Nagulat si Daisie at tiningnan si Madam Ames. “Pero si Nollace ang kumuha sa kaniya.”“Pinigilan niya ako na makita ka kanina, hindi ba kakaiba para sa'yo ‘yon? Kadalasan, kapag may bisita, dapat sabihan ka niya, ikaw na may-ari ng manor, kahit ano pang mangyari. Pero hindi ka man lang niya sinabihan at sigurado siya na paaalisin mo kami. Pakiramdam ko ay may ibang balak ang babae na ito.”‘Hindi nagkakamali ang hinala ng babae. Paano nga naman nakapag desisyon ang empleyado para sa amo niya?‘Hindi ako naniniwala na binigyan siya ni Nollace nang ganoong awtoridad.’Kinagat ni Dasie ang labi niya at hindi nagsalita.Umupo siya nang maayos at kinuha ang kamay nito. “Sige, naghahanap ng trabaho ang babae na ito at hindi ko kailangan ng empleyado ngayon. Kaya pinapakilala ko siya sa'yo. Huwag kang mag-alala. Magaling ako maghanap ng empleyado.”May tiwala si Daisie kay Freyja kaya tumango siya. “Okay, hahayaan ko siyang manatili.”Tumayo si Freyja at lumapit kay Mia. “Magtatrabaho
Umupo si Daisie sa bench sa garden at sinabihan din si Mia na umupo. “Hindi mo ba mami-miss ang pamilya mo kapag nanatili ka sa ibang bansa?”Natigil sandali si Mia at yumuko. “Wala akong pamilya.”“Pasensya na. Hindi ko alam ang tungkol doon.”Agad na kinaway ni Mia ang kamay niya. “Ayos lang. Hindi niyo kailangan humingi ng tawad sa akin. Nasanay na ako. Isa akong ulila at wala ako gaanong impresyon sa magulang ko, kaya kahit na banggitin ito ng iba sa akin, hindi ako napipikon.”Sumandal si Daisie sa likod ng bench. “Nang mabuntis ako, madalang lang ako makipag-usap sa mga tao sa labas ng manor na ito.”“Buntis kayo?” nagulat si Mia.Naningkit si Daisie at ngumiti. “Hindi mo ba nakikita?”Mabilis na tiningnan ni Mia ang tiyan ni Maisie. “Ah, nakikita ko na ngayon. Sinabi ng dean na malaki ang epekto ng pagbubuntis sa katawan ng babae. Magiging emotionally unstable ka, at magiging bloated at mataba. Mawawalan ka rin ng gana at hindi makakatulog nang maayos sa gabi pero hindi n
Binalot ni Nollace ang braso niya sa bewang ni Daisie. “Hindi na ako lalabas para mag dinner. Uuwi ako para samahan ang asawa ko araw-araw mula ngayon.”Natigil si Daisie at mahina siyang tinulak palayo. “Bakit hindi ka pupunta sa dinner appointment? Ikaw ang director at president ng kumpanya. Kapag hindi kita hinayaan, hindi ko maisip kung anong iisipin sa akin ng iba. Baka magkaroon ng problema kapag may nagsabi na hindi ako mabuting asawa.”Kumunot siya. “Sino naman ang magsasabi?”“Paano ko malalaman?”Pumunta si Daisie sa dining table at umupo. Nang makita na may prunes sa mesa, kumuha siya ng isa at sinubo ‘yon. “The best pa rin ang maasim na pagkain.”Tumabi si Nollace, pinatong ang kamay niya sa kanto ng mesa, lumapit, tinitigan si Daisie at tumawa. “Galit ka pa rin ba?”Sumagot siya, “Hindi, ano namang ikagagalit ko?”Inutusan ni Nollace ang katulong na dalhin ang dessert. “Bumili ako ng paborito mo.”Inangat ni Daisie ang ulo niya. “Binili mo talaga ito sa akin?”Ina
“Oo nga, may kakayahan nga siya sa pagiging magaling na housekeeper.” Yumuko si Daisie. “Pumunta si Freyja para makita ako kanina pero pinigilan niya si Freyja. At nang sinabi ko na gusto ko na panatilihin si Mia rito, pinilit niyang hingiin ko muna ang permiso mo.“Alam kong ikaw ang kumuha sa kaniya kaya normal lang na makikinig siya sa sinasabi mom Pero pakiramdam ko na isinasantabi ako, at hindi ko magawa ang gusto ko.”Sumikip ang dibdib ni Nollace at binuhat niya si Daisie at inupo sa hita niya. “Bakit ka mag-iisip nang ganoong bagay?”Nilapitan niya si Daisie at tumama ang hininga niya sa pisngi nito. “Kung hindi mo gusto, hindi mo kailangan na makinig sa kaniya. Pwede mong gawin ang kahit anong gusto mo pero kailangan pa rin sumunod ng mga bodyguard kapag lalabas ka.”Pagkatapos sabihin ‘yon, mahigpit niyang niyakap si Daisie. “Natatakot ako na baka magkasakit ka dahil sa lugmok. Daisie, ayaw kong maging malungkot ka. At kung hindi ka talaga masaya, gagawin ko…”Tiningnan
