Parang tokwa ang unan na tumama sa katawan ni Waylon. Hindi sumakit o nangati. Hinawakan niya si Cameron gamit ang malaki niyang kamay, hinila siya, umikot at pumatong.Natigil si Cameron at halos mawala agad ang tapang na pinapakita niya kanina. Binalaan niya si Waylon, “Ikaw, huwag mo akong hawakan.”Inangat niya ang kaniyang kilay at mas lumapit sa mukha niya. Sobrang lapit niya at nararamdaman na ni Cameron ang hininga nito sa pisngi niya. “Pero hindi ba't ikaw ang kilalang Mr. Southern na sikat dahil sa tapang niya?”Pilit siyang ngumiti. “Hindi, hindi, mahinhin akong babae.”Malapit na dumikit ang labi niya sa kaniyang tainga. “Anong kinatatakot mo? Hindi ba't sinabi mo kay Deedee na hindi ako nangangain ng tao noong nasa sasakyan tayo kahapon?”Kinagat ni Cameron ang labi niya at gumalaw ang pilikmata niya.Kumakabog ang puso niya sa kaniyang dibdib, malakas ang tibok.Tinitigan ni Waylon ang mukha niya at hinaplos ang gilid ng labi niya gamit ang kaniyang daliri at narar
Hinaplos ni Waylon ang dial ng kaniyang relo gamit ang daliri niya at inangat ang tingin. “Hindi ba't siya ang psychologist?”‘Mukhang may nakita siyang mali.’Bumulong si Leonardo, “Hindi ko alam kung anong nangyari kay Mr. Goldmann. Siya ang nag utos sa akin na tingnan ang background niya.”Ngumiti si Waylon. “Kung ganoon, may nakita ka ba?”“Wala pa…” Pagkatapos sumagot sa tanong, may naisip si Leonardo at huminto sandali. “Pero madalas na pumupunta si Ms. Blueman sa kumpanya, parang isang beses kada dalawa o tatlong araw. At kakaiba ‘yon para sa akin.”Naningkit si Waylon. “Kailan pa nagkaroon ng rumor tungkol kay Freyja sa kumpanya?”Nagulat si Leonardo at pinag-isipan. “Tungkol doon… nagtanong si Mr. Goldmann sa mga tao sa lahat ng department, at sinasabi nila na kalahating taon na kumakalat ang usap-usapan. Hindi lang nila kayang pag-usapan kapag nandito kami ni Mr. Goldmann.”Nagtataka siyang nagtanong, “Mr. Goldmann, bakit mo ako tinatanong?”Tinapik siya ni Waylon sa
Pinanood sila ni Freyja na lumabas, at nakangiting sinabi ng katulong sa tabi niya, “Mukhang masaya talaga si Ms. Deedee sa pakikipaglaro kay Ms. Southern.”Dagdag niya, “Naniniwala ako na mabubuksan ni Ms. Southern ang puso ni Ms. Deedee.”Lumabas si Cameron at Deedee sa courtyard at pumasok silang dalawa sa sasakyan.Sa oras na yon, ang tao na nakaupo sa sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan ay tahimik na sumunod pagkatapos makita na umalis ang sasakyan nila.Nagpatugtog si Cameron ng nursery rhyme kay Deedee sa sasakyan at binigyan siya ng Barbie doll na hinanda niya para kay Deedee sa sasakyan.Umupo si Deedee sa backseat, at ang magandang Barbie doll sa kamay niya ay talagang nakuha ang atensyon niya.Tumingin si Cameron sa rearview mirror at ngumiti. “Deedee, gusto mo ba ng Barbie dolls?”Inangat niya ang kaniyang ulo. “Opo.”“Mabuti naman.”Biglang, may naisip siya at nakangiting sinabi, “Deedee, ano kaya kung pumunta ka sa akin at samahan ako buong gabi? Marami akon
