Nilagay ni Waylon ang kamay niya sa likod ng upuan ni Cameron at lumapit. “Aralin mo na paano mo aalagaan si Deedee. Huwag mo siya iwala.”Hindi natuwa si Cameron. “Wala ka bang tiwala sa akin?”Hinalikan ni Waylon ang labi ni Cameron pero tinulak ni Cameron ang balikat ni Waylon. “Huwag kang magnakaw ng halik!”Nakuha na ni Waylon ang gusto niya. “Masaya ako.”Nagmaneho na siya.Kinabukasan…Umupo si Deedee sa garden at nakatingin siya sa pinto, may hinihintay siya.Nang huminto ang kotse sa gate nila, agad siyang tumayo pero agad na nawala ang ngiti niya nang makita ang babaeng lumabas sa kotse.Pumunta si Jessie sa garden hawak ang briefcase at nakita niyang naghihintay si Deedee doon. Naningkit ang mata niya at lumapit. “Bakit mag-isa ka lang dito? Wala ba rito ang tita mo?”Umupo ulit si Deedee at hindi nagsalita.Tumingin sa paligid si Jessie at wala siyang nakita na kahit sino kaya biglang nagbago ang ugali niya. “Deedee, gusto ko yung mga bata na sumusunod. ‘Di ba sin
Kahit hindi kaibigan ni Cameron si Freyja, nainsulto pa rin siya. ‘Dinamay pa niya si Freyja dito. Sigurado na may mali sa babaeng ito.’Lumapit si Cameron kay Jessie. “Wala ka ng pakialam kung may respeto ako o wala. Ininsulto mo ang isang babae sa sarili niyang bahay. Wala ka bang hiya? Sa tingin mo ba ikaw na lang sana ang may ari ng bahay?”Nagulat si Jessie. “A-Ano ang sinasabi ko?”“Bakit ka kinakabahan? Hindi ikaw ang magiging may-ari nitong bahay. Sa tingin ko hindi naman ganun ka-pangit ang taste ni Coleman para magustuhan niya ang babaeng katulad mo.”Matapos iyon sabihin ni Cameron, agad niyang naalala kung sino ang babaeng iyon.‘Siya ba yung babaeng sinasabi ni Wayne?’Mas matapang pa ang babaeng ito kay Florence. Kahit na nakakairita si Florence, mas magaling siyang mang-insulto. Ito namang babae ay magaling magpanggap.Namutla si Jessie. “Ikaw…”Mas mahirap magpaliwanag kung may makakakita sa kaniya pag nagwala siya. Pinigilan niya ang galit niya. “Tatandaan kita
Tinanggap ni Jessie ang tissue at sinabi, “Wala lang. Tungkol lang kay Deedee. Pwede ko ba makita si Mr. Goldmann? May importanteng bagay lang ako na dapat sabihin sa kaniya.”Sumagot si Leonardo, “May meeting ngayon si Mr. Goldmann. Baka hindi pa siya makalabas.”Sumagot si Jessie, “Okay lang. Hintayin ko na lang siya.”Sinamahan siya ni Leonardo papuntang opisina. Matapos ang halos 30 minuto, natapos na ang meeting. Sinabi ni Leonardo kay Colton na naghihintay si Jessie sa kaniya kaya bumalik na si Colton sa opisina niya.Hindi na siya sumagot kay Leonardo, at hindi maipaliwanag ni Leonardo ang reaksyon sa mukha ni Colton. Tinulak ni Colton ang pinto at pumasok sa loob ng opisina.Nang makita siya ni Jessie, tumayo siya. “Mr. Goldmann.”Tumayo si Colton sa likod ng couch at seryosong na tiningnan si Jessie. Totoo naman na sinabi niya dati kay Jessie na pwede siya pumunta sa kaniya basta tungkol kay Deedee. Pero para sa kaniya ay lagi ng pumupunta si Jessie sa kaniya. Hindi lang
“Mr. Goldmann, naisip mo na ba bakit ayaw makipag-cooperate ni Deedee sa treatment ko? Ang tita niya ang rason bakit niya ako iniiwasan. Abnormally possessive si Deedee sa tita niya. Takot siya na iwan siya nito, at sobrang mahalaga ang mental status niya. Kung tuluyan niyang iiwasan ang treatment ko, lalala lang siya.”Natahimik si Colton. Hindi niya alam paano sasagutin si Jessie. Isang psychologist si Jessie. Siguradong iniisip niya ang kapakanan ng mga pasyente niya.“Sa tingin ko dapat umalis ka muna.”Napa-buntong hininga si Jessie at ngumiti. “Sige.”Nang lumapit siya sa pinto, tinawag siya ni Colton at sinabi, “Ititigil ko na ang treatment ni Deedee kaya sa ngayon, hindi mo na kailangan pumunta sa Seaview Villa.”Nag-igting ang ngipin ni Jessie at sumagot siya, “Alright.”Madilim ang mukha ni Jessie nang lumabas siya ng opisina.‘Mga bwisit! Paano nila nasira ang plano ko!? Tuturuan ko sila ng leksyon!”Biglang nag-ring ang phone niya. Nang makita niya ang phone number,