Maingat na tiningnan ng katulong si Daisie. “Tawagan ko kaya si Madam Ames at sabihin na pumunta na siya ngayon?”Suminghal si Daisie. “Hindi na kailangan. Sa tingin ko ay wala akong awtoridad na utusan siya.”Pagkatapos magsabi ng sarkastikong komento, mag-isang pumunta si Daisie sa kusina pero agad siyang pinigilan ni Mia. “Anong gagawin niyo?”“Gagawa ako ng sarili kong almusal.”“Paano ‘yon!?” Hinila niya si Daisie at pinaupo sa dining table. “Kahit na wala ang chef dito, mayroon kayong ako. Ako, si Mia Keaton, ay naging swerte at nakapag trabaho bilang part-time sous-chef sa isang restaurant. Huwag kang mag-alaala. Kahit na matagal na akong hindi nagluto, pangako masarap pa rin ito!”Pumasok siya sa kusina at nagsimulang mamili ng ilang ingredients.Nag-aalala ang dalawang katulong na masunog nito ang kusina pero dahil nandoon si Daisie, wala silang sinabi. Nagkatinginan sila at nakaisip ng pareong solusyon.Agad na pumunta ang isang katulong sa bakuran, kinuha ang cell pho
Mukhang masarap at mabango ang mangkok ng noodles. Dahil walang gana si Daisie dahil sa pagbubuntis niya, nilagyan ni Mia ng dalawang hiwa ng lemon ang noodles.Lumapit siya kay Daisie dala ang noodles. “Ma'am, tingnan niyo.”Naamoy ni Daisie ang bango ng mga sangkap at ang amoy ng lemon, kinuha niya ang tinidor at hindi makapaghintay na tikman ‘yon.Inalis ng ng lemon ang mantika ng sabaw, at sumabay ang matamis at mabango nitong lasa sa malasang sabaw.Nagkaroon ng gana si Daisie, at ang nilutong noodles ay mukhang al dente at hindi napuputol, dahilan para mas maging katakam-takam ang pagkain.Sumubo si Daisie habang nakatayo si Mia sa gilid at pinanood siya na kumain. “Kumusta? Ayos lang ba ang lasa para sa inyo?”Tumango si Daisie at nag thumbs up. “Ang sarap nito. Hindi na ako nasusuka ngayon. Paano mo ito ginawa?”Kahit ang mga katulong ay hindi makapaniwala.Kung tutuusin, lahat ng chef na kinuha ni Nollace ay mga head ched na nagtatrabaho noon sa mga hotel. Pero, wala g
Naningkit ang mata ni Nollace na para bang may sumasagi sa isip niya. “Nakipagkita siya sa babae?”Hinaplos ni Hedeon ang baba niya. “Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawang babae na ‘yon pero mukhang misteryoso ang kilos nila kaya panigurado na hindi ‘yon mabuti.May kumatok sa pinto kaya tumayo si Hedeon at binuksan ‘yon.Si Cecelia ‘yon.Hindi pinansin ni Cecelia si Hedeon at pumasok dala ang ilang dokumento. “Kamahalan.”Inabot niya kay Nollace ang dokumento pero hindi niya ito kinuha mula rito. “Ilagay mo nalang sa mesa at iwan mo kami.”Ngumiti si Cecelia, lumapit, at halos idikit ang itaas niyang katawan kay Nollace. “Kamahalan, kailangan mo ba maging malamig sa amin? Inaamin ko na dapat hindi ko ginamit ang dad ko para ikulong ka. Kasalanan ko, at humihingi ako ng tawad.”Kinilabutan si Hedeon na nakatayo sa pinto.‘Kinikilabutan talaga ako sa babae na ito kapag nagsasalita siya nang malambing.’Inangat ni Nollace ang walang pakialam niyang tingin at hindi
“Awesome.” Lumapit si Hedeon at hinila si Cecilia.Sumigaw siya, “Nollace, ganito mo ako tatratuhin? Naghahamon ka ng digmaan aa Taylor, Nollace Knowles!”Walang pumansin sa kaniya kahit na sumisigaw siya.Pinalabas siya ng building at pagkatapos isa't ang pinto, tumayo siya at tumingin nang masama sa building. Walang trumato sa kaniya nang ganito noon. Hindi niya ito basta hahayaan!Galit niyang sinabi, “Nollace Knowles, magmamakaawa ka sa akin!”Samantala, sa Blue Valley Manor…Gumawa ng dinner si Mia at dinala sa taas. Binuksan niya ang pinto ng kwarto. “Handa na ang hapunan.”Nakita ni Daisie ang dinner at nagsimulang mahilo. Tiningnan siya ni Mia. “Nahihilo pa rin ba kayo? Nagdagdag ako ng lemon.”Sumandal siya sa couch. “Wala pa rin akong gana. Ayaw kong kumain.”“Gusto niyo bang lutuan ko kayo ng spaghetti?”Malungkot na ngumiti si Daisie. “Masasayang lang ‘yon. Ginawa mo ‘to lahat.”“Huwag kayong mag-alala. Hindi kayo pwedeng magutom, hindi ba?” Tumayo si Mia para u