SYD
NAGAGANAP ngayon ang championship game ng Inter-Barangay Women’s Basketball Summer League sa aming lugar. Halos hindi mahulugang karayom ang loob at labas ng covered court dahil sa dami ng mga taong nanonood. Kaniya-kaniyang pusta. Kaniya-kaniyang sinusuportahang kuponan. At siyempre, hindi mawawala ang mga diehard na fans. Halos mapatiran na nga sila ng litid sa leeg, basta mai-cheer lang ang mga manlalarong hinahangaan. “Tumira ng tres... pasok! NUMBER 14, Santos! Three points!” Kasunod na ay ang mga nakakabinging hiyawan mula sa mga taong nanonood. Sinabayan pa nang napakalakas na pagdagundong ng tambol, na sinadya pa talagang dalhin sa loob ng mga sira-ulo kong katropa. Talaga namang nakakabuhay ng dugo ang naging mainit na pagsalubong sa akin ng mga kabaranggay ko. Na-miss ko talaga ang pakiramdam nang kakaibang adrenaline rush na ito— sobra! Halos limang taon din kasi akong namalagi sa probinsya ng Ilocos Sur, simula noong kupkupin ako ng bunsong kapatid na babae ni papa. Sa loob ng mga panahon na iyon ay nagtrabaho ako sa grocery store ni Tita Allyson. Nakapangasawa ng Afam si tita, kaya ayon, nakaluwag-luwag siya sa buhay. Minsan, bagger ako roon o 'di naman kaya ay tagasalansan ng mga bagong deliver na produkto. Pero madalas, sa kaha ako itinotoka ni tita. Na-stroke kasi dati si papa. Mga nasa dies y siete años na ako noong mga panahon na iyon at kasalukuyang naka-enroll bilang second year college student sa Unibersidad ng Saint Clare. Parehas kaming dalawa ng kababata kong si Maggi ng kinuhang kurso, BS in Secondary Education, Major in History. Magkaklase pa nga kami noon, eh. Iyon nga lang hindi ko na nagawa pang makapagpatuloy dahil nga sa nangyari. Ako na ang nagkusang huminto sa pag-aaral. Kinailangan kong gawin iyon upang matulungan ang pamilya ko sa pang-araw-araw namin na gastusin. Tutol man si mama sa naging desisyon ko ngunit wala na rin siyang nagawa. Hindi man siya magsalita, alam ko at nararamdaman ko na nahihirapan na siya sa kakaisip kung paano niya kami bubuhayin na mga anak niya. Pang-apat ako sa magkakapatid at mayroon pang apat na mas nakababata ang sumunod sa akin. In short, walo kaming lahat. At sa walong iyon ay ako lang ang nag-iisang lumabas na babae, na nagpakatomboy pa. “Wow! Ang galing talaga ng babyloves ko! I love you, my Baby Syd! Galingan mo pa ang pag-shoot!” Namumukod tanging matinis at malakas na sigaw na rumehistro sa aking tainga. Grabe iyon, ha! Dinaig pa ang megaphone sa lakas ng bunganga. Otomatikong lumaki ang butas ng ilong ko nang mahagip ng mga mata ko kung kanino nagmula ang nakaririnding boses na iyon. Sinasabi ko na nga ba at si Ate Sol iyon, ang makulit na kasambahay ng mga Balbuena. Napailing ako ng de oras. Mabilis kong iniiwas ang walang kaamor-amor na pagkakatingin sa kaniya at sinulyapan ang malaking digital timer na patuloy pa rin sa pagbabawas sa mga natitirang minuto ng laro. Kasama rin si Maggi sa mga nanonood ngayon. Hindi rin nagpapahuli sa kakatili ang kulasa, kasama ang ilan pa naming mga kaibigan, na kapit-bahay lang din naman namin. Nagkatinginan pa nga kaming dalawa, sabay kaway niya sa akin. Bilang tugon, tinanguan at nginitian ko naman siya. Pero wala naman talaga sa kaniya ang atensyon ko. Sinipat ko ang mga nasa tabi ni Maggi. Nagbabakasakali na masilayan ang taong tunay na dahilan kung bakit ko kina-career ang pagpapasikat dito. Ngunit bigo akong makita siya. Bigla tuloy akong nawalan ng gana. Habang tumatakbo ay nagagawa ko pa ring hagurin ng tingin ang bawat tao na madaanan ko. Nagbabakasakali na baka natabunan lamang siya ng ibang mga nanonood. Nasaan ka na ba kasi? protesta ng utak ko. “CINDERELLA, salo!” sigaw sa akin ni Lhian, na siyang ikinagulat ko. Masasalo ko na sana ang bola, ngunit huli na. Hindi ko na nagawang mahawakan pa ito dahil mabilis na itong naagaw ng isa sa