NANIGAS NA ANG katawan doon ni Bethany nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Gavin. Di siya nananaginip. Totoong nasa harapan ang asawa. Hindi niya inaasahan na sa araw na iyon ay muli niya itong makikita. Sa mismong tapat kung nasaan ang kanilang anak. Ang buong akala niya ay matatagalan pa bago ito makauwi ng bansa dahil suspended ang flight. Hindi rin niya inaasahan ang kung anong hitsura nito ngayon. Hindi sa ganong paraan. Ang daming galos sa kanyang mukha, may bangas pa siya sa noo. Putok din ang gilid ng kanyang labi. Napaawang na ang kanyang labi. Bigla siyang natulala ng ilang segundo sa kawalan lalo na nang paulit-ulit na dumadaan ang hitsura nito sa kanyang balintataw. Parang binagsakan ng bato ang kanyang dibdib. Binalikan niya sa isipan ang huling imahe ng asawa noong inihatid niya ito sa airport. Hindi ganito noon ang mukha ng asawa niyang nakayakap sa kanya ngayon. Ibang-iba. At ang makita ito ngayon, parang nahahati ang kanyang puso na sobrang nasasaktan nagyon
MAGKATULONG NA NAGPALIWANAG sina Mrs. Dankworth at Mr. Conley kay Bethany kung bakit hindi nila ipinaalam sa kanya agad ang tunay na nangyari kay Gavin, ngunit nang parang hindi iyon naging sapat sa mukhang ipinapakita niya sa kanila. Magkatabing nakaupo ang mag-asawa sa kama, magkahawak ng kamay habang nasa sofa naman si Mrs. Dankworth at nakatayo naman si Mr. Conley hindi kalayuan sa kanila. Nanatili pa ‘ring tahimik si Bethany kahit na nasabi na nila ang lahat, ganun din si Gavin na hindi man lang nagsalita upang sumabat sa pagpapaliwanag kahit una niyang nalaman ang tungkol dito. “Naku, hindi ka ba naniniwala sa mga sinabi namin hija?” si Mrs. Dankworth na hindi na mapalagay sa reaction ng manugang. Wala kasing anumang emosyon ito. “Hindi ka namin niloloko, Bethany. Sa katunayan ay alam din ito ng Tito Giovanni mo at siya pa nga mismo ang nag-propose na huwag munang sabihin sa’yo nang dahil sa kalagayan mo. Ayaw naming makaapekto ‘to sa paggaling mo. Ayaw namin na mas lumala ang
TINANGGAP NAMAN AGAD ni Bethany ang cellphone upang kausapin ang kanyang tiyuhin. Nagpaliwanag naman agad si Giovanni kahit na nawiwindang pa sa kabilang linya nang dahil kay Briel na may-ari ng cellphone na gamit ng pamangkin. Inako niya ang lahat ng desisyon na hindi naman sinalungat ni Bethany. kagaya kanina ay pinakinggan niya iyong mabuti. Tinimbang ang sitwasyon nila. Nakahinga nang maluwag sina Mrs. Dankworth at Mr. Conley na para bang nabunutan ng tinik sa kanilang dibdib. Hindi na rin nagtagal pa ang usapan ng mag-tiyo dahil ani Giovanni ay marami siya ngayong trabaho na totoo naman.“Salamat, Briel…” “You’re welcome.” tanggap ni Briel sa kanyang cellphone nang hindi tumitingin sa kanyang hipag.Nang araw din na ‘yun ay pilit na nagpalipat si Gavin sa silid ng kanyang asawa upang makasama niya ito. Hindi naman ipinagkait iyon ng hospital sa kanila. Bumalik sila ng NICU ng hapon ng araw na iyon. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Gavin ang kanyang anak. Hindi niya mapigilang b
