SYDHindi nagustuhan ni Kuya Miguel ang ginawang kapangahasan ng magiging amo ko. Ikinulong niya ako sa isang bisig niya at agad na inilayo mula rito.“You don’t need to do that. You’re too close to her,” mariin ngunit may halong pagtitimping sita ni Kuya Miguel kay Sir Yuan. Nakita ko ang ginawang pagngisi ni Sir Yuan. Lumipat ang tingin nito sa kamay ni Kuya Migs na nakahawak pa rin sa kaliwang balikat ko. Napansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Suminghap siya nang malalim, bago muling binalingan si Kuya Miguel.Blangko pa rin ang makikita sa ekspresyon ng mga mata ni Sir Yuan. Pero bakit gano’n ang nababasa kong reaksyon niya? Nagagalit ba siya? Kung oo, sa anong dahilan?Nakaramdam ako nang tensyon sa pagitan ng dalawang nagtatangkarang lalaki na nasa magkabilang gilid ko. Parehas silang nagpapakiramdaman.Maihahalintulad sila sa isang bomba. Iyong tipong isang maling galaw mo lang— tapos ka!Ayokong mapahamak si Kuya Miguel. Higit lalo na ang masaktan siya ng dahil sa akin.
SYDPAGKATAPOS namin mag-shopping ni Kuya Miguel ay bumiyahe na agad kami pa-Tagaytay. Mayroon daw kasi siyang kakausapin na bagong customer ro’n na pagsu-supply-an niya ng yelo. Bago niya puntahan ang ka-meeting niya ay sa isang native kainan muna kami dumiretso, para makapananghalian.Halos hindi ko na mabuhat ang sariling tiyan dahil sa sobrang kabusugan. Paano naman kasi, nag-uumapaw sa iba’t ibang klaseng sahog ang isini-serve nilang Bulalo rito. Sulit na sulit at abot-kaya pa ang presyo. Isang order lang pero parang pangtatluhang tao na ang katumbas na puwedeng kumain nito. Hindi ko na napigilang mapadighay, na siyang sabay na ikinatawa naming dalawa. “Solve?” tanong ni Kuya Miguel, bago itinuloy ang pag-inom sa Iced Tea na hawak.“Hay… sobra,” nakangiting sagot ko habang hinihimas pa ang tiyan. Perfect match talaga ang mainit na sabaw ng Bulalo para sa napakalamig na klima ng Tagaytay. “Grabe! Ang lakas mo kumain. Saan mo ba inilagay ang lahat ng iyon, ha? Eh, pagkaliit-liit
SYD NAGPAHINGA lang ako ng isang oras at bumangon na rin ako mula sa aking pagkakahiga. Hindi ako agad tumayo. Pa-indian sit lang muna akong umupo sa ibabaw ng aking kama. Itinukod ko ang isang siko sa gilid ng tuhod at pumangalumbaba. Sa totoo lang, hindi pa rin humuhupa ang pagkainis ko kay Kuya Lemy. Oo nga’t ipinagpahinga ko ang pagod kong katawan ngunit paikot-ikot naman na naglalaro sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya kanina. Napansin ko na ang biglang pagbabago ni Kuya Lemy kay Migs, simula no’ng gabi na nahuli niya kami na magkasama.Bakit ba kasi s’ya tutol na magkalapit kaming dalawa ni Miguel? May mali ba ro’n? Kung tutuusin, hindi na rin naman bago sa kaniya ang totoong nararamdaman ko para kay Migs. Aware sila ro’n ng pamilya namin noon pa. Kaya hindi ko pa rin ma-gets kung bakit kailangan niyang mag-react nang gano’n?Hindi ba dapat matuwa pa nga siya kung sakali mang maging kaming dalawa? Dahil unang-una, kilala na naming lahat si Miguel. Malapit siya sa aming
