SYD Feeling ko, mapuputulan na ako ng hininga nang walang hiya niya nang iniunan ang ulo niya sa aking mga hita. “Gusto ko munang magpahinga, kahit sandali lang.” Nakapikit siya habang sinasabi ang mga iyon sa akin. Hindi ko magawang makasagot. Feeling ko nga parang umurong ang dila ko at kahit simpleng hmm... lang ay ‘di ko pa magawang masabi. “Can you do it again for me, please? Mas mare-relax ako kapag ginawa mo ‘yon,” parang batang naglalambing na pakiusap niya. “O-okay...” Gamit ang nanginginig na mga kamay, sinimulan ko na ulit ang paghihilot sa kaniya. Pasimple kong tiningnan ang kinahihigaan niya. Tila lumiit ang malapad na couch dahil sa laki ng katawan ni Mr. Antonio. Nakabaluktot ang dalawang tuhod niya at naka-krus ang mga braso. Halata namang pinagkakasya niya lang ang sarili para lang makahiga rito. Hindi ko namalayan kung kailan pa ako nagsimulang huminto sa paghilot sa kaniya at kung gaano na rin ako katagal na nakatitig lang sa natutulog na lalaking ‘to.
SYD HINDI pa man siya tuluyang nakakalapit ay nasinghot ko na agad ang pamilyar niyang amoy. “Hi,” bati sa akin ni Mr. Antonio pagkasara niya sa pintuan ng sasakyan. “H-hello,” alanganing tugon ko sa kaniya. Ni hindi talaga sumagi sa isip ko na makikita ko siya rito— dito mismo sa amin. Iginala ko pa ang tingin sa kabuuan ng kotse niya. Baka kasi lumabas din mula ro’n si Sir Resty. Pero himala dahil mukhang hindi yata ‘yon nakabuntot sa kaniya ngayon. Pinagmamasdan ko siya habang naglalakad palapit sa nakabukas na gate kung saan ako nakatayo. Kahit sa malayo, kitang-kita ko kung gaano ka-attractive ang mokong na ‘to. Ang ganda pa ng pagkakangiti niya, ha? Samantalang kanina, halos hindi na maipinta ang nakasambakol n’yang pagmumukha bago pa man kami maghiwalay sa opisina. Nakatingala ko siyang tiningnan nang tuluyan na s’yang tumigil sa harapan ko. Wow! As in wow! Mas lalo ko tuloy napagmasdan ang kaguwapuhan niya. Matangos na ilong, chinitong mga mata, makakapal na kilay, a
SYD Wala na akong nagawa nang pumuwesto si Mr. Antonio sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Inabot niya ang tagay na binigay ni Noreen at walang alinlangang nilagok ito. Aaminin ko... medyo na-amaze ako ro’n, ha! Umiinom din pala ng Empi Light ang katulad niya? Sa pagkakaalam ko kasi, mga mamahaling alak lang ang iniinom ng mga mayayamang katulad niya. Hindi kaya mangati ang lalamunan niya dahil mumurahin lang itong sa’min? MAAYOS naman ang naging bonding namin kay Sir Yuan. Ready siyang makinig, kahit madalas ay wala namang ka-sense-sense ang mga ikinukuwento sa kaniya ng mga kaibigan ko. Nasasakyan niya ang mga biro at nasasabayan niya rin ang kakulitan ng mga ito. Walang alinlangan niya ding sinasagot ang bawat itinatanong ng mga ito sa kaniya. Habang ako naman, heto... nananahimik at nakikiramdam sa kaniya. Hindi talaga ako kumportable sa presensiya niya. Hindi ko rin puwedeng alisin ang boundary na pumapagitan sa amin bilang siya, na amo ko at ako, bilang empleyado niya.
