LIMANG BUWAN ANG matuling dumaan mula sa gabing una at huling beses na bumisita si Gavin sa bahay nina Bethany. Sa loob ng mga buwan na iyon ay marami ang mga nangyari. Naging successful ang pagbubukas ng music center nina Miss Gen at Bethany. Naging matunog ang pangalan ng kanilang training center at iyon ang naging #1 na malaking training music center sa lugar wala pang kalahating taon ang nakakalipas. Nakilala pa si Bethany na magaling na teacher at the same time ay may-ari ng music center. Dumagsa ang mga students na nais matuto sa ilalim ng pagtuturo niya na mostly ay violin at piano, saka voice lesson ang kinukuha na mula pa sa mga kilalang pamilya sa buong kapuluan. Humaba ang reseverved ng line up na nagnanais na mapabilang sa mga estudyante ng music center. Marami na rin ang mga lumahok sa patimpalak at hindi nabibigo na mag-uwi ng karangalan nang dahil sa husay.“Grabe ang talentado mo talaga, Miss Guzman. Wala na akong masabi pa sa iyo.” pumapalakpak na turan ni Miss Gen na
UNANG LINGGO NG December nang imbitahin ni Rina si Bethany sa isang dinner. Mula ng maging busy ang dalaga ay nawalan na rin siya ng panahong makipagkita sa bestfriend niya. Naunang dumating si Rina sa usapan nilang lugar kung kaya naman pagdating ng dalaga doon ay iginala niya ang mga mata upang hanapin ang table ng kanyang kaibigan. Hindi nagtagal ay natagpuan niya iyon. Nagmamadali na siyang lumapit dito dahil halatang naiinis ito sa kanya. “Huwag ka ngang sumimangot at bigyan ako ng mga tinging ganyan, hindi ka mukhang bata!”Inirapan siya ni Rina na abala sa kinakain niyang ice cream na nasa cup. “Girl, ayos lang ba ako sa cravings ko ngayon? Gusto ko ng magkaroon ng anak.” Nakangangang biglang napaupo na si Bethany sa harapan ng kanyang kaibigan. Alam niya ang sitwasyon nito sa kabila ng pagiging busy niya sa kanyang buhay. Ang gaga, nakipagbalikan na naman sa asawang si Zac na ang buong akala ni Bethany ay nakipaghiwalay na base sa huling beses na nangyari sa kanilang pagita
SENERYOSO NI BETHANY ang naging invitation ng kaibigan sa kanya sa dinner ng wedding anniversary nito kinabukasan. Nagpa-saloon pa ang dalaga at nagpa-spa bago bumalik ng kanyang apartment upang magpalit ng kanyang damit. Sinigurado niyang kaaya-aya ang kanyang hitsura. Ewan ba niya, malakas ang pakiramdam niya na makikita niya doon si Gavin. Malakas ang kutob niya. Baka kapag hindi ayos ang hitsura niya ay isipin nitong pinabayaan niya ang kanyang sarili kaya marapat lang na ipakita niyang inaalagaan niya ang sarili kahit na wala na silang relasyong dalawa. Naglagay pa siya ng halos invisible na clip sa gilid ng buhok upang huwag maging abala ang mga ilang hibla nito sa mukha niya. Ang akala ni Bethany ay ni-rentahan nina Rina at Zac ang buong restaurant para sa selebrasyon, ngunit mali ang hula niya dahil pagdating niya doon ay saka pa lang niya nalaman na VIP room lang pala ang kinuha ng mag-asawa. Ibig sabihin hindi malaki ang space at hindi rin naman gaanong maliit. Kumbaga, sakt