SYDTAPOS ko nang banlawan ang lahat ng nilabhan ko. Iniisa-isa ko na ito ngayong inilalagay sa loob ng dryer nang biglang nagsalita si mama sa may likuran ko. “Tapos ka na maglaba, anak?” tanong n’ya na bahagya pang nakapagpagulat sa akin. “O-opo, ma,” nagkanda-utal na sagot ko. Hindi ko naman kasi akalain na nasa likuran ko na pala si mama. Ang totoo kasi niyan, ukupado pa rin talaga ang isip ko nang mga naging tagpo namin kanina ni Kuya Migs. “Nga pala, ma. Ano po’ng pinag-uusapan ninyo ni papa? Napansin ko po kasing mukhang biernes santo ang mukha niya, eh. May problema po ba?” tanong ko, habang hinihintay na matapos sa pag-ikot ang dryer. “Ma?” muling tawag ko kay mama nang hindi niya ako agad nasagot. Mukhang nagdadalawang isip pa siyang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit. “Oo, anak. May problema.” Muling bumalatay ang lungkot sa mukha n’ya. Nakaramdam na tuloy ako nang pag-aalala. “Pero hindi naman sa pamilya natin, hija. Kun’di sa asawa ng Tita Allyson mo.” Natigilan
ALAS cinco y media pa lang ng umaga ay bumiyahe na ako paluwas upang masigurong hindi nga talaga ako male-late sa unang araw ko sa AGC.Sa totoo lang, hindi talaga mawala-wala sa isip ko ang katagang binitiwan ni Sir Yuan na I will punish you sa oras na ma-late raw ako sa pagpasok. Nagmistula iyong echo, na paulit-ulit na umaalingawngaw sa pandinig ko. Habang naglalakad ay isinasabay ko na rin ang pagkakabit ng temporary ID sa gitnang bahagi ng blouse ko. Patakbo na nga ang ginagawa kong paghakbang sa limang baitang, paakyat sa pinaka main entrance ng building. Salamat sa Betadine at limang band-aid strips na ipinantapal ko sa mga paltos ko sa paa at nagagawa ko na ngayong maihakbang ang mga ito nang maayos. Nakita ko kaagad ‘yong guard na nakausap ko. May kinakausap ito sa radio transceiver na hawak, habang ang mga mata ay abala pa rin sa pagmamasid sa mga taong pumapasok sa loob. “Good morning po, Kuya Boy!” masiglang bati ko rito. Kinuha ko ang ballpen at agad na nag-time in sa l
JUAN BENEDICTO ANTONIO lll“So what’s the next plan, hmm? Mr. Loverboy?” nakangising tanong sa akin ni Restituto. Magkasama kami ngayon sa madalas naming tinatambayang high-end bar kung saan naggi-gig ang isa naming kabarkada.Sinaid muna niya ang tagay na binigay ko, bago sabay na inakbayan ang dalawang babaeng nasa magkabilang gilid niya.Gusto ko na siyang batukan nang salitan pa niyang hinalikan sa noo ang mga bagong biktima niya. Kawawang mga kabataan– paniguradong sira ang mga kinabukasan. Kung alam lang nila na pagsasawaan lang sila ngayong gabi ng h*******k na ‘to. Hindi ko na mapigilan ang mapailing. I admit that I used to be like him. Malala pa nga, eh. But not anymore, lalo pa't makakasama ko na ang babaeng pinapangarap ko. I heaved out a sigh. Ipinag-krus ko ang mga braso at sumandal sa inuupuang couch. Makahulugan ko munang tiningnan si Resty, bago tinugunan ang tanong niya.“Like what I’ve said, she’s living with me.”“Woah… confident? Parang siguradong maisasama mo na
YUAN Sa Penthouse ko, na nasa tuktok ng AGC Building ako tumuloy. Nakapili na ako ng susuotin ko para sa pagpasok sa opisina. Habang nagbibihis ay naalala kong muli si Syd. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang mga nangyari. She’s so pretty. Lalo na sa ipinasuot ko sa kan’yang mini skirt na exposed na exposed ang mahahaba niyang legs. Kitang-kita ko kung gaano kakinis at kaputi ang kaniyang balat. I could almost imagine myself kissing and touching those nice pair of legs. Oh, damn! Here I go again. I set aside the thoughts. Itinigil ko ang pagbubuhol sa kurbata ko. Dinampot ko ang cellphone para tawagan ang kaibigan kong si Kristoff. I want him to give the latest update about Bob Likowski. “Yes, bro, good morning!” bungad niya. “Tatawag na sana ako sa’yo pero naunahan mo ako. Teka, papasok ka na ba sa office? Puntahan kita?” Hindi na ako nag-aksaya ng panahon na sagutin si Kristoff. Tutal tungkol kay Bob din naman ang dahilan ng pagpunta niya kaya idineretso ko na sa kani
