MEDYO MASAMA MAN ang kalooban ay agad namang ginantihan iyon ni Gavin. Niyakap niya ang asawa kahit na nagtatampo siya. Hindi niya kayang tiisin ang asawa dahil sa kabila ng mga sinabi niya, sobrang mahal niya pa rin ito.“Hindi mo kailangang solohin ang lahat. Sabi mo nga mag-asawa tayo. Dapat magkasama tayo. Magkatulong. Hindi mo kailangang sarilinin ang lahat ng problema at sakit. Ilang beses akong umuwi. Sana sinabi mo sa akin ang tungkol sa kanya. Sana ibinahagi mo sa akin ang sakit na mag-isa mong dinala. Pinaghatian natin iyon. Hindi mo kailangang solohin, Attorney. Di ba asawa mo ako? Partner mo? Kaya dapat ipinaalam mo. Sorry, kung naging isa ako sa pabigat sa’yo…sorry…dahil ina ako at asawa mo…kung may mali man akong mga nasabi, patawarin mo ako pero hindi kita sinisisi. Kasalanan ko ang nangyari sa amin noon ni Gabe dahil nagmatigas ako. Naging matigas ang ulo ko. Ako ang may mali at hindi ikaw, Gavin…kaya huwag mong sisihin ang sarili. Hindi mo kailangang angkinin ang laha
KINABUKASAN AY MAAGANG ginising ni Gavin ang asawa kahit na nasa kasarapan pa ang tulog nito. Ayaw pa sanang bumangon ni Bethany noon na nagawa pang yakapin ang anak na mahimbing pa rin ang tulog, ngunit napilitan pa rin na sundin ang asawa sa bulong nito. Kailangan nilang mag-usap ni Bethany dahil hindi nila iyon magagawa kapag nasa paligid ang kanilang anak. Tiyak na aangkinin na nito ang ina niya na hindi malamang mangyari dahil kilalang-kilala ito ni Gavin. Baka nga kahit yakap, ipagdamot na sa kanya.“Bangon na, Thanie…” “Ang aga pa, Attorney. Bakit?” “Marami tayong dapat na pag-usapan tungkol kay Gabe. Samahan mo akong uminom ng kape.” “Antok pa ako.”“Kaya nga iinom tayo ng kape, pampagising. Tulog na lang ulit tayo mamaya.” Naramdaman ni Bethany ang paghalik ni Gavin sa labi ngunit nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Para bang buong buhay niya after na manganak at ng mga nangyari ay iyon ang pinakamasarap na tulog na mayroon siya. Pilit pa rin siyang hinihila ng hig
ISANG LINGGO ANG matuling lumipas. Hindi pa rin makapaniwala si Bethany sa natatamasa niyang kasiyahan sa piling ng kanyang mag-ama sa kanilang marangyang villa. Naisip niya na marahil ay hindi pa alam ng ibang kamag-anak na nasa bansa na siya. Hindi rin siya nag-reached out lalo na sa tiyuhin sa Baguio dahil tutok siya sa anak. Sa loob ng isang Linggong iyon ay para pa 'ring nananaginip lang siya ng gising sa lahat ng mga nangyayari. Dati hangad lang niya iyon, kumbaga ay naiisip lang niya pero ngayon ay tunay pala. Hindi pa rin maabot iyon ng kanyang isipan pero unti-unti rin niyang napaniwalaan na totoo ang lahat at hindi bahagi ng ibang mundo niya.“Hindi naman niya kailangang araw-araw na pumasok ng school. Masyado pa siyang bata. Thanie, isinali ko lang siya doon para naman may pagkaabalahan siya habang nasa trabaho ako. Ang hirap niyang iwanan at hindi ko naman pwedeng dalhin siya sa office ko at ibang environment iyon sa kanya.” ito ang naging sagot ni Gavin nang magtanong ang