NAUMID NA ANG dila ni Bethany. Hindi niya na alam kung ano ang isasagot niya. Nanatili ang kanyang mga mata sa mukha ng abogado na nakangiti pa rin sa kanya. Biglang naging slow motion ang takbo ng paligid nila. Iyong tipong sa paningin nila ni Gavin ay silang dalawa lang ang taong naroroon. Itinaas at baba pa ni Gavin ang kanyang dalawang kilay na para kay Bethany ay hindi naman ito nakakaasar. Bagkus ay kinikilig pa nga siya na parang isang teenager na sa unang pagkakataon ay pinansin ng kanyang crush.“Limang buwan na iyon, Thanie…” ulit pa ni Gavin na itinaas ang isang palad upang ipakita sa kanya.Ibinuka ni Bethany ang kanyang bibig upang sagutin na sana ang tinatanong nito ngunit hindi na iyon natuloy nang matinis na umalingawngaw sa paligid ang mahinang pagpalo ni Rina sa hawak niyang baso ng wine na kanyang hawak. Napunta na ang buong atensyon ng lahat ng bisita ng mag-asawa sa kanila, kabilang na sina Gavin at Bethany. Nakatayo silang dalawa ni Zac sa may unahan ng nasabing
PA-KIYEMENG NGUMITI LANG si Bethany sa tinurang iyon ni Gavin. Hindi ito nagbago. Ang bolero pa rin. Bumalik na sa table nila ang mga sumasayaw na pareha kanina sa saliw ng violin at nag-planong simulan na ang inuman nila na una pa lang ay napag-usapan na. Iyon lang kasi ulit ang pagkakataong nagkasama-sama ang mga ‘to. “Simulan na. Lumalalim na ang gabi.”Tumayo si Bethany upang magpaalam na gagamit ng banyo nang malakas na mag-ring ang cellphone ni Zac. Naburo ang lahat ng pares ng mga mata sa kanya. Sinulyapan iyon ng lalaki at nang makitang si Audrey ay hindi niya pinansin iyon. Sumenyas ito sa mga kaharap na bisita na ituloy na ang inuman.“Simulan niyo na. Huwag niyo ng pansinin.”Salit-salitan na tiningnan ni Bethany ang mag-asawa. Muli kasing tumunog ang cellphone at nagbago na ang expression ni Zac. Nang lumipat ang mga mata ng dalaga sa kaibigan niyang si Rina, nakita niyang intact pa rin ang postura nito kahit na alam niyang sa kaloob-looban ng babae ay nagngangalit na. Sy
NILAPITAN NA SI Rina ni Bethany upang aluin ulit. Isa pa nahihiya na siya sa ginagawa nitong pag-atungal.“Rina, tama na. Sabi ko naman kasi sa’yo—”Pinalo ni Rina ang kamay ni Bethany na sumubok na hawakan ito at pamartsa na siyang malalaki ang hakbang na nagtungo sa VIP room. Kinakabahan ng hinabol siya ni Bethany. Batid niyang may masama itong gagawin. Kilalang-kilala niya ang kaibigan. Hindi nga siya nagkamali. Pagdating niya doon ay hawak na niya sa braso si Ramir, isa sa mga kaibigan nina Gavin. Inaayang umalis. Natutop na ni Bethany ang bibig na lumipad na ang mata kay Gavin na nagtatanong na ang mga tinging ipinupukol sa kanya kung ano ang nangyayari. Umiling siya. Si Rina ang kailangan niyang unahin. Hindi ito pwede na mapariwara sa harapan ng mga bisita niya.“Samahan mo ako sa club, Ramir. Tutal wala naman na si Zac at pumunta sa babae niya. Gusto kong uminom at magpakalasing…”Naagaw na ang halos lahat ng mga bisita nito ang kanyang bulgar na sinabi sa lalaki. Nangapal na
KAGAYA NG SINABI ni Gavin, bumalik nga si Zac bago pa man makalabas ng silid si Bethany. Bumalik ang lalaki dahil nahihiya siya sa kanilang mga bisita na ang paalam lang niya ay may saglit aasikasuhin.“Nasaan si Rina?” Natahimik ang lahat ng nasa VIP room. Walang sinuman ang may nais na isumbong si Rina. Sa pagkakataong iyon ay kampi ang mga naroon sa asawa nito dahil alam nila kung paano naging maloko si Zac. Alam nilang si Audrey ang dahilan kung bakit ito umalis at hindi nila alam na buntis na pala ito. “Umalis na siya? Iniwan niya kayo dito?!” Napipikon na si Bethany doon na parang kasalanan pa ng kaibigan niya kung bakit wala na ang asawa nito. Akmang pabalagbag na niya sanang sasagutin ang lalaki nang gagapin ni Gavin ang isang kamay niya at ang abogado na mismo ang nagsalita upang sagutin ang katanungan ni Zac. “Tama ka, Zac. Umalis na ang asawa mo.”Ang buong akala ni Bethany ay iyon lang ang sasabihin ni Gavin. Ngunit bigla niya itong dinugtungan.“Kasama niya si Ramir.”