NANG MAGISING SI Bethany mula sa kanyang pagkakahimatay ay walang patid ang naging pag-iyak niya. Para siyang ibinalik sa panahon na kailangan niyang ilabas ang anak mula sa kanyang sinapupunan. Tila ba gaya ng inaasahan ni Gavin na maayos na ang lagay ng asawa, subalit isang masamang balita lang pala ang katapat noon at biglang mababalewala ang lahat ng pagiging okay ng kanyang asawa sa harap niya. “Mrs. Dankworth...” patuloy na palis niya sa mga luha nito na parang patalim sa puso ng abogado, “Anong sabi natin? Lalaban tayo hindi ba? Matapang si Gabe. Makakaya niya ang lahat ng iyon. Kayang-kaya niya.”Walang magawa si Gavin na parang ang mga salita niya ay wala ng talab sa pag-iyak ng asawa. Mahigpit niya na lang itong niyakap. Baka sakali na kapag naramdaman nito ang tibok ng kanyang puso ay medyo maging kalmado ang asawa. Iyon lang ang tanging magagawa niya dahil maging siya ay hindi na rin alam ang gagawin ng mga sandaling iyon. Sobrang sakit niya sa puso kung iisipin. Iyong sa
ILANG MINUTO PA ang lumipas bago nagawang maisalba ng mga doctor ang sanggol na si Gabe at bumalik sa dati ang heartbeat nito at pulse na parang sirang ilaw na aandap-andap. Tumatagaktak ang pawis nila sa katawan nang lumabas ng silid. Ipinapakita nito kung gaano sila na-tense at nahirapan. Puno ng lungkot ang kanilang mga mata kahit na may kaunting galak iyon nang magawa nila itong maisalba.“Sa ngayon, nagawa namin siyang mailigtas pero hindi ibig sabihin na magiging okay na ang lahat.” prangkang saad ng doctor na siyang nangunguna upang isalba ang kanilang anak. “Ayaw kong saktan pa kayo sa mga nangyayari pero ayaw ko rin naman na umasa rin kayo, just expect the worst scenario.”Nang tumigil ang heartbeat ng bata ang buong akala ng mga doctor at nurses ay doon na matatapos ang purpose nito sa lupa. Sobrang nahirapan ang mga doctor nang dahil sa maliit nitong katawan kung kaya naman umabot sila sa kritikal na punto. Naintindihan naman ng lahat ng naroon iyon kahit na masakit sa kani
BUMALIK SI GAVIN sa kanilang ward pagkaraan ng ilang sandali. Naabutan niya ang asawang matamang nakatitig pa rin sa kanilang anak at tahimik na umiiyak. Sa lungkot ng mga mata nito ay nakikita niya na parang halos ay hindi na kumukurap. Puno ng awa niya nang niyakap ang katawan nito upang iparamdam ang kanyang presensya sa asawa. Pilit na ipinaramdam na anuman ang mangyari ay naroon lang siya mananatili sa kanyang tabi. Hindi niya batid kung tama ang kanyang desisyon, pero kung hindi niya gagawin baka pati ang asawa ay mawala sa kanya nang hindi niya namamalayan. Bagay na hindi niya alam kung makakaya niyang mangyari kaya gaya ng sabi ng tiyuhin nitong si Giovanni, susugal sila kahit hindi nila alam kung mananalo. Patuloy na bumagsak na naman ang kanyang mga luha na mahigpit pang niyakap ang asawa mula sa likuran. Sa kanilang dalawa, batid niya sa kanyang sarili na higit siyang nasasaktan at hindi niya lang iyon ipinapaalam dahil pilit na itinatago ang sakit na kanyang nararamdaman.
