang makakuha ng benefits pag nawalan ng anak ang asawa mo. Matagal ng gusto ng anak ng mga Taylor na maging asawa ka. Iniisip niya na papakasalan mo siya pag nawala ang baby ng asawa mo…”Ngayon lang naramdaman ni Clover kung gaano sila kat
‘Sabi ko na! Pupunta siya para makita ako. Baka nagtagumpay si Clover! Siguro nakunan talaga ang babaeng ‘yon!’Pero ang hindi niya alam ay kakaiba na ang ihip ng hangin sa sala. Nakaupo si Lucius sa couch at madilim ang ekspresyon niya habang nakaupo si Nollace sa kaniyang harap, umiinom ng tea na ibinigay ng katulong sa kaniya. “Dad.”Umupo si Cecilia sa tabi ng Dad niya habang nakangiti. Tiningnan niya si Nollace at sinabi, “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin n pupunta ka sa bahay ko, Your Highness?” Mas nagdilim pa lalo ang mukha ni Lucius. Tiningnan niya ang anak niya at sinabi, “Bumalik ka sa kwarto mo, Cecilia.”Nang mapansin ang malakas na boses at galit na maririnig sa boses ng dad niya, nagulat ng ilang sandali si Cecilia. Tinanong niya, “Anong problema? May hindi ba dapat ako marinig?”Binaba ni Nollace ang cup at kalmadong sumagot, “Nope. Ikaw talaga ang pakay ko kaya ako pumunta, Ms. Taylor.”Sobrang nanabik si Cecilia nang marinig ang sinabi ni Nollace. “Narini
“Wala kang ginawa na kahit ano nang sinaktan ng anak mo ang royal descendant, at sinasabi mo sa akin ngayon na loyal kayo?” Tanong ni Nollace, nagulat siya. Tiningnan siya ni Lucius at sinabi, “Nanghihingi kami ng tawad sa nawal sayo pero ikaw ang prinsipe ng Yaramoor. Maiimpluwensyahan ng marriage mo ang tingin sa atin ng ivang bansa. Kahit na makapangyarihan ang mga Goldmann, hindi bagay ang status ng anak nila sa status…”Hinagis ni Nollace sa sahig ang cup na nasa mesa, nagulat si Cecilia sa takot at napahinto rin si Lucius. Dahan-dahang tumayo si Nollace at nagpatuloy. “Lagi mong sinasabi na ginagawa mo ito para sa royal family pero ang totoo, gusto mo lang talaga na maging princess ang anak mo. Ikaw ang nag mamanipula sa cabinet simula nang mamatay ang grandfather ko, kaya syempre, susuportahan ka ng lahat. Dahil gusto mo naman na maging princess ng anak mo, babawiin ko ang status ko bilang prinsipe.”Nagulat si Cecilia. Hindi siya makapaniwala na aabot sa punto na tataliku
Pinakawalan ng bodyguard si Cecilia, nahulog siya sa sahig. Nagsimula na siyang maramdaman ang epekto ng gamot na pinainom sa kaniya,may nararamdaman siyang sakit na bumabalot sa kaniyang tiyan. Hindi niya pinansin ano ang magiging itsura niya sa sahig at ipinasok na agad ang daliri sa lalamunan para sana ay masuka niya ang gamot pero hindi iyon nakatulong. Masamang tiningnan ni Lucius si Nollace at malakas siyang sumigaw, “Anong pinakain mo sa kaniya, Nollace?”Hinagis ni Nollace ang walang laman na bote kay Lucius at sinabi, “Binalik ko lang sa kaniya ang pinakain niya sa asawa ko. May kasabihan sa Zlokovia na “an eye for an eye,” pero huwag ka mag-alala, hindi siya mamamatay sa gamot na ito.” Matapos iyon, umalis na si Nollace kasama ang mga tauhan niya. Mabilis na lumapit si Lucius kay Cecilia ay sumigaw, “Magtiis ka muna Cecilia! Bilis! Tumawag kayo ng ambulansya! Bilisan niyo! Sa ospital…Dumating si Daisie sa harap ng kwarto ni Mia at kumatok sa pinto. Lumingon si Mi