BUMALIK SI GAVIN sa kanilang ward pagkaraan ng ilang sandali. Naabutan niya ang asawang matamang nakatitig pa rin sa kanilang anak at tahimik na umiiyak. Sa lungkot ng mga mata nito ay nakikita niya na parang halos ay hindi na kumukurap. Puno ng awa niya nang niyakap ang katawan nito upang iparamdam ang kanyang presensya sa asawa. Pilit na ipinaramdam na anuman ang mangyari ay naroon lang siya mananatili sa kanyang tabi. Hindi niya batid kung tama ang kanyang desisyon, pero kung hindi niya gagawin baka pati ang asawa ay mawala sa kanya nang hindi niya namamalayan. Bagay na hindi niya alam kung makakaya niyang mangyari kaya gaya ng sabi ng tiyuhin nitong si Giovanni, susugal sila kahit hindi nila alam kung mananalo. Patuloy na bumagsak na naman ang kanyang mga luha na mahigpit pang niyakap ang asawa mula sa likuran. Sa kanilang dalawa, batid niya sa kanyang sarili na higit siyang nasasaktan at hindi niya lang iyon ipinapaalam dahil pilit na itinatago ang sakit na kanyang nararamdaman.
ILANG ARAW ANG lumipas matapos na mangyari iyon. Nakikita nilang unti-unting bumubuti ang lagay ni Bethany ngunit naroon pa rin ang madalas nitong pag-iyak sa kalaliman ng gabi. Tumatangis. Ipinagluluksa ang anak niya. Hindi umalis si Gavin sa kanyang tabi. Ipinaramdam niya na hindi nag-iisa ang asawa. Naroon siya at karamay niya. Ganundin ang magkabilang partido ng kanilang pamilya. Nakaagapay. Nakaalalay sa kanilang mag-asawa.“Napakadaya mo, bakit hindi mo man lang siya ipinakita sa akin kahit sa huling sandali…” panunumbat si Bethany habang umiiyak, pinipilit naman niyang labanan ang lungkot pero hindi niya kaya dahil sinasakop pa rin siya palagi nito lalo na kapag naaalala niya ang bawat sipa at galaw ng kanyang anak noong nasa sinapupunan pa lang niya ito. “Sana binigyan mo man lang akong makapagpaalam sa kanya at mayakap siya. Kung nangyari iyon, baka mabilis kong matanggap. Baka mabilis kong mayakap na ipinahiram lang siya sa atin ng ilang saglit. Kung nayakap ko siya sana…”
PAGDATING NILA SA parking lot, nakita nila ang isang malaking pulutong ng mga media na nagsisiksikan sa harapan ng itim na RV, na nang makita sila ay nagkukumahog na hawakan ang mikropono at interbyuhin si Gavin. Sabik na makakuha ng anumang balita tungkol sa buhay ng kaharap na abogado.“Attorney Dankworth, ito ang iyong unang pagharap sa korte mula noong nangyari ang aksidente sa iyo. Makakaapekto ba ang sitwasyon ngayon ng iyong asawa na nasa hospital pa sa kasong hawak mo?” Sinubukan nilang itago ang lahat pero kumalat pa rin iyon na hinayaan na lang din nilang mangyari, ngunit ni minsan ay hindi man lang sila nagpaliwanag. Hindi nila kailangang magbigay ng paliwanag sa kanila.“May tiwala ka pa ba sa iyong sarili na mapapanatili mo ang iyong undefeated record?”Walang sabi-sabing sumakay si Gavin sa backseat ng sasakyan. Pinahinto ng sekretarya ang media at nagsalita ng ilang magalang na salita bago umupo sa likuran na katabi ng kanyang amo Isinusumpa niya ang walang prinsipyong
