Binawi ni Zephir ang kamay niya, tumango, tumingin kay Nollace, at agad umalis sa eksena.Tumingin si Nollace sa likod nito.‘Alam niya paano itago ang nararamdaman at pigilan ang emosyon niya. Mukhang mahirap siyang kalabanin.’Sa Blackgold…Ang balita na dalawang supervisor at isang manager ang natanggal sa kumpanya ay agad na kumalat sa mga empleyado. Alam nila kung tungkol saan ang nangyayari na ito.Lalo na ang mga empleyado na pinag-usapan si Freyja, natigil ang mukha nila at namutla nang marinig nila ang balita sa takot na sila na ang susunod.Sa administrative office…Ni-report ni Leonardo ang progress ng investigation, “Sinusundan sila ng mga tauhan natin sa lumipas na dalawang araw at nalaman na hindi maganda ang relasyon sa pagitan ng babae at lalaki. Nagtatrabaho sa kumpanya ang asawa niya at nagkaroon ito ng kabit at nakipaghiwalay sa kaniya. “Ang babae na naging kabit ng lalaki ay nabuntis bago ikasal. Kaya, sinabi niya na pinakalat niya lang ang rumor dahil sa i
Patuloy na tumutunog ang phone kaya naiirita na sinagot ni Jessie ang tawag. “Sinabi ko sa'yo na huwag mo na ako kakausapin.”“Jessie, miss na miss na kita. Please payagan mo ako na makita ka. Pangako na makikipaghiwalay na ako sa babae na ‘yon at pakakasalan kita.”Makikita ang lupit sa mata ni Jessie. “Papayagan kitang makipagkita sa akin kapag nakipag-divorce ka na talaga. Ayaw ko na dalhin ang konsensya ng pagiging kabit.”Binaba ni Jessie ang phone at nagdilim ang ekspresyon niya.‘Gusto niyang pakasalan ako? Sino ba siya sa tingin niya?‘Pfft, nakipaglaro lang ako sa kaniya dahil handa siyang gumastos sa akin pero sineryoso pala ng s*raulo na ‘yon. Nakakatawa.‘Kahit na gusto ko ikasal, ikakasal lang ako sa mayaman na pamilya. At ang pinakabagay na tao ay ang pangalawang anak ng Goldmann. Kahit na may fiancée na siya, basta hindi pa siya kinakasal at hindi pa pinapanganak ang baby, may pagkakataon pa ako.‘Nalaman ko ang relasyon nila sa nagdaang anim na buwan. Si Deedee a
Natigil sandali si Colton at tinanong, “Bakit mo natanong?”Nagdilim ang mata ni Freyja. “Naniniwala ka talaga kay Dr. Blueman?”Tinitigan siya ni Colton at mukhang nahuli ang emosyon da mata nito. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ni Freyja. “Anong sinasabi mo? Naniniwala lang ako sa kaniya dahil sa propesyon niya.”Pagkatapos sabihin ‘yon, nagulat siya.‘Nagpapaliwanag ba ako ngayon?’“N—”“Naniniwala ako sa'yo.” Biglang sumagot si Freyja at tumigil sandali, “Colton, naniniwala ako sa'yo.”‘Baka masyado lang akong nag iisip. Kung tutuusin, base sa sitwasyon ngayon ni Deedee, hindi ko pwedeng pagdudahan si Jessie nang walang ebidensya bukod sa sinasabi ng iba.’Pagkalipas ng dalawang araw…Hinatid ni Colton si Freyja sa Seaview Villa at sinundo rin si Deedee nang nasa byahe sila pauwi.Mas lalong naging mailap si Deedee kaysa noon at hindi nagsasalita. Pagkatapos bumalik sa villa, nananatili lang siya sa kwarto niya.Pumunta si Freyja at Colton sa kwarto ni Deedee at kuma
