NILINGON NI BRIEL ang ina na nakatingin din sa kanilang banda. Sinundan naman iyon ng tingin ni Bethany kahit na nababalot na siya ng hiya ng mga sandaling iyon. Iniisip na hindi naman siguro nagsumbong si Gavin sa kanila ng tungkol sa away nila kung kaya naroon ang mag-ina ngayon upang kumbinsihin siyang makipagbati sa kanya. Hindi ganun kababaw ang abugado na magpapakampi sa kanila at hihingi ng saklolo dahil sa pagmamatigas niya pa rin. Prenteng nakaupo na ang Ginang ngayon sa sofa na abala na ang mga matang lumilibot sa paligid. Walang anu-ano ay pahaklit na kinuha ni Briel ang isang kamay ni Bethany at hinila na ang dalaga palapit sa kanyang ina. Tututol pa sana doon ang dalaga ngunit sa lakas ni Briel, hindi niya na nagawang umangal at pa nagpabigat ng kanyang katawan para di madala.“Halika, sasabihin ko sa’yo ang dahilan bakit kami napasugod dito ngayon ni Mommy.” Hinayaan ni Bethany na hilahin siya ni Briel. Napilitan na siyang maupo sa harap ng mag-ina na ang mga mata ay pa
NAPALINGON NA SI Bethany sa Ginang. Iyon ba? Iyon ba ang plano ni Gavin kaya pinapunta sila rito? Mababakas na ang pag-aalinlangan sa mukha ng dalaga kung sasagot ba siya sa Ginang o hindi. Sa bandang huli minabuti na lang niyang sabihin ang totoong nararamdaman niya. Kailangan din naman niyang mailabas ang side niya. Hindi iyong puro side lang ni Gavin ang alam nila sa kanilang problema. “Tita, pasensya na po pero ang totoo po niyan—” “Alam namin, Bethany.” agad na pagputol sa kanya ni Briel, alam nila? “Alam namin ni Mommy na hindi pa kayo umaabot sa puntong mag-uusap tungkol sa kasal pero what if magpakasal na lang kaya kayo para naman hindi na kayo nagbabangayan. Itali niyo na sa bawat isa sa mga sarili niyo. Problem solved!”Napaawang na ang bibig ni Bethany. Mukhang na-misunderstand na naman ng mag-ina ang sasabihin. “Doon din naman kayo papunta. Ayos lang naman sa akin na mauna na kayong magpakasal sa amin kahit pa mas nauna akong ma-engaged. Panganay si Kuya Gav sa akin at
SINUNOD NI BETHANY at ni Briel ang utos ng Ginang. Magkaharap silang naupo na sa table at dinampot ang menu ng naturang restaurant. Hindi naman nagtagal at nakapili na sila ng pagkain. Dahil kilala na sila ni Bethany ay hindi na nakaramdam ang dalaga ng anumang pagkailang sa kanilang mag-ina. Parang normal na lang ang makasalo sila sa kabila ng lagay ng relasyon na meron sila ni Gavin ngayon. Maliit ng napangiti ang dalaga. Batid niyang naging bahagi na ng buhay niya ang mag-ina at hindi na mai-aalis pa. Habang naghihintay ng kanilang order na dalhin sa table nila ay pinagsalikop na ni Briel ang mga palad.“Bethany, may tsismis ako.” pagbubukas ni Briel ng kanilang usapan na pinalo pa ang isang braso ng dalaga, “Sinamantala ng producer fiancé ni Nancy sa Canada ang kanyang pagbabalik dito sa bansa para makipagrelasyon sa isang batang modelo doon sa Canada. Iyon ang naging ganti ng lalaking iyon sa pagpili ni Nancy sa kanya kumpara sa kay Kuya Gav na matagal na niyang kasintahan.” kwen
