‘Hindi na mahalaga kung gusto ko ba na makipaglaban para sa posisyon, iisipin ng lahat ng nasa bansa na ako ang pinaka bagay na kandidata para sa posisyon ng pagiging prinsesa ng bansa. Gusto ko lang makipaglaban para doon dahil gusto ko malaman ng babae na iyon ang lugar niya at iwan ang prinsipe.‘Bakit ko siya bibigyan ng sobrang atensyon? Sa huli, anak lang siya ng Goldmann.‘Pero, ginawa ito sa akin ni Nollace dahil sa babae na ‘yon, at gusto ng mom ko na huwag ko itong pansinin!?’Alam ni Bianca kung ano ang iniisip ni Cecelia at agad siyang pinilit. “Cecelie, hindi simple katulad ng iniisip mo si Nollace. Isipin mo ang nangyari sa mga tao na ginalit siya noon. Bukod sa pagiging anak niya ng Reyna, hindi siya karapat-dapat sa'yo, mahal kong anak.”Paano makikinig si Cecelia sa mom niya sa ganitong pangyayari? Ngumisi siya. “Kung may iba pang prinsipe, pipiliin kong sumuko sa kaniya. Pero kung gusto mo akong sumuko ngayon, ginagawa mo lang ako na katatawanan. Sinasabi mo ba sa
Tumitig si Lucius sa likod ng sasakyan, at dahan-dahang nawala ang ngiti sa kaniyang mukha.‘Ang tanging tao lang mula sa cabinet na madalas nakikita ni Queen Diana ay si Max. Tumanggi siyang makipagkita sa kahit sino na nasa cabinet.‘Plano ko na kunin ang loob ni Max pero masyadong mailap at tapat ang tao na ito. Hindi siya ganoon kagaling makitungo. Kaya hindi nakakapagtaka na pinili siya ni Diana.‘Maliit pa lang siyang ibon ngayon, magiging mahirap na siya na paikutin kapag naging ganap na siya na agila.’Sa kabilang banda ng siyudad…Pagkatapos ihatid si Daisie at masiguro na nagpapahinga na ito, pumunta si Nollace sa palasyo para makipagkita sa dad niya. Habang kumakain sila, nagkusa si Nollace na sabihin sa dad niya ang tungkol kay Lucius.Inangat ni Rick ang tingin niya. “Ano? Paano ang baby?”“Ayos lang ang baby. Dahil kapag hindi ko sinabi, magkakaroon ng maraming palusot ang Taylor para makapasok sa palasyo at magpaliwanag. Kauupo lang ni Mom bilang Reyna, kaya ayaw
Naningkit si Yorrick at ngumiti. “Sa tingin ko ay wala namang problema sa desisyon ng Reyna.”Galit na nagtanong ang lalaki, “Ayos lang ba sa'yo na may pumalit sa pwesto mo sa cabinet?”“Kung may kakayahan ang iba, masaya akong bumaba sa posisyon ko. Kung tutuusin, may oras din naman na kailangan nating mag retiro, hindi ba?” May ngiti pa rin si Yorrick sa mukha niya at hindi masabi ng mga miyembro kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin o kinukutya sila nito.Mukhang hindi masaya ang mga tao pero hindi sila nagsalita.Tiningnan ni Yorrick sa Lucius. “Narinig ko na na-hospital ang anak mo. Ayos lang ba siya?”Nang mabanggit si Cecelia, nagdilim ang mukha niya. “Saan mo naman ito narinig?”‘Wala akong sinabi tungkol dito. Hindi ko nga hinahayaan na magkaroon ng usap-usapan na walang maidudulot na maganda sa Taylor, lalo na ang ipagkalat pa ito.’Mahinang ngumisi si Yorrick. “Hindi ako sigurado kung saan ko ito nakita. Sa isang media outlet nanggaling, kaya bahagyang nakakagula
Hindi lang ‘yon, inilabas din ni Cecelia ang lahat ng all recordings at text message sa pagitan nila ni Cover.Nagulat ang mga tao sa pagbabago ng pangyayari at nainis sa mga sinabi ni Cecelia.#Mayabang talaga ang babaeng ‘to sa estado niya?##Mahalaga ba talaga ang Taylor? Hindi ba isa lang din silang grupo ng aso na inaalagaan ng royal family? Minamaliit na ng mga aso ang amo nila ngayon?##Isa lang tayong walang alam na karaniwang tao, kaya hindi natin siya kailangang kaawaan, hindi ba?”#May mali ba sa babae na ito?##Mukhang hindi niya naakit ang prinsipe, kaya nagagalit siya ngayon at sinisiraan siya. Isa itong kalokohan.#Naging malaking usap-usapan ang opinyon ng mga tao sa Internet at umabot ang topic sa unang-una na topic na pinag-uusapan sa Twitter at iba pang platform.Sa kabilang banda ng post, nagulat si Cecelia nang makita niya ang kaniyang mga sinabi sa Internet. “Paano ito nangyari? Hindi ako nag-post ng ganito.”Nang gusto niyang mag log in sa kaniyang socia
