MAPANURING PINAGMASDAN NI Mr. Conley ng dalawang pares ng kanyang mga mata ang anak nang makita niyang maingat na ibinaba nito ang dalawa niyang binti ng kama at mabagal na sinuot na ang kanyang tsinelas. Hindi niya naman maisip na gagamit ito ng banyo dahil kakabalik lang naman nito halos. Sa mga oras na iyon ay dapat nagpapahinga ang anak gaya na lang ng bilin ng doctor sa kanya upang tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanyang pakiramdam. Hinagilap niya ang mga mata ni Bethany na nang mahanap ni Mr. Conley ay maliit lang na ngumiti pero hindi naman ito nagsalita kung saan papunta.“Saan ka, Bethany?” hindi na nakatiis ay tanong niya sa anak, hindi naman masamang magtanong.“Sisilip lang po ako kay Gabe, Papa. Mabilis lang kasi ako doon kaninang umaga. Babalik din po ako agad.” “Ganun?” Tumayo si Mr. Conley. Palagi niyang sinasamahan doon ang anak kaya sanay na siya sa dahilan nito.“Samahan na kita—” “Huwag na po. Dito na lang kayo sa kwarto. Promise, babalik din ako agad.” “Sigurad
NANIGAS NA ANG katawan doon ni Bethany nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Gavin. Di siya nananaginip. Totoong nasa harapan ang asawa. Hindi niya inaasahan na sa araw na iyon ay muli niya itong makikita. Sa mismong tapat kung nasaan ang kanilang anak. Ang buong akala niya ay matatagalan pa bago ito makauwi ng bansa dahil suspended ang flight. Hindi rin niya inaasahan ang kung anong hitsura nito ngayon. Hindi sa ganong paraan. Ang daming galos sa kanyang mukha, may bangas pa siya sa noo. Putok din ang gilid ng kanyang labi. Napaawang na ang kanyang labi. Bigla siyang natulala ng ilang segundo sa kawalan lalo na nang paulit-ulit na dumadaan ang hitsura nito sa kanyang balintataw. Parang binagsakan ng bato ang kanyang dibdib. Binalikan niya sa isipan ang huling imahe ng asawa noong inihatid niya ito sa airport. Hindi ganito noon ang mukha ng asawa niyang nakayakap sa kanya ngayon. Ibang-iba. At ang makita ito ngayon, parang nahahati ang kanyang puso na sobrang nasasaktan nagyon
MAGKATULONG NA NAGPALIWANAG sina Mrs. Dankworth at Mr. Conley kay Bethany kung bakit hindi nila ipinaalam sa kanya agad ang tunay na nangyari kay Gavin, ngunit nang parang hindi iyon naging sapat sa mukhang ipinapakita niya sa kanila. Magkatabing nakaupo ang mag-asawa sa kama, magkahawak ng kamay habang nasa sofa naman si Mrs. Dankworth at nakatayo naman si Mr. Conley hindi kalayuan sa kanila. Nanatili pa ‘ring tahimik si Bethany kahit na nasabi na nila ang lahat, ganun din si Gavin na hindi man lang nagsalita upang sumabat sa pagpapaliwanag kahit una niyang nalaman ang tungkol dito. “Naku, hindi ka ba naniniwala sa mga sinabi namin hija?” si Mrs. Dankworth na hindi na mapalagay sa reaction ng manugang. Wala kasing anumang emosyon ito. “Hindi ka namin niloloko, Bethany. Sa katunayan ay alam din ito ng Tito Giovanni mo at siya pa nga mismo ang nag-propose na huwag munang sabihin sa’yo nang dahil sa kalagayan mo. Ayaw naming makaapekto ‘to sa paggaling mo. Ayaw namin na mas lumala ang