AGAD NAMAN SILANG nakita ng abogado na halos mapunit na ang labi sa lapad at laki ng mga ngiti. Naroon kasi si Bethany na malagkit ang paninitig sa kanya. Wala na siyang inaksaya pang sandali. Inihakbang na niya ang kanyang mahahabang mga binti palapit sa lamesang kinaroroonan nilang tatlo.“Excuse me, extra plate and utensils please!” agaw pa ni Briel ng pansin sa pinakamalapit na waiter.Agad namang tumalima ang waiter nang marinig ang boses ni Briel. “Sorry, I am late.” direkta ang mga mata ni Gavin kay Bethany na sambit matapos na makalapit na doon.Tatayo sana si Bethany upang umalis ng table ngunit agad na inapakan ni Briel ang kanyang paa sa ilalim ng lamesa. Nilingon na niya ang babae na animo ay walang masamang ginawa sa kanya sa ilalim ng mesa.“Flowers for you, Thanie…” Ma-dramang inilagay ni Mrs. Dankworth ang dalawang palad sa kanyang bibig na animo ay kinikilig sa nangyayari. Maya-maya ay ginaya iyon ni Briel na hindi malaman kung natatawa ba o kinikilig sa kanila.“Hi
NAPAKAMOT NA LANG si Mrs. Dankworth sa kanyang ulo at napabuga na lang ng hangin si Briel dito.“Pasensya na po Tita, Briel, mauuna na ako. Marami pa kasi akong kailangang gawin. Magkano po ang share ko?” pilit ang mga ngiting tanong ni Bethany na pinasigla ang hilatsa ng kanyang mukha.“Huwag ka ng magbigay ng share, Thanie. Ako na ang magbabayad.” maagap na salo ni Gavin. Tiningnan lang siya ni Bethany, kapagdaka ay inilipat na iyon kina Mrs. Dankworth at Briel na ang mga mukha ay hindi na maipinta habang nakatitig nang masama kay Gavin. Nang mapansin ang paninitig ni Bethany sa banda nila ng Ginang ay mapagkunwaring mabilis niyang nginitian ang dalaga saka tumango.“Tumayo ka na diyan Gavin at ihatid mo man lang si Bethany!” may himig ng iritasyon iyon sa anak. “Huwag na po Tita, kumakain pa kasi siya saka may sarili po akong kotse.”“Ah, sige…” puno ng panghihinayang na sambit ng Ginang na nilingon si Briel na mahigpit na ang hawak sa tinidor habang nakatitig pa rin sa kapatid n
NAPAANGAT NA ANG mukha ni Bethany at nakitang si Nancy ang istorborbong iyon sa kanila. Parang agos ng tubig na rumaragasang bumalik sa isipan niya ang ginawang kasalanan ng abogado sa kanya. Nagdilim na naman ang paningin niya lalo na nang makita ng dalaga ang malapad na ngiti ni Nancy na parang sinasadya niyang gawin iyon upang asarin siya. May hawak itong documents sa kanyang kamay.“Pumunta ako dito para pag-usapan natin ang tungkol sa kaso. Uhmm, pasensya na naistorbo ko kayo.” mala-anghel ang boses at mukha nitong tanong kahit na halatang sinadya naman niyang gawin iyon. Gusto palakpakan ni Bethany ang babae sa pagiging winner nito ng best actress. “Saglit lang sana…”Nilingon na ni Gavin si Bethany. Siguradong mas magagalit na naman sa kanya ang dalaga. “I-reschedule mo na lang ulit ang next meeting natin. Mukhang may iba kang kailangang asikasuhin at unahin.” may diin ang timbre ng boses niya sa kanyang huling salitang binanggit. “Priority mo siya eh.”Tumayo na si Bethany ku
HINDI NILINGON NI Bethany ang kanyang ama kahit nakita niyang kuryuso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya sa gilid ng kanyang mata. Dire-diretso niyang tinungo ang pintuan upang buksan iyon. Gaya ng kanyang inaasahan. Tumambad sa paningin niya si Gavin. May dala rin itong basket ng prutas. Malaki ang ngiti nito na hindi man lang ikinatuwa ni Bethany kahit alam niyang pinag-effort’an. Sa halip na ppaasukin ang binata ay si Bethany ang lumabas ng pinto at inilapat ang pintuan sa likod niya.“Anong ginagawa mo dito?” “Para personal na makilala ang mga magulang mo.” “Ngayon mo pa talaga naisipang gawin iyan kung kailan tapos na tayo?” binigyan siya ng hilaw na ngiti ni Bethany, ilang beses na umiling. “Hindi na kailangan, Gavin. Sinabi ko na kay Tita na break na tayo.”Nakagat na ni Bethany ang kanyang labi nang makita ang sakit na rumehistro sa mukha ni Gavin. Akmang aalma na naman sana ang binata nang biglang sumigaw ang ama ni Bethany sa loob ng bahay.“Thanie, sino iyan? Bakit h