Nilapit ni Freyja ang noo niya sa dibdib ni Colton at sumandal sa kaniya.Nagulat si Colton, napansin niya ang kabadong katawan nito at lumapit si Colton para yakapin siya. “Anong problema?”“Pwede ba tayong humanap ng ibang psychologist para kay Deedee?” nagda-dalawang isip siya bago magsalita.‘Kahit na seryoso ang kondisyon ni Deedee, anong naging problema kung hindi masimulan ng psychologist na dalhin siya sa tamang landas paglipas ng anim na buwan at mas lumala pa ang kondisyon niya?‘At imposible para kay Deedee na tumanggi sa treatment at gamot nang walang dahilan.’Pagkatapos makinig sa sinabi ni Deedee pagkatapos uminom ng gamot, insomnia, sakit ng ulo at bangungot, hindi mapigilan ni Freyja isipin ang sinabi ni Deedee nang sinaktan niya ang sarili niya six months ago.“Simple lang siyang bata. Pipiliin niya magsinungaling pero hindi niya kayang manira ng ibang tao. Kapag sinabihan siya ng iba na gawin ang isang bagay, gagawin niya ‘yon. Hindi siya gaano nag-iisip dahil
Inangat ni Colton ang pisngi niya, pinunasan ang luha niya at hinalikan siya. “Kahit na pagkakamali, ang magagawa na lang natin ay tingnan ang dulo ng pagkakamaling ‘to. Freyja Pruitt, ayaw ko magpalit ng misis, kaya hindi rin kita papayagan.”Pagkatapos kumalma ni Freyja at nakatulog na, pinatawag ni Colton ang family doctor sa villa para tingnan si Freyja.Nang lumabas ang doctor sa kwarto, sinabi niyang, “Mr. Goldmann, bilang asawa, huwag mong hayaan na bumaba ang mood ng buntis mong asawa. Kailangan mong ibahin ang atensyon niya. Ang malalang negativity at pag iiba ng emosyon ng buntis na babae ay madaling mapunta sa postpartum depression.Hindi mapigilan ni Colton na magkuyom ang kamao pero niluwagan niya ‘yon at tumango. “Okay, naiintindihan ko.”Pagkatapos umalis ng doctor, tumingin si Colton sa kama at bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Waylon: Na hindi hadlang si Deedee sa pagitan nila dahil naunang dumating si Deedee bago pa siya. ‘Dahil pinili kong tanggapin,
“Ms. Pruitt, alam kong nag-aalala ka sa kaniya pero psychologist ako. Kung hindi ako sigurado sa kondisyon ng pasyente ko, hindi ko isusugal ang buhay nila.” ngumiti si Jessie. “Binigyan ko siya ng pills pero para yon lahat sa insomnia niya. Bukod pa sa nakakatulong ito sa paggaling ng sakit ng ulo niya. Walang nagpapakita na nagsimula lang ang sintomas niya pagkatapos niyang uminom ng gamot. Masisiguro ko na epektibo ang mga prescription ko. Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mong dalhin ang mga gamot na ‘to sa lab at ipa-test mo.”Pagkatapos sabihin ‘yon, kinuha niya ang bote ng sleeping pills sa kaniyang handbag at inabot kay Freyja.Hindi ‘yon kinuha sa kaniya ni Freyja, gumalaw ang mata niya at sinabi pagkatapos ng ilang sandali, “Naniniwala ako sa'yo.”Nilagay ni Jessie ang gamot pabalik sa handbag niya at tiningnan ang picture frame na nakasabit sa pader. “Ang totoo niyan, ikaw ang dahilan kung bakit ayaw magpagaling ni Deedee.”Nagtaka siya. “Ako?”“Nag-aalala siya na
Nasamid si Cameron sa mga salita niya. Namumula ang pisngi niya sa kahihiyan at mukhang hindi siya makapagsalita. “D-Dahil ‘yon sa may utang ako sa'yo. Kaya hinahayaan kitang gawin ang gusto mo!”Puno ng tuwa ang mata niya at hinaplos niya ang labi niya gamit ang kaniyang thumb. “Hahayaan ba ng isang tanyag na Cameron Southern ng East Island na gawin ng iba ang gusto nila dahil lang sa may utang siyang pera sa kanila?”Nagpumiglas si Cameron, gusto niyang makawala at tumawa pero hinawakan ni Waylon ang braso niya at namamaos ang boses. “Kapag nagpatuloy ka sa paggalaw, mawawalan ako ng kontrol. Kapag nangyari yon, wala na akong magagawa.”Natigil siya at namula ang pisngi niya habang nagngangalit ang ngipin. “Papatayin kita kapag sinubukan mo!”Mahinang ngumisi si Waylon, inangat ang kilay niya at tinanong, “Anong gagawin mo sa future?”Halos lumabas na ang usok sa lahat ng butas niya at mukhang blangko ang isip niya sa oras na ito. Hindi lang sa hindi agad nakabalik ang utak niya