mga kalaban namin. “Buwisit!” himutok ko. Hindi nakalusot sa akin ang pagkunot ng noo ni Lhian. Iiling-iling na lang nitong sinundan ang tomboy na nakaagaw ng bola. “Focus, tsong! Focus! Lumilipad na naman iyang utak mo, eh!” inis na singhal sa akin ng isa pa naming kakampi na si Penpen. Aba at inismiran pa ako ng loka! Hindi ko na lang pinansin ang topakin na iyon at sumunod na lang din ako sa kanila sa pagtakbo. “Ang galing mo talaga, crush! Wala ka pa ring kupas! Welcome back sa Barangay Maharlika!” “Ipanalo mo na ‘yan, idol!” “Love you, lods You’re the best!" Ilan lamang sa mga pahapyaw na sigaw ng mga lalaking nalalampasan ko. Napaismid ako. Alam ko naman kasi na para sa akin ang ginagawa nilang pagpapalipad-hangin na iyon.● WALA kaming humpay sa pag-aasaran ng mga ka-teammates ko, habang masayang tinatahak ang daan papunta sa amin. Sa bahay na rin namin nagpahanda nang kaunting salo-salo para sa Team Maharlika si Kapitan Ely. Pa-congratulate niya raw iyon, para sa pagkakapanalo namin sa liga. Bukod pa roon, sa amin din kasi talaga ang tambayan ng mga katropa kong tomboy sa tuwing natatapos ang laro namin sa court. “Oh, ‘di ba? Ang galing ko? Kung hindi dahil sa pamatay kong tira, hindi sana tayo ang magcha-champion ngayon!” nagmamalaking saad ko habang hawak-hawak ang natanggap kong tropeo sa pagkakapanalo bilang Most Valuable Player ng liga. “Sus! Yabang nito!” pambabara sa akin ni Penpen. “Ang sabihin mo, mabuti at sumablay iyong last free-throw ng number 23 kanina. Kung hindi, malamang na sa kangkungan tayo pupulutin ngayon!” natatawang tugon niya, habang pinupunasan ang namumutaktak na pawis sa kaniyang ulo. Senegundahan naman nang katakot-takot na kantiyaw ng iba pa naming katropa ang pang-aasar na ginawa sa akin ng impaktang tibo na iyon. Natahimik ako. Tinaasan ko na lang sila ng kilay, sabay tulis ng nguso. Hindi ko na lang pinatulan ang toyo ni Penpen. Balewala naman talaga sa akin ang lahat ng mga pang-aasar na sinasabi nila. Alam ko naman kasi na biruan lang sa amin ang lahat. Simula no'ng napagpasyahan kong magpakatomboy ay nasanay na ako sa mga kalokohang lumalabas sa bunganga ng mga kababata kong ito. Sumabay na rin sa amin sa paglalakad sina Maggi at Ate Sol. Iisang kalsada lang din naman kasi ang dadaanan namin pauwi. “Kumusta na ang baby mo, Maggi?” Pang-uusisa ko sa kaniya. “Mabuti at pinayagan ka pa ng Ku– este... ng mommy mo na lumabas kahit gabi na. Sino ang nagbabantay ngayon kay Heaven? Si Tita Lillian, kumusta?” magkakasunod na tanong ko. Napangiting bigla si Maggi at tinapunan ako ng isang nang-aasar na tingin. Nahulaan ko na ang ibig sabihin ng mga tingin niyang iyon kaya pinamulahanan tuloy ako ng mukha. “Okay naman si mommy, Cin–“ “Syd, Maggi... Syd.” Mabilis na pagtatama ko sa sana ay itatawag niya sa akin. Napakagat naman siya sa kaniyang pang-ibabang labi bago muling nagsalita. “O-okay... Syd!” Mariin niyang bigkas. “So, ayon na nga, okay naman si mommy. Kahit papaano ay unti-unti na rin siyang nakaka-recover sa pagkawala ni daddy. Hmm... gano'n din naman si baby. Ayon at si Callex na muna ang nagbabantay sa bulinggit,” sagot niya. Tumango-tango ako. “Mabuti naman kung ganoon,” mahinang sagot ko. “Teka... mukhang may nakalimutan ka pa yatang itanong, ah?” Panunuksong turan niya sa akin. Inirapan ko si Maggi, ngunit hindi ko mapigilan ang mapangiti. “Uy! Nagba-blush siya!” pang-aasar niya ulit. Grabe! Nag-init bigla ang magkabilang pisngi ko! Ganoon ba talaga ako kahalata, pagdating sa kaniya? “Sira!” birong singhal ko, para naman hindi ako magmukhang guilty sa sinabi niya. “Ah, basta! Ipakilala mo ako sa bago mong boyfriend, ha?” panlilihis ko sa usapan. “Para makilatis natin kung talagang matino ba o baka kasing baliw lang din ng ex mo.” Napatawa tuloy si Maggi sa sinabi ko. “Hay, naku! Baby Syd! Mabait talaga si Sir