ILANG ARAW ANG lumipas matapos na mangyari iyon. Nakikita nilang unti-unting bumubuti ang lagay ni Bethany ngunit naroon pa rin ang madalas nitong pag-iyak sa kalaliman ng gabi. Tumatangis. Ipinagluluksa ang anak niya. Hindi umalis si Gavin sa kanyang tabi. Ipinaramdam niya na hindi nag-iisa ang asawa. Naroon siya at karamay niya. Ganundin ang magkabilang partido ng kanilang pamilya. Nakaagapay. Nakaalalay sa kanilang mag-asawa.“Napakadaya mo, bakit hindi mo man lang siya ipinakita sa akin kahit sa huling sandali…” panunumbat si Bethany habang umiiyak, pinipilit naman niyang labanan ang lungkot pero hindi niya kaya dahil sinasakop pa rin siya palagi nito lalo na kapag naaalala niya ang bawat sipa at galaw ng kanyang anak noong nasa sinapupunan pa lang niya ito. “Sana binigyan mo man lang akong makapagpaalam sa kanya at mayakap siya. Kung nangyari iyon, baka mabilis kong matanggap. Baka mabilis kong mayakap na ipinahiram lang siya sa atin ng ilang saglit. Kung nayakap ko siya sana…”
PAGDATING NILA SA parking lot, nakita nila ang isang malaking pulutong ng mga media na nagsisiksikan sa harapan ng itim na RV, na nang makita sila ay nagkukumahog na hawakan ang mikropono at interbyuhin si Gavin. Sabik na makakuha ng anumang balita tungkol sa buhay ng kaharap na abogado.“Attorney Dankworth, ito ang iyong unang pagharap sa korte mula noong nangyari ang aksidente sa iyo. Makakaapekto ba ang sitwasyon ngayon ng iyong asawa na nasa hospital pa sa kasong hawak mo?” Sinubukan nilang itago ang lahat pero kumalat pa rin iyon na hinayaan na lang din nilang mangyari, ngunit ni minsan ay hindi man lang sila nagpaliwanag. Hindi nila kailangang magbigay ng paliwanag sa kanila.“May tiwala ka pa ba sa iyong sarili na mapapanatili mo ang iyong undefeated record?”Walang sabi-sabing sumakay si Gavin sa backseat ng sasakyan. Pinahinto ng sekretarya ang media at nagsalita ng ilang magalang na salita bago umupo sa likuran na katabi ng kanyang amo Isinusumpa niya ang walang prinsipyong
SA SINABI NI Giovanni ay hindi naging kuntento si Gavin doon. Hindi iyon ang gusto niyang marinig sa Governor. Iba ang gusto niyang sabihin nito. Matanda na ito kaya para sa kanya, matalas dapat ang isip, ngunit binigo siya nito. Hindi nito nagawang ibigay ang sagot na kanyang hinihintay kanila pa mula rito.“Kahit anong gawin kong iwas sa kanya lalo na sa ganung sitwasyon na ang lahat ay halos down sa mga biglaang pangyayari. I comforted her. Muli akong nahumaling sa kanya. Ganunpaman ay totoong minahal ko ang kapatid mo. Hindi lang ang katawan niya ang habol ko. Sadya lang na nagkaroon ng malaking problema—”“Huwag mong akong gawing tanga, Governor Bianchi! Hindi mo siya minahal! Huwag mong ipagpilitang minahal mo si Briel dahil kung mahal mo talaga siya, kahit anong problema hindi mo siya bibitawan. Hindi kayo maghihiwalay. Kung ang isa sa inyo ay sumusuko, ang isa ay lumalaban dahil ayaw niyong maghiwalay! Anong ginawa niyo? Bagkus na magkasama niyong labanan ang problema gaya nam
MAGKAHALONG HIYA AT galit ang nararamdamang napayuko na si Giovanni upang kalamayin ang kanyang sarili. Kitang-kita niya ang pamamaga ng ugat ni Gavin sa kanyang leeg na para bang may nagawa siyang malaking kasalanan sa kapatid nito na wala naman siyang matandaan. Maayos ang usapan nila ng paghihiwalay kung kaya hindi niya kailangang makaramdam ng guilt. Pakiramdam niya ay sobrang nahu-humiliate na siya ng asawa ng pamangkin niya ngayon at hindi niya iyon hahayaan. Governor siya. Iginagalang. Kung may pagkakamali man siya sa kanilang pamilya, iyon ay ang minahal niya at nakipagrelasyon siya sa bunso nitong kapatid. Iyon lang naman. Kung sa ibang araw nga iyon, sa normal na tao ay pinakaladkad na niya ito sa kanyang mga tauhan ngunit ayaw naman niyang gawin iyon. Tiyak na ang pamangkin niya ang makakalaban niya kaya kailangan niyang kumalma. Aminado naman siya na nagkamali siya pero hindi nito kailangang sumigaw na para bang ang baba ng pagkatao niya. Sobrang unprofessional ng dating