BUMALIK SILA NG hospital at pagkaraan ng dalawang araw ay nag-discharged sila at umuwi na ng penthouse. Naging malungkot sa kanilang mag-asawa ang unang gabi, panay ang iyak nila habang mahigpit na magkayakap. Hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat, pero alam nila sa kanilang sarili na malalagpasan ang lahat basta manatili silang magkasama. Hindi lang ang unang gabi ang naging malungkot nang dahil sa masalimuot na nangyari dahil maging ang mga sumunod pang mga araw lalo na nang magpaalam si Mr. Conley na babalik na siya ng Canada. Oo, at maayos na ang relasyon ng mag-ama ngunit para kay Bethany ay hindi pa rin ito sapat. Kakaunting panahon pa ang ginugugol ng ama sa kanya. Walang patumpik-tumpik na isinatinig iyon ni Bethany, kailangan na mailabas niya iyon sa kanyang isipan nang sa ganun ay gumaan naman ang kanyang pakiramdam. Ayaw na niyang magkimkim lalo kung sama iyon ng loob. “Magkikita tayo ulit, hija. Magpagaling kang mabuti. Bibisita ako dito next month. Uuwi ako. Marami pa tay
TUMAGAL ANG TITIG ni Gavin sa mukha ng asawa. Para siyang nabingi sa sinabi ng asawa. Pinagnilayan niya ang timbre ng boses nito. Wala naman siyang makapang lungkot o napipilitan lang. Normal lang iyon. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso niya nang makita na nakakatulong sa asawa ang ginagawa nilang quality time. Subalit tama ito, kailangan na nga nilang bumalik ng Pilipinas dahil kailangan na niyang puntahan ang anak kung saan niya ito dinala. Hindi niya ito nilabas ng bansa. Magiging delikado iyon kung gagawin niya. Nasa isang laboratory lang ito sa Maynila na itinayo ng samahan ng mga doctor na mula sa iba’t-ibang bansa upang pag-aralan at e-conquer ang human biological genes. Sumugal siyang ibigay dito ang kanilang anak para maging subject. Mahal ang bayad doon pero wala siyang pakialam sa halaga. Noong malaman nila ng tiyuhin ni Bethany ang tungkol dito, nag-offer ito ng halaga pero tinanggihan iyon ni Gavin. Masyado siyang mayaman upang tumanggap ng pera sa Governor. Hindi iyon da
MUGTO AT NAMUMULA pa rin ang mga mata ni Gavin nang sapitin niya ang laboratory. Hindi niya alintana ang pagod lalo na nang salubungin siya ng isang blondeng doctor at i-abot sa kanya ang maliit na capsule kung saan naroon sa loob nito ang anak na si Gabe. Ang buong akala niya, tapos na siyang umiyak pero nang makita niya ang malaking pinagbago ng anak magmula nang dalhin nila doon ni Governor Bianchi, muli pa itong bumuhos na parang malakas na ulan.“All I can say is that your daughter is a good fighter, Mr. Dankworth.” puri ng doctor na proud na proud ang mukha.Hindi ni Gavin itinago ang halo-halong emosyon lalo pa nang maingat niyang kargahin ang capsule na kahit hindi nagkakaroon ng contact ang kanilang balat ni Gabe, alam niyang nakikita siya nito. Ramdam siya ng anak. “The survival rate is now 50%. It's quite high now.” Mula sa 10% na sinabi ng hospital sa kanya, nagawa iyong muling mapataas ng mga doctor na pinagkatiwalaan niya. “The only problem is Gabe is difficult to fe
TATLONG TAON ANG matuling lumipas. Kagaya ng napagkasunduan nilang mag-asawa. Hinayaan ni Gavin na tuparin ni Bethany ang naudlot niyang pangarap nang dahil sa kawalan ng sapat na pera. Nagtungo siya ng Canada at bumabalik lang ng bansa kapag mayroong oras. Hindi naman siya matiis ni Gavin na hindi makita kung kaya madalas ang paglabas nito ng bansa upang puntahan ang asawa kada buwan. Hindi naging balakid ang milya-milya nilang pagitan upang magkaroon ng lamat ang kanilang relasyon. Pinatibay pa nga noon ang kanilang samahang dalawa. Walang nagbago. Tuwing holidays uuwi ng bansa si Bethany o pupuntahan siya ni Gavin para lang magkasama sila.“Uuwi na ako ng Pilipinas bukas, Attorney!” palatak ni Bethany habang ka-videocall ang asawa, bakas sa kanyang boses at mukha ang excitement. Aminin niya man o hindi, na-miss niya ‘ring manatili sa piling asawa. “Okay na. Tapos na. Napagbigyan ko na ang sarili ko. Na-heal ko na ang inner child dreams ko kaya babalik na ako sa piling mo.”Kakatapo
