Nilapit ni Freyja ang noo niya sa dibdib ni Colton at sumandal sa kaniya.Nagulat si Colton, napansin niya ang kabadong katawan nito at lumapit si Colton para yakapin siya. “Anong problema?”“Pwede ba tayong humanap ng ibang psychologist para kay Deedee?” nagda-dalawang isip siya bago magsalita.‘Kahit na seryoso ang kondisyon ni Deedee, anong naging problema kung hindi masimulan ng psychologist na dalhin siya sa tamang landas paglipas ng anim na buwan at mas lumala pa ang kondisyon niya?‘At imposible para kay Deedee na tumanggi sa treatment at gamot nang walang dahilan.’Pagkatapos makinig sa sinabi ni Deedee pagkatapos uminom ng gamot, insomnia, sakit ng ulo at bangungot, hindi mapigilan ni Freyja isipin ang sinabi ni Deedee nang sinaktan niya ang sarili niya six months ago.“Simple lang siyang bata. Pipiliin niya magsinungaling pero hindi niya kayang manira ng ibang tao. Kapag sinabihan siya ng iba na gawin ang isang bagay, gagawin niya ‘yon. Hindi siya gaano nag-iisip dahil
Inangat ni Colton ang pisngi niya, pinunasan ang luha niya at hinalikan siya. “Kahit na pagkakamali, ang magagawa na lang natin ay tingnan ang dulo ng pagkakamaling ‘to. Freyja Pruitt, ayaw ko magpalit ng misis, kaya hindi rin kita papayagan.”Pagkatapos kumalma ni Freyja at nakatulog na, pinatawag ni Colton ang family doctor sa villa para tingnan si Freyja.Nang lumabas ang doctor sa kwarto, sinabi niyang, “Mr. Goldmann, bilang asawa, huwag mong hayaan na bumaba ang mood ng buntis mong asawa. Kailangan mong ibahin ang atensyon niya. Ang malalang negativity at pag iiba ng emosyon ng buntis na babae ay madaling mapunta sa postpartum depression.Hindi mapigilan ni Colton na magkuyom ang kamao pero niluwagan niya ‘yon at tumango. “Okay, naiintindihan ko.”Pagkatapos umalis ng doctor, tumingin si Colton sa kama at bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Waylon: Na hindi hadlang si Deedee sa pagitan nila dahil naunang dumating si Deedee bago pa siya. ‘Dahil pinili kong tanggapin,
“Ms. Pruitt, alam kong nag-aalala ka sa kaniya pero psychologist ako. Kung hindi ako sigurado sa kondisyon ng pasyente ko, hindi ko isusugal ang buhay nila.” ngumiti si Jessie. “Binigyan ko siya ng pills pero para yon lahat sa insomnia niya. Bukod pa sa nakakatulong ito sa paggaling ng sakit ng ulo niya. Walang nagpapakita na nagsimula lang ang sintomas niya pagkatapos niyang uminom ng gamot. Masisiguro ko na epektibo ang mga prescription ko. Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mong dalhin ang mga gamot na ‘to sa lab at ipa-test mo.”Pagkatapos sabihin ‘yon, kinuha niya ang bote ng sleeping pills sa kaniyang handbag at inabot kay Freyja.Hindi ‘yon kinuha sa kaniya ni Freyja, gumalaw ang mata niya at sinabi pagkatapos ng ilang sandali, “Naniniwala ako sa'yo.”Nilagay ni Jessie ang gamot pabalik sa handbag niya at tiningnan ang picture frame na nakasabit sa pader. “Ang totoo niyan, ikaw ang dahilan kung bakit ayaw magpagaling ni Deedee.”Nagtaka siya. “Ako?”“Nag-aalala siya na
Nasamid si Cameron sa mga salita niya. Namumula ang pisngi niya sa kahihiyan at mukhang hindi siya makapagsalita. “D-Dahil ‘yon sa may utang ako sa'yo. Kaya hinahayaan kitang gawin ang gusto mo!”Puno ng tuwa ang mata niya at hinaplos niya ang labi niya gamit ang kaniyang thumb. “Hahayaan ba ng isang tanyag na Cameron Southern ng East Island na gawin ng iba ang gusto nila dahil lang sa may utang siyang pera sa kanila?”Nagpumiglas si Cameron, gusto niyang makawala at tumawa pero hinawakan ni Waylon ang braso niya at namamaos ang boses. “Kapag nagpatuloy ka sa paggalaw, mawawalan ako ng kontrol. Kapag nangyari yon, wala na akong magagawa.”Natigil siya at namula ang pisngi niya habang nagngangalit ang ngipin. “Papatayin kita kapag sinubukan mo!”Mahinang ngumisi si Waylon, inangat ang kilay niya at tinanong, “Anong gagawin mo sa future?”Halos lumabas na ang usok sa lahat ng butas niya at mukhang blangko ang isip niya sa oras na ito. Hindi lang sa hindi agad nakabalik ang utak niya
