HINDI NAMAN NI Gavin ipinagkait sa bata na makita ang ibang mga kamag-anak na updated din sa lagay ng kanilang anak. Hindi niya na iyon brinoadcast pa sa media dahil alam niyang pagkakaguluhan. Hindi lang iyon, tiyak na aabot ito sa kaalaman ng kanyang asawa na babad sa social media. Naging simple lang ang lahat. Itinago niya ang lahat. Madalas na bumisita sa villa sina Governor Bianchi at si Donya Livia, ganundin ang kanyang mga magulang. Alam nila ang plano niya. Naipaliwanag na rin ni Gavin ang dahilan kung bakit hanggang sa mga oras na iyon ay lihim pa rin sa kanyang asawa ang tungkol sa kanilang anak.“Hihintayin ko lang pong matapos ang concert nila ng Tito Drino,” napatingin siya kay Mr. Dankworth nang magtaas ito ng isang kilay, hindi pa rin siya sanay na tawagin ito sa iba. “I mean ni Papa bago ko sabihin kay Thanie ang tungkol kay Gabe. Sayang naman po kung bigla kong sasabihin at mababalewala ang pagod niya. Kilala niyo naman ang asawa ko pagdating sa anak namin. Pakiusap,
MATAMANG PINANOOD NI Bethany ang ginagawang paglalagay ni Gavin ng kanyang mga maletang dala sa compartment sa likod ng sasakyan kahit pa ilang beses na siyang sinabihan ng asawang pumasok na sa loob ng sasakyan at doon na lang niya ito hintayin. Nang makita niyang isasara na iyon ni Gavin ay saka pa lang siya pumasok sa passenger seat. Pinanood niya itong umikot patungo ng driver seat. Hindi niya pa noon sinusuot ang seatbelt. Mapanuri niyang pinupuna ang bawat pagbabago sa kanyang asawa na hindi nakita ng tatlong buwan. Walang kasamang driver si Gavin, nang dahil iyon sa una niyang plano na dalhin ang asawa sa kanilang villa para makita na niya ang anak. Sumilay pa ang pilyang mga ngiti ni Bethany nang buksan na ni Gavin ang pintuan ng sasakyan upang pumasok na siya sa loob nito nang makaalis na.“Thanie, what are you doing?!”Napalakas ang boses ni Gavin na sobrang gulat sa kanya. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib.“I am sorry, hindi ko sinasadyang sumigaw.” anitong bumaba na agad
NAPAAHON SI BETHANY sa pagkakasandal niya sa balikat ni Gavin habang nagmamaneho ito. Hindi na rin sila nagtagal pa sa airport kanina. Ilang minuto lang silang nagpahinga matapos na may gawing kababalaghan sa loob ng sasakyan at tumulak na para umalis sa lugar. Ilang beses niyang nilingon ang asawa na diretso lang sa kalsada ang tingin na tila ba hindi napapansin ang ginagawa niyang pagsulyap. Nagtataka siya kung bakit lumiko ito sa halip na diretso upang magtungo ng kanilang penthouse. Hindi niya matandaan na may short cut doon banda o hindi niya lang alam dahil matagal siyang nawala sa bansa? Napansin niya man iyon ay hindi na siya nagtanong pa at baka ma-istorbo ito. Ang isipin pa lang na mababaling ang atensyon nito sa ibang bagay habang nagmamaneho baka maulit iyong noon.‘Baka may bagong shortcut.’ kumbinsi niya sa sarili kahit na kanina niya pa napapansin na may iba dito. Napansin iyon ni Gavin at hinintay siya nitong magtanong, ngunit pinili naman ni Bethany ang manahimik kay