SINUNDAN NA IYON nang mahina niyang mga hikbi na sa tunog ay parang sobrang aping-api. Napakurap-kurap si Gavin na agad niyakap nang mahigpit ang anak at binuhat mula sa pagkakaupo nito sa duyan. Dama niya ang bigat na dinadala nito sa kanyang puso. Marahan niyang hinagod ang likod nito upang aluin, ngunit mas lumakas pa ang hikbi.“Kailan ko ba makikita si Mommy sa personal? Hindi sila naniniwala kahit na pinakita ko sa kanila ang picture niyo ni Mommy na nasa cellphone ko. Gusto ko ng makita ang Mommy ko, Daddy. Ipakita mo na si Mommy sa akin...please?”Nawalan ng boses doon si Gavin. Ilang buwan na siyang kinukulit ng anak tungkol sa ina. Kung tutuusin ay pwede naman sana na makita na nila ang bawat isa, ngunit si Bethany naman ang kanyang inaalala. Sigurado siya na kapag sinabi niya ang tungkol kay Gabe dito, walang makakapigil na umuwi ito ng bansa. Sayang naman iyong ginawa nitong pag-aaral para lang makasama ang kanyang ama sa concert na pangarap. Kaya naman kahit gustong-gusto
SA SINABI NI Giovanni ay hindi naging kuntento si Gavin doon. Hindi iyon ang gusto niyang marinig sa Governor. Iba ang gusto niyang sabihin nito. Matanda na ito kaya para sa kanya, matalas dapat ang isip, ngunit binigo siya nito. Hindi nito nagawang ibigay ang sagot na kanyang hinihintay kanila pa mula rito.“Kahit anong gawin kong iwas sa kanya lalo na sa ganung sitwasyon na ang lahat ay halos down sa mga biglaang pangyayari. I comforted her. Muli akong nahumaling sa kanya. Ganunpaman ay totoong minahal ko ang kapatid mo. Hindi lang ang katawan niya ang habol ko. Sadya lang na nagkaroon ng malaking problema—”“Huwag mong akong gawing tanga, Governor Bianchi! Hindi mo siya minahal! Huwag mong ipagpilitang minahal mo si Briel dahil kung mahal mo talaga siya, kahit anong problema hindi mo siya bibitawan. Hindi kayo maghihiwalay. Kung ang isa sa inyo ay sumusuko, ang isa ay lumalaban dahil ayaw niyong maghiwalay! Anong ginawa niyo? Bagkus na magkasama niyong labanan ang problema gaya nam
MAGKAHALONG HIYA AT galit ang nararamdamang napayuko na si Giovanni upang kalamayin ang kanyang sarili. Kitang-kita niya ang pamamaga ng ugat ni Gavin sa kanyang leeg na para bang may nagawa siyang malaking kasalanan sa kapatid nito na wala naman siyang matandaan. Maayos ang usapan nila ng paghihiwalay kung kaya hindi niya kailangang makaramdam ng guilt. Pakiramdam niya ay sobrang nahu-humiliate na siya ng asawa ng pamangkin niya ngayon at hindi niya iyon hahayaan. Governor siya. Iginagalang. Kung may pagkakamali man siya sa kanilang pamilya, iyon ay ang minahal niya at nakipagrelasyon siya sa bunso nitong kapatid. Iyon lang naman. Kung sa ibang araw nga iyon, sa normal na tao ay pinakaladkad na niya ito sa kanyang mga tauhan ngunit ayaw naman niyang gawin iyon. Tiyak na ang pamangkin niya ang makakalaban niya kaya kailangan niyang kumalma. Aminado naman siya na nagkamali siya pero hindi nito kailangang sumigaw na para bang ang baba ng pagkatao niya. Sobrang unprofessional ng dating