Nilagay ni Colton ang coat sa balikat nito. Nagulat si Freyja at tiningnan si Colton.Binalot niya si Freyja ng coat niya. “Nagbago na ang panahon nitong nga nakaraan at manipis pa rin ang suot mo. Hindi ka ba natatakot na magka sipon?”Nag iwas ng tingin si Freyja. “Pumunta si Ms. Blueman dito kanina.”Mahinahon siyang sumagot. “Alam ko.”Inakbayan niya si Freyja at pumunta sa master bedroom kasama siya. Nang makapasok sila sa pinto, hinawakan siya ni Freyja sa braso. “Wala ka bang itatanong sa akin?”Hinawakan ni Colton ang kamay niya at lumingon. “Kapag may gagawin ka, panigurado na may rason ka. Bakit naman kita tatanungin tungkol dito?”Bumaba ang tingin ni Freyja. “Sorry.”Niyakap siya ni Colton. “Huwag mo na pasamain ang loob mo at kung may kinaiinis ka, lumapit ka lang sa akin.”Sinunod niya ang sinabi ng doctor na huwag masyadong ibahin ang emosyon niya, lalo na at wala siyang pakialam sa maliit na bagay kung saan gusto niyang ipa-test ang gamot ni Deedee dahil sa pagd
Inangat ni Cameron ang ulo niya at kinagat ang kaniyang tinidor. “So, ako ba ang special?”Kinuhanan siya ni Waylon ng sabaw. “Matakaw ka lang din talaga. Kakain ka nang kahit ano kung walang pipigil sa'yo.”Kinagat niya ang kaniyang labi at walang sinabi.Tumawa si Nicholas. “Mabuti sa buntis na kumain nang marami. Nang buntis ang lola niyo sa dad niyo, mahilig din siya kumain tulad ni Cam. Kakainin niya ang lahat ng makikita niya. Nagtago pa nga siya ng ibang pagkain mula sa'kin.”Sa pagtatago ng pagkain, na-guilty bigla si Cameron.Napansin ni Waylob ang pagbabago sa ekspresyon niya at naningkit. “Sinasabi mo ba sa akin na nagtago ka rin?”Mabilis siyang tumanggi. “Hindi! Mukha ba akong magtatago ng pagkain? Imposible talaga ‘yon!”Tumawa ang lahat ng nasa dining table.…Sa isang iglap, nagsisimula na ang July. Nang summer break ni Deedee, dinala siya ni Brandon sa Yaramoor, at pumunta rin doon si Freyja para bisitahin si Leia at Norman.Naka-graduate na rin sila at inasi
Lumapit si Waylon sa ice cream cart at nang kukunin na niya ang wallet niya, ilang bata ang tumingin sa kaniya nang masama. “Sir, may pila dito. Hindi ka pwedeng sumingit.”Natigil siya sandali, lumapit siya at tiningnan ang mga bata. “Paano kung ganito? Bibilhan ko pa kayo ng tig-iisang ice cream at ang kailangan niyo lang gawin ay pasingitin ako, okay?”Nagpalitan ng tingin ang mga bata.‘Mukhang magandang kasunduan ito!’Lahat sila ay pumayag sa sinabi ni Waylon sa huli.Bumili si Waylon ng ice cream at bumili pa ng tig-iisa sa mga bata habang nandoon. Pagkatapos magbayad sa lahat ng ice cream, kinuha niya ang isa at lumapit kay Cameron.Hindi mapigilan ni Cameron na matawa nang malakas. “Nakaisip ka talaga nang ganoong paraan para sumingit sa pila?”Inabot ni Waylon ang ice cream sa kaniya. “Ang problema na kayang ayusin ng ice cream ay hindi problema sa akin.”Binuksan ni Cameron ang ice cream at tinikman.Kapag nagsabay ang mainit na panahon at malamig na ice cream, naka