WALANG NAGAWA SINA Victoria at Bethany kung hindi ang pagbigyan ang hiling ni Benjo. Pumunta ng kusina si Bethany na nakailang mura muna bago niya sinimulang ihanda ang mga prutas na pupulutanin ng dalawa. Kulang na lang ay pinuhin niya ang hiwa ng peras at apple na siyang paborito ng kanyang ama.“Ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka, mas makapal pa kay Albert!” Napalingon na ang dalaga nang marinig niyang umingit ang pintuan at makitang pumasok si Gavin doon. Agad niyang itinuro dito ang kutsilyo na kanyang hawak kaya naman natigilan si Gavin sa paglapit niya. “Thanie, hindi ako ang nag-ayang mag-inom. Gusto ko lang pagbigyan ang Papa mo…ibaba mo iyan. Sige ka, kapag pinakialaman iyan ng demonyo at nasaksak mo ako makukulong ka. Masisira buhay mo.”“Dapat kasi umalis ka na noong pinapaalis kita! Boyfriend? Hiwalay na tayo! Gumising ka nga diyan!” “Sige, lakasan mo pa ang boses mo nang marinig ka sa labas.” Gigil na binalingan muli ni Bethany ang hinihiwa niyang prutas. Inisi
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
BAGAMA’T NATATARANTA AY kalmadong tinawag ni Giovanni ang kanyang secretary at agad na inutusan na alamin kung ano ang nangyayari sa pamangkin niya. Hindi mapalagay ang isipan niya na ganun na lang ang sinabi sa tawag nito. Idagdag pa na biglang naputol ang kanilang linya. Kunot ang noo na ilang beses niya pang tinawagan ang numero ni Bethany ngunit ring lang iyon nang ring. Hindi nawala ang composure ng Gobernador sa harap ng kanyang mga nasasakupan kahit pa parang sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad patungo kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kung saan-saan na tumatakbo ang isipan niya pero pinili niya pa rin ang maging kalmado ang hitsura.“I apologize. Mukhang may emergency lang sa isa sa mga pamangkin ko.” aniya na tinanguan lang ng mga kausap.Samantala, nagdatingan na ang mga rescuers at dahil nasa bungad sina Bethany ng pinangyarihan ay sila ang unang natagpuan ng mga ito at mabilis na sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinimulan na rin tawagan ng mga rescuers a
ILANG SANDALI PA ay parang kidlat na lumiwanag ang buong paligid dahil natanggal ang bubong ng sasakyan nina Bethany kung saan ay natanaw niya ang maliwanag na langit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang makapag-react ng tama. Mabilis niyang tinanggal ang suot niyang seatbelt. Gusto niyang makaalis sa loob ng sasakyan. Iyon ang tanging nasa isip niya dahil natatakot siya na baka iyon naman ang sunod na liparin. Nagawa iyon ni Bethany sa sobrang pagkataranta, ngunit isang malakas na shock wave ang dumating na siyang nagpabagsak sa kanyang katawan at nagpasandal sa malapit na pader ang likod niya. Sa sandaling iyon ay tila nabali ang kanyang balakang sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Hindi na niya napigilan ang buong sistema na balutin ng matinding takot. Hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan na kulang na kulang pa sa buwan. Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang tiyan na biglang nanigas gamit ang kanyang
