“Mr. Goldmann, naisip mo na ba bakit ayaw makipag-cooperate ni Deedee sa treatment ko? Ang tita niya ang rason bakit niya ako iniiwasan. Abnormally possessive si Deedee sa tita niya. Takot siya na iwan siya nito, at sobrang mahalaga ang mental status niya. Kung tuluyan niyang iiwasan ang treatment ko, lalala lang siya.”Natahimik si Colton. Hindi niya alam paano sasagutin si Jessie. Isang psychologist si Jessie. Siguradong iniisip niya ang kapakanan ng mga pasyente niya.“Sa tingin ko dapat umalis ka muna.”Napa-buntong hininga si Jessie at ngumiti. “Sige.”Nang lumapit siya sa pinto, tinawag siya ni Colton at sinabi, “Ititigil ko na ang treatment ni Deedee kaya sa ngayon, hindi mo na kailangan pumunta sa Seaview Villa.”Nag-igting ang ngipin ni Jessie at sumagot siya, “Alright.”Madilim ang mukha ni Jessie nang lumabas siya ng opisina.‘Mga bwisit! Paano nila nasira ang plano ko!? Tuturuan ko sila ng leksyon!”Biglang nag-ring ang phone niya. Nang makita niya ang phone number,
Tumawa si Cameron, “Syempre, pwede. Mabait kang bata, Deedee. Pwede mo gawin ang kahit anong gusto mo.”Naglakad si Deedee papunta sa grass field. May mga batang naglalaro ng soccer at nagpapalipad ng saranggola. Puno ng tawa ng mga bata ang paligid.Huminto si Deedee sa gilid at hindu lumapit sa ibang bata.May bolang gumulong papunta sa paa niya. Nang yumuko si Deedee, may narinig siyang boses. “Hey, pwede mo ba sipain ang bola papunta dito?”Mga batang lalaki iyon na naglalaro ng soccer. Lahat ng bata ay ka-edad lang ni Deedee.Sinipa ni Deedee ang bola papunta sa kanila.Lumapit ang isang lalaki at kinuha ang bola. Tumingin siya kay Deedee at ngumiti. “Gusto mo ba makipaglaro sa amin?”Nagulat si Deedee. Umiling siya. “Pero hindi ako marunong maglaro ng soccer…”Tinapik ng isang bata ang sarili niyang dibdib at sumagot, “Huwag ka mag-alala. Tuturuan kita.”“Connor, bilis!” Isang boses pa ng batang lalaki ang narinig.Tumingin si Connor at sinabi, “Saglit lang.”Matapos i
Kinandong ni Cameron si Deedee. “Bakit ka takot sa tito mo? Hindi mo naman kailangan matakot sa kaniya. Hindi naman siya kumakain ng tao.”Naningkit ang mata ni Waylon nang tinawag siyang tito ni Cameron.Mahinang sinabi ni Deedee, “Hindi ako gusto ng tito ko.”Alam ni Cameron na ang tinutukoy niya ay ang kapatid ni Waylon.Hinawakan ni Cameron ang kamay niya at tinanong, “Pwede bang sabihin mo sa akin bakit ayaw sayo ng tito mo?”Matagal na naghintay si Cameron pero hindi sumagot si Deedee.Kaya sinabi ni Cameron, “Ang tito mo na ito ay hindi yung tito na kasama mo sa bahay. Magkapatid sila kaya magkamukha sila. Tara, tingnan mo ang tito mo.”Pinatingin ni Cameron si Deedee kay Waylon at sinabi, “Kahit na may kakaiba siyang ngiti sa mukha niya at gusto niyang inaaway ang mga tao, sobrang gusto ka niya.”Tumawa si Waylon.‘Kakaibang ngiti? Gusto kong mang-away ng mga tao? Ayan pala ang tingin niya sa akin?’Parang napansin na ni Deedee ng pagkakaiba sa pagitan ni Waylon at C
Kung hindi iyon matatanggap ni Deedee, masisira siya ng mga usapan at kutya na maririnig niya. Ang pinaka hindi maiiwasan na bagay sa mundo ay ang usapan ng ibang tao.Kung hindi sila gagawa ng paraan para doon, baka maapektuhan si Deedee at mapunta siya sa maling landas sa future.Dahan-dahan na binuksan ni Cameron ang labi niya at sinabi, “Hindi ko hahayaan na mangyari yan kay Deedee. Mabait siyang bata. Hindi dapat siya husgahan dahil lang sa isang pagkakamali. At saka hindi naman niya pinili ang magulang niya kaya bakit niya kailangan niyang dalhin ang mga kasalanan na hindi naman sa kaniya?“At tungkol sa psychologist na kinuha ng kapatid mo. Tinuruan niya si Deedee na saktan ang sarili niya. Sa tingin ko ang psychologist na yun ang may mental illness.”Kumunot ang noo ni Waylon, “Totoo?”Tiningnan na niya ang background ni Jessie. Totoo naman na pareho sila ng school ni Daisie at Colton dati kaya totoo siyang psychologist.At saka, may mga totoong medical credentials nama