Nang sabihin yon ni Morrison, pumasok si Leah suot ang champagne-colored na low-necked ling gown.Sa ilalim nang makinang na ilaw, mas naging malinaw ang papalapit na tao, may maganda itong makeup at eleganteng kilos.Nakatitig si Morrison sa kaniya at hindi mapigilan ng mata niya na sundan si Leah.“Pasensya na at pinaghintay ko kayo.” Tumayo si Leah sa harap nila nang may ngiti sa kaniyang mukha.Biglang bumalik si Morrison sa kaniyang ulirat, tumikhim sita at agad niya hinubad ang jacket niya at isinabit sa balikat ni Leah.Nagulat si Leah sa biglang kilos ni Leah.Seryosong sinabi ni Morrison, “Nakabukas ang air conditioner. Nag-aalala lang aki na baja sipunin ka.”Gusto ni Leah na hubarin ang jacket nito. “Pero hindi naman malamig dito.”“Hindi, nilalamig ka siguro.” Hinawakan ni Morrison ang kamay niya, hindi niya hinayaan na alisin ni Leah ang jacket.Nagpalitan ng tingin si Waylon at Cameron at hindi napigilan na ngumiti.“Lay.” Lumapit si Benjamin at nakita si Waylon
Inangat ni Zephir ang ulo niya, pakiramdam niya ay napuspos siya ng pusa.Kinagat mi Ursule ang straw sa baso niya at tumawa. “Nagiging masyado lang masigla si Kisses, kaya huwag niyo na lang pansinin, sir.”Inilayo ni Zephir ang makulit na pusa sa kaniyang mukha at kumunot. “Sir?”“Kahit na mukha kang bata, kasing edad mo si Mr. Quigg, hindi ba?”Natahimik si Zephir.‘May mali ba siyang naiisip tungkol sa edad ko?’Tumingin siya sa pusa sa kaniyang braso at mahinahon na hinaplos ang balahibo nito. “Apat na taon ang tanda sa akin ni Yale.”“Okay, gawin natin ang basic math. Apat na taon ang tanda sa'yo ni Mr. Quigg kaya 30 years old ka na at 11 na taon ang tanda mo sa akin, kaya hindi ba dapat sir ang tawag ko sa'yo?”‘Hindi pa nga ako pinapanganak nang 11 na taong gulang siya.’Tiningnan siya ni Zephir.‘Isa na talaga siyang young adult.’“Meow!” Hinila ni Kisses ang damit ni Zephir gamit ang paw nito at natusok pa nang bahagya ang braso ni Zephir.Nagulat si Ursule kaya a
Dahil may nakalaan na dinner ang homestay, pumupunta lang ang mga waiter sa trabaho nang 5:00 p.m hanggang 2:00 a.m.Si Ursule lang ang part-time na empleyado doon, pumupunta lang siya doon para kumanta sa mga customer sa gabi at tumulong sa homestay kapag wala siyang klase sa umaga. At dahil bata pa siya, maalaga sa kaniya ang ibang empleyado.Kapag gabing gabi na natapos ang performance niya at mahihirapan siya na sumakay ng bus, papayagan siya na manatili sa homestay para magpahinga.Lahat ng nakatira at nagtatrabaho doon ay naging malapit na sa isa't isa habang mas tumatagal, pinapahalagahan nila ang bawat isa.At gagawa si Yale ng party, staff meals, palitan ng regalo at kung ano pa para sa empleyado.Kaya naman, sa halip na sabihin na nananatili at nagtatrabaho sila sa isang homestay, parang maihahanlintulad na rin ito na isang pamilya kung saan komportable ang lahat ay pinapahalagahan.Lumabas si Zephir sa courtyard, kung saan inaayos ni Yale ang mga bulaklak at bonsai na
Masayang kumain si Kisses.“Urs, hindi ba dapat nasa school ka ngayon?”“Mukhang may nangyari sa bahay ng professor ko at sinabi niya na wala siya nang isang araw.” Tiningnan ni Ursule kay Yale. “Pumupunta lang ako dito kapag wala akong klase, hindi ba?”Tumawa si Yale. “Ang sarap maging bata.”Doon lang napansin ni Ursule si Zephir at bahagyang nagulat. “Hey, hindi ba't ikaw… Oh, ikaw yung lalaki sa kabilang bahay, hindi ba?”Tiningnan ni Yale si Zephir. “Magkakilala ba kayo?”“Hindi, hindi, pumunta si Kisses sa balkonahe niya kagabi kaya baka na-istorbo siya nito.” Naiilang na ngumiti si Ursule at may naisip. “Nga pala, Mr. Quigg, mukhang matagal na siyang nananatili dito.”Ngumiti si Yale. “Oo, nandito siya nitong mga nakaraan. Pumunta dito ang kaibigan ko mula sa Bassburgh para magbakasyon.”“Bassburgh?” Umupo si Ursule sa couch at nagtatakaMalamig na sumagot si Zephir. “Ayos lang ‘yon.”“Pumunta na sa Bassburgh ang ilan kong coursemate at nakuha sa ikang academy. Narin