Callex, promise!” sabat ni Ate Sol. Napakislot ako nang bigla na lamang itong lumingkis sa isang braso ko. “A-ano ba, ate... kailangan pa po ba talagang gumanyan?” asiwang saad ko sa kinikilig pa ngayong babae. Kung hindi lang masamang pumatol sa nakatatanda, malamang na kanina ko pa ito pinatalsik! “Ito talaga si Ate Sol. Simpleng tsansing din, eh!” natatawang panggagatong ni Maggi. Hinawakan na rin niya ang isang braso ni Ate Sol upang maihiwalay ito sa akin. “Oh, siya, Syd, mauna na kami sa inyo,” pagpapaalam ni Maggi nang makarating na kami sa kanto ng Street nila. “Don’t worry. Next time, ipapakilala na kita sa Honey Ko, okay? Congratulations ulit sa inyo!” huling saad niya bago sila tuluyang nagpaalam. “Syd, sandali!” Napalingon ako sa gawi ng lalaking biglang tumawag sa pangalan ko, si Nikki. Tumatakbo na ito palapit sa amin. Ilang beses ang ginawa kong pagtango ng ulo sabay fists bump, pagkalapit niya sa kinapupuwestuhan ko. “Tsong, kumusta? Ano ang sa atin?” pabungad ko sa kaniya. “Napanood ko pala iyong laro niyo,” hinihingal niyang saad nang hindi natatanggal ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi. “Ah, ganoon ba? Salamat, ha,” nahihiyang sagot ko. “Oo, grabe! Ang galing mo talaga, Syd! Lalo na iyong pagdribol mo... nakakabuhay.” Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa nakakalokong banat ng sira-ulong ito. “Ano ang sabi mo?” pikon na tanong ko sa kaniya. Napansin din niya siguro ang pag-iiba ng timpla ko kaya agad din niyang binawi ang kalokohang sinabi niya. “Este– i-ibang klase. Oo, oo! Ibang klase! Tama! Ibang klase nga!” kandautal na sagot ni Nikki. “Ahh... okay, akala ko kung ano na, eh. Oh? Bakit mo nga pala ako hinahabol, ha? May kailangan ka ba?” may pagtataray na tanong ko. “Ahm... puwede ba magpa-picture? Ipo-post ko lang sana sa social media account ko,” nahihiyang tugon niya. “Noreen, paki-picturan naman kami ng crush ko, oh!” sabay abot ng cellphone niya sa isang kasama ko. “Uy! Grabe siya! Kay Syd ka lang talaga magpapapicture? Aba! Paano naman kami? Kasali rin naman kami sa mga nagpanalo sa Team Maharlika, ah!” panlolokong hirit ni Noreen habang may pang-aasar na tinitingnan si Nikki. “Oo nga, Nikki! Hindi naman puwedeng si Syd lang!” makulit na singit ni Lhian. Nagsunuran na rin sa kaniya ang iba pa naming kagrupo at kaniya-kaniya na ang ginawang pagpo-posing ng mga ito. Wala nang nagawa pa si Nikki nang matabunan na siya sa puwesto ng mga lesbiyanang kasama ko. “Ang lagay ba niyan, eh, si Syd na lang ang palaging bida? Siyempre dapat kami rin. Kaya sige na, Noreen, picturan mo na kami!"● ILANG lote na lang ang pagitan at malapit na rin kaming makarating sa amin. “OMG!” mahinang usal ko. Bahagya akong napahinto sa paghakbang nang masilayan ko ang isang pamilyar na motorsiklo na nakaparada sa harapan ng aming bakuran. Hindi na ako mapakali. Tila may nagsisirko ngayong mga bulate sa loob ng aking tiyan! Ilang beses ang ginawa kong paglunok, kahit na tuyot naman ang aking lalamunan. Ang puso ko... hindi na magkandahupa sa paglundag! Ang taong kanina ko pa gustong makita, nasa amin pala?! “Hoy! Ano na? Napahinto ka na riyan?” sita sa akin ni Lhian na nakapagpabalik sa akin sa katinuan. “O–oo, oo. A–ano nga ba ulit iyon?" Inismiran ako nito sabay arko ng isang kilay.