SYD “Mr. Antonio, your first meeting is in the conference room.” “Cancel, please. Just resched the appointment tomorrow,” dinig kong tinatamad na saad niya. “But, sir... Mr. Madrigal was already there,” narinig ko namang sagot ni Miss Roxy. “I’m not in the mood. Ikaw na’ng bahalang mag-alibi para sa akin.” Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol ko kay Mr. Antonio. I’m not in the mood daw? Napaka-unprofessional naman ng dating. So, totoo pala ang tsismis— na may katamaran nga talaga ang taong ‘to. Paano siya magiging CEO niyan, kung ganito ang mind set niya pagdating sa trabaho? “P-pero, sir—” “Kaya mo na ‘yan. Okay, bye.” Iyon lang at pinutol niya na agad ang linya. Ni hindi niya man lang muna pinatapos magsalita si Miss Roxanne. Grabe! Ganito ba talaga siya makitungo sa empleyado? Kinlaro ko ang lalamunan bago muling nagsalita. “Ahm, is there something that you want me to do, sir?” tanong ko. Umiling siya. “Are you sure, sir?” paniniguro ko. Tumango lang siya
SYD NARAMDAMAN ko na lang ang pag-angat ko, dahil sa ginawang pag-buhat sa akin ni Yuan. Yumakap ako sa kaniyang leeg at otomatikong pumaikot ang aking mga binti, sa kaniyang baywang. Trumiple ang aking kaba, lalo na nang dumantay ang mainit, nakaumbok at tigas na tigas niya na ngayong sandata, sa ibabaw ng aking pagkababae. Nagsimula siyang maglakad. Halos kapusin ako sa paghinga, nang idinikit niya pa nang husto ang aking katawan sa kaniya. Naramdaman ko ang pagkislot ng kaniyang alaga, nang pasimple niya pa itong ikiniskis sa ari ko. Nanayong bigla ang balahibo ko, sa ginawang ‘yon ni Yuan. Hinaplos ko ang pisngi niya. Isang ngiti ang iginanti niya sa akin. Hindi ko alam, pero parang may kakaiba sa ngiti niyang iyon, na dumagdag sa pagkakaba na aking nararamdaman. Hindi napatid ang pagtitinginan naming dalawa, hanggang sa marating namin ang malaking sectional sofa, na nasa pinaka-gitna nitong Penthouse— maingat niya akong ibinaba rito. Nanatiling nakatayo si Yuan, sa harapan
SYD “AMININ mo… na-wow mali ka ro’n, ‘no?!” pang-aasar ko kay Yuan. Dito ko na sa labas ibinuhos ang kanina ko pang tinitimping pagtawa. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. Lalo ko tuloy siyang pinag-tawanan, dahil sa nakikita kong hitsura niya. “Tsss… nakakatawa— Ha!... Ha!” sarkastikong turan niya. Huminto ako sa gilid ng kaniyang sasakyan, kung saan naroroon ang passenger seat. Siya naman ay nakatayo lang at nakamasid sa akin. Hinihintay ko siyang pagbuksan ako, pero mukhang wala siyang planong gawin ‘yon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang, dahil mukhang wala na naman siya sa mood, kaya ako na ang nagkusang nagbukas, sa pinto ng kotse niya. Natigilan ako at nasorpresa sa nakita. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya, pati na rin sa panibagong malaking kumpol ng bulaklak ng mga puting Rosas, na nasa ibabaw ng passenger seat, na uupuan ko. “Yuan…” “So, Yuan na lang ulit ngayon, gano’n?” Sus! Tamporurot na naman ang loko! “Okay… babe.” Halos labas sa ilong na pa
SYD Official?… yes, we are now official!— boyfriend ko na si Yuan at girlfriend niya na ‘ko. Shocks! Totoo na ba ‘to? O baka nabibigla lang ako? May feelings na rin ba ‘ko sa kaniya? O baka naman attracted pa lang ako? Nagselos na nga ako ‘di ba? ‘Di ko pa rin ba masasabing ‘in love’ na ako, sa lagay na ‘to? Basta’t ang alam ko, nasanay na ako sa presensya ni Yuan. Kakaibang saya ang nararamdaman ko, sa tuwing nakikita siya. Panatag ako, kapag alam kong nasa paligid ko lang siya. Nakukumpleto niya ang araw ko, marinig ko pa lang ang boses niya, higit lalo na kapag nasilayan ko pa ang magaganda niyang ngiti, sa kabila ng mga pang-aasar na ginagawa ko sa kaniya. Teka… signs na ‘yon ng in love, ‘di ba? Hindi kaya… in love na nga talaga ‘ko sa kaniya?! Kung gano’n… ibig sabihin… nakalaya na ako sa nararamdaman ko kay Miguel? Maigi kong ninanamnam ang sandali namin ni Yuan, nang nakaganito — nakahilig ako sa kaniyang balikat, habang nakayakap sa isang braso niya. Ang sarap lang s
