Mukhang masarap at mabango ang mangkok ng noodles. Dahil walang gana si Daisie dahil sa pagbubuntis niya, nilagyan ni Mia ng dalawang hiwa ng lemon ang noodles.Lumapit siya kay Daisie dala ang noodles. “Ma'am, tingnan niyo.”Naamoy ni Daisie ang bango ng mga sangkap at ang amoy ng lemon, kinuha niya ang tinidor at hindi makapaghintay na tikman ‘yon.Inalis ng ng lemon ang mantika ng sabaw, at sumabay ang matamis at mabango nitong lasa sa malasang sabaw.Nagkaroon ng gana si Daisie, at ang nilutong noodles ay mukhang al dente at hindi napuputol, dahilan para mas maging katakam-takam ang pagkain.Sumubo si Daisie habang nakatayo si Mia sa gilid at pinanood siya na kumain. “Kumusta? Ayos lang ba ang lasa para sa inyo?”Tumango si Daisie at nag thumbs up. “Ang sarap nito. Hindi na ako nasusuka ngayon. Paano mo ito ginawa?”Kahit ang mga katulong ay hindi makapaniwala.Kung tutuusin, lahat ng chef na kinuha ni Nollace ay mga head ched na nagtatrabaho noon sa mga hotel. Pero, wala g
Naningkit ang mata ni Nollace na para bang may sumasagi sa isip niya. “Nakipagkita siya sa babae?”Hinaplos ni Hedeon ang baba niya. “Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawang babae na ‘yon pero mukhang misteryoso ang kilos nila kaya panigurado na hindi ‘yon mabuti.May kumatok sa pinto kaya tumayo si Hedeon at binuksan ‘yon.Si Cecelia ‘yon.Hindi pinansin ni Cecelia si Hedeon at pumasok dala ang ilang dokumento. “Kamahalan.”Inabot niya kay Nollace ang dokumento pero hindi niya ito kinuha mula rito. “Ilagay mo nalang sa mesa at iwan mo kami.”Ngumiti si Cecelia, lumapit, at halos idikit ang itaas niyang katawan kay Nollace. “Kamahalan, kailangan mo ba maging malamig sa amin? Inaamin ko na dapat hindi ko ginamit ang dad ko para ikulong ka. Kasalanan ko, at humihingi ako ng tawad.”Kinilabutan si Hedeon na nakatayo sa pinto.‘Kinikilabutan talaga ako sa babae na ito kapag nagsasalita siya nang malambing.’Inangat ni Nollace ang walang pakialam niyang tingin at hindi
“Awesome.” Lumapit si Hedeon at hinila si Cecilia.Sumigaw siya, “Nollace, ganito mo ako tatratuhin? Naghahamon ka ng digmaan aa Taylor, Nollace Knowles!”Walang pumansin sa kaniya kahit na sumisigaw siya.Pinalabas siya ng building at pagkatapos isa't ang pinto, tumayo siya at tumingin nang masama sa building. Walang trumato sa kaniya nang ganito noon. Hindi niya ito basta hahayaan!Galit niyang sinabi, “Nollace Knowles, magmamakaawa ka sa akin!”Samantala, sa Blue Valley Manor…Gumawa ng dinner si Mia at dinala sa taas. Binuksan niya ang pinto ng kwarto. “Handa na ang hapunan.”Nakita ni Daisie ang dinner at nagsimulang mahilo. Tiningnan siya ni Mia. “Nahihilo pa rin ba kayo? Nagdagdag ako ng lemon.”Sumandal siya sa couch. “Wala pa rin akong gana. Ayaw kong kumain.”“Gusto niyo bang lutuan ko kayo ng spaghetti?”Malungkot na ngumiti si Daisie. “Masasayang lang ‘yon. Ginawa mo ‘to lahat.”“Huwag kayong mag-alala. Hindi kayo pwedeng magutom, hindi ba?” Tumayo si Mia para u
Binuksan ni Nollace ang pinto ng kwarto at nakita si Daisie na tinatamad na nakaupo sa lazy boy at nanonood ng movie. Kahit na wala siyang gana kumain ng proper meal, kaya niyang kumain ng chips. Sinabit ni Nollace ang kaniyang coat at tinaas ang kaniyang sleeve habang lumalapit kay Daisie. “Parang may gana ka na kumain ngayong araw.” Dinilian ni Daisie ang daliri niya. “Ginawa ito ni Mia. Nagluto rin siya ng spaghetti para sa akin at naubos ko.” Ngumiti si Nollace at kinurot ang chubby cheeks ni Daisie. “Mas magaling ba ako magluto o si Mia?” Umupo si Daisie nang tuwid. “Gusto mo makumpara sa kaniya?” Kumandong si Daisie kay Nollace at hinawakan nito ang buhok niya. “Sagutin mo ako.” Binaba ni Daisie ang bag ng chips at niyakap ang leeg ni Nollace. “Nagseselos ka sa babae?” “Kumain ka.”Tumawa si Daisie. “Ang asawa ko ang best cook sa buong mundo, ‘di ba?”Hinalikan ni Nollace ang mukha ni Daisie at ngumiti. “Ikaw ang pinakasweet.” “Honey, pwede bang mag makeup ka ng