LUMAKAS ANG HALAKHAK ni Bethany na nakababa na ng hagdan. Nilingon niya ang asawa na para bang nalugi ang hitsura sa tinuran ng kanilang anak. Hindi makapaniwala ang kanyang mga mata. Napalingon pa si Bethany sa mga maid na naglilinis ng mga vase ng kanilang villa sa gilid ng hagdan na paniguradong narinig ang usapan ng mag-ama na walang kakwenta-kwenta. Na-back to you agad ng anak ang ama niya. Gusto sanang dugtungan ni Bethany ang pang-aasar ng anak nila sa asawa, kaya lang ay baka naman umiyak na sa inis niya si Gavin.“Gabe, bawiin mo ang sinabi mo. Di ba sabi mo noon gusto mo ng baby brother at baby sister? Anong nangyari? Bakit binabawi mo naman iyon anak? Walang bawian. Sa korte, kapag sinabi mo na at na-record na bawal na iyong bawiin at salungatin.”Nasa hapag na sila pero iyon pa rin ang topic nila. Naiiling na lang si Bethany sa mag-ama. Ini-upo na niya si Gabe na agad hinagilap ang kubyertos niya.“Wala kang ebidensya Daddy na sinabi ko ‘yun. May patunay ka bang maiipakita
PAGKALIPAS NG KALAHATING oras ay tumigil ang sasakyan ni Gavin sa isang kilalang high end kindergarten sa lugar. Sabay na lumabas sina Gavin at Bethany sa loob ng sasakyan upang kunin ang anak nila sa likod. Si Gabe na sa sandaling iyon ay malawak na nakangisi. Iniisip ng bata na ito na ang pagkakataong matagal niya ng pangarap; mabuo sila at makita iyon ng lahat ng mga kaklase niya. Tumatalon-talon pa ang munting mga paa habang hawak ng ama at ina ang tig-isang munting palad habang papasok sila ng gate ng paaralan kung saan napapatingin ang ibang nakakakita sa kanila.“Teacher, ito po ang Mommy ko!” may kalakasang bulalas niya na sinadya upang iparinig iyon sa iba pa. Napalingon ang maestra nila na hindi na nagulat sa sinabi ni Gabe. Alam niya naman kung sino ang asawa ni Mr. Dankworth kung kaya wala na doong kagulat-gulat.“Anong masasabi mo sa kanya, Teacher?”Pa-squat na naupo ang Teacher sa harap ni Gabe at bahagyang hinaplos ang gilid ng panga ng bata na naghihintay ng sagot ni
MULA SA GABING iyon kung saan nasabi na ni Gavin ang lahat sa asawa ay unti-unti silang umayos at bumalik sa normal na pamumuhay. Habang abala si Bethany na ubusin ang oras niya sa anak, unti-unti rin na bumabalik sa trabaho si Gavin hindi bilang abogado dahil mula ng mag-retiro ay wala na siyang planong bumalik pa. Isa na siya ngayong full time businessman na ini-expand ang negosyo sa Asia. May mga business trips, pero sa lahat ng iyon ay sinasama niya ang kanyang mag-ina upang maibsan ang kanyang pag-aalala kapag nasa malayo siya. Nagagawa niyang pagsabayin ang pamilya at negosyo nila.“Kailan mo ba kami papayagang umakyat ng Baguio? Baka magtampo na sina Tita Victoria, Lola Livia at si Tito Giovanni niyan sa akin. Ilang buwan na ako sa bansa tapos hindi man lang ako nagpapakita sa kanila.”“Hindi sila magtatampo. Alam naman nilang sinasama ko kayo ni Gabe sa mga business trips ko.”“So kailan nga, Gavin?”“After natin makipag-dinner sa mga magulang ko.”Nanlaki ang mga mata ni Beth
NANG SUMUNOD NA weekend ay nagpasya ang pamilya Dankworth at Bianchi na magkaroon ng banquet sa mansion ng mga Dankworth. Disguise na family dinner iyon pero lingid sa kaalaman ni Bethany ay pupunta ang lahat ng kapamilya niya doon upang e-surprise siya. Hindi lang iyon, maging ang kanyang ama na si Mr. Conley ay umuwi pa ng bansa kasama ang kanyang asawa na kalaunan ay tinanggap na rin si Bethany bilang anak ng kanyang asawa. “Bakit kailangan pang naka-dress? Hindi ba at normal family dinner lang naman natin iyon kina Mommy at Daddy? Baka naman pagtawanan nila ako na ganito ang ayos ko ngayon, Gavin? Napakabonggan naman yata ng pa-dress.” “Hindi porket sa loob lang iyon ng mansion gaganapin ay hindi ka na mag-aayos, Thanie.” Sa halip na makipagtalo ay sinunod na lang ni Bethany ang gusto ng kanyang asawa. Isa pa, twinning sila ni Gabe na sadyang ipinasadya pa ni Gavin. Iyon ang unang beses nilang gagawin iyon ng anak kung kaya naman pareho silang excited na magkita. Matapos na ayu