Tumawa si Cameron, “Syempre, pwede. Mabait kang bata, Deedee. Pwede mo gawin ang kahit anong gusto mo.”Naglakad si Deedee papunta sa grass field. May mga batang naglalaro ng soccer at nagpapalipad ng saranggola. Puno ng tawa ng mga bata ang paligid.Huminto si Deedee sa gilid at hindu lumapit sa ibang bata.May bolang gumulong papunta sa paa niya. Nang yumuko si Deedee, may narinig siyang boses. “Hey, pwede mo ba sipain ang bola papunta dito?”Mga batang lalaki iyon na naglalaro ng soccer. Lahat ng bata ay ka-edad lang ni Deedee.Sinipa ni Deedee ang bola papunta sa kanila.Lumapit ang isang lalaki at kinuha ang bola. Tumingin siya kay Deedee at ngumiti. “Gusto mo ba makipaglaro sa amin?”Nagulat si Deedee. Umiling siya. “Pero hindi ako marunong maglaro ng soccer…”Tinapik ng isang bata ang sarili niyang dibdib at sumagot, “Huwag ka mag-alala. Tuturuan kita.”“Connor, bilis!” Isang boses pa ng batang lalaki ang narinig.Tumingin si Connor at sinabi, “Saglit lang.”Matapos i
Kinandong ni Cameron si Deedee. “Bakit ka takot sa tito mo? Hindi mo naman kailangan matakot sa kaniya. Hindi naman siya kumakain ng tao.”Naningkit ang mata ni Waylon nang tinawag siyang tito ni Cameron.Mahinang sinabi ni Deedee, “Hindi ako gusto ng tito ko.”Alam ni Cameron na ang tinutukoy niya ay ang kapatid ni Waylon.Hinawakan ni Cameron ang kamay niya at tinanong, “Pwede bang sabihin mo sa akin bakit ayaw sayo ng tito mo?”Matagal na naghintay si Cameron pero hindi sumagot si Deedee.Kaya sinabi ni Cameron, “Ang tito mo na ito ay hindi yung tito na kasama mo sa bahay. Magkapatid sila kaya magkamukha sila. Tara, tingnan mo ang tito mo.”Pinatingin ni Cameron si Deedee kay Waylon at sinabi, “Kahit na may kakaiba siyang ngiti sa mukha niya at gusto niyang inaaway ang mga tao, sobrang gusto ka niya.”Tumawa si Waylon.‘Kakaibang ngiti? Gusto kong mang-away ng mga tao? Ayan pala ang tingin niya sa akin?’Parang napansin na ni Deedee ng pagkakaiba sa pagitan ni Waylon at C
Kung hindi iyon matatanggap ni Deedee, masisira siya ng mga usapan at kutya na maririnig niya. Ang pinaka hindi maiiwasan na bagay sa mundo ay ang usapan ng ibang tao.Kung hindi sila gagawa ng paraan para doon, baka maapektuhan si Deedee at mapunta siya sa maling landas sa future.Dahan-dahan na binuksan ni Cameron ang labi niya at sinabi, “Hindi ko hahayaan na mangyari yan kay Deedee. Mabait siyang bata. Hindi dapat siya husgahan dahil lang sa isang pagkakamali. At saka hindi naman niya pinili ang magulang niya kaya bakit niya kailangan niyang dalhin ang mga kasalanan na hindi naman sa kaniya?“At tungkol sa psychologist na kinuha ng kapatid mo. Tinuruan niya si Deedee na saktan ang sarili niya. Sa tingin ko ang psychologist na yun ang may mental illness.”Kumunot ang noo ni Waylon, “Totoo?”Tiningnan na niya ang background ni Jessie. Totoo naman na pareho sila ng school ni Daisie at Colton dati kaya totoo siyang psychologist.At saka, may mga totoong medical credentials nama
Hinawakan ni Freyja ang kamay ni Deedee. “Tara na. Pumasok na tayo para kumain ng dinner.”Nang 9:00 p.m., umuwi na si Colron. Nang makarating siya sa living room, nakita niyang katulong na naglilinis ng dining table. “Mr. Goldmann, nakauwi na po kayo.”Mahina siyang nag-hum at tinanggal ang tie niya. “Nakauwi na ba si Deedee?”“Hinatid ni Ms. Southern si Deedee kanina. Sinabi ni Ms. Pruitt na ginanahan kumain si Ms. Deedee mula nang lumabas siya para makipaglaro kay Ms. Southern. Kumain siya ng dalawang mangkok ng kanin ngayong gabi, ibig sabihin ay naging masaya si Ms. Deedee.”Natigil siya sandali.‘Sa pagkakaalam ko, matagal nang walang gana kumain si Deedee. Hindi lang siya pumapayat kundi bahagya na siyang malnourished. At nag-aalala si Freyja tungkol sa kondisyon niya.’Sinubukan niya ang lahat ng makakaya niya para pagalingin si Deedee. Gusto niya lang makita si Freyja na hindi gaano nag-aalala sa kaniya.Umakyat siya, naglakad sa kwarto ni Deedee, at narinig ang tawana
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio
