Umalis na ng opisina si Waylon, huminto siya sa corridor at tiningnan si Cameron na nakikipaglaro sa isdang nasa tank. Kumakatok ni Cameron sa glass at nilalakihan ang bukas ng bibig niya para takutin ang mga isda. Tumawa si Waylon.Tumalikod si Cameron, tinikom niya ang bibig niya, at tumayo siya ng tuwid na parang walang nangyari. “Tapos ka na?”Hindi napigilan na tumawa ni Waylon. “Masaya bang makalaro ang mga isda?” Humalukipkip si Cameron at nagpanggap na kalmado pero sobrang nahihiya siya. Sinusubukan niyang gulatin ang mga isda na parang batang makulit at nakita iyon ni Waylon. “Hindi masyado.”Lumapit si Waylon kay Cameron, yumuko si Waylon, at dahan-dahang hinawakan ang noo ni Cameron. “Makikipaglaro ka sa akin pagbalik natin?”Kahit sinong tanungin nun ay sasabog ang puso pero naningkit lang ang mata ni Cameron at nagtatakang nakatingin kay Waylon. “May hiya ka ba?”Tumawa si Waylon. “Ako lang ang pwede makipag-deal sa utak mong pang-isda.”“Ano? Isda ako? Eh ano ka
Kalmadong sumagot si Daisie, “Sobrang mahal ng kapatid ko at ni Freyja ang isa't isa. Hindi sila magpapakasal dahil sa buntis si Freyja. Hindi ko alam kung saan galing ang usapan na ito pero sana huwag niyo na ipakalat. Ayoko na makarinig ulit ng ganito.”Matapos magsalita ni Daisie, bumalik na siya sa kumpanya at hindi na ulit lumingon.Nag report si Daisie sa office ni Charlie.Tinaas ni Charlie ang tingin niya para makita si Daisie at sinabi, “Bumalik ka na. Saktong-sakto.”Nilagay ni Charlie ang announcement sa mesa at nagpatuloy. “Sa susunod na dalawang araw ay magsisimula na ang shooting para sa “The Fog”. Hinahanap ka nila kahapon para i test-try ang makeup pero natakot ako na baka hindi ka na umabot kaya pinaurong ko na lang ngayong araw.”Kinuha ni Daisie ang announcement at tinanong, “Paano si James?” “Nagsimula na siyang mag-shoot ng part niya. Wala na siyang pera ngayon dahil hindi na siya sinusuportahan ng Dad niya, at sa wakas ramdam na niya ang pagiging mahirap na
Tumawa si Nollace habang tinitingnan niya ang contract document. “Well, isa sa mga artista ang asawa ko sa film na yan kaya syempre, kailangan ko siya suportahan.”Hindi nakapagsalita ang chairman.Para sa kaniya parang mag-iinvest si Nollace sa film dahil sa misis niya.Biglang may naalala siya at sinabi, “Siya nga pala, may isang tao rin na nag-invest nang malaking pera sa film para rin kay Daisie. Director siya, at may scandal sila ni Daisie dati—”Bago pa siya makapagsalita, bigla siyang nakaramdam ng lamig sa kaniyang likod. Tiningnan niya ang air-conditioner pero hindi iyon nakabukas.Nakatitig si Nollace sa pangalan ni Zephir at sinara ang document. “Edi ako ang magiging biggest investor sa film na ito.”Nagulat ang chairman.‘Nagseselos ba siya? Well, hindi ko talaga maiintindihan ang mundo ng mga mayayaman.”Nang lumabas ng opisina si Nollace, hinihintay siya ni Edison sa corridor. “Sir.”Huminto sa paglalakad si Nollace at sinabi, “Gusto kong gawin mo ang full backgr
Mabilis na sinuportahan ni Colton si Freyja at tinanong, “Ilang buwan na ang nakalipas. Bakit may morning sickness ka pa rin?”Nanginginig ang balikat ni Freyja.Umiiyak ba siya? Hinawakan ni Colton ang balikat niya at tumalikod. “Freyja—”Walang luha sa mata ni Freyja. Sa wakas may napansin si Colton at inalis ang kamay ni Freyja. Tinikom ni Freyja ang labi niya.Hinawakan ni Colton ang baba ni Freyja at tinanong, “Tinatawanan mo ba ako?”Binawi ni Freyja ang tingin niya.Nang biglang, hinalikan ni Colton si Freyja. Nilagay ni Freyja ang kamay niya sa balikat ni Colton at natulala siya nang ilang sandali. Dahil hindi naman tinulak ni Freyja si Colton at hindi rin siya umiwas, kinarga siya ni Colton papuntang kama. Sa oras na iyon, bumalik na si Freyja sa katotohanan, at sinabi, “Wait…”“Eight months na…”Hinalikan ni Colton ang wrist niya at namamaos ang boses niya. Simula nang mabuntis si Freyja ay isang beses pa lang silang nag sex. Nangyari yun six months ago noong thir