PINANOOD NI GAVIN na mabagal na umalis ang sasakyan ni Bethany. Kaya niya gusto pa itong makasama ay dahil plano niya sanang magnakaw ng yakap sa dalaga. Kaya lang bigo siya. Ayaw naman niyang maging kagaya siya dati dahil baka nasasakal si Bethany sa mga ginagawa niya noon kung kaya naman mas lalo itong kumakawala. Gusto niyang makuha muli ang loob ng dalaga at hindi pwersahin.“Gusto kong makuha siya sa paraan na hindi siya napipilitan kagaya noon.” mahinang bulong pa nito. Habang papaalis ng parking ay hindi nakaligtas kay Bethany ang malungkot na expression ng mukha ni Gavin na ni-reject niya. Sana pala ay pinagbigyan niya ito kung isang oras lang naman pala ang gusto. Iwinaglit niya ang isiping medyo nakokonsensya siya. Tama lang iyon. Tama ang naging desisyon niya. Dumiretso siya sa apartment niya. Ilang minutong nagtagal sa parking. Sinubukang tawagan si Rina. “Buti naman at hindi na nakapatay ang cellphone mong babae ka!”Nalaman niya mula sa kaibigan na nahanap raw ni Zac a
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw
BAGAMA’T NATATARANTA AY kalmadong tinawag ni Giovanni ang kanyang secretary at agad na inutusan na alamin kung ano ang nangyayari sa pamangkin niya. Hindi mapalagay ang isipan niya na ganun na lang ang sinabi sa tawag nito. Idagdag pa na biglang naputol ang kanilang linya. Kunot ang noo na ilang beses niya pang tinawagan ang numero ni Bethany ngunit ring lang iyon nang ring. Hindi nawala ang composure ng Gobernador sa harap ng kanyang mga nasasakupan kahit pa parang sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad patungo kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kung saan-saan na tumatakbo ang isipan niya pero pinili niya pa rin ang maging kalmado ang hitsura.“I apologize. Mukhang may emergency lang sa isa sa mga pamangkin ko.” aniya na tinanguan lang ng mga kausap.Samantala, nagdatingan na ang mga rescuers at dahil nasa bungad sina Bethany ng pinangyarihan ay sila ang unang natagpuan ng mga ito at mabilis na sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinimulan na rin tawagan ng mga rescuers a
ILANG SANDALI PA ay parang kidlat na lumiwanag ang buong paligid dahil natanggal ang bubong ng sasakyan nina Bethany kung saan ay natanaw niya ang maliwanag na langit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya nagawa pang makapag-react ng tama. Mabilis niyang tinanggal ang suot niyang seatbelt. Gusto niyang makaalis sa loob ng sasakyan. Iyon ang tanging nasa isip niya dahil natatakot siya na baka iyon naman ang sunod na liparin. Nagawa iyon ni Bethany sa sobrang pagkataranta, ngunit isang malakas na shock wave ang dumating na siyang nagpabagsak sa kanyang katawan at nagpasandal sa malapit na pader ang likod niya. Sa sandaling iyon ay tila nabali ang kanyang balakang sa lakas ng kanyang pagkakabagsak. Hindi na niya napigilan ang buong sistema na balutin ng matinding takot. Hindi para sa kanyang sarili kung hindi para sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan na kulang na kulang pa sa buwan. Wala sa sarili niyang niyakap ang kanyang tiyan na biglang nanigas gamit ang kanyang