“Bahay mo kaya ito kaya ikaw ang maunang pumasok!” “O-oo nga... sabi ko nga. Ito na, oh! Papasok na!” Sabay irap ko sa kaniya. Iiling-iling na naman itong sumunod sa akin. Nagsunuran na rin pumasok ang iba pa naming mga kasama. “Oh! Nandito na pala ang prinsesa namin, eh!” masayang salubong sa akin ng Kuya Lemy ko. Napansin ko na marami na ang mga bisita sa loob, pero hindi ko nakita kung sino-sino ang mga iyon dahil nahaharangan sila ni kuya. Napayuko ako sabay kamot ng ulo. Hindi ko maiwasang sumimangot. “Kuya naman, eh! Parang tanga lang? Nakikita mo naman ang hitsura ko, tapos sasabihan mo akong prinsesa? Baliw ka ba?” himutok ko. Nilapitan ako ni kuya. Ni hindi niya man lang pinansin iyong sinabi ko. Mukha ngang tuwang-tuwa pa ito sa ginawa kong pabalang na pagsagot sa kaniya. Nalipat ang tingin niya sa hawak kong tropeo. Kinuha niya ito mula sa akin at may pagmamalaking iniharap paangat sa mga bisitang nakatunghay sa amin. “Tingnan niyo, mga ‘tol! May umuwi na namang MVP sa pamilya!” tuwang-tuwang balita ni kuya sa mga ka-tropa niya. “Hi, Cinderella!” mula sa pamilyar na boses ng taong tumawag sa akin. Dahan-dahan ang ginawa kong pagtingin sa kaniya. Tila ba nag-slow motion ang lahat ng nasa paligid ko. Naestatwa ako dahil sa hindi inaasahang makikita. Para bang may kung anong bumara sa dibdib ko, na siyang pansamantalang ikinatigil ng aking paghinga. "Miguel?” mahinang usal ko.SYD TILA huminto sa paglakad ang oras nang muling magtama ang aming paningin. Hindi ako agad nakahupa. Mabilis na naglakad si Miguel papunta sa direksyon ko at isang napakatamis na ngiti ang isinalubong sa akin. “Kumusta ka na, Cinderella? Lalo ka yatang gumawapo ngayon, ah!” biro niya sa akin. Ito ang unang beses na muli kong narinig ang baritono niyang boses mula sa napakahabang panahon na hindi ko siya nakita. Sinubukan kong inormal ang tila abnormal na pagkakatibok ngayon ng puso ko. Kung anong angas ko sa pagsagot kanina kay Kuya Lemy ay siya namang lambot ko kay Miguel. “H-hindi naman masyado, Kuya Migs. Medyo lang.” Gusto kong batukan ang sarili. Bakit ba kasi pagdating sa kaniya, talagang tumitiklop ako? Hindi ko na namalayan na nasa gilid ko na pala si Miguel at seryoso nang nakatunghay sa akin. Napayuko ako. Nakaramdam ako nang pagkailang dahil sa tila nakapapaso niyang mga tingin sa akin. Nabigla ako nang walang sabi-sabi niya akong iniharap sa gawi niya. Ilang bes
SYD NAUNA nang magpaalam ang mga ka-team ko matapos ng ilang oras naming pahinga at makuwelang pagkukuwentuhan. Naiwan namang nagkakasiyahan sa loob ang mga kuya ko kasama ang ilan pa nilang mga katropa. Panigurado, na aabutan na naman sila ng pagtilaok ng manok bago matapos ang pag-iinuman nila. Welcome naman sa bahay ang lahat ng mga kaibigan namin, mapababae man ito o lalaki. Mas pabor nga ito kina mama at papa dahil katuwiran nila, hindi na raw kami ang lalayo para lang makidayo pa sa ibang lugar. Mas mapapanatag daw ang kalooban nila kapag alam nilang nasa bahay lang kami o ‘di naman kaya ay nandito lang sa malapit. Iwas trouble, kumbaga, lalo na at puro barako ang mga anak nila. Mas pinili ko na lang muna mag-stay sa ilalim ng punong mangga na nasa loob ng aming bakuran. Mayroon ditong ikinabit si papa na duyan na gawa sa lubid at makapal na kahoy ng Narra, na nagsisilbi naman nitong upuan. Bukod sa rooftop, isa rin talaga ito sa mga favorite spot ko sa tuwing gusto kong map
SYDKAGAGALING ko lang sa computer shop nila Lhian. Nag-online registration ako roon, para makakuha ng available slot para sa pagpapa-renew ko ng aking expired na NBI Clearance. Buenas naman sapagkat natiyempuhan ko na makakuha agad ng schedule sa makalawa.Sinisimulan ko na kasing asikasuhin isa-isa ang mga kakailanganin kong requirements, para sa a-applyan naming trabaho ng kaibigan kong si Noreen. Hiring daw kasi ngayon sa Yazaki at nangangailangan ang kumpanya ng mga bagong empleyado. Suwerte nang maituturing kung sakali mang matanggap ako sa production company na iyon. Sapagkat bukod sa minimum rate, mayroon din silang ibinibigay na sampung kilong bigas sa bawat empleyado nito tuwing payday. Magiging malaking kabawasan na rin iyon sa gastusin namin sa pang-araw-araw, kapag nagkataon.PAGKARATING ko sa amin, naabutan ko si mama na abalang nagbabalot ng lumpiang togue na ibebenta niya para bukas. Hindi ko mapigilang mapangiti habang maigi siyang pinagmamasdan sa kaniyang ginagawa.