GAANO MANG PAGTUTOL ang gawin ni Bethany na huwag umalis ang asawa sa araw na iyon ay hindi niya pa rin ito napigilan sa nais. Sa halip din na si Briel ang kanyang kasama sa paghatid dito sa airport ay si Manang Esperanza iyon dahil hindi agad nasabihan si Briel na mayroong lakad ng araw na iyon. Ganundin si Mrs. Dankworth na may importanteng pupuntahan. Ihahatid lang din naman siya ni Manang Esperanza sa mansion ng mga Dankworth at aalis na rin ang maid upang bumalik sa penthouse at ituloy ang ginagawa nitong paglilinis. Iyon ang malinaw na usapan nila bago umalis ng bahay. Dala na rin ni Bethany ang mga gamit niya para sa tatlong araw na pananatili sa mansion. “Babalik din ako agad, Thanie…” sambit ni Gavin nang itulak niya ang pintuan ng sasakyan sa gilid niya nang marating nila ang airport, “Huwag ka ng bumaba. Hmm? Dito ka na lang sa loob ng sasakyan at umalis na rin kayo agad para makapagpahinga ka ng maaga sa mansion.”“Hindi naman ako sasama sa’yo sa loob. Huwag mo nga akong
ILANG ARAW NA lihim na pinag-isipang mabuti iyon ni Gavin na sa bandang huli ay nagpasya na sasaglit siya sa ibang bansa. Pupuntahan niya ang kliyente. Sisikapin niyang matapos ang kasong iyon sa loob lamang ng tatlong araw upang makabalik siya agad ng Pilipinas. Inaasahan na niyang hindi papayag ang asawa oras na sabihin niya ang bagay na iyon, pero ang hirap para sa kanyang talikuran ang tungkulin niya na siumpaan niya at hindi niya ito matiis na hindi gawin lalo na at may buhay na manganganib na maparusahan kung hindi siya ang haharap at makikipaglaban. Ang ipagtanggol sa batas ang mga taong walang kasalanan. Hindi siya silaw sa halagang ibabayad nito pero gusto niyang tumulong doon sa kaso. Sisiw lang iyon sa kanya kung kaya naman ang laki ng tiwala nila. Hindi niya naman sila masisisi doon.“Stable naman ang lahat ng check up sa baby natin at sa’yo kaya wala namang magiging problema, Thanie. Tatlong araw. Bigyan mo lang ako ng tatlong araw. Pagkalipas ng tatlong araw na iyon nari
NATATAKOT SI GAVIN na baka kapag nalaman ito ng asawa ay makaapekto iyon nang mas malala. Hindi lang sa pagsasama nila, kundi pati na rin sa kalagayan ngayon ng asawa. Bagay na hindi niya makakayang mangyari. Kaya naman ang plano niyang dalhin iyon sa hukay ay mas nadepina pa sa araw na iyon. Hinding-hindi niya ito sasabihin. Anuman ang mangyari hindi niya ipapaalam kay Bethany iyon kahit na alam niyang sobrang unfair nito sa asawa niya.“Oo isa lang, Rina. Paano kaya gumawa ng dalawa? Iyong iba ang galing-galing. May tatlo pa nga di ba? Sana all na lang sa kanila.” Napahawak na si Bethany sa tiyan sabay ngiti nang malapad sa mga kaharap nila, mga ngiting ayaw maglaho ni Gavin oras na malaman nito ang kanyang lihim. Mabuti pa na siya na lang ang nakakaalam noon kaysa naman mas kamuhian siya ng asawa niya kung pipiliin niyang maging tapat sa kanya. Hindi iyon kalabisan ng pagmamahal niya sa asawa.“Ah, hati ang makukuha niyan sa inyo gaya ng baby namin. Hati ang mukha niya sa amin. P