TINANGGAP NAMAN AGAD ni Bethany ang cellphone upang kausapin ang kanyang tiyuhin. Nagpaliwanag naman agad si Giovanni kahit na nawiwindang pa sa kabilang linya nang dahil kay Briel na may-ari ng cellphone na gamit ng pamangkin. Inako niya ang lahat ng desisyon na hindi naman sinalungat ni Bethany. kagaya kanina ay pinakinggan niya iyong mabuti. Tinimbang ang sitwasyon nila. Nakahinga nang maluwag sina Mrs. Dankworth at Mr. Conley na para bang nabunutan ng tinik sa kanilang dibdib. Hindi na rin nagtagal pa ang usapan ng mag-tiyo dahil ani Giovanni ay marami siya ngayong trabaho na totoo naman.“Salamat, Briel…” “You’re welcome.” tanggap ni Briel sa kanyang cellphone nang hindi tumitingin sa kanyang hipag.Nang araw din na ‘yun ay pilit na nagpalipat si Gavin sa silid ng kanyang asawa upang makasama niya ito. Hindi naman ipinagkait iyon ng hospital sa kanila. Bumalik sila ng NICU ng hapon ng araw na iyon. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Gavin ang kanyang anak. Hindi niya mapigilang b
NANG MAGISING SI Bethany mula sa kanyang pagkakahimatay ay walang patid ang naging pag-iyak niya. Para siyang ibinalik sa panahon na kailangan niyang ilabas ang anak mula sa kanyang sinapupunan. Tila ba gaya ng inaasahan ni Gavin na maayos na ang lagay ng asawa, subalit isang masamang balita lang pala ang katapat noon at biglang mababalewala ang lahat ng pagiging okay ng kanyang asawa sa harap niya. “Mrs. Dankworth...” patuloy na palis niya sa mga luha nito na parang patalim sa puso ng abogado, “Anong sabi natin? Lalaban tayo hindi ba? Matapang si Gabe. Makakaya niya ang lahat ng iyon. Kayang-kaya niya.”Walang magawa si Gavin na parang ang mga salita niya ay wala ng talab sa pag-iyak ng asawa. Mahigpit niya na lang itong niyakap. Baka sakali na kapag naramdaman nito ang tibok ng kanyang puso ay medyo maging kalmado ang asawa. Iyon lang ang tanging magagawa niya dahil maging siya ay hindi na rin alam ang gagawin ng mga sandaling iyon. Sobrang sakit niya sa puso kung iisipin. Iyong sa
ILANG MINUTO PA ang lumipas bago nagawang maisalba ng mga doctor ang sanggol na si Gabe at bumalik sa dati ang heartbeat nito at pulse na parang sirang ilaw na aandap-andap. Tumatagaktak ang pawis nila sa katawan nang lumabas ng silid. Ipinapakita nito kung gaano sila na-tense at nahirapan. Puno ng lungkot ang kanilang mga mata kahit na may kaunting galak iyon nang magawa nila itong maisalba.“Sa ngayon, nagawa namin siyang mailigtas pero hindi ibig sabihin na magiging okay na ang lahat.” prangkang saad ng doctor na siyang nangunguna upang isalba ang kanilang anak. “Ayaw kong saktan pa kayo sa mga nangyayari pero ayaw ko rin naman na umasa rin kayo, just expect the worst scenario.”Nang tumigil ang heartbeat ng bata ang buong akala ng mga doctor at nurses ay doon na matatapos ang purpose nito sa lupa. Sobrang nahirapan ang mga doctor nang dahil sa maliit nitong katawan kung kaya naman umabot sila sa kritikal na punto. Naintindihan naman ng lahat ng naroon iyon kahit na masakit sa kani
BUMALIK SI GAVIN sa kanilang ward pagkaraan ng ilang sandali. Naabutan niya ang asawang matamang nakatitig pa rin sa kanilang anak at tahimik na umiiyak. Sa lungkot ng mga mata nito ay nakikita niya na parang halos ay hindi na kumukurap. Puno ng awa niya nang niyakap ang katawan nito upang iparamdam ang kanyang presensya sa asawa. Pilit na ipinaramdam na anuman ang mangyari ay naroon lang siya mananatili sa kanyang tabi. Hindi niya batid kung tama ang kanyang desisyon, pero kung hindi niya gagawin baka pati ang asawa ay mawala sa kanya nang hindi niya namamalayan. Bagay na hindi niya alam kung makakaya niyang mangyari kaya gaya ng sabi ng tiyuhin nitong si Giovanni, susugal sila kahit hindi nila alam kung mananalo. Patuloy na bumagsak na naman ang kanyang mga luha na mahigpit pang niyakap ang asawa mula sa likuran. Sa kanilang dalawa, batid niya sa kanyang sarili na higit siyang nasasaktan at hindi niya lang iyon ipinapaalam dahil pilit na itinatago ang sakit na kanyang nararamdaman.