SA MGA SANDALING iyon ay abala pa si Bethany sa pagmamasid sa buong paligid ng villa, tuwang-tuwa siya sa lugar ngunit nang marinig niya ang boses ng malayong bata na hindi niya pa nakikita ay hindi niya mapigilang kumalabog bigla ang kanyang puso. Ang buong akala niya ay guni-guni niya lang ang lahat ng iyon. Nilingon na niya si Gavin na nag-uunahan ng bumaba ang mga luha sa kanyang mukha. Puno ng pagtataka ang mga matang napakunot na ang noo ni Bethany sa ganitong reaction ngayon ng asawa. “Are you crying, Gavin? Bakit? Anong nakakaiyak sa surprise mo sa akin? Dapat ba iiyak ako ngayon?”Sinubukan pa ni Bethany na magtunog biro iyon ngunit naguluhan pa siya nang tumigil ang mga mata ni Gavin sa kanya. Lingid sa kaalaman niya kaya ito umiiyak sa mga sandaling iyon ay dahil narinig niya na si Gabe na papalapit sa kanilang banda ng asawa. Ilang sandali pa ay tiyak na makikita na rin ito ni Bethany.“Mommy! Gabe is here!” Lumingon si Gavin na sinundan naman ng agaran ni Bethany kung
TAHIMIK NA NAKAUPO si Gavin sa loob ng masterbedroom ng kanilang villa. Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa mga hita. Hindi niya inaalis ang mga mata sa asawang si Bethany na may isang oras na yatang paroo’t-parito sa harap niya. Matalim na ang panaka-nakang mga titig nito sa kanya gamit ang namumugtong mga mata. Halata pa rin ang galit ngunit anong magagawa niya? Iyon naman dapat ang normal na reaction ng asawa at makailang beses na niyang na-imagine ang tagpong iyon. Nakahanda na ang mga sasabihin niya, ngunit hangga’t maaari ay mananahimik siya. Hahayaan niyang ilabas ni Bethany ang sama ng loob. Normal lang iyon. Ilang beses niyang kumbinsi sa kanyang sarili, ngunit hindi na niya natiis. Gusto niyang ipaintindi sa asawa na hindi niya ginawa iyon para lang sa sarili niya. Ginawa niya iyon para sa kanilang mag-asawa. Para mabuo ang kanilang pamilya. Iyon ang papanindigan niya pa rin.“Thanie, oo na. Aaminin kong intensyon kong itago sa’yo ang bagay na ito pero ang plano ko ay dapa
NATAMEME NA SI Bethany nang makita ang sakit na dumaan sa mukha ng asawa. Hindi lang iyon sa tagal na pagsasama nilang mag-asawa, noon lang siya nito tinawag muli sa kanyang pangalan. Madalas na ang tawag nito sa kanya ay Thanie, o kung hindi naman ay Mrs. Dankworth or Baby. Nakakapanibago iyong pakinggan para sa kanya. Dama niya rin ang galit nito na hindi niya mapunto kung para sa kanya ba iyon o sa mga desisyon nitong ginawa niya noon. Isa lang ang kanyang nasisiguro, nasagad na sa sukdulan ang pagtitimpi niya. Ang galit na mayroon ang asawa.“Please…” dagdag nitong animo ay sobrang nahirapan sa kanyang mga salitang naunang binitawan. Napansin naman ni Gavin ang pagkagulantang na rumihistro sa mga mata ni Bethany nang dahil sa pagsabog niya. Hindi niya iyon sinasadya. Sa mga sandaling iyon ay gusto niya itong yakapin, pero gusto niyang ipaintindi rin dito lahat. Ang lahat ng saloobin niya. Ang lahat ng nararamdaman niya dahil baka sakaling maintindihan siya ng asawa.“Thanie, hind
MEDYO MASAMA MAN ang kalooban ay agad namang ginantihan iyon ni Gavin. Niyakap niya ang asawa kahit na nagtatampo siya. Hindi niya kayang tiisin ang asawa dahil sa kabila ng mga sinabi niya, sobrang mahal niya pa rin ito.“Hindi mo kailangang solohin ang lahat. Sabi mo nga mag-asawa tayo. Dapat magkasama tayo. Magkatulong. Hindi mo kailangang sarilinin ang lahat ng problema at sakit. Ilang beses akong umuwi. Sana sinabi mo sa akin ang tungkol sa kanya. Sana ibinahagi mo sa akin ang sakit na mag-isa mong dinala. Pinaghatian natin iyon. Hindi mo kailangang solohin, Attorney. Di ba asawa mo ako? Partner mo? Kaya dapat ipinaalam mo. Sorry, kung naging isa ako sa pabigat sa’yo…sorry…dahil ina ako at asawa mo…kung may mali man akong mga nasabi, patawarin mo ako pero hindi kita sinisisi. Kasalanan ko ang nangyari sa amin noon ni Gabe dahil nagmatigas ako. Naging matigas ang ulo ko. Ako ang may mali at hindi ikaw, Gavin…kaya huwag mong sisihin ang sarili. Hindi mo kailangang angkinin ang laha