HINDI AKMA SA okasyon pero ganun na lang ang gulat ni Bethany sa sinabi ng asawa. Ang tagal niya ng nakauwi pero ngayon niya lang ito nabanggit. Nakokonsensya tuloy siya na ngayon pa niya ito napansing wala ang presensya.“Ano? Bakit niya naman gagawin iyon?” Medyo nakaramdam pa ng pagkakonsensya pa si Bethany dahil hindi niya ito nabanggit sa asawa. Kinukumusta niya ito kay Gavin, pero hindi siya ang literal na nagre-reached out sa hipag. Ni hindi niya nga ito natawagan dati eh at nagui-guilty siya dahil noong nasa hospital siya, nagawa pa siya nitong bantayan kahit na tinakasan niya pa ito dati. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi niyo pa rin ba siya nahahanap hanggang ngayon? Anong taon na?” “Thanie, problemado na tayo noon sa buhay natin iisipin pa ba natin siya? Malaki na siya. Alam na niya ang tama at mali. Saka kung gusto niyang umuwi, palagi namang bukas ang tahanan namin sa kanya. Hayaan mo na ng matuto.”“Matuto? Gavin, Gabriella is your only sister. Noong may problema
NAMILOG NA ANG mga mata ni Bethany nang bumaling kay Briel. Hindi niya namalayan na nakababa na ang hipag. Naburo pa ang mga mata ni Briel sa hipag nang makita niyang namumutla na tila ba may masamang nangyari sa kanyang kapatid na asawa nito. Tinambol pa ang kanyang puso. May bumubulong sa tainga niya na may hindi ito magandang gagawin pero pilit niyang inalis iyon sa kanyang isipan. Hindi naman siguro marahil gagawin ito ng kapatid niya. Hindi ito magpapadalus-dalos ng kanyang desisyon. Nakuha na naman nito ang gusto niya sa kanya eh; iyon ay ang sumama silang mag-ina sa kanya. Ano pa ang ibang gagawin nito? Isa pa ay busy ito sa negosyo niya. “Nasaan si Kuya Gav? Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang aga-aga pa.” kalmado niyang litanya kahit pa alam niyang may mali at ang ugat na naman noon ay ang kanyang problema. “Ganito ba kayo gumising dito? Napakaaga naman.” “Umalis siya. Hindi ko alam kung saan pupunta.” tugon nito na hawak na ang cellphone, hindi na makatingin nang diretso kay
MARIING NAPAPIKIT NA si Briel na agad sinaway ang sarili sa pagbabalik-tanaw niya sa kanilang nakaraan. Malamang ay iiyak na naman siya pagkatapos noon. Hahanapin kung ano ang kulang sa kanya at bakit umabot sila sa ganung sitwasyon. Dama niya na sobrang mahal na mahal siya nito. Sobrang alaga nito. Baby na baby siya. Hindi niya kailangang manlimos ng oras at atensyon dahil walang bayad na ibinibigay iyon ng Governor kung kaya naman mas lalo siyang nahulog. Lalo niya itong minahal. Kung mag-ra-rate nga siya, kumpara kay Albert sobrang mahal niya si Giovanni. Bukod sa nakukuha niya ang kanyang gusto, parang lahat ay posible kapag kasama niya ito. “Tama na, Briel…ikaw na naman ang masasaktan sa ginagawa mo. Kung almost perfect na ang relasyon niyo, bakit nangyari ito? Bakit humantong kayo sa ganito? Kung sinabi ko ba ang tungkol kay Brian, babalik kami sa dati?”Huminga na siya nang malalim. Ipinatong na ang isang braso sa kanyang noo. Dama niya ang pag-init ng mga mata. “Wala namang