UMIIGTING NA ANG pangang hinarangan si Giovanni ng katawan ni Gavin nang tangkain niyang lagpasan sana ang asawa ng pamangkin. May hint na ang Governor kung bakit ganun ang inaasta ng lalaki, subalit hindi niya ipinahalata na threaten siya. Nanatili siyang kalmado kahit na bigla na namang gumulo ang kanyang isipan. Tiningnan pa nito nang diretso ang mga mata ni Gavin upang komonekta sa kanya. Hindi siya nito pwedeng takasan. “Kaunting oras lang ang mauubos mo sa akin, Tito kung kaya naman pagbigyan mo na ako..” ngumisi pa ito sa medyo sarkastiko ang tunog ng salitang Tito na sinabi nito, Governor Bianchi ang tawag nito sa kanya mula noon at ngayon lang ito tumawag ng Tito na tunog sarkastiko kaya alam ng Governor na may ibang kahulugan iyon. “Sisiguraduhin kong hindi ka ma-le-late sa trabaho. Tatapusin ko rin agad ang pag-uusapan natin. Saglit na saglit lang.” dugtong pa doon ni Gavin nang hindi kumukurap ang namumula ng mga mata.Napakurap-kurap naman si Giovanni. Pinigilan niyang u
PINILI NI BRIEL na huwag na lang patulan ang mga sinabi ni Bethany kahit na hindi siya nakailag at nasapul nitong lahat. Hindi iyon ang tamang oras para makipagbangayan siya sa hipag at ipaintindi dito ang emosyon na nararamdaman niya rin bilang ina. Kailangan nilang mabigyan ng solusyon ang gagawin ng kapatid niyang tiyak na malaking gulo. Hindi pwedeng gumawa ito ng eskandalo na ikakapahamak nilang lahat. Kung hindi nila mapipigilan ang marahas na galaw ng kapatid, at least bigyan nila ng warning ang Governor nang sa ganun ay ito na ang kusang mag-adjust. Napakamot na si Briel sa kanyang ulo. Kung makaasta talaga ang kapatid niya akala mo ay sundalo na palaging pasugod sa giyera. Ni hindi siya nito man lang kinausap kung ano ba ang magiging desisyon niya, bigla na lang itong manunugod sa Baguio. Hiniram na lang niya ang cellphone ng hipag na noong una ay ayaw pang ibigay sa kanya. Basang-basa niya sa mga mata nitong ayaw sa kanyang ipahiram at naiintindihan naman niya iyon. May cel
NAMILOG NA ANG mga mata ni Bethany nang bumaling kay Briel. Hindi niya namalayan na nakababa na ang hipag. Naburo pa ang mga mata ni Briel sa hipag nang makita niyang namumutla na tila ba may masamang nangyari sa kanyang kapatid na asawa nito. Tinambol pa ang kanyang puso. May bumubulong sa tainga niya na may hindi ito magandang gagawin pero pilit niyang inalis iyon sa kanyang isipan. Hindi naman siguro marahil gagawin ito ng kapatid niya. Hindi ito magpapadalus-dalos ng kanyang desisyon. Nakuha na naman nito ang gusto niya sa kanya eh; iyon ay ang sumama silang mag-ina sa kanya. Ano pa ang ibang gagawin nito? Isa pa ay busy ito sa negosyo niya. “Nasaan si Kuya Gav? Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang aga-aga pa.” kalmado niyang litanya kahit pa alam niyang may mali at ang ugat na naman noon ay ang kanyang problema. “Ganito ba kayo gumising dito? Napakaaga naman.” “Umalis siya. Hindi ko alam kung saan pupunta.” tugon nito na hawak na ang cellphone, hindi na makatingin nang diretso kay