KINABUKASAN AY MAAGANG ginising ni Gavin ang asawa kahit na nasa kasarapan pa ang tulog nito. Ayaw pa sanang bumangon ni Bethany noon na nagawa pang yakapin ang anak na mahimbing pa rin ang tulog, ngunit napilitan pa rin na sundin ang asawa sa bulong nito. Kailangan nilang mag-usap ni Bethany dahil hindi nila iyon magagawa kapag nasa paligid ang kanilang anak. Tiyak na aangkinin na nito ang ina niya na hindi malamang mangyari dahil kilalang-kilala ito ni Gavin. Baka nga kahit yakap, ipagdamot na sa kanya.“Bangon na, Thanie…” “Ang aga pa, Attorney. Bakit?” “Marami tayong dapat na pag-usapan tungkol kay Gabe. Samahan mo akong uminom ng kape.” “Antok pa ako.”“Kaya nga iinom tayo ng kape, pampagising. Tulog na lang ulit tayo mamaya.” Naramdaman ni Bethany ang paghalik ni Gavin sa labi ngunit nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Para bang buong buhay niya after na manganak at ng mga nangyari ay iyon ang pinakamasarap na tulog na mayroon siya. Pilit pa rin siyang hinihila ng hig
SA SINABI NI Giovanni ay hindi naging kuntento si Gavin doon. Hindi iyon ang gusto niyang marinig sa Governor. Iba ang gusto niyang sabihin nito. Matanda na ito kaya para sa kanya, matalas dapat ang isip, ngunit binigo siya nito. Hindi nito nagawang ibigay ang sagot na kanyang hinihintay kanila pa mula rito.“Kahit anong gawin kong iwas sa kanya lalo na sa ganung sitwasyon na ang lahat ay halos down sa mga biglaang pangyayari. I comforted her. Muli akong nahumaling sa kanya. Ganunpaman ay totoong minahal ko ang kapatid mo. Hindi lang ang katawan niya ang habol ko. Sadya lang na nagkaroon ng malaking problema—”“Huwag mong akong gawing tanga, Governor Bianchi! Hindi mo siya minahal! Huwag mong ipagpilitang minahal mo si Briel dahil kung mahal mo talaga siya, kahit anong problema hindi mo siya bibitawan. Hindi kayo maghihiwalay. Kung ang isa sa inyo ay sumusuko, ang isa ay lumalaban dahil ayaw niyong maghiwalay! Anong ginawa niyo? Bagkus na magkasama niyong labanan ang problema gaya nam
MAGKAHALONG HIYA AT galit ang nararamdamang napayuko na si Giovanni upang kalamayin ang kanyang sarili. Kitang-kita niya ang pamamaga ng ugat ni Gavin sa kanyang leeg na para bang may nagawa siyang malaking kasalanan sa kapatid nito na wala naman siyang matandaan. Maayos ang usapan nila ng paghihiwalay kung kaya hindi niya kailangang makaramdam ng guilt. Pakiramdam niya ay sobrang nahu-humiliate na siya ng asawa ng pamangkin niya ngayon at hindi niya iyon hahayaan. Governor siya. Iginagalang. Kung may pagkakamali man siya sa kanilang pamilya, iyon ay ang minahal niya at nakipagrelasyon siya sa bunso nitong kapatid. Iyon lang naman. Kung sa ibang araw nga iyon, sa normal na tao ay pinakaladkad na niya ito sa kanyang mga tauhan ngunit ayaw naman niyang gawin iyon. Tiyak na ang pamangkin niya ang makakalaban niya kaya kailangan niyang kumalma. Aminado naman siya na nagkamali siya pero hindi nito kailangang sumigaw na para bang ang baba ng pagkatao niya. Sobrang unprofessional ng dating