UMIIGTING NA ANG pangang hinarangan si Giovanni ng katawan ni Gavin nang tangkain niyang lagpasan sana ang asawa ng pamangkin. May hint na ang Governor kung bakit ganun ang inaasta ng lalaki, subalit hindi niya ipinahalata na threaten siya. Nanatili siyang kalmado kahit na bigla na namang gumulo ang kanyang isipan. Tiningnan pa nito nang diretso ang mga mata ni Gavin upang komonekta sa kanya. Hindi siya nito pwedeng takasan. “Kaunting oras lang ang mauubos mo sa akin, Tito kung kaya naman pagbigyan mo na ako..” ngumisi pa ito sa medyo sarkastiko ang tunog ng salitang Tito na sinabi nito, Governor Bianchi ang tawag nito sa kanya mula noon at ngayon lang ito tumawag ng Tito na tunog sarkastiko kaya alam ng Governor na may ibang kahulugan iyon. “Sisiguraduhin kong hindi ka ma-le-late sa trabaho. Tatapusin ko rin agad ang pag-uusapan natin. Saglit na saglit lang.” dugtong pa doon ni Gavin nang hindi kumukurap ang namumula ng mga mata.Napakurap-kurap naman si Giovanni. Pinigilan niyang u
PINILI NI BRIEL na huwag na lang patulan ang mga sinabi ni Bethany kahit na hindi siya nakailag at nasapul nitong lahat. Hindi iyon ang tamang oras para makipagbangayan siya sa hipag at ipaintindi dito ang emosyon na nararamdaman niya rin bilang ina. Kailangan nilang mabigyan ng solusyon ang gagawin ng kapatid niyang tiyak na malaking gulo. Hindi pwedeng gumawa ito ng eskandalo na ikakapahamak nilang lahat. Kung hindi nila mapipigilan ang marahas na galaw ng kapatid, at least bigyan nila ng warning ang Governor nang sa ganun ay ito na ang kusang mag-adjust. Napakamot na si Briel sa kanyang ulo. Kung makaasta talaga ang kapatid niya akala mo ay sundalo na palaging pasugod sa giyera. Ni hindi siya nito man lang kinausap kung ano ba ang magiging desisyon niya, bigla na lang itong manunugod sa Baguio. Hiniram na lang niya ang cellphone ng hipag na noong una ay ayaw pang ibigay sa kanya. Basang-basa niya sa mga mata nitong ayaw sa kanyang ipahiram at naiintindihan naman niya iyon. May cel
NAMILOG NA ANG mga mata ni Bethany nang bumaling kay Briel. Hindi niya namalayan na nakababa na ang hipag. Naburo pa ang mga mata ni Briel sa hipag nang makita niyang namumutla na tila ba may masamang nangyari sa kanyang kapatid na asawa nito. Tinambol pa ang kanyang puso. May bumubulong sa tainga niya na may hindi ito magandang gagawin pero pilit niyang inalis iyon sa kanyang isipan. Hindi naman siguro marahil gagawin ito ng kapatid niya. Hindi ito magpapadalus-dalos ng kanyang desisyon. Nakuha na naman nito ang gusto niya sa kanya eh; iyon ay ang sumama silang mag-ina sa kanya. Ano pa ang ibang gagawin nito? Isa pa ay busy ito sa negosyo niya. “Nasaan si Kuya Gav? Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang aga-aga pa.” kalmado niyang litanya kahit pa alam niyang may mali at ang ugat na naman noon ay ang kanyang problema. “Ganito ba kayo gumising dito? Napakaaga naman.” “Umalis siya. Hindi ko alam kung saan pupunta.” tugon nito na hawak na ang cellphone, hindi na makatingin nang diretso kay
MARIING NAPAPIKIT NA si Briel na agad sinaway ang sarili sa pagbabalik-tanaw niya sa kanilang nakaraan. Malamang ay iiyak na naman siya pagkatapos noon. Hahanapin kung ano ang kulang sa kanya at bakit umabot sila sa ganung sitwasyon. Dama niya na sobrang mahal na mahal siya nito. Sobrang alaga nito. Baby na baby siya. Hindi niya kailangang manlimos ng oras at atensyon dahil walang bayad na ibinibigay iyon ng Governor kung kaya naman mas lalo siyang nahulog. Lalo niya itong minahal. Kung mag-ra-rate nga siya, kumpara kay Albert sobrang mahal niya si Giovanni. Bukod sa nakukuha niya ang kanyang gusto, parang lahat ay posible kapag kasama niya ito. “Tama na, Briel…ikaw na naman ang masasaktan sa ginagawa mo. Kung almost perfect na ang relasyon niyo, bakit nangyari ito? Bakit humantong kayo sa ganito? Kung sinabi ko ba ang tungkol kay Brian, babalik kami sa dati?”Huminga na siya nang malalim. Ipinatong na ang isang braso sa kanyang noo. Dama niya ang pag-init ng mga mata. “Wala namang