“Salamat man, ang bait mo.”Nang sabihin niya ‘yon, nang makita ni Yvonne na sapat lang para sipsipin ang sabaw sa tasa niya, nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Hindi niya mapigilan na umirap.‘Nang sinabi niyang bibigyan niya ako nang kaunti, ganoon talaga ang ibig niyang sabihin, huh?’Nang makita ang ekspresyon niya, hindi mapigilan ng aktor na gumanap bilang pulis na tumawa at mahiwatig na sinabing, “Evie, sinabi niya lang na galing sa pamilya niya ang sabaw pero baka hindi ito galing sa mom niya.”Agad na naintindihan ni Yvonne ang ibig niyang sabihin. “Pfft, kaya pala. Kaya pala ang damot niya…”Pabulong na lang ang huli niyang sinabi.Pagkatapos uminom ni James ng sabaw, kumunot niya nang kakaiba ang titig sa kaniya ng dalawa. “Anong problema?”“Wala, ayos lang ang lahat. I-enjoy mo ang sabaw mo, hindi ka na namin guguluhin ni Evie.”Nagpalitan ng tingin ang aktor at si Yvonne, at bumalik silang dalawa sa ginagawa nila.Sa kabilang banda ng siyudad…Nang makabalik si
Sa Kong Ports…Si James na nagsh-shoot ng sunod niyang scene sa police station ay bumahing ng tatlong beses at ang actor na gumaganap bilang pulis na nasa harap miya ay inangat ang kaniyang ulo. “Nagkaroon ka ba ng sipon ngayong mainit naman ang panahon?”“Mukhang may naninira sa akin.”Inasar siya ng actor. “Baka may nag-iisip sa'yo.”‘Iniisip ako?’Nagulat si James at nanginig habang naaalala ang mukha ng babae sa isip niya.‘Imposible ‘yon.’Pagkatapos magbiruan ng dalawa, nagsimula na ang filming ay sumigaw si Ronny, “Action!”Ang aktor na gumanap bilang police officer ay agad na nakahanda sa kaniyang role at hinampas ang notebook sa mesa. “Nagpapanggap ka pa rin na inosente? May fingerprint mo ang tasa na ginamit ng namatay! So ikaw ang naglagay ng sleeping pills sa inumin niya? Sabihin mo na sa akin ang totoo!”Dahil hindi inakala ni James na nakahanda na agad ito sa eksena, bigla siyang tumawa. Nasira ng tawa ni James ang eksena pero nang mapansin niya na hindi tinapos
Inangat ni Cameron ang ulo niya at kinagat ang kaniyang tinidor. “So, ako ba ang special?”Kinuhanan siya ni Waylon ng sabaw. “Matakaw ka lang din talaga. Kakain ka nang kahit ano kung walang pipigil sa'yo.”Kinagat niya ang kaniyang labi at walang sinabi.Tumawa si Nicholas. “Mabuti sa buntis na kumain nang marami. Nang buntis ang lola niyo sa dad niyo, mahilig din siya kumain tulad ni Cam. Kakainin niya ang lahat ng makikita niya. Nagtago pa nga siya ng ibang pagkain mula sa'kin.”Sa pagtatago ng pagkain, na-guilty bigla si Cameron.Napansin ni Waylob ang pagbabago sa ekspresyon niya at naningkit. “Sinasabi mo ba sa akin na nagtago ka rin?”Mabilis siyang tumanggi. “Hindi! Mukha ba akong magtatago ng pagkain? Imposible talaga ‘yon!”Tumawa ang lahat ng nasa dining table.…Sa isang iglap, nagsisimula na ang July. Nang summer break ni Deedee, dinala siya ni Brandon sa Yaramoor, at pumunta rin doon si Freyja para bisitahin si Leia at Norman.Naka-graduate na rin sila at inasi
Lumapit si Waylon sa ice cream cart at nang kukunin na niya ang wallet niya, ilang bata ang tumingin sa kaniya nang masama. “Sir, may pila dito. Hindi ka pwedeng sumingit.”Natigil siya sandali, lumapit siya at tiningnan ang mga bata. “Paano kung ganito? Bibilhan ko pa kayo ng tig-iisang ice cream at ang kailangan niyo lang gawin ay pasingitin ako, okay?”Nagpalitan ng tingin ang mga bata.‘Mukhang magandang kasunduan ito!’Lahat sila ay pumayag sa sinabi ni Waylon sa huli.Bumili si Waylon ng ice cream at bumili pa ng tig-iisa sa mga bata habang nandoon. Pagkatapos magbayad sa lahat ng ice cream, kinuha niya ang isa at lumapit kay Cameron.Hindi mapigilan ni Cameron na matawa nang malakas. “Nakaisip ka talaga nang ganoong paraan para sumingit sa pila?”Inabot ni Waylon ang ice cream sa kaniya. “Ang problema na kayang ayusin ng ice cream ay hindi problema sa akin.”Binuksan ni Cameron ang ice cream at tinikman.Kapag nagsabay ang mainit na panahon at malamig na ice cream, naka