SYD “YOU hear me, right? You’re gon’na sleep with ME. It’s getting too late, so, let’s go,” masungit na saad ni Yuan. Tatalikod na sana siya, nang muli akong magsalita upang tumanggi sa nais niya. “P-pero, Yuan, okay na ‘ko ritong kasama sina Miss Roxy at Dhar. I-isa pa…” “Naipag-paalam na kita sa inyo.” “A-ano?...” H’wag n’ya sabihing, galing na siya sa ‘min?! “Ano na lang sasabihin nila Mama’t Papa, kapag nalaman nilang hindi kita nasundo sa pesteng bar na ‘yon?!” Tumiim ang bagang ni Yuan. Kita ko sa mga mata niya ang tinitimping inis— sa akin? “Pero…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin, pagkakita sa seryosong awra niya. Maaaninag sa kaniya ang determinasyong mapasunod ako. Iniwas ko ang mga mata ko. Wala na akong nagawa, kun ‘di ang tumango sa kaniya. Sinamahan pa kami ni Dhar, hanggang sa labas ng suite. Naunang naglakad si Yuan, sa ‘kin. Hindi niya man lang muna ako hinintay matapos makapag-paalam kay Dhar. Huminto siya sa tapat ng elevator at pumindot sa button
SYDNilapitan ako ng mga kasama ko, na tila mga nahimasmasan sa nangyari. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Dhar sa likod ko at ang pagkapit naman ni Misty, sa magkabilang braso ko. Naririnig ko ang pagtatalak at panggigigil nina Miss Roxy, Arianne at Bria sa aroganteng foreigner, pero hindi ko na ‘yon inintindi pa.“Are you all right, Miss? May masakit ba sa’yo? or what?” Nasa state of shock pa rin ako sa mga sumandaling ito, kaya hindi ko magawang makasagot sa lalaki. Maka-ilang beses ko lang naitango ang aking ulo, bilang naging tugon ko, sa kaniya.“Thank you so much, sa pag-rescue sa kaibigan namin, sir! Naku!... kun ’di dahil sa inyo, malamang na—”“Leon! What the hell are you doi’n?! Let’s go!”Naantala ang pagsasalita ni Dhar, dahil sa boses na ‘yon ng isang babae. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. Matangkad ito— balingkinitan, ngunit kapansin-pansin ang magandang pagkakakurba ng katawan. Tinumbok nito ang kinaroroonan ng lalaking tumulong sa akin. Napatingin ako
NILASAP ko ang lamig ng tubig na inihilamos ko, sa aking mukha. Medyo nawala ang amats ko at nakaramdam ng kaginhawahan, dahil sa ginawa kong iyon. Hinayaan ko lang umagos at kusang matuyo ang mga butil-butil na tubig, na nagkalat sa aking balat. Mariin kong nakagat ang ibabang labi, nang maalalang muli ang imahe ni Yuan, habang may nakayapos na babae sa kaniya. Suminghap ako, habang maiging pinagmamasdan ang repleksyon ko, sa malapad na salamin, na nasa harapan ko. Sinipat ko ang kabuuan ko. Sa buong buhay ko, mukhang ngayon lang yata ako nakaramdam ng insecurity sa sarili. Aaminin ko, na walang wala itong hitsura at porma ko, kung ikukumpara sa mala-modelong tindig ng kasama niya. Ayokong lamunin ng negativity, na unti-unti nang nabubuo sa utak ko. Ayokong mag-over think. Ayoko siyang pagdudahan, lalung lalo na, ang pag-isipan siya ng kung anu-ano. Hindi ako dapat magpadala, sa bugso ng damdamin. Ang babaw naman kasi, kung pagbabasehan ko lang ang naka-upload na photo na ‘yon.