Nilagay ni Colton ang coat sa balikat nito. Nagulat si Freyja at tiningnan si Colton.Binalot niya si Freyja ng coat niya. “Nagbago na ang panahon nitong nga nakaraan at manipis pa rin ang suot mo. Hindi ka ba natatakot na magka sipon?”Nag iwas ng tingin si Freyja. “Pumunta si Ms. Blueman dito kanina.”Mahinahon siyang sumagot. “Alam ko.”Inakbayan niya si Freyja at pumunta sa master bedroom kasama siya. Nang makapasok sila sa pinto, hinawakan siya ni Freyja sa braso. “Wala ka bang itatanong sa akin?”Hinawakan ni Colton ang kamay niya at lumingon. “Kapag may gagawin ka, panigurado na may rason ka. Bakit naman kita tatanungin tungkol dito?”Bumaba ang tingin ni Freyja. “Sorry.”Niyakap siya ni Colton. “Huwag mo na pasamain ang loob mo at kung may kinaiinis ka, lumapit ka lang sa akin.”Sinunod niya ang sinabi ng doctor na huwag masyadong ibahin ang emosyon niya, lalo na at wala siyang pakialam sa maliit na bagay kung saan gusto niyang ipa-test ang gamot ni Deedee dahil sa pagd
Tahimik na inobserbahan ni Jessie ang ekspresyon ni Colton at nakita niya na nakakunot ang noo nito. Inisip niya kung bakit at sinabi, “Hindi ko alam kung bakit sobrang galit sa akin ni Mrs. Pruitt. Baka dahil natatakot siya na baka saktan ko si Deedee. Talagang sobrang inaalala niya si Deedee.”Tumango si Colton at niluwagan ang relo niya. “Pamangkin niya si Deefee kaya normal lang naman talaga na may pakialam siya kay Deedee.”Huminto ang ngiti ni Jessie, pero dinagdag niya, “Tama ka pero ngayon na buntis na siya, dapat hindi lang si Deedee ang isipin niya. Kailangan niya rin alagaan ang sarili niyang anak.”Nanahimik si Colton habang nag-iisip.Tiningnan ni Jessie si Colton. “Mr. Goldmann, nakikita ko kung gaano niya alagaan si Deedee, anong mangyayari kung tanggihan ni Deedee ang therapy? Nag-aalala ako sa bata.”Tiningnan ni Colton ang relo niya pero huminto siya at tinaas ang kaniyang kilay kay Jessie nang marinig niya ang sinabi nito. “Hindi mo kailangan alalahanin yan. Mag
Sa loob ng bahay…Dinalhan sila ng tsaa at mga prutas ng katulong.Tiningnan ni Cameron si Deedee na nakaupo sa tabi ni Freyja, naalala niya ang usapan na narinig niya sa Blackgold, at nahulaan niya na ang batang iyon ang ‘pamangkin’ na pinag-uusapan nila.Tiningnan ni Cameron si Deedee at tumingin din ito sa kaniya.Ngumiti si Cameron.Nagulat si Deedee at yumuko siya.Tiningnan ni Cameron ang nahihiyang bata na nakatali ang buhok at nakaramdam siya ng saya. Parang si Mahina iyon nung bata pa siya pero mas matapang si Mahina nung ganun ang edad niya.Nagdala ng cookies ang katulong. Nakita iyon ni Deedee at gusto na sana niya pero hindi niya kayang kumuha para sa sarili niya.Kumuha si Cameron at binigay kay Deedee.Hindi iyon tinanggap ni Deedee.Hinawakan ni Cameron ang maliit niyang kamay, tinulungan siyang hawakan ang cookie, ngumiti, at sinabi, “Kain ka.”Tiningnan ni Deedee ang cookie sa kamay ni Cameron, at tiningnan niya rin si Cameron, at nagsimulang kagatin ang co
Naglakad si Freyja palapit sa flowerbed at tiningnan ang morning glories na tumutubo sa fence. “Alam ko ang lahat na ginawa niya para sa akin. Hindi lang ako…”Tiningnan siya ni Waylon. “May choice ka naman. Magtiwala ka sa sarili mo.”Huminto si Freyja. ‘Magtiwala ako sa sarili ko?’Tiningnan ni Waylon ang bahay at sinabi, “Kung okay lang sayo, pwede mo naman na hayaan muna si Deedee na makasama kay Cameron.”Inisip ni Freyja ang sinabi niya. “Okay lang sa akin pero si Deedee…”“Huwag ka mag-alala, alam ko ang yung tungkol sa isyu niya. Hindi naman mahirap pagalingin ang mga bata na tulad niya. Kailangan niya maging masaya.”Ilang sandaling nag-isip si Freyja. Nag-aalala siya na ipaalaga si Deedee kay Jessie pero paano kung magagawa ni Cameron na buksan ang puso niya?”Pumasok sila sa kwarto at nakita na nakaupo si Cameron sa tabi ni Deedee, tinuturuan niya itong maglaro. Si Deedee na hindi pa nakapaglaro ng mobile game ay puno ng pagtataka. Agad nitong nakuha ang atensyon ni D