Nang makita na pumunta ang pusa niya sa balkonahe ng iba at nahuli, nagulat si Ursule, pinagdikit ang kamay niya at humingi ng tawad habang may nahihiyang ekspresyon. “Pasensya na! Inabala ka pa siguro ni Kisses. Kukunin ko mismo sa'yo ngayon. Um… Pwede bang paabot dito?”5 feet lang ang layo ng mga balkonahe kaya inunat ni Ursule ang kamay niya at gustong kunin ang pusa mula kay Zephir.Walang sinabi si Zephir, kinuha niya ang pusa at inabot.Kinuha ito ni Ursule mula sa kaniya at agad niya niyakap. “Salamat. Pasensya na talaga sa abala.”Tumalikod siya at tinapik ang pusa sa likod. “Kapag tumakbo ka ulit, dadalhin kita sa vet at ipapa-sterilize.”Nag-meow si Kisses na para bang lumalaban ito.Pinagpas ni Zephir ang sleeves niya, inalis ang mga buhok ng pusa na napunta sa pajama niya, tumalikod siya at pumasok sa kwarto.Kinabukasan, bumaba si Zephir na may suot na maluwag na silk na pajama dahit maghahanda ng buffet-style na almusal ang homestay sa mga bisita nila.Nakaupo sa
”Hindi siguro ako naging gentleman kung matagal mo na itong ginawa.”Matapos niya iyon sabihin, hinalikan ni Morrison ang labi ni Leah.Lumapit si Leah at niyakap siya.Biglang nag-init ang temperature ng buong kwarto at patuloy na tumataas—lahat ay naging hot and passionate hanggang sa huminto ang kanilang mga kaluluwa. Sa parehong oras sa Coralia…Operating pa rin ang tavern na nasa Homestay ng Hohman town, at ang night market, mga tahimik na kalsada, at mga alley ay may liwanag sa ilalim ng dilim. Madaling-araw na pero sobrang marami pa ring tao sa lugar.Nakaupo mag-isa si Zephir sa attic at nag-order ng cocktail. Sobrang nagkaroon ng malaking pagkakaiba ang ingay na ginagawa ng kabilang table kumpara sa katahimikan ni Zephir.Bigla lang nanahinik nang tumunog na ang piano sa tavern, nagkalat sa buong paligid ang melody nito. Isa iyong female singer, siya ang tumutugtog ng piano at kumakanta, at ang slightly smoky voice niya ay parang melodious. “Hello, it's me, your exI
Hindi nakapagsalita si Morrison. Sa parehong oras, isa sa kanila ang nagsalita, “Akala naming lahat si Zephir na ang papakasalan mo. At saka, sabay kayong lumaking dalawa…”May biglang dumating at napatigil ang babae sa pagsasalita. Alam nilang lahat na gusto lagi ni Leah na sundan si Zephir dati. Pero, hindi naman magandang banggitin pa ‘yon sa harap ng bago niyang boyfriend.Napansin ng babae na may nasabi siyang mali at agad na nagsalita, “Ah, sorry talaga sa sinabi ko. Hindi ko sinasadya na sabihin pa. Dapat hayaan na natin ang nakaraan at magpatuloy na lang tayo sa hinaharap.”Ngumiti si Leah at hindi niya alam ang kaniyang sasabihin.Nang umalis na ang mga kapit-bahay nila, nilagay ni Morrison ang kaniyang kamay sa loob ng bulsa niya at tinanong, “So, anong gagawin mo sa childhood friend mo?”“Anong ibig mong sabihin?” Dahan-dahang lumapit si Leah sa tabi niya. “Gusto mo bang makipaghiwalay ako sayo at balikan ko siya?”Huminto si Morrison at tumalikod siya para tingnan s