Nang maubos na ni Shannon ang wine niya, tiningnan niya si Zephir at sinabi, “Zeph, dahil sa participation mo sa film na ito, sigurado akong magiging matagumpay ito!”Kahit na ito ang unang pagkakataon ni Zephir na tumayo bilang vice director, nagpakita siya ng kakaibang talent sa artistic production at natuwa doon si Shannon.Tumawa si Zephir. “Masaya ako na matuto ako mula sayo, Mr. Fallon.”Nakaupo si James sa tabi ni Daisie. Nang marinig niya ang usapan nila Zephir at Shannon, bumulong siya, ‘Hah, what a poser.”Narinig ni Daisie ang bulong niya at siniko ni Daisie ang kamay niya. “Huwag ka na magsalita at uminom ka na lang ng wine.”Lumapit si James kay Freyja at tinanong, “May gusto ba ang lalaki na iyon sayo?”“Anong sinasabi mo? Magkaibigan lang kami,” sagot ni Daisie.“Well alam ko naman na kaibigan mo siya pero baka hindi ayun ang nasa isip niya. Lalaki ako, at sigurado ako sa kung ano ang nasa isip ng lalaki kahit tingnan ko lang siya,” Sabi ni James habang nakatingin
Ngumiti si Zephir. “Paano kung sabihin ko sayo na dahil yun sayo?”“Zephir, ikaw…”Nagulat si Daisie.‘Anong sinasabi niya?’Inunat ni Zephir ang kamay niya at hinawakan ang buhok ni Daisie. May bakas na emosyon sa mata ni Zephir habang sinasabi. “Iniisip ko na kung hindi tayo umalis ng bansa para mag-aral, magkakaroon ba ako ng pagkakataon na maging isang lalaki na nakatayo sa tabi at hindi isang taong nanonood na ipakasal ka sa iba?” Matagal ng alam ni Zephir na may gustong lalaki si Daisie na ang pangalan kay Nollace.Inisip niya na makakalimutan din ni Daisie ang lalaking iyon pag dating ng panahon. Naniwala siya na hangga't kasama niya si Daisie, makakalimutan niya si Nollace at siya ang pipiliin.Pero nalaman niya na papasok si Daisie sa Drama, Theater, and Film department sa Yaramoor, naisip niya na kung magkikita ulit sila Daisie at Nollace, siya na ang makakasama ni Daisie lagi. Kaya iniwan na lang ni Zephir ang finance and business school at nag take na lang siya ng d
Si Edison na nagmamaneho ay tumingin sa rearview mirror. “Tiningnan ko ang identity at background ni Zephir Gosling. Dating sikat na actress ang mom niya na di Patricia Emerson. Nanganak si Patricia ng babae bago ipinanganak si Zephir, at ang babaeng anak na ‘yon ay asawa ng pangalawang tagapagmana ng Boucher, si Naomi Topaz. Ang pinsan niya ay ang asawa ng head ng Clifford sa Octavia, at ang elder master ng Clifford sa Octavia ay maternal grandfather ni Mr. Nolan Goldmann. Hinaplos ni Nollace ang buto ng ilong niya.‘Medyo may koneksyon ang tao na ‘yon, huh?’Agad na inangat ni Daisie ang ulo niya. “Bakit niyo siya ini-imbestigahan?”Naningkit si Nollace at binuksan ang labi niya. “Dahil nagseselos ako.”Binalot niya ang kaniyang braso sa leeg nito at nilagay ang binti niya sa hita ni Nollace. “Ano namang dapat mong ikaselos? Ikaw ang taong gusto at mahal ko!”Nagpanggap si Edison na wala siyang narinig na kahit ano.Binuhat siya ni Nollace, nilagay sa hita niya, pinisil ang b
“Syempre.” Pinagkrus ni James ang hita niya at mahinahon na sumagot. “Kung tutuusin, hindi lahat ng lalaki ay tulad ko. Kahit na gusto ko ang babae, titigil ako sa pag iisip sa kaniya kapag may karelasyon na siya. Ayan ang paniniwala ko.”Tumawa siya. “Katulad ng ginawa mo kay Freyja?”Sumandal si James. “Inaamin ko, hindi pa ako ayos tungkol diyan. Pero, natalo lang ako dahil sa itsura namin. Kung nauna ko siyang nakilala, hindi magkakaroon ng pagkakataon si Coleman.”Nang dumating ang sasakyan ng crew sa Coralia Hotel, lumabas si Daisie at James sa sasakyan, sinamahan sila ng security papasok sa hotel lobby at nag check in sila sa hotel.Ang kwarto ni Daisie ay nasa tabi ng kay James. Pumasok siya sa kwarto dala ang bagahe niya. Hindi nagtagal, narinig niya na tumunog ang doorbell.Binuksan niya ang pinto at isa sa mga receptionist ang nakatayo sa labas ng kwarto niya. “Ms. Vanderbilt, sa penthouse suite ang kwarto mo.”Nagulat siya. “Pero hindi suit ang binook ko.”Ngumiti a