TAHIMIK NA NAUPO si Briel sa may counter at pinanood ang kanyang hipag sa ginagawa. Panaka-naka ang sulyap niya sa seryoso nitong ginagawa. Sa anggulo habang nakatitig kay Bethany, napagtanto pa niya kung gaano ito kahawig ng Governor. Sabagay nga naman, ang ina nito ay kapatid ng binata kaya malamang ay malaki ang chance na may pagkakataong magiging magkamukha talaga sila. Napaiwas na sa ginagawa niyang paninitig si Briel nang lumingon si Bethany upang alukin na siya ng inihanda niyang pagkain para sa kanyang hipag.“Halika na dito, Briel, kumain ka na.”Sinamahan si Briel ni Bethany na kumain. Pinanood nito ang kanyang bawat subo na sa totoo lang ay noon niya lang yata muling natikman ang ganun kakasarap na pagkain magmula noong mag-desisyon siyang magtago. Wala naman siyang alam paano magluto. Sa pagsasaing nga ay pahirapan pa sa rice cooker na kanyang binili dahil ilang beses iyong nalugaw at hindi niya matantiya kung gaano karami ng tubig. Nanood naman siya online kung paano gaga
TINUNGO NI BRIEL Briel ang marangyang sofa na nasa sala ng villa. Pagod ang katawang naupo na siya doon. Iginala niya pa ang paningin sa kabuohan ng kanilang tanggapan na naghuhumiyaw ng karangyaan. May mga painting sa wall noon. Family portrait ng kanilang pamilya. Pakiramdam ni Briel, hindi na sanay ang kanyang mga mata sa ganun kagandang mga bagay. Sa loob lang ng dalawang taon, nasanay na siyang maging kabilang ng low class. Mahina siyang natawa para sa kanyang sarili. Naisip na ngayong nakabalik na siya, makakaya niya pa kayang mabalik ang dating siya kahit nariyan na si Brian? Hindi niya sigurado. Parang ang hirap na ibalik ng dating siya. Paniguradong suportado naman siya ng kanyang kapatid at mga magulang, pero para sa kanya si Brian pa rin ang top priority niya in case na mag-resume sila sa kinagisnan niyang buhay noon. Pakiramdam niya pwede pa naman iyon, kaso nga lang ay parang mahirap na.“Ang weird na ng mindset ko na dati make up, physical appearance, nail arts, weekly d
HUMAPDI NA NAMAN ang mga mata ni Briel sa sinabing iyon ng kapatid. Oo na, mali na talaga ang desisyon niya at ang kapatid niya ang nagpa-realize noon. Ilang saglit na tumigil si Gavin sa may pintuan ng kotse upang lingunin lang ang tahimik at nahihikbi na namang si Briel. Tinitingnan niya ang magiging reaction sa kanyang sinabi ng kapatid.“Pamilya palagi ang unang tutulong sa’yo, Briel. Hindi man iyon ma-apply sa ibang pamilya pero sa pamilya natin, ganun tayo. Di ba? Hindi mo nga kami iniwan ni Thanie noong nalulugmok kami, tapos sa ganito mong problema tatalikuran ka namin? Ano ba ang Kuya mo? Nakalimutan mo rin?”Hindi pa rin nagsalita si Briel dahil baka kapag binuka niya ang bibig niya, sumabay na naman ang kanyang mga luha pababa. Bagay na ayaw niyang mangyari. Bago tuluyang makasakay ng sasakyan ay nagising si Brian at agad na dumapo ang mga mata nito sa mukha ni Gavin. Nanlaki ang mga mata ng bata na bahagyang natakot sa bagong mukha ng may karga sa kanya. Ganunpaman ay hind
HINUBAD NA NI Gavin ang kanyang suot na coat at wala ng ano pa mang tanong na lumabas sa kanyang bibig. Tahimik na muli siyang pumasok sa loob ng apartment na ikinadilat na ng mga mata ni Briel. Ilang segundo ang lumipas bago matauhan ang babae at napatanong kung ano ang gagawin sa loob ng kanyang kapatid. Base sa action nito at reaction, nataranta na si Briel doon. Hinabol niya ito at tama nga ang hinala niyang ang anak niya ang pakay ng kapatid. Nadatnan niya kasing nakabalot na si Brian sa coat nitong hinubad at yakap na rin niya ito sa kanyang bisig. Gustong magsisigaw ni Briel pero kapag ginawa niya iyon, magigising niya ang bata.. “Anong ginagawa mo, Kuya Gav!” sigaw niya pero pigil na pigil ang kanyang boses at sa tingin niya lang pinapakita na galit siya para hindi magulat ang anak. “Ibalik mo siya sa kama, baka magising siya!”Hindi pa si Briel nakuntento doon nang makitang parang walang narinig ang kapatid niya. Hinawakan niya ito sa braso upang magmakaawa lang dito na ibab