Agad na kinuha ng blond na lalaki ang phone niya at nakita ang mobile number.Kinuha ni Cameron ang phone at tiningnan ‘yon. Biglang may umatake na lalaki sa likod niya prto sinipa niya ang gilid ng ulo nito agad. Napaatras ang lalaki sa kalayuan at sa takot ay nanatili sa sahig at hindi sinubukang tumayo.Kinakabahan ang blond na lalaki. ‘Malupit ang babae na ‘to!”Kinabisado ni Cameron ang number at tiningnan ang lalaki. “Nang magsimula ako, naglalaro ka pa ng dumi. Hindi mo ako maaatake sa ganiyang kakayahan.”Nanginig ang blond na lalaki at lumuhod. “Sorry, nagkamali kami. Hindi na namin gagawin ‘to ulit.”Binalik ni Cameron ang phone sa kaniya.Sinubukan niyang kunin yon pero binawi ni Cameron. “May oras ka ba?”Nagtaka ang lalaki. “A-Anong gusto mo?”“Kung mayroon, manatili ka at magtrabaho para sa akin. Kung tatanggi ka…” nag kuyom ng kamao si Cameron at tumunog ‘yon.Agad na tumayo ang lalaki. “Oo, may oras ako, sir. At your service!”“Tara.”Tumalikod si Cameron par
“Oo. Laging umaakto si Jessie Blueman na mas mataas siya sa aming mga nurse. Ayaw niyang makisama sa amin pero malapit siya sa mga doctor sa Surgery Department.”Naningkit si Leonardo sa pag-iisip.Mukhang hindi maganda ang tingin ng mga nurse kay Jessie.“Alam mo ba kung bakit siya nag-resign?”Tumawa ang nurse. “Dahil kay Dr. Jeffordson. Ex niya ‘yon at halos kalahating taon silang magkarelasyon. Narinig ko na sinabi niyang bumili siya ng bahay sa center ng Asperia para ikasal sila pero buntis si Jessie. Sabi ni Jessie na kay Dr. Jeffordson ang bata pero alam namin na nasa night shift lagi nang isang buwan si Dr. Jeffordson at walang oras na makita siya. Imposible na sa kaniya ang bata.“Pagkatapos malaman ni Dr. Jeffordson ang tungkol doon, nag-away sila at umalis na siya. Sa tingin ko guilty siya.”Kumunot si Leonardo. “May problema ba sa iba niyang pasyente?”Sumagot ang nurse, “Walang problema sa mga session niya. Maraming kumukuha ng therapy mula sa kaniya. Halos lahat ng
Pinanood ni Deedee ang mga kaibigan niya na umalis kasama ang mga magulang nila. Hinawakan niya ang cone niya at mukhang hindi masaya.Narinig niya ang mga hakbang na papalapit at humarap para makita ang babae na hindi niya kilala na nasa tabi niya, mukhang madilim. Napatayo siya sa takot.Bumagsak siya sa sahig dahil sa sampal ng babae. Bumagsak sa sahig ang ice cream sa humalo sa putik.Ayaw siyang bitawan ng babae at hinawakan ang buhok niya na parang baliw na babae. “You little b*tch, nahuli rin kita. Bakit naglalandi ka sa lalaki sa ganitong edad? Walang hiya ka tulad ng nanay mo. Tuturuan kita ng leksyon ngayon.”Sinipa ng babae si Deedee, napaiyak siya sa sakit, para bang sinasaktan siya ng lola niya. Nawalan ng pag-asa ang mata niya at nagdilim.Pagkatapos ng ilang sipa, hindi pa siya tapos at pinatungan si Deedee at sinakal sa leeg.Halos malagutan ng hininga si Deedee.Nang bumalik si Cameron, nakita niya ‘yon at lumapit agad para sipain ang babae papunta sa sahig.Na
Pinilit ni Cameron si West na tawagan ang lalaki, at sinabi nito na magkikita sila bukas. Nalaman din niya ang may-ari ng phone mula sa mobile service provider.Inisip niya na ayos lang iwan si Deedee sa park kasama ang ibang bata pero hindi niya inakala na may aatake sa kaniya.Nang makita niya ang mga pasa ni Deedee, kasama na ang bakas ng sakal sa leeg niya, nagsisisi siya.May grupo ng tao na lumabas sa elevator. Tumingin siya at nakita si Waylon na naglalakad sa harap ng mga bodyguard.Kumunot si Waylon at huminto sa harap niya. “Kumusta si Deedee?”“Hindi ko pa alam…” tumayo si Cameron at yumuko. “Pasensya na. Kasalanan ko.”Nilagay ni Waylon ang kamay nito sa balikat niya. “Wala ka ng mababago ngayon. Hintayin na lang natin ang sasabihin ng doctor.”Pagkatapos non, lumabas ang doctor sa kwarto.Agad na lumapit si Cameron at tinanong, “Kumusta siya?”“Hindi malala ang mga injury niya kaya ayod lang siya. Kailangan niyong mga magulang na alagaan ang anak niyo. Magiging h