UMIIGTING NA ANG pangang hinarangan si Giovanni ng katawan ni Gavin nang tangkain niyang lagpasan sana ang asawa ng pamangkin. May hint na ang Governor kung bakit ganun ang inaasta ng lalaki, subalit hindi niya ipinahalata na threaten siya. Nanatili siyang kalmado kahit na bigla na namang gumulo ang kanyang isipan. Tiningnan pa nito nang diretso ang mga mata ni Gavin upang komonekta sa kanya. Hindi siya nito pwedeng takasan. “Kaunting oras lang ang mauubos mo sa akin, Tito kung kaya naman pagbigyan mo na ako..” ngumisi pa ito sa medyo sarkastiko ang tunog ng salitang Tito na sinabi nito, Governor Bianchi ang tawag nito sa kanya mula noon at ngayon lang ito tumawag ng Tito na tunog sarkastiko kaya alam ng Governor na may ibang kahulugan iyon. “Sisiguraduhin kong hindi ka ma-le-late sa trabaho. Tatapusin ko rin agad ang pag-uusapan natin. Saglit na saglit lang.” dugtong pa doon ni Gavin nang hindi kumukurap ang namumula ng mga mata.Napakurap-kurap naman si Giovanni. Pinigilan niyang u
PINILI NI BRIEL na huwag na lang patulan ang mga sinabi ni Bethany kahit na hindi siya nakailag at nasapul nitong lahat. Hindi iyon ang tamang oras para makipagbangayan siya sa hipag at ipaintindi dito ang emosyon na nararamdaman niya rin bilang ina. Kailangan nilang mabigyan ng solusyon ang gagawin ng kapatid niyang tiyak na malaking gulo. Hindi pwedeng gumawa ito ng eskandalo na ikakapahamak nilang lahat. Kung hindi nila mapipigilan ang marahas na galaw ng kapatid, at least bigyan nila ng warning ang Governor nang sa ganun ay ito na ang kusang mag-adjust. Napakamot na si Briel sa kanyang ulo. Kung makaasta talaga ang kapatid niya akala mo ay sundalo na palaging pasugod sa giyera. Ni hindi siya nito man lang kinausap kung ano ba ang magiging desisyon niya, bigla na lang itong manunugod sa Baguio. Hiniram na lang niya ang cellphone ng hipag na noong una ay ayaw pang ibigay sa kanya. Basang-basa niya sa mga mata nitong ayaw sa kanyang ipahiram at naiintindihan naman niya iyon. May cel
NAMILOG NA ANG mga mata ni Bethany nang bumaling kay Briel. Hindi niya namalayan na nakababa na ang hipag. Naburo pa ang mga mata ni Briel sa hipag nang makita niyang namumutla na tila ba may masamang nangyari sa kanyang kapatid na asawa nito. Tinambol pa ang kanyang puso. May bumubulong sa tainga niya na may hindi ito magandang gagawin pero pilit niyang inalis iyon sa kanyang isipan. Hindi naman siguro marahil gagawin ito ng kapatid niya. Hindi ito magpapadalus-dalos ng kanyang desisyon. Nakuha na naman nito ang gusto niya sa kanya eh; iyon ay ang sumama silang mag-ina sa kanya. Ano pa ang ibang gagawin nito? Isa pa ay busy ito sa negosyo niya. “Nasaan si Kuya Gav? Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang aga-aga pa.” kalmado niyang litanya kahit pa alam niyang may mali at ang ugat na naman noon ay ang kanyang problema. “Ganito ba kayo gumising dito? Napakaaga naman.” “Umalis siya. Hindi ko alam kung saan pupunta.” tugon nito na hawak na ang cellphone, hindi na makatingin nang diretso kay
MARIING NAPAPIKIT NA si Briel na agad sinaway ang sarili sa pagbabalik-tanaw niya sa kanilang nakaraan. Malamang ay iiyak na naman siya pagkatapos noon. Hahanapin kung ano ang kulang sa kanya at bakit umabot sila sa ganung sitwasyon. Dama niya na sobrang mahal na mahal siya nito. Sobrang alaga nito. Baby na baby siya. Hindi niya kailangang manlimos ng oras at atensyon dahil walang bayad na ibinibigay iyon ng Governor kung kaya naman mas lalo siyang nahulog. Lalo niya itong minahal. Kung mag-ra-rate nga siya, kumpara kay Albert sobrang mahal niya si Giovanni. Bukod sa nakukuha niya ang kanyang gusto, parang lahat ay posible kapag kasama niya ito. “Tama na, Briel…ikaw na naman ang masasaktan sa ginagawa mo. Kung almost perfect na ang relasyon niyo, bakit nangyari ito? Bakit humantong kayo sa ganito? Kung sinabi ko ba ang tungkol kay Brian, babalik kami sa dati?”Huminga na siya nang malalim. Ipinatong na ang isang braso sa kanyang noo. Dama niya ang pag-init ng mga mata. “Wala namang