GAANO MANG PAGTUTOL ang gawin ni Bethany na huwag umalis ang asawa sa araw na iyon ay hindi niya pa rin ito napigilan sa nais. Sa halip din na si Briel ang kanyang kasama sa paghatid dito sa airport ay si Manang Esperanza iyon dahil hindi agad nasabihan si Briel na mayroong lakad ng araw na iyon. Ganundin si Mrs. Dankworth na may importanteng pupuntahan. Ihahatid lang din naman siya ni Manang Esperanza sa mansion ng mga Dankworth at aalis na rin ang maid upang bumalik sa penthouse at ituloy ang ginagawa nitong paglilinis. Iyon ang malinaw na usapan nila bago umalis ng bahay. Dala na rin ni Bethany ang mga gamit niya para sa tatlong araw na pananatili sa mansion. “Babalik din ako agad, Thanie…” sambit ni Gavin nang itulak niya ang pintuan ng sasakyan sa gilid niya nang marating nila ang airport, “Huwag ka ng bumaba. Hmm? Dito ka na lang sa loob ng sasakyan at umalis na rin kayo agad para makapagpahinga ka ng maaga sa mansion.”“Hindi naman ako sasama sa’yo sa loob. Huwag mo nga akong
ILANG ARAW NA lihim na pinag-isipang mabuti iyon ni Gavin na sa bandang huli ay nagpasya na sasaglit siya sa ibang bansa. Pupuntahan niya ang kliyente. Sisikapin niyang matapos ang kasong iyon sa loob lamang ng tatlong araw upang makabalik siya agad ng Pilipinas. Inaasahan na niyang hindi papayag ang asawa oras na sabihin niya ang bagay na iyon, pero ang hirap para sa kanyang talikuran ang tungkulin niya na siumpaan niya at hindi niya ito matiis na hindi gawin lalo na at may buhay na manganganib na maparusahan kung hindi siya ang haharap at makikipaglaban. Ang ipagtanggol sa batas ang mga taong walang kasalanan. Hindi siya silaw sa halagang ibabayad nito pero gusto niyang tumulong doon sa kaso. Sisiw lang iyon sa kanya kung kaya naman ang laki ng tiwala nila. Hindi niya naman sila masisisi doon.“Stable naman ang lahat ng check up sa baby natin at sa’yo kaya wala namang magiging problema, Thanie. Tatlong araw. Bigyan mo lang ako ng tatlong araw. Pagkalipas ng tatlong araw na iyon nari
NATATAKOT SI GAVIN na baka kapag nalaman ito ng asawa ay makaapekto iyon nang mas malala. Hindi lang sa pagsasama nila, kundi pati na rin sa kalagayan ngayon ng asawa. Bagay na hindi niya makakayang mangyari. Kaya naman ang plano niyang dalhin iyon sa hukay ay mas nadepina pa sa araw na iyon. Hinding-hindi niya ito sasabihin. Anuman ang mangyari hindi niya ipapaalam kay Bethany iyon kahit na alam niyang sobrang unfair nito sa asawa niya.“Oo isa lang, Rina. Paano kaya gumawa ng dalawa? Iyong iba ang galing-galing. May tatlo pa nga di ba? Sana all na lang sa kanila.” Napahawak na si Bethany sa tiyan sabay ngiti nang malapad sa mga kaharap nila, mga ngiting ayaw maglaho ni Gavin oras na malaman nito ang kanyang lihim. Mabuti pa na siya na lang ang nakakaalam noon kaysa naman mas kamuhian siya ng asawa niya kung pipiliin niyang maging tapat sa kanya. Hindi iyon kalabisan ng pagmamahal niya sa asawa.“Ah, hati ang makukuha niyan sa inyo gaya ng baby namin. Hati ang mukha niya sa amin. P