“Wala kang ginawa na kahit ano nang sinaktan ng anak mo ang royal descendant, at sinasabi mo sa akin ngayon na loyal kayo?” Tanong ni Nollace, nagulat siya. Tiningnan siya ni Lucius at sinabi, “Nanghihingi kami ng tawad sa nawal sayo pero ikaw ang prinsipe ng Yaramoor. Maiimpluwensyahan ng marriage mo ang tingin sa atin ng ivang bansa. Kahit na makapangyarihan ang mga Goldmann, hindi bagay ang status ng anak nila sa status…”Hinagis ni Nollace sa sahig ang cup na nasa mesa, nagulat si Cecilia sa takot at napahinto rin si Lucius. Dahan-dahang tumayo si Nollace at nagpatuloy. “Lagi mong sinasabi na ginagawa mo ito para sa royal family pero ang totoo, gusto mo lang talaga na maging princess ang anak mo. Ikaw ang nag mamanipula sa cabinet simula nang mamatay ang grandfather ko, kaya syempre, susuportahan ka ng lahat. Dahil gusto mo naman na maging princess ng anak mo, babawiin ko ang status ko bilang prinsipe.”Nagulat si Cecilia. Hindi siya makapaniwala na aabot sa punto na tataliku
Pinakawalan ng bodyguard si Cecilia, nahulog siya sa sahig. Nagsimula na siyang maramdaman ang epekto ng gamot na pinainom sa kaniya,may nararamdaman siyang sakit na bumabalot sa kaniyang tiyan. Hindi niya pinansin ano ang magiging itsura niya sa sahig at ipinasok na agad ang daliri sa lalamunan para sana ay masuka niya ang gamot pero hindi iyon nakatulong. Masamang tiningnan ni Lucius si Nollace at malakas siyang sumigaw, “Anong pinakain mo sa kaniya, Nollace?”Hinagis ni Nollace ang walang laman na bote kay Lucius at sinabi, “Binalik ko lang sa kaniya ang pinakain niya sa asawa ko. May kasabihan sa Zlokovia na “an eye for an eye,” pero huwag ka mag-alala, hindi siya mamamatay sa gamot na ito.” Matapos iyon, umalis na si Nollace kasama ang mga tauhan niya. Mabilis na lumapit si Lucius kay Cecilia ay sumigaw, “Magtiis ka muna Cecilia! Bilis! Tumawag kayo ng ambulansya! Bilisan niyo! Sa ospital…Dumating si Daisie sa harap ng kwarto ni Mia at kumatok sa pinto. Lumingon si Mi
Hayaan na lang na si Nollace ang mag solusyon?Nanahimik si Colton. Matagal niyang tiningnan si Daisie bago siya tumalikod. “Bahala ka.”Sa boses ni Colton, alam na ni Daisie na hindi na siya pipilitin pa ni Colton. Ngumiti siya at sinabi, “Thank you, Colton. Salamat dahil lagi mo akong tinutulungan pag may problema ako. Pero matanda na ako ngayon. Ayoko na manatiling Daisie na lagi lang nasa likod mo.” Matapos niyang magsalita, pumunta na siya sa kwarto niya. Nakatayo si Colton sa corridor at malalim ang kaniyang iniisip. Baka nagbago na ang kapatid niya. Mas nagiging independent na siya. Tama. Kahit na prinsesa ang kapatid niya sa pamilya at dapat siyang protektahan ng lahat, hindi naman siya tanga.‘Nollace, ang swerte mo talaga na siya ang asawa mo.’…Pumarada si Nollace sa harap ng ospital. Si Hedeon na nasa driver seat ay tumingin nang mapansin na hindi pa lumalabas si Nollace sa kotse. “Nolly? Hindi mo ba bibisitahin ang asawa mo?” Mahigpit na tinikom ni Nollace an
Hindi tinago ni Nollace ang kahit anong detalye kay Daisie at sinabi sa kaniya lahat. Nang marinig ni Daisie na ang mastermind sa lahat ng nangyari ay si Cecilia, nagulat siya ng ilang sandali at wala siyang sinabi na kahit ano.Hinawakan ni Nollace ang kamay niya. “Pinilit siya ng mga Taylor na lumapit sa akin dahil gusto nila magkaroon ng opportunity ang anak nila. Pero nakita ko na ang mga plano nila at tinanggal ko na siya sa kompanya. At sa kung ano naman ang ipinagawa niya kay Madam Ames, babalikan ko sila pero pag tapos na nito.”Nanatiling tahimik ng ilang sandali si Daisie at tinanong niya, “Nollace, mahirap bang kalabanin ng mga Taylor?” Nagpaliwanag si Nollace, “May hawak na solid status ang mga Taylor bilang aristocrats at marami silang koneksyon sa cabinet at business circles. Para sa political candidates, pinaka importante ang boto ng mga Taylor. Kahit na pareho na ng level ngayon ang mga Taylor at Hathaway, hindi madali na mapatalsik sa listahan ang mga Taylor. ‘To
