Share

Chapter 68

Kinabukasan ay tumawag sa akin si Senyora at inanyayahan niya akong mag-dinner sa labas na kaming dalawa lamang.

Nang magkausap kami ay nagsimula siyang magbahagi ng kaniyang mga problema lalo na patungkol sa pera hanggang umabot sa puntong nais niyang manghiram ng pera sa akin.

Nang sabihin niya iyon ay may isang bagay na sumagil sa aking isipan.

"Nakakatuwa lang dahil noon ay parang wala lang sa inyo ang dami ng inyong pera subalit ngayon ay nagawa niyo nang manghiram para lang may pangtustos kayo at ang mas nakaka-excite pa ay sa akin ka pa talaga tatakbo Consuelo," bulong ko pa sa aking sarili habang palihim na tumatawa.

"Magkano ba ang iyong kailangan Senyora?" Tanong ko sa kanya sabay uminom ng wine habang pinupukol siya ng tingin.

"Nakakahiya man ngunit wala na akong ibang matakbuhan pa. Limang Bilyon sana ang aking kailangan," wika pa niya habang hindi diritsang makatingin sa akin.

Tila napapaisip din siya kung makakahiram nga ba siya ng ganitong kalaking pera o hindi kung kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status