TAHIMIK NA NAUPO si Briel sa may counter at pinanood ang kanyang hipag sa ginagawa. Panaka-naka ang sulyap niya sa seryoso nitong ginagawa. Sa anggulo habang nakatitig kay Bethany, napagtanto pa niya kung gaano ito kahawig ng Governor. Sabagay nga naman, ang ina nito ay kapatid ng binata kaya malamang ay malaki ang chance na may pagkakataong magiging magkamukha talaga sila. Napaiwas na sa ginagawa niyang paninitig si Briel nang lumingon si Bethany upang alukin na siya ng inihanda niyang pagkain para sa kanyang hipag.“Halika na dito, Briel, kumain ka na.”Sinamahan si Briel ni Bethany na kumain. Pinanood nito ang kanyang bawat subo na sa totoo lang ay noon niya lang yata muling natikman ang ganun kakasarap na pagkain magmula noong mag-desisyon siyang magtago. Wala naman siyang alam paano magluto. Sa pagsasaing nga ay pahirapan pa sa rice cooker na kanyang binili dahil ilang beses iyong nalugaw at hindi niya matantiya kung gaano karami ng tubig. Nanood naman siya online kung paano gaga
TINUNGO NI BRIEL Briel ang marangyang sofa na nasa sala ng villa. Pagod ang katawang naupo na siya doon. Iginala niya pa ang paningin sa kabuohan ng kanilang tanggapan na naghuhumiyaw ng karangyaan. May mga painting sa wall noon. Family portrait ng kanilang pamilya. Pakiramdam ni Briel, hindi na sanay ang kanyang mga mata sa ganun kagandang mga bagay. Sa loob lang ng dalawang taon, nasanay na siyang maging kabilang ng low class. Mahina siyang natawa para sa kanyang sarili. Naisip na ngayong nakabalik na siya, makakaya niya pa kayang mabalik ang dating siya kahit nariyan na si Brian? Hindi niya sigurado. Parang ang hirap na ibalik ng dating siya. Paniguradong suportado naman siya ng kanyang kapatid at mga magulang, pero para sa kanya si Brian pa rin ang top priority niya in case na mag-resume sila sa kinagisnan niyang buhay noon. Pakiramdam niya pwede pa naman iyon, kaso nga lang ay parang mahirap na.“Ang weird na ng mindset ko na dati make up, physical appearance, nail arts, weekly d
HUMAPDI NA NAMAN ang mga mata ni Briel sa sinabing iyon ng kapatid. Oo na, mali na talaga ang desisyon niya at ang kapatid niya ang nagpa-realize noon. Ilang saglit na tumigil si Gavin sa may pintuan ng kotse upang lingunin lang ang tahimik at nahihikbi na namang si Briel. Tinitingnan niya ang magiging reaction sa kanyang sinabi ng kapatid.“Pamilya palagi ang unang tutulong sa’yo, Briel. Hindi man iyon ma-apply sa ibang pamilya pero sa pamilya natin, ganun tayo. Di ba? Hindi mo nga kami iniwan ni Thanie noong nalulugmok kami, tapos sa ganito mong problema tatalikuran ka namin? Ano ba ang Kuya mo? Nakalimutan mo rin?”Hindi pa rin nagsalita si Briel dahil baka kapag binuka niya ang bibig niya, sumabay na naman ang kanyang mga luha pababa. Bagay na ayaw niyang mangyari. Bago tuluyang makasakay ng sasakyan ay nagising si Brian at agad na dumapo ang mga mata nito sa mukha ni Gavin. Nanlaki ang mga mata ng bata na bahagyang natakot sa bagong mukha ng may karga sa kanya. Ganunpaman ay hind