“Syempre,” seryoso na sinabi ni Cameron. “Na-admit si Deedee dahil sa kapabayaan ko. Ako ang may pinaka malaking responsibilidad.”Hinila siya ni Waylon at nagulat siya.Lumapit siya at hinalikan si Cameron sa noo. “Huwag kang mag-alala. Nandito ako.”Umiwas siya ng tingin. “Hindi ko kailangan ng tulong mo…”Pinisil ni Waylon ang baba niya. “Isipin mong mabuti. Buntis si Freyja. Kapag nalaman niya na nasaktan si Deedee, kaya mo ba talagang harapin ang mangyayari kapag may nangyari sa kaniya?”Natigil si Cameron. Hindi niya ‘yon naisip. Hindi dapat ma-stress ang buntis.Kapag may nangyari kay Freyja, pipirasuhin siya ng mga Goldmann.Kinagat niya ang kaniyang labi. “Paano mo ako tutulungan?”Ngumiti siya. “Mas madali kung parte ka ng pamilya.”Tinitigan siya ni Cameron at inalis ang kamay niya pagkatapos ng ilang sandali. “Niloloko mo ako ulit?”Inayos ni Waylon ang coat niya at inangat ang kaniyang kilay. “Ganiyan ka talaga mag-isip?”Humarap siya. “Kahit na buntis si Freyja
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio
“Salamat man, ang bait mo.”Nang sabihin niya ‘yon, nang makita ni Yvonne na sapat lang para sipsipin ang sabaw sa tasa niya, nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Hindi niya mapigilan na umirap.‘Nang sinabi niyang bibigyan niya ako nang kaunti, ganoon talaga ang ibig niyang sabihin, huh?’Nang makita ang ekspresyon niya, hindi mapigilan ng aktor na gumanap bilang pulis na tumawa at mahiwatig na sinabing, “Evie, sinabi niya lang na galing sa pamilya niya ang sabaw pero baka hindi ito galing sa mom niya.”Agad na naintindihan ni Yvonne ang ibig niyang sabihin. “Pfft, kaya pala. Kaya pala ang damot niya…”Pabulong na lang ang huli niyang sinabi.Pagkatapos uminom ni James ng sabaw, kumunot niya nang kakaiba ang titig sa kaniya ng dalawa. “Anong problema?”“Wala, ayos lang ang lahat. I-enjoy mo ang sabaw mo, hindi ka na namin guguluhin ni Evie.”Nagpalitan ng tingin ang aktor at si Yvonne, at bumalik silang dalawa sa ginagawa nila.Sa kabilang banda ng siyudad…Nang makabalik si
Sa Kong Ports…Si James na nagsh-shoot ng sunod niyang scene sa police station ay bumahing ng tatlong beses at ang actor na gumaganap bilang pulis na nasa harap miya ay inangat ang kaniyang ulo. “Nagkaroon ka ba ng sipon ngayong mainit naman ang panahon?”“Mukhang may naninira sa akin.”Inasar siya ng actor. “Baka may nag-iisip sa'yo.”‘Iniisip ako?’Nagulat si James at nanginig habang naaalala ang mukha ng babae sa isip niya.‘Imposible ‘yon.’Pagkatapos magbiruan ng dalawa, nagsimula na ang filming ay sumigaw si Ronny, “Action!”Ang aktor na gumanap bilang police officer ay agad na nakahanda sa kaniyang role at hinampas ang notebook sa mesa. “Nagpapanggap ka pa rin na inosente? May fingerprint mo ang tasa na ginamit ng namatay! So ikaw ang naglagay ng sleeping pills sa inumin niya? Sabihin mo na sa akin ang totoo!”Dahil hindi inakala ni James na nakahanda na agad ito sa eksena, bigla siyang tumawa. Nasira ng tawa ni James ang eksena pero nang mapansin niya na hindi tinapos