SYD “Uy… kinikilig yan!” Pang-aasar ni Kelly, na siyang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Kinunutan ko siya ng noo. “Kinikilig? Pinagsasabi mo?” maang-maangan kong tugon, kahit na alam ko naman talaga ang tinutukoy niya. “Sus! Denial Queen! Aminin mo… naguwapuhan ka rin sa kaniya, ano?” saad niya ulit. “Kanino ba kasi?” pagmamatigas ko. “Hay... kanino pa ba? Eh, ‘di roon sa stranger guy na first kiss mo!” walang prenong sagot niya sa akin. Pinamulahanan tuloy ako ng mukha. “Uy! Nagba-blush siya! Ibig sabihin, ‘di mo pa rin nalilimutan iyong Mystery Groom na iyon, ano?” Pinagtutulungan na nila ako ngayong asarin. Tinulak-tulak pa nga ni L.a ang gilid ng isang braso ko dahil sa hindi maitagong pagkakilig nito. Teka? Ano ba kasi ang nakakalilig doon? “Infairness, mga sissy, ha! Ka-look-a-like kaya ni Gong Yoo iyong stranger guy na iyon! Grabe! Ang guwapo! Oppa!” Kinikilig din na anas ni Maggi. Napaismid ako. “Gong Yoo, raw? Baka CongGo kamo!” pamimilosopo ko. Muli
SYDHindi matunaw ang pagkakangiti ko habang nagtitipa ng mensaheng pabalik kay Kuya Miguel.Salamat nga pala sa regalo mo, Kuya Migs. Na-touch ako nang slight– with matching shy emoji pa.Nauna na siyang mag-text sa akin at kinakumusta ang naging kinalabasan ng pag-apply ko kanina. Tinanong din niya kung nagustuhan ko raw ba ang mga ipinaabot niya kay papa.Sobrang na-appreciate ko talaga ang mga iyon, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pala niya nakakalimutan ang mga simpleng kutkutin na makakapagpasaya sa akin.Tulad ng ipinangako niya sa huli naming pag-uusap, babawi raw siya sa mga panahong naging malayo kami sa isa’t isa– at mukhang inuumpisahan niya na itong gawin ngayon.Ayokong mag-assume, sapagkat malinaw na rin naman sa akin na hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin niya sa akin. Kuntento na ako sa kung ano mang estado ang mayroon kami ngayon. Ang mahalaga, alam ko, sa sarili ko, na masaya ako sa tuwing kasama ko siya. At nararamdaman ko na siguradong ganoon din naman
SYD“Hija, sandali!” sigaw na nakapagpatigil sa sana’y pagtawid ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. “Bakit n’yo pa ho ako hinabol, sir? May kailangan pa po ba kayo?” nagtatakang tanong ko sa security guard ng AGC.“Oo, hija,” saad niya habang hinihingal na huminto sa harapan ko. “Pinapunta ni Miss Mary ‘yong isang staff na taga-HR. Hinahanap ka. Mabuti na lang at naabutan pa kita rito. Halika na at nang makapasok ka na sa loob,” balita ni manong guard sa akin.Napangiti ako. Siyempre, hindi na ako nagdalawang isip pa na sumunod kay kuya guard. Muli akong nakakita nang katiting na pag-asa. Ano’ng malay ko, baka sakaling maawa sa akin ‘yong may-ari at i-hire pa rin ako kahit hindi naman talaga ako qualified sa posisyon.Pinatuloy na ako sa loob ng guard matapos kong makapirma sa logbook. Tulad ng ibinilin niya sa akin, dumiretso na ako sa may information desks kung saan naghihintay ‘yong pinapunta ni Miss Mary para sunduin ako.Mabilis na nahagilap ng mga mata ko ang tinutukoy
SYD BAKIT parang biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko? Teka, ngayon lang ba ako nakakita ng guwapo? Correction— kun’di nuknukan nang kaguguwapo!Kalma ka lang, Cinderella Santos! Inhale… exhale…Nang mapansin ng isang lalaki na nakamasid ako sa kanila ay mabilis kong inilipat ang tingin sa numero kung nasaang floor na kami. Biglang nag-init tuloy ang magkabilang pisngi ko. Baka isipin nito na kanina ko pa sila tinititigan.Palangiti itong lalaki na nakapansin sa akin, samantalang ‘yong isang kasama niya naman ay mukhang ipinaglihi sa sama ng loob. Mas guwapo sana, kaso ang asim ng dating! Ni wala ngang reaksyong mababanaag sa awra nito, o baka poker face lang talaga siya? Kung sabagay, masusungit naman ang karamihan sa mga guwapo at mayayaman, kaya bakit pa ba ako magtataka?Nang makarating sa 6th floor ay nauna nang lumabas ‘yong mukhang masungit. Naglakad ito na para bang siya ang may-ari ng building. Nakasunod lang sa likuran niya ‘yong lalaking palangiti. Suminghap ako nang mal