“Hindi mo ako mauuto, Gabriella. Oras na pumayag ako at iwan kita dito ngayon, malamang pagbalik ko dito ay lumayas ka na. Saan na naman kita hahanapin noon? Hindi mo alam na sa dami ng problema ko, nitong mga nakaraan na sinabayan mo pa talaga—”“Kaya nga sinasabihan kita na huwag ng makialam sa problema ko di ba? Kayo lang naman ng asawa mo ang mahilig pakialaman ang buhay ko. Tahimik na ako dito eh. Huwag niyo ng guluhin. Ayos lang ako. Hindi mo ba maintindihan na ayos lang ako?!”Bago pa makasagot si Gavin ay narinig na nila ang malakas na iyak ni Brian. Sabay silang napatinging dalawa sa kwarto na para bang nakalimutan nilang may bata silang kasama at tulog dahil sa lakas at wagas na mga sigawan nilang magkapatid. Walang pagpipilian ay mabilis ng lumapit si Briel sa kama na nasa loob ng maliit na silid na kurtina lang ang sara ng pinto. Walang sariling dahon ng pintuan iyon na lalong ikinalaki ng mga mata ni Gavin. Sinundan siya doon ni Gavin. Natagpuan na lang nito na tinatapik
HINDI LANG SA puso niya tumatagos ang mga sinabi ng kanyang Kuya Gav lalo na at usapan iyon tungkol sa kanilang mga anak. Marahil nga ay duwag siya at makasarili siya sa paningin ng ibang taong nakakakita sa kanya, pero mahal niya ang anak. Kung gaano kamahal ng kanyang Kuya ang anak nitong si Gabe, ganundin ang katumbas na pagmamahal niya para kay Brian. Magkaiba lang sila ng paraan na pinaparanas na pagmamahal sa kani-kanilang mga supling. Iniisip lang din naman niya ang kapakanan nito sa hinaharap dahil alam niya sa sarili niya na siya lang din naman ang mag-isang magtataguyod dito. Walang katuwang.Mali bang pangarapin niya ang simpleng buhay? Malayo sa gulo. Malayo sa lahat. Hindi naman siguro kalabisan kung ganun ang piliin niyang buhay nila.“Ano bang mali na narito kami? Hindi porket lumaki ako sa mayamang pamilya ay dapat na ganundin siya Kuya Gav. Ang mahalaga ay hindi ko naman—”“Makasarili ka kung ganun! Makasarili ang mindset mo! Bilang magulang hindi dapat ganyan Gabrie
PUNO NG AWANG humagod na ang mga mata ni Gavin sa nakatayo sa harapan niyang bulto ng kapatid na si Briel. Namutla pa doon ang babae na sa mga sandaling iyon ay alam niyang wala na siyang ligtas. Kung tatakbo siya o makikipagtitigan sa kapatid. Hindi niya malaman alinman sa dalawa. Ang tanging sigurado siya ay kailangan niyang magpaliwanag. Kung madaling kausap ang hipag niyang si Bethany, mahirap makipag-deal sa kapatid niyang dating abogado. Kahit alam niyang mahal na mahal siya nito at lahat ng gusto niya ay binibigay nito, iba iyong ngayon. Ang isipin iyon ay lalo para na doong itinulos ang babae lalo pa nang suyurin na ng nag-iisang kapatid niya ang hitsurang mayroon siya ngayon na base sa reaction ni Gavin ay alam ni Briel na hindi ito gusto ng kanyang kapatid. Ilang beses na ibinuka ni Briel ang kanyang bibig ngunit sa huli ay hindi niya magawang makapagsalita. Dumaan kasi sa mga mata ni Gavin ang pinaghalong sakit at awa na hindi nakaligtas sa mga mata ni Briel. Makailang bes