Hinawakan ni Freyja ang kamay ni Deedee. “Tara na. Pumasok na tayo para kumain ng dinner.”Nang 9:00 p.m., umuwi na si Colron. Nang makarating siya sa living room, nakita niyang katulong na naglilinis ng dining table. “Mr. Goldmann, nakauwi na po kayo.”Mahina siyang nag-hum at tinanggal ang tie niya. “Nakauwi na ba si Deedee?”“Hinatid ni Ms. Southern si Deedee kanina. Sinabi ni Ms. Pruitt na ginanahan kumain si Ms. Deedee mula nang lumabas siya para makipaglaro kay Ms. Southern. Kumain siya ng dalawang mangkok ng kanin ngayong gabi, ibig sabihin ay naging masaya si Ms. Deedee.”Natigil siya sandali.‘Sa pagkakaalam ko, matagal nang walang gana kumain si Deedee. Hindi lang siya pumapayat kundi bahagya na siyang malnourished. At nag-aalala si Freyja tungkol sa kondisyon niya.’Sinubukan niya ang lahat ng makakaya niya para pagalingin si Deedee. Gusto niya lang makita si Freyja na hindi gaano nag-aalala sa kaniya.Umakyat siya, naglakad sa kwarto ni Deedee, at narinig ang tawana
Tumayo si Colton at huminto sa harap niya. “Basta masaya ka sa desisyon mo.”Gumalaw ang pilikmata ni Freyja. “Colton, ginagawa mo lang ba ‘to para pasayahin ako?”‘Pumayag lang ba siya sa request ko kasi sasaya ako doon?’Niyakap siya ni Colton, pinatong ang baba niya sa kaniyang balikat at gumalaw ang mahigpit na nakatikom niyang labi. “Sorry.”Ang totoo, narinig niya lahat noong nasa pinto siya.‘Matagal na pinagdududahan ni Freyja si Jessie, pero ako, sa kabilang banda ay laging iniisip na si Deedee ang problema.‘Hindi sa pinagkakatiwalaan ko nang sobra si Jessie. Sadyang wala lang akong tiwala kay Deedee.‘Malala ang naging akto ni Deedee noon, kaya naging maingat ako sa kaniya lalo na ngayong buntis si Freyja. Kaya ang lagi ko lang iniisip ay ang tungkol kay Freyja at ang sanggol sa sinapupunan niya. Hindi ko naisip na posibleng problema yon ni Jessie.‘’At maging maingat sa bata, tinanong ko ang intensyon ng bata dahil lang sa ginawa niya noon, na naging bahagi ng katig
Parang tokwa ang unan na tumama sa katawan ni Waylon. Hindi sumakit o nangati. Hinawakan niya si Cameron gamit ang malaki niyang kamay, hinila siya, umikot at pumatong.Natigil si Cameron at halos mawala agad ang tapang na pinapakita niya kanina. Binalaan niya si Waylon, “Ikaw, huwag mo akong hawakan.”Inangat niya ang kaniyang kilay at mas lumapit sa mukha niya. Sobrang lapit niya at nararamdaman na ni Cameron ang hininga nito sa pisngi niya. “Pero hindi ba't ikaw ang kilalang Mr. Southern na sikat dahil sa tapang niya?”Pilit siyang ngumiti. “Hindi, hindi, mahinhin akong babae.”Malapit na dumikit ang labi niya sa kaniyang tainga. “Anong kinatatakot mo? Hindi ba't sinabi mo kay Deedee na hindi ako nangangain ng tao noong nasa sasakyan tayo kahapon?”Kinagat ni Cameron ang labi niya at gumalaw ang pilikmata niya.Kumakabog ang puso niya sa kaniyang dibdib, malakas ang tibok.Tinitigan ni Waylon ang mukha niya at hinaplos ang gilid ng labi niya gamit ang kaniyang daliri at narar
Hinaplos ni Waylon ang dial ng kaniyang relo gamit ang daliri niya at inangat ang tingin. “Hindi ba't siya ang psychologist?”‘Mukhang may nakita siyang mali.’Bumulong si Leonardo, “Hindi ko alam kung anong nangyari kay Mr. Goldmann. Siya ang nag utos sa akin na tingnan ang background niya.”Ngumiti si Waylon. “Kung ganoon, may nakita ka ba?”“Wala pa…” Pagkatapos sumagot sa tanong, may naisip si Leonardo at huminto sandali. “Pero madalas na pumupunta si Ms. Blueman sa kumpanya, parang isang beses kada dalawa o tatlong araw. At kakaiba ‘yon para sa akin.”Naningkit si Waylon. “Kailan pa nagkaroon ng rumor tungkol kay Freyja sa kumpanya?”Nagulat si Leonardo at pinag-isipan. “Tungkol doon… nagtanong si Mr. Goldmann sa mga tao sa lahat ng department, at sinasabi nila na kalahating taon na kumakalat ang usap-usapan. Hindi lang nila kayang pag-usapan kapag nandito kami ni Mr. Goldmann.”Nagtataka siyang nagtanong, “Mr. Goldmann, bakit mo ako tinatanong?”Tinapik siya ni Waylon sa