SYD“I know, sir,” mahinang sagot ko.“Don’t mind her records, cuzz. It’s not necessary after all,” mabilis na kontra sa kaniya ni Sir Resty.Ibinaling ni Sir Resty ang tingin sa akin. “Instead of answering those non-sense common interview questions, why don’t you introduce yourself to us, Miss Santos? Para naman mas makilala ka pa namin nitong pinsan ko. And please, ‘yong wala sana rito sa resumé mo.”“Resty, shut up!” saway sa kaniya ni Mr. Antonio. Magkasalubong na rin ang dalawang kilay nito na para bang hindi nagustuhan ang itinuran ng kaniyang pinsan.“But why? What’s wrong with that?” sagot naman ni Sir Resty na nakaarko pa ang mga kilay. “I just want her to feel comfortable with us. Look at her, Yuan. Halatang naiilang siya sa atin.”Lalo tuloy humigpit ang pagkakapisil ng isang kamay ko sa gilid ng suot kong blazer. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan. Bakit ba pakiramdam ko, ginigisa ako ngayon dito sa mismong kinatatayuan ko? Lalo na kapag nagtatama ang paningin namin ni Mr. A
SYD NARAMDAMAN ko na lang ang pag-angat ko, dahil sa ginawang pag-buhat sa akin ni Yuan. Yumakap ako sa kaniyang leeg at otomatikong pumaikot ang aking mga binti, sa kaniyang baywang. Trumiple ang aking kaba, lalo na nang dumantay ang mainit, nakaumbok at tigas na tigas niya na ngayong sandata, sa ibabaw ng aking pagkababae. Nagsimula siyang maglakad. Halos kapusin ako sa paghinga, nang idinikit niya pa nang husto ang aking katawan sa kaniya. Naramdaman ko ang pagkislot ng kaniyang alaga, nang pasimple niya pa itong ikiniskis sa ari ko. Nanayong bigla ang balahibo ko, sa ginawang ‘yon ni Yuan. Hinaplos ko ang pisngi niya. Isang ngiti ang iginanti niya sa akin. Hindi ko alam, pero parang may kakaiba sa ngiti niyang iyon, na dumagdag sa pagkakaba na aking nararamdaman. Hindi napatid ang pagtitinginan naming dalawa, hanggang sa marating namin ang malaking sectional sofa, na nasa pinaka-gitna nitong Penthouse— maingat niya akong ibinaba rito. Nanatiling nakatayo si Yuan, sa harapan
SYD “AMININ mo… na-wow mali ka ro’n, ‘no?!” pang-aasar ko kay Yuan. Dito ko na sa labas ibinuhos ang kanina ko pang tinitimping pagtawa. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. Lalo ko tuloy siyang pinag-tawanan, dahil sa nakikita kong hitsura niya. “Tsss… nakakatawa— Ha!... Ha!” sarkastikong turan niya. Huminto ako sa gilid ng kaniyang sasakyan, kung saan naroroon ang passenger seat. Siya naman ay nakatayo lang at nakamasid sa akin. Hinihintay ko siyang pagbuksan ako, pero mukhang wala siyang planong gawin ‘yon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang, dahil mukhang wala na naman siya sa mood, kaya ako na ang nagkusang nagbukas, sa pinto ng kotse niya. Natigilan ako at nasorpresa sa nakita. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya, pati na rin sa panibagong malaking kumpol ng bulaklak ng mga puting Rosas, na nasa ibabaw ng passenger seat, na uupuan ko. “Yuan…” “So, Yuan na lang ulit ngayon, gano’n?” Sus! Tamporurot na naman ang loko! “Okay… babe.” Halos labas sa ilong na pa