TAHIMIK NA NAUPO si Briel sa may counter at pinanood ang kanyang hipag sa ginagawa. Panaka-naka ang sulyap niya sa seryoso nitong ginagawa. Sa anggulo habang nakatitig kay Bethany, napagtanto pa niya kung gaano ito kahawig ng Governor. Sabagay nga naman, ang ina nito ay kapatid ng binata kaya malamang ay malaki ang chance na may pagkakataong magiging magkamukha talaga sila. Napaiwas na sa ginagawa niyang paninitig si Briel nang lumingon si Bethany upang alukin na siya ng inihanda niyang pagkain para sa kanyang hipag.“Halika na dito, Briel, kumain ka na.”Sinamahan si Briel ni Bethany na kumain. Pinanood nito ang kanyang bawat subo na sa totoo lang ay noon niya lang yata muling natikman ang ganun kakasarap na pagkain magmula noong mag-desisyon siyang magtago. Wala naman siyang alam paano magluto. Sa pagsasaing nga ay pahirapan pa sa rice cooker na kanyang binili dahil ilang beses iyong nalugaw at hindi niya matantiya kung gaano karami ng tubig. Nanood naman siya online kung paano gaga
TINUNGO NI BRIEL Briel ang marangyang sofa na nasa sala ng villa. Pagod ang katawang naupo na siya doon. Iginala niya pa ang paningin sa kabuohan ng kanilang tanggapan na naghuhumiyaw ng karangyaan. May mga painting sa wall noon. Family portrait ng kanilang pamilya. Pakiramdam ni Briel, hindi na sanay ang kanyang mga mata sa ganun kagandang mga bagay. Sa loob lang ng dalawang taon, nasanay na siyang maging kabilang ng low class. Mahina siyang natawa para sa kanyang sarili. Naisip na ngayong nakabalik na siya, makakaya niya pa kayang mabalik ang dating siya kahit nariyan na si Brian? Hindi niya sigurado. Parang ang hirap na ibalik ng dating siya. Paniguradong suportado naman siya ng kanyang kapatid at mga magulang, pero para sa kanya si Brian pa rin ang top priority niya in case na mag-resume sila sa kinagisnan niyang buhay noon. Pakiramdam niya pwede pa naman iyon, kaso nga lang ay parang mahirap na.“Ang weird na ng mindset ko na dati make up, physical appearance, nail arts, weekly d
HUMAPDI NA NAMAN ang mga mata ni Briel sa sinabing iyon ng kapatid. Oo na, mali na talaga ang desisyon niya at ang kapatid niya ang nagpa-realize noon. Ilang saglit na tumigil si Gavin sa may pintuan ng kotse upang lingunin lang ang tahimik at nahihikbi na namang si Briel. Tinitingnan niya ang magiging reaction sa kanyang sinabi ng kapatid.“Pamilya palagi ang unang tutulong sa’yo, Briel. Hindi man iyon ma-apply sa ibang pamilya pero sa pamilya natin, ganun tayo. Di ba? Hindi mo nga kami iniwan ni Thanie noong nalulugmok kami, tapos sa ganito mong problema tatalikuran ka namin? Ano ba ang Kuya mo? Nakalimutan mo rin?”Hindi pa rin nagsalita si Briel dahil baka kapag binuka niya ang bibig niya, sumabay na naman ang kanyang mga luha pababa. Bagay na ayaw niyang mangyari. Bago tuluyang makasakay ng sasakyan ay nagising si Brian at agad na dumapo ang mga mata nito sa mukha ni Gavin. Nanlaki ang mga mata ng bata na bahagyang natakot sa bagong mukha ng may karga sa kanya. Ganunpaman ay hind