ILANG ARAW ANG lumipas matapos na mangyari iyon. Nakikita nilang unti-unting bumubuti ang lagay ni Bethany ngunit naroon pa rin ang madalas nitong pag-iyak sa kalaliman ng gabi. Tumatangis. Ipinagluluksa ang anak niya. Hindi umalis si Gavin sa kanyang tabi. Ipinaramdam niya na hindi nag-iisa ang asawa. Naroon siya at karamay niya. Ganundin ang magkabilang partido ng kanilang pamilya. Nakaagapay. Nakaalalay sa kanilang mag-asawa.“Napakadaya mo, bakit hindi mo man lang siya ipinakita sa akin kahit sa huling sandali…” panunumbat si Bethany habang umiiyak, pinipilit naman niyang labanan ang lungkot pero hindi niya kaya dahil sinasakop pa rin siya palagi nito lalo na kapag naaalala niya ang bawat sipa at galaw ng kanyang anak noong nasa sinapupunan pa lang niya ito. “Sana binigyan mo man lang akong makapagpaalam sa kanya at mayakap siya. Kung nangyari iyon, baka mabilis kong matanggap. Baka mabilis kong mayakap na ipinahiram lang siya sa atin ng ilang saglit. Kung nayakap ko siya sana…”
SA NARINIG NA dahilan ay bumaba na rin si Giovanni ng kama at hinagilap ang kanyang mga damit na hinubad. Mabilis niyang sinuot iyon. Nagtaka na doon si Briel. Ipinilig niya ang ulo nang maisip na bakit nagmamadali itong magbihis ng damit. Itinuon na lang niya ang pansin sa pamumulot ng mga damit na hinubad nito na kanyang planong labhan sana kanina na dalawang beses ng naudlot. Dadalhin niya muna iyon sa ibaba, siya na ang kusang magsasalang sa washing at babantayan na rin. Paniguradong tulog na ang mga maid at hindi na makatao kung gigisingin pa niya para utusan. Siya na lang ang gagawa noon. “Saan ka pupunta, Giovanni?” lingon na niya sa lalaki nang makita sa gilid ng mga mata ang pagsunod nitong ginagawa nang patungo na siya sa pintuan, “Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Kukunan na lang kita ng tubig. Dito ka na lang. Dito mo na lang ako hintayin. O baka naman gusto mo ng kape? Titimplahan kita.”Umiling si Giovanni na hindi inaalis ang tingin kay Briel. Namumula na naman ang buong mukha
MALAPAD ANG NGISING iniiling ni Briel ang kanyang ulo na tila wala na rin sa tamang pag-iisip. Sa kabila ng lantarang warning ni Giovanni na malapit na siya ay hindi man lang siya kinabahan kahit na katiting. Lalo pa ngang na-excited doon si Briel na mas ginalingan ang paggiling sa ibabaw nito hanggang sa maramdaman niya sa kanyang loob ang mainit na katas nito na sinundan nang sabay at malakas nilang ungol na dalawa. Nanghihinang bumagsak ang katawan ni Briel na katawan ni Giovanni na agad namang niyakap ng Gobernador. Bumalatay ang masiglang ngiti sa kanyang labi na hindi makapaniwala na muling may nangyari sa kanilang dalawa ng dalaga. Ilang minuto ang lumipas at inalis niya si Briel sa kanyang ibabaw na halatang pagod at parang nanlalantang gulay ang katawan “Shower tayo, Baby…” bulong niya nang makita ang kalat ng kanyang katas na kumapit sa katawan. Umungol si Briel at umiling ngunit wala itong nagawa nang buhatin niya na ang katawan at walang imik na dalhin sa bathroom. Yakap