SYD Official?… yes, we are now official!— boyfriend ko na si Yuan at girlfriend niya na ‘ko. Shocks! Totoo na ba ‘to? O baka nabibigla lang ako? May feelings na rin ba ‘ko sa kaniya? O baka naman attracted pa lang ako? Nagselos na nga ako ‘di ba? ‘Di ko pa rin ba masasabing ‘in love’ na ako, sa lagay na ‘to? Basta’t ang alam ko, nasanay na ako sa presensya ni Yuan. Kakaibang saya ang nararamdaman ko, sa tuwing nakikita siya. Panatag ako, kapag alam kong nasa paligid ko lang siya. Nakukumpleto niya ang araw ko, marinig ko pa lang ang boses niya, higit lalo na kapag nasilayan ko pa ang magaganda niyang ngiti, sa kabila ng mga pang-aasar na ginagawa ko sa kaniya. Teka… signs na ‘yon ng in love, ‘di ba? Hindi kaya… in love na nga talaga ‘ko sa kaniya?! Kung gano’n… ibig sabihin… nakalaya na ako sa nararamdaman ko kay Miguel? Maigi kong ninanamnam ang sandali namin ni Yuan, nang nakaganito — nakahilig ako sa kaniyang balikat, habang nakayakap sa isang braso niya. Ang sarap lang s
SYD “YOU hear me, right? You’re gon’na sleep with ME. It’s getting too late, so, let’s go,” masungit na saad ni Yuan. Tatalikod na sana siya, nang muli akong magsalita upang tumanggi sa nais niya. “P-pero, Yuan, okay na ‘ko ritong kasama sina Miss Roxy at Dhar. I-isa pa…” “Naipag-paalam na kita sa inyo.” “A-ano?...” H’wag n’ya sabihing, galing na siya sa ‘min?! “Ano na lang sasabihin nila Mama’t Papa, kapag nalaman nilang hindi kita nasundo sa pesteng bar na ‘yon?!” Tumiim ang bagang ni Yuan. Kita ko sa mga mata niya ang tinitimping inis— sa akin? “Pero…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin, pagkakita sa seryosong awra niya. Maaaninag sa kaniya ang determinasyong mapasunod ako. Iniwas ko ang mga mata ko. Wala na akong nagawa, kun ‘di ang tumango sa kaniya. Sinamahan pa kami ni Dhar, hanggang sa labas ng suite. Naunang naglakad si Yuan, sa ‘kin. Hindi niya man lang muna ako hinintay matapos makapag-paalam kay Dhar. Huminto siya sa tapat ng elevator at pumindot sa button
SYDNilapitan ako ng mga kasama ko, na tila mga nahimasmasan sa nangyari. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Dhar sa likod ko at ang pagkapit naman ni Misty, sa magkabilang braso ko. Naririnig ko ang pagtatalak at panggigigil nina Miss Roxy, Arianne at Bria sa aroganteng foreigner, pero hindi ko na ‘yon inintindi pa.“Are you all right, Miss? May masakit ba sa’yo? or what?” Nasa state of shock pa rin ako sa mga sumandaling ito, kaya hindi ko magawang makasagot sa lalaki. Maka-ilang beses ko lang naitango ang aking ulo, bilang naging tugon ko, sa kaniya.“Thank you so much, sa pag-rescue sa kaibigan namin, sir! Naku!... kun ’di dahil sa inyo, malamang na—”“Leon! What the hell are you doi’n?! Let’s go!”Naantala ang pagsasalita ni Dhar, dahil sa boses na ‘yon ng isang babae. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. Matangkad ito— balingkinitan, ngunit kapansin-pansin ang magandang pagkakakurba ng katawan. Tinumbok nito ang kinaroroonan ng lalaking tumulong sa akin. Napatingin ako
NILASAP ko ang lamig ng tubig na inihilamos ko, sa aking mukha. Medyo nawala ang amats ko at nakaramdam ng kaginhawahan, dahil sa ginawa kong iyon. Hinayaan ko lang umagos at kusang matuyo ang mga butil-butil na tubig, na nagkalat sa aking balat. Mariin kong nakagat ang ibabang labi, nang maalalang muli ang imahe ni Yuan, habang may nakayapos na babae sa kaniya. Suminghap ako, habang maiging pinagmamasdan ang repleksyon ko, sa malapad na salamin, na nasa harapan ko. Sinipat ko ang kabuuan ko. Sa buong buhay ko, mukhang ngayon lang yata ako nakaramdam ng insecurity sa sarili. Aaminin ko, na walang wala itong hitsura at porma ko, kung ikukumpara sa mala-modelong tindig ng kasama niya. Ayokong lamunin ng negativity, na unti-unti nang nabubuo sa utak ko. Ayokong mag-over think. Ayoko siyang pagdudahan, lalung lalo na, ang pag-isipan siya ng kung anu-ano. Hindi ako dapat magpadala, sa bugso ng damdamin. Ang babaw naman kasi, kung pagbabasehan ko lang ang naka-upload na photo na ‘yon.