SYD Tinalikuran ako ni Miss Roxanne, nang hindi nawawala ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa may pinto, nang bigla namang bumukas iyon. Iniluwa nang malapad na pintuan ang fresh na fresh na si Sir Resty. Katulad ni Yuan, talaga namang wala ring maipipintas sa isang ito, pagdating sa kaguwapuhan. “Oh! Nandito na pala ang mga naggagandahang dilag ng AGC, eh! Good morning! Good morning, ladies!” masiglang biro niya sa amin. Naki-ride on naman si Miss Roxanne sa pang-uuto niya. “Naks! ‘Yan talaga ang gusto ko sa’yo, Sir Resty, eh! Hindi ka marunong magsinungaling! Kaya lab lab kita, eh!” “Of course! Ako pa ba? You know me well, Miss Roxy!” nagmamalaking saad niya, sabay kindat. Parehas silang bumunghalit ng tawa. Ilang pagkukulitan pa ang ginawa ng dalawa, bago ako nagawang balingan ni Sir Resty. “Nice! Pumapag-ibig na talaga ang pinsan ko, ah!” Lalong lumapad ang pagkakangiti nito, pagkakita sa kumpol ng bulaklak na bitbit ko.
SYD Pinag-isipan kong mabuti ang ipinakiusap niya sa akin noong gabing ‘yon. Ngunit, hindi ko talaga alam, kung bakit sa kabila ng mga ipinagtapat ni Yuan ay hindi ko pa rin talaga magawang maniwala sa kaniya— para kasing may pumipigil, na hindi ko mawari kung ano. Kaya ang ending, sasakyan ko na lang muna, sa ngayon, kung ano man ang trip ng lalaking ‘yon. May bakas nga nang panghihinayang sa mukha ni mama, no’ng sabihin ko sa kanila na hindi ko pa naman talaga officially sinagot si Yuan. Boto pa naman sana silang lahat sa kaniya. Sino ba naman kasi’ng hindi, ‘di ba? Oo nga’t nasa kaniya na ang lahat ng mga magagandang katangian na hinahanap ng isang babae, sa lalaki. Isa siyang perfect boyfriend material— matalino, guwapo, perpektong hubog ng katawan na talaga namang kababaliwan ng mga kabaklaan at kababaihan. Higit sa lahat, mayaman. Plus points pa na may respeto sa mga nakatatanda at mapagkawang-gawa sa mga nangangailangan. Ngunit, sapat na ba ang mga katangian niyang ‘yon pa
SYD Nandito na kami sa labas at nakatayo sa tapat ng kotse ni Yuan. Sumulyap ako sa amin, upang alamin kung walang nakasilip sa kahit na isang miyembro ng pamilya ko. Nang masigurong wala nga, ibinalik kong muli ang matalim at nagbabaga kong tingin sa kaniya, sabay unday nang malakas na suntok sa kaniyang sikmura. “Argh! Babe! Ang sakit! What was that for?” gulat na reklamo niya, habang hinihimas ang bahaging sinuntok ko. “Talagang masasaktan ka sa’king, baliw ka!” sabay umbag ulit sa kaniya. Dito ko planong ituloy ang extension ng gigil ko sa kaniya. “Ouch! Nakadalawa ka na, ha!” Halatang iniinda na ni Yuan ang ginawa ko, dahil nakangiwi na ngayon ang mukha niya. “Akala mo nakalimutan ko na ‘yong ginawa mo, ha! Para ‘yan sa panghihipo mo sa’king, maniyak ka!” “Pero nasampal mo na ‘ko kanina, ‘di ba?! Tingnan mo nga ‘tong pisngi ko, oh, may bakat pa ng kamay mo,” nakangusong maktol niya. Aba’t nagawa pa talagang magpa-cute ng mokong. Akala niya naman, uubra ‘yon. “Kulang pa ‘y