NAMUMULA ANG MAGKABILANG tainga na lumabi na si Giovanni na agaran ang naging pag-iling ng kanyang ulo. Natatawa siya sa reaction ni Briel at the same time ay napuno ng gigil ang kalamnan. Walang pasubaling hinugot niya ang kanyang sarili at muli pa iyong ibinaon nang mas malalim sa lagusan nitong sobrang dulas at basang-basa na. “No, Baby, it’s not that big at wala akong anumang ginamit. Kung ano ito noong huli mong natikman, siya pa rin ito hanggang ngayon. Your pretty pussy were just tight and of course you’d missed me.” paanas niyang tugon binasa na ng dila kanyang labi. Halos tumirik ang mga mata ni Briel na napahawak na sa buhok ng Gobernador nang mas bilisan niya pa ang pagbagyo at sunod-sunod na ang paglabas at pasok sa kanyang bukana. Dama na ng Gobernador na mas nag-init pa doon si Briel sa dami ng tubig na inilalabas ng pagkababae niya kaya mas ganado siya. “Ang sarap mo pa rin talaga!” puno ng gigil na turan pa ni Giovanni na patuloy sa ginagawa sa ibabaw. Sa tindi nam
PUNO NG PAGSUYONG iniiling ni Giovanni ang kanyang ulo upang pabulaanan ang binibintang na ni Briel. Hindi naman talaga iyon ang naiisip niya habang nakatingin sa katawan nito kung kaya marapat na itanggi niya. Upang pigilan na kumalat pa ang lumatay na sakit at pagkapahiya sa mukha ni Briel ay mabilis na umahon ng kama si Giovanni para lapitan siya. Sa loob ng isang kisap-mata ay walang kahirap-hirap na nagawa ng Gobernador na ikulong sa kanyang mga bisig ang hubad na katawan ni Briel na mabilis na dumiklap. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na nagawa pang makapagbigay ng reaksyon ng babae na agad inangkin ni Giovanni ang labi matapos na hawakan nito ang kanyang baba upang mas magkaroon siya ng mas malawak na access. Nakapikit ang mga matang sinipsip na ng Gobernador ang labi ni Briel.“No, you never changed even a bit. You are still gorgeous, Briel like two years ago.” nanghihinang bulong pa ni Giovanni na mas ginaanan ang halik na ginagawa sa labi na sa sobrang gaan, pakiramdam n
HINDI NA MAPIGILAN ni Briel na manindig ang kanyang mga balahibo sa buong katawan lalo na sa may bandang kanyang batok nang maramdaman nito ang pagtama ng mainit na hininga doon ng Gobernador. Hindi niya maintindihan kung naiihi ba siya o natatae. Ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng bagay na ito. Hindi pa nakatulong na nakayakap ito sa kanya kung kaya naman nararamdaman niya ang init ng katawan nito na malamang ay dala pa rin ng kanyang ininom na alak kanina. May kung anong pumipintig na sa may bandang puson ni Briel, at bilang batikan ay alam niyang init na rin iyon ng kanyang katawan na tumutugon sa binibigay ni Giovanni ngayon. Hindi na niya mapigilan ang pakiramdam na parang kinikiliti ang gitnang bahagi ng mga hita niya na mabilis niyang pinagdikit. Mariin na niyang naipikit ang kanyang mga mata. Pilit na humuhugot ng lakas upang labanan ang ginagawa ni Giovanni na alam niya saan sila hahantong kung hindi niya iyon mapipigilan nang maaga. Bago pa siya makaangal ay nahigit na n
HINDI NAGLAON AY nakatulog na si Brian na iginupo na ng antok. Papikit na rin sana noon ang mga mata ni Briel nang mag-vibrate ang cellphone niya. Si Giovanni iyon. Tinatanong kung tulog na raw ba siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na biglang nagising ang diwa sa message na natanggap niya dito.‘Ano naman kung gising pa ako? Gusto niya ba ng continuation doon sa ginagawa namin kanina?’Napakagat na ng labi niya si Briel nang maramdaman na may nag-iinit sa kanyang tiyan na para ba siyang kinikiliti. Ilang minuto niyang pinakatitigan ang message ng Gobernador na hindi na naman nadagdagan pa. Iniisip niya kung magre-reply ba siya o hindi na at hahayaan na lang niyang bukas ng umaga magkita? Kung pupuntahan niya ito, ano naman ang sasabihin niya? Hindi niya rin naman kailangan magpaliwanag.‘Baka naman gusto niya lang talagang mangumusta. At oo nga pala, iyong mga labahin niyang damit.’Nasapo na niya ang noo nang maalala ang hinubad nitong damit. Marahil ay nagtataka na rin