Nawalan ng balance si Daisie at natumba sa bisig ni Nollace at agad naman siyang sinalo nito. Nang umalis na ang doctor, agad na pumasok si Daisie sa kwarto. “Mia!”Nakahiga si Mia sa kama at may IV drip sa kaniyang kamay, maayos na ang sitwasyon niya pero mukhang mahina pa rin. “Ayos lang ako, ma’am…”Tinanong ni Daisie, “Mia, sabihin mo sa akin, may gamot ka bang ininom?” Nagtaka si Mia. “Gamot? Wala.” Tiningnan siya ni Daisie. Mukhang hindi naman nagsisinungaling si Mia. Kung umiinom siya ng gamot, alam niya dapat kung ano ang ininom niya pero wala naman siyang iniinom na kahit ano, paano nangyari na…Dahan-dahang umupo si Mia at sumandal sa pader, “Nagsimulang sumama ang pakiramdam ko matapos ang dinner.” Nag-iba ang ekspresyon ni Daisie. “Ang pagkain ko na kinain mo sa kwarto?” Tumango si Mia, may naalala siya. “Mabuti na lang at hindi kayo ang kumain o baka napunta pa kayo sa kapahamakan. Pero nakakapagtaka. Hindi naman ako naglagay ng kahit ano sa pagkain kaya bakit
Tumango ang lalaki. “Yes, sir.” Nang umalis siya, kinuha ni Nollace ang phone niya at tinawagan si Colton. Hindi nagtagal, maririnig ang boses ni Colton. “Gabi na bakit tumatawag ka pa?” “May nangyari. Kailangan mong pumunta sa ospital ngayon.”Wala pang 20 minutes, dumating na sila Freyja at Colton habang naghihintay naman si Nollace sa kanila sa corridor. “Anong nangyari kay Daisie?” Sabi ni Nollace, “Ayos lang siya. Si Mia ang may sakit.” Nagtaka si Freyja. “Mia?” Sinabi ni Nollace sa kanila ano ang nangyari, at nagulat si Freyja matapos making sa kwento ni Nollace. “Baka yung babaeng steward. Noong unang nakita ko siya at may kakaiba na akong pakiramdam sa kaniya.”Lumapit si Colton kay Nollace. “Knowles, magpasalamat ka na ayos lang si Daisie dahil hindi kita papakawalan kung may nangyari sa kaniya.” “Alam ko.” Sobrang kalmado lang ni Nollace. “Nakita ko na ang salarin pero kailangan ko kayo para magbantay kay Daisie.” Umalis na si Nollace nang hindi lumilingon.
Habang iniisip ni Madam Ames paano ipapaliwanag kay Cecilia ang nangyari, napansin niya na papalayo na sa siyudad ang andar ng sasakyan. May napansin siyang kakaiba at nagtanong, “Hindi ito ang daan pauwi sa bahay ko.”Hindi nagsalita ang steward.Nag-panic na si Madam Ames at may bigla siyang naalala. Lumapit siya at hinawakan ang lalaki. “Saan mo ako dadalhin? Pahintuin mo ang sasakyan!”Sumubsob ang kotse ng inapakan ng steward ang brakes at tinulak si Madam Ames. Natumba si Madam Ames sa upuan niya, at pinahinto na ng steward ang sasakyan. Agad na lumabas ng sasakyan si Madam Ames nang na-unlock na ang pinto, iniwan na lang niya ang mga luggage niya. Hindi niya nakita na sumunod sa kaniya ang lalaki kaya inisip niya na nakatakas na siya. Pero, ilang kotse ang ang humarang sa harap niya ay inilawan siya ng headlights. Lumabas ang bodyguard na nakasuot ng black suit sa kotse, hinawakan niya si Madam Ames at tinulak siya. Nagulat si Madam Ames sa sakit, nakita niya ang
Nawala ang liwanag sa mata ni Clover habang bumabalot sa kaniya ang katahimikan. Matagal na niyang ginagawa lahat ng paraan para makatakas sa mga pulis at aristocrats pero bigla siyang binigo ng katotohanan. Pag dinala siya sa mga pulis, makukulong siya at siguradong hindi siya tatantanan ng mga aristocrats kahit nasa kulungan na siya. Mas malala pa iyon sa kamatayan! “Alisin niyo siya.”Nang tumalikod si Nollace, sumigaw si Clover, “Sasabihin ko na sayo sino ang may pakana niyo! Please pakawalan mo ako! Hindi pwedeng mahuli ako. Sasabihin ko sayo lahat basta pakawalan mo lang ako!”Napahinto sa paglalakad si Nollace at tumalikod siya para tingnan si Clover. “Paano mo naisip na dapat akong magtiwala sayo?” “Alam kong mas alam mo kung sino ang makakuha ng benefits pag nawalan ng anak ang asawa mo. Matagal ng gusto ng anak ng mga Taylor na maging asawa ka. Iniisip niya na papakasalan mo siya pag nawala ang baby ng asawa mo…”Ngayon lang naramdaman ni Clover kung gaano sila kat