Natigil si Edisyon dahil sinusubukan niyang hulaan kung ano ang nasa isip ni Nollace, pagkatapos ng ilang sandali, sumagot na siya. “Wala pa akong sinabihan pero hindi ako sigurado na walang ibang nakakaalam.”Pagkatapos ng sampung minuto, naghintay silang dalawa sa hall, at lumabas ang section chief dala ang autopsy report. “Nandito kayo, Kamahalan.”Tiningnan ni Nollace ang report. “Anong nakita niyo?”Sumagot ito, “Nakahanap kami ng amatoxin sa katawan niya. Mahahanap ang toxin na ito sa nakalalason na mushroom. Aatakihin sa puso ang kakain nito.”Pagkatapos non, nilipat niya ang pahina. “Pero ang kakaibang nalaman namin ay maingat na inihahanda ang pagkain sa kulungan, kaya hindi ito basta mapupunta sa pagkain. Wala rin kaming nahanap na lason sa cell niya.”Bumulong si Edison kay Nollace, “May binayaran?”Naningkit si Nollace per hindi sumagot.Pagkatapos nilang umalis sa Bureau of Justice, pinatong niya ang kaniyang braso sa balikat ni Edison and ngumiti. “May misyon ako p
Umalis ang mga reporter. Pumasok si Hedeon sa main hall kasama si Nollace. “Nollace, anong nangyayari? Patay na si Madam Ames?”Hindi niya alam ang tungkol doon.Huminto si Nollace sa harap ng elevator at kalmadong tumango. “Oo.”Agad na naintindihan ni Hedeon. “So, nandito ang mga reporter para sisihin ka? Sino ang tangang gagawing suspek ang sarili nila?”Pinigilan ni Nollace ang balita kaya tanging ang mga tao lang na nagtatrabaho sa kulungan at bureau ang nakakaalam. Kapag nakalabas ang balita, ibig sabihin ay nasa dalawang lugar na uto ang ‘problema’.Tiningnan niya si Hedeon at tinapik ang balikat niya. “Matalino ka.”“Kailangan kung gusto kong makipag-usap sa'yo.” Lumaki ang ngiti ni Hedeon.Tumango si Nollace. “Inayos ko ang lahat.”Nawala ang ngiti ni Hedeon habang sinusundan sa elevator si Nollace. “Nagbibiro ka ba?”“Sa tingin mo ba nagbibiro ako?”“Hindi, pero ang mga reporter ngayon… Inayos mo na pumunta sila?”“Hindi nila alam ‘yon.” Tiningnan siya ni Nollace a
Nang hinaharang ang balita, ang taong inutusan nila ay pinalabas sa kulungan. Pero, malalagot sila kapag nalabas ito at nagsimulang imbestigahan ng prison department.Pinagpapawisan nang walang tigil ang butler. “Anong gagawin natin?”Umupo si Mr. Tyler sa upuan na may seryosong mukha. “Patahimikin mo sila.”Nanghina ang hita ng butler at nagulat siya. “Sir, pero siya ay aking—”Hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Mr. Tyler na pag-isipan ang tungkol doon. “Kung hindi siya ang mamamatay, ikaw. Naiintindihan mo?”Hinawakan ng butler ang lalamunan niya at hindi sinubukan na tumingin.…Madilim sa labas nang lumiwanag ang ilaw ng Blue Manor.Pumasok si Edison sa study at nakita si Mollace na nakasuot ng itim na silk robe at nakatayo sa harap ng bintana.“Sir, nagsagawa ng mabusising inspeksyon ang prison department. Bukod sa taong naka-sick leave, lahat ng nakasalamuha ni Clover ay in-imbestigahan.”Naningkit si Nollace at tiningnan ang repleksyon ng lalaki na nasa likod niya.
Gayunpaman, naniniwala si Daisie na malilinis ni Nollace ang pangalan niya.Pagkatapos nilang pumasok sa kwarto, tumingin si Daisie kay Mia at sinabing, “Hintayin mo na lang ako sa labas.”Tumango si Mia, pinanood siyang pumasok at maglakad papunta sa corridor.Pagkatapos ng 15 minutes, lumabas si Daisie.Lumapit si Mia at tinanong, “Kumusta?Inabot sa kaniya ni Daisie ang larawan mula sa ultrasound.Lumapit si Mia at nagulat. “Oh wow, kambal?”Pinatahimik siya ni Daisie. “Ilihim mo muna ngayon. Huwag mo hayaan na malaman ng kahit na sino na may baby pa ako.”Sinabi ni Nollace na si Clover at Cecelia ang dahilan kung bakit siya nakunan dahil may plabo siya. Kailangan niyang sumabay pata protektahan ang mga bata.Tinakpan ni Mia ang bibig niya at tumango. “Yes, ma'am.”Lumabas si Daisie at Mia sa hospital at nakasalubong si Cecelia, mukhang nandito rin para magpa-check up. Baka dahil sa side effects ng gamot.Nang makita sila ni Cecelia, nagbago ang ekspresyon niya habang bin