MARAHANG ITINANGO NI Gabe ang kanyang ulo na sumasang-ayon sa sinabi ng kanyang Lolo. Tiningnan ni Mr. Dankworth ang asawa sabay iling na halatang dismayado sa inasta nito kanina. Nakuha na niya kung bakit nagagalit si Briel sa ina. Gusto niya sana itong kausapin ng tungkol doon, pero ayaw niyang marinig ng apo at makadagdag pa sa emotional stress ng bata. Sinarili na lang niya muna ang mga sasabihin niya.“Kaya nga po Lolo nag-sorry na ako kay Tita Briel…”“Gabe, makinig kang mabuti sa mga sasabihin ng Lolo. Hindi lahat ng pagkakamali ay makukuha sa isang simpleng sorry lang natin lalo na kung involve ang emotions natin. Okay? Kagaya niyan. I am sure nag-sorry na rin ang Tita Briel mo habang umiiyak ka, di ba hindi mo pa rin siya pinakinggan kahit may sorry na siyang sinabi?”Hinintay ni Mr. Dankworth ang reaction ni Gabe na muli lang marahang itinango ang kanyang ulo.“Bakit kaya? Bakit kaya hindi mo siya pinakinggan? Kasi galit ka noon sa kanya at pinapairal mo ang baha ng emosyon
NAPAKURAP NA NG mga mata niya si Briel na hindi maitatangging naantig ang puso at nakuha na ni Gabe ang buong atensyon sa paghingi pa lang nito ng tawad. Hindi man niya sabihin ay bahagyang nabasa na ang bawat sulok ng mga mata niya. Ang makatanggap ng sorry sa isang batang paslit na nakagawa ng mali ay hindi naman big deal pero ang sincere noon at pure innocent sa pandinig niya. Ayaw niya na sanang pansinin pa ang pamangkin, pero hindi niya kaya na basta talikuran na lang ito. Mahalaga ito sa kanya. Mahal niya ito kagaya na lang ng pagmamahal niya sa kanyang kapatid. Biglang natunaw na ang inis niya sa paslit. Parang bulang naglaho at sumama iyon sa hangin. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.“I want to sleep with you and Lolo Governor with Brian, tonight. Please let me do it, Tita Briel…”‘Tsk, nagmana talaga siya kay Kuya Gav! May gustong hilingin kaya kinakailangang mag-sorry.’Umikot si Briel upang harapin sila at sabihin ang laman ng damdamin niya. Hindi porket bata at mahal niya
SA HALIP NA tumigil at makinig ang mga bata ay mas lalo pang umiyak ang magpinsan na ang akala ay sila ang pinapagalitan ni Briel at pinagtataasan ng boses. Hindi na maikakaila ang pagkarindi ng babae sa mga nangyayari.“Oh my God naman! Bakit niyo ba ako pinapahirapan ng ganito? Gavina? Gabriano? Ayaw niyo talagang tumigil? Wala kaming ginagawang masama sa inyong dalawa ha? Kung makaiyak naman kayo para kayong minamaltrato!” Gulantang na tinitigan siya ni Giovanni na windang na windang na rin sa boses ng dalawang bata. “Briel—” “Ano? Wala ka bang maisip na gawin para patigilin sila o kunin ang isa sa kanila? Do something naman, Giovanni!”Napaawang na ang bibig ng Gobernador na pati siya ay biglang nadamay sa init ng ulo nito. Tinalikuran siya ni Briel na akmang patungo na ng pintuan ng silid nang biglang lumakas pa ang iyak ni Brian na nagwawala na sa ibabaw ng kama. Hindi siya pinansin ni Briel na sa mga sandaling iyon ay nais ng humingi ng tulong sa kanyang ina sa ibaba. “Momm