MARIING NAPAPIKIT NA si Briel na agad sinaway ang sarili sa pagbabalik-tanaw niya sa kanilang nakaraan. Malamang ay iiyak na naman siya pagkatapos noon. Hahanapin kung ano ang kulang sa kanya at bakit umabot sila sa ganung sitwasyon. Dama niya na sobrang mahal na mahal siya nito. Sobrang alaga nito. Baby na baby siya. Hindi niya kailangang manlimos ng oras at atensyon dahil walang bayad na ibinibigay iyon ng Governor kung kaya naman mas lalo siyang nahulog. Lalo niya itong minahal. Kung mag-ra-rate nga siya, kumpara kay Albert sobrang mahal niya si Giovanni. Bukod sa nakukuha niya ang kanyang gusto, parang lahat ay posible kapag kasama niya ito. “Tama na, Briel…ikaw na naman ang masasaktan sa ginagawa mo. Kung almost perfect na ang relasyon niyo, bakit nangyari ito? Bakit humantong kayo sa ganito? Kung sinabi ko ba ang tungkol kay Brian, babalik kami sa dati?”Huminga na siya nang malalim. Ipinatong na ang isang braso sa kanyang noo. Dama niya ang pag-init ng mga mata. “Wala namang
TAHIMIK NA NAUPO si Briel sa may counter at pinanood ang kanyang hipag sa ginagawa. Panaka-naka ang sulyap niya sa seryoso nitong ginagawa. Sa anggulo habang nakatitig kay Bethany, napagtanto pa niya kung gaano ito kahawig ng Governor. Sabagay nga naman, ang ina nito ay kapatid ng binata kaya malamang ay malaki ang chance na may pagkakataong magiging magkamukha talaga sila. Napaiwas na sa ginagawa niyang paninitig si Briel nang lumingon si Bethany upang alukin na siya ng inihanda niyang pagkain para sa kanyang hipag.“Halika na dito, Briel, kumain ka na.”Sinamahan si Briel ni Bethany na kumain. Pinanood nito ang kanyang bawat subo na sa totoo lang ay noon niya lang yata muling natikman ang ganun kakasarap na pagkain magmula noong mag-desisyon siyang magtago. Wala naman siyang alam paano magluto. Sa pagsasaing nga ay pahirapan pa sa rice cooker na kanyang binili dahil ilang beses iyong nalugaw at hindi niya matantiya kung gaano karami ng tubig. Nanood naman siya online kung paano gaga
TINUNGO NI BRIEL Briel ang marangyang sofa na nasa sala ng villa. Pagod ang katawang naupo na siya doon. Iginala niya pa ang paningin sa kabuohan ng kanilang tanggapan na naghuhumiyaw ng karangyaan. May mga painting sa wall noon. Family portrait ng kanilang pamilya. Pakiramdam ni Briel, hindi na sanay ang kanyang mga mata sa ganun kagandang mga bagay. Sa loob lang ng dalawang taon, nasanay na siyang maging kabilang ng low class. Mahina siyang natawa para sa kanyang sarili. Naisip na ngayong nakabalik na siya, makakaya niya pa kayang mabalik ang dating siya kahit nariyan na si Brian? Hindi niya sigurado. Parang ang hirap na ibalik ng dating siya. Paniguradong suportado naman siya ng kanyang kapatid at mga magulang, pero para sa kanya si Brian pa rin ang top priority niya in case na mag-resume sila sa kinagisnan niyang buhay noon. Pakiramdam niya pwede pa naman iyon, kaso nga lang ay parang mahirap na.“Ang weird na ng mindset ko na dati make up, physical appearance, nail arts, weekly d
HUMAPDI NA NAMAN ang mga mata ni Briel sa sinabing iyon ng kapatid. Oo na, mali na talaga ang desisyon niya at ang kapatid niya ang nagpa-realize noon. Ilang saglit na tumigil si Gavin sa may pintuan ng kotse upang lingunin lang ang tahimik at nahihikbi na namang si Briel. Tinitingnan niya ang magiging reaction sa kanyang sinabi ng kapatid.“Pamilya palagi ang unang tutulong sa’yo, Briel. Hindi man iyon ma-apply sa ibang pamilya pero sa pamilya natin, ganun tayo. Di ba? Hindi mo nga kami iniwan ni Thanie noong nalulugmok kami, tapos sa ganito mong problema tatalikuran ka namin? Ano ba ang Kuya mo? Nakalimutan mo rin?”Hindi pa rin nagsalita si Briel dahil baka kapag binuka niya ang bibig niya, sumabay na naman ang kanyang mga luha pababa. Bagay na ayaw niyang mangyari. Bago tuluyang makasakay ng sasakyan ay nagising si Brian at agad na dumapo ang mga mata nito sa mukha ni Gavin. Nanlaki ang mga mata ng bata na bahagyang natakot sa bagong mukha ng may karga sa kanya. Ganunpaman ay hind