SYD Tinalikuran ako ni Miss Roxanne, nang hindi nawawala ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa may pinto, nang bigla namang bumukas iyon. Iniluwa nang malapad na pintuan ang fresh na fresh na si Sir Resty. Katulad ni Yuan, talaga namang wala ring maipipintas sa isang ito, pagdating sa kaguwapuhan. “Oh! Nandito na pala ang mga naggagandahang dilag ng AGC, eh! Good morning! Good morning, ladies!” masiglang biro niya sa amin. Naki-ride on naman si Miss Roxanne sa pang-uuto niya. “Naks! ‘Yan talaga ang gusto ko sa’yo, Sir Resty, eh! Hindi ka marunong magsinungaling! Kaya lab lab kita, eh!” “Of course! Ako pa ba? You know me well, Miss Roxy!” nagmamalaking saad niya, sabay kindat. Parehas silang bumunghalit ng tawa. Ilang pagkukulitan pa ang ginawa ng dalawa, bago ako nagawang balingan ni Sir Resty. “Nice! Pumapag-ibig na talaga ang pinsan ko, ah!” Lalong lumapad ang pagkakangiti nito, pagkakita sa kumpol ng bulaklak na bitbit ko.
SYD Pinag-isipan kong mabuti ang ipinakiusap niya sa akin noong gabing ‘yon. Ngunit, hindi ko talaga alam, kung bakit sa kabila ng mga ipinagtapat ni Yuan ay hindi ko pa rin talaga magawang maniwala sa kaniya— para kasing may pumipigil, na hindi ko mawari kung ano. Kaya ang ending, sasakyan ko na lang muna, sa ngayon, kung ano man ang trip ng lalaking ‘yon. May bakas nga nang panghihinayang sa mukha ni mama, no’ng sabihin ko sa kanila na hindi ko pa naman talaga officially sinagot si Yuan. Boto pa naman sana silang lahat sa kaniya. Sino ba naman kasi’ng hindi, ‘di ba? Oo nga’t nasa kaniya na ang lahat ng mga magagandang katangian na hinahanap ng isang babae, sa lalaki. Isa siyang perfect boyfriend material— matalino, guwapo, perpektong hubog ng katawan na talaga namang kababaliwan ng mga kabaklaan at kababaihan. Higit sa lahat, mayaman. Plus points pa na may respeto sa mga nakatatanda at mapagkawang-gawa sa mga nangangailangan. Ngunit, sapat na ba ang mga katangian niyang ‘yon pa
SYD Nandito na kami sa labas at nakatayo sa tapat ng kotse ni Yuan. Sumulyap ako sa amin, upang alamin kung walang nakasilip sa kahit na isang miyembro ng pamilya ko. Nang masigurong wala nga, ibinalik kong muli ang matalim at nagbabaga kong tingin sa kaniya, sabay unday nang malakas na suntok sa kaniyang sikmura. “Argh! Babe! Ang sakit! What was that for?” gulat na reklamo niya, habang hinihimas ang bahaging sinuntok ko. “Talagang masasaktan ka sa’king, baliw ka!” sabay umbag ulit sa kaniya. Dito ko planong ituloy ang extension ng gigil ko sa kaniya. “Ouch! Nakadalawa ka na, ha!” Halatang iniinda na ni Yuan ang ginawa ko, dahil nakangiwi na ngayon ang mukha niya. “Akala mo nakalimutan ko na ‘yong ginawa mo, ha! Para ‘yan sa panghihipo mo sa’king, maniyak ka!” “Pero nasampal mo na ‘ko kanina, ‘di ba?! Tingnan mo nga ‘tong pisngi ko, oh, may bakat pa ng kamay mo,” nakangusong maktol niya. Aba’t nagawa pa talagang magpa-cute ng mokong. Akala niya naman, uubra ‘yon. “Kulang pa ‘y