‘Hindi na mahalaga kung gusto ko ba na makipaglaban para sa posisyon, iisipin ng lahat ng nasa bansa na ako ang pinaka bagay na kandidata para sa posisyon ng pagiging prinsesa ng bansa. Gusto ko lang makipaglaban para doon dahil gusto ko malaman ng babae na iyon ang lugar niya at iwan ang prinsipe.‘Bakit ko siya bibigyan ng sobrang atensyon? Sa huli, anak lang siya ng Goldmann.‘Pero, ginawa ito sa akin ni Nollace dahil sa babae na ‘yon, at gusto ng mom ko na huwag ko itong pansinin!?’Alam ni Bianca kung ano ang iniisip ni Cecelia at agad siyang pinilit. “Cecelie, hindi simple katulad ng iniisip mo si Nollace. Isipin mo ang nangyari sa mga tao na ginalit siya noon. Bukod sa pagiging anak niya ng Reyna, hindi siya karapat-dapat sa'yo, mahal kong anak.”Paano makikinig si Cecelia sa mom niya sa ganitong pangyayari? Ngumisi siya. “Kung may iba pang prinsipe, pipiliin kong sumuko sa kaniya. Pero kung gusto mo akong sumuko ngayon, ginagawa mo lang ako na katatawanan. Sinasabi mo ba sa
Tumitig si Lucius sa likod ng sasakyan, at dahan-dahang nawala ang ngiti sa kaniyang mukha.‘Ang tanging tao lang mula sa cabinet na madalas nakikita ni Queen Diana ay si Max. Tumanggi siyang makipagkita sa kahit sino na nasa cabinet.‘Plano ko na kunin ang loob ni Max pero masyadong mailap at tapat ang tao na ito. Hindi siya ganoon kagaling makitungo. Kaya hindi nakakapagtaka na pinili siya ni Diana.‘Maliit pa lang siyang ibon ngayon, magiging mahirap na siya na paikutin kapag naging ganap na siya na agila.’Sa kabilang banda ng siyudad…Pagkatapos ihatid si Daisie at masiguro na nagpapahinga na ito, pumunta si Nollace sa palasyo para makipagkita sa dad niya. Habang kumakain sila, nagkusa si Nollace na sabihin sa dad niya ang tungkol kay Lucius.Inangat ni Rick ang tingin niya. “Ano? Paano ang baby?”“Ayos lang ang baby. Dahil kapag hindi ko sinabi, magkakaroon ng maraming palusot ang Taylor para makapasok sa palasyo at magpaliwanag. Kauupo lang ni Mom bilang Reyna, kaya ayaw
Naningkit si Yorrick at ngumiti. “Sa tingin ko ay wala namang problema sa desisyon ng Reyna.”Galit na nagtanong ang lalaki, “Ayos lang ba sa'yo na may pumalit sa pwesto mo sa cabinet?”“Kung may kakayahan ang iba, masaya akong bumaba sa posisyon ko. Kung tutuusin, may oras din naman na kailangan nating mag retiro, hindi ba?” May ngiti pa rin si Yorrick sa mukha niya at hindi masabi ng mga miyembro kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin o kinukutya sila nito.Mukhang hindi masaya ang mga tao pero hindi sila nagsalita.Tiningnan ni Yorrick sa Lucius. “Narinig ko na na-hospital ang anak mo. Ayos lang ba siya?”Nang mabanggit si Cecelia, nagdilim ang mukha niya. “Saan mo naman ito narinig?”‘Wala akong sinabi tungkol dito. Hindi ko nga hinahayaan na magkaroon ng usap-usapan na walang maidudulot na maganda sa Taylor, lalo na ang ipagkalat pa ito.’Mahinang ngumisi si Yorrick. “Hindi ako sigurado kung saan ko ito nakita. Sa isang media outlet nanggaling, kaya bahagyang nakakagula
Hindi lang ‘yon, inilabas din ni Cecelia ang lahat ng all recordings at text message sa pagitan nila ni Cover.Nagulat ang mga tao sa pagbabago ng pangyayari at nainis sa mga sinabi ni Cecelia.#Mayabang talaga ang babaeng ‘to sa estado niya?##Mahalaga ba talaga ang Taylor? Hindi ba isa lang din silang grupo ng aso na inaalagaan ng royal family? Minamaliit na ng mga aso ang amo nila ngayon?##Isa lang tayong walang alam na karaniwang tao, kaya hindi natin siya kailangang kaawaan, hindi ba?”#May mali ba sa babae na ito?##Mukhang hindi niya naakit ang prinsipe, kaya nagagalit siya ngayon at sinisiraan siya. Isa itong kalokohan.#Naging malaking usap-usapan ang opinyon ng mga tao sa Internet at umabot ang topic sa unang-una na topic na pinag-uusapan sa Twitter at iba pang platform.Sa kabilang banda ng post, nagulat si Cecelia nang makita niya ang kaniyang mga sinabi sa Internet. “Paano ito nangyari? Hindi ako nag-post ng ganito.”Nang gusto niyang mag log in sa kaniyang socia