SYD Lima lang kami na nasa loob ng conference room. Inilapag ko sa may gilid ng projector ang box na bitbit ko kanina dahil iyon ang iniutos ni Mr. Antonio, bago niya ako pinaupo kasunod ng isang representative ng board. Sa tabi ko naman pumuwesto si Randy. May pagtataka kong tiningnan si Sir Yuan, nang umupo ito sa gitna imbes na ang CFO sana ang pupuwesto roon. Napataas ang kilay ko. Oo nga pala, apo nga pala siya ng may-ari kaya may K siyang umupo roon. Tungkol sa approval ng budget ng gagawing commercial ng bagong ilulunsad na produkto ng AGC ang idi-discuss nila ngayon. Agro-chemicals, fertilizers pati na rin mga binhi ang pangunahing produkto ng kompanya nila Mr. Antonio. Basta lahat ng may kinalaman sa agricultural stuffs, meron sila. Isa sila sa mga nangunguna sa bansa pagdating sa ganitong negosyo. Apat lang muna sila sa ngayon dahil partial review pa lang naman ito ng proposal ni Mr. Antonio. Lilinisin lang nila ang ilang mga detalye bago i-present sa gagawing board meet
SYDPILIT kong ikinikilos nang normal ang nanginginig kong mga kamay. Alam kong imposible na, ngunit sinusubukan ko pa ring tanggalin ang bubble gum na dumikit sa americana ni Sir Yuan. Dama ko ang pagtitimpi niya. Napalunok ako.Bakit ba kasi hindi ko naramdaman na may tao na pala sa likuran ko?! Don’t tell me, na kanina pa s’ya nahandito? Teka... narinig kaya niya ang mga pinagsasabi ko? Mga katanungan na lalong nagpapalala sa pagkakaba ko.Nanigas ang katawan ko nang maramdaman ko ang paghawak niya sa isang kamay ko. Para bang may kung anong kakaibang kuryente na dumaloy sa bawat himaymay ng kalamnan ko, no’ng oras na naglapat ang mga balat namin. Ang weird, pero parang pamilyar ang feeling. Parang... parang nangyari na ito dati.“Will you please stop it? Lalo mo lang pinalala, eh,” saway niya na nakapagpahinto sa akin.May pag-aalinlangan ko siyang tiningnan. Muli ko na namang nasilayan ang kaguwapuhan niya— este... ang masungit niyang awra. Hindi ako makatagal sa tila nag-aarok na
SYD“Hello?... still there?” ani Kuya Migs na kahihimigan nang pagtataka. Nagkandapili-pilipit na ang dila ko, pero pinilit ko pa ring makapagpaalam nang maayos kay Kuya Miguel hanggang sa abot ng aking makakaya. “O-oo... oo, kuya. Mamaya na lang. Okay, bye.”Saktong nasa tapat ko na si Mr. Antonio pagkababa ko ng cellphone ko. Halos matuyot na ang lalamunan ko dahil sa ginawa kong sunud-sunod na paglunok. Yumuko siya at itinukod ang magkabilang siko sa ibabaw ng table ko. Hinawi ng isa niyang kamay ang laptop na humaharang sa pagitan naming dalawa. Pinagtaasan niya ako ng kilay at pailalim na tumingin sa akin. “What do you think you’re doing? Hmm?” walang emosyong tanong niya.“A... hmm... s-sir, k-kasi—” Feeling ko, nalunon ko na ang mga sasabihin ko at hindi ko na nagawang makapagsalita nang tama.“I don’t need any excuses, Miss Santos,” putol ni Mr. Antonio sa sasabihin ko. Suminghap siya. “Let me remind you, na hindi kasali sa job description mo ang makipaglandian sa oras ng tra
SYDJUAN Benedicto Madriano y Antonio III. A 25-year-old bachelor and one of the well known youngest millionaire in the Philippines. Kung pagbabasehan ang ilang araw na nakasama ko siya, masasabi kong ibinibigay niya ang buong puso niya sa trabaho, taliwas sa mga sinasabi sa kaniya ng ilan, na kesyo tamad at walang pakialam sa magiging future ng AGC. Nakikita ko siyang palaging naka-focus sa kaniyang mga ginagawa at organisado. Nasaksihan ko rin kung paano at gaano siya kagaling makipagtransaksiyon sa kaniyang mga nakakausap. Gamay na gamay niya at kalkulado ang bawat hakbang na ginagawa niya.Nagpapasalamat ako, dahil tinanggap ni Sir Yuan ang pakikipagkaibigan na inalok ko sa kaniya. Mas nakabuti iyon sa naging takbo ng working relationship naming dalawa sa loob ng opisina. Magaan na sa pakiramdam. Iyong tipong wala na kaming ilangan at komportable na kami sa presensiya ng isa’t isa. First name basis na nga ang tawagan namin, kapag kami lang dalawa ang magkasama. Kumontra pa ako non
Chapter 17SYD "HI," nakangiting bati ni Yuan, habang naglalakad patungo sa pinagpapahingahan ko. Nilingon ko lang siya at seryosong tiningnan. Nagawa niya pang sipatin ang kabuuan ng duyan na inuupuan ko bago siya tuluyang nakalapit sa akin. "What are you doing here?" tanong niya. Hindi pa rin ako kumibo. Ewan ko ba… hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kanina pa 'ko wala sa mood, habang kumakain kami ng hapunan. Tahimik lang ako sa harap ng hapag at magsasalita lang kapag may itinatanong sa akin. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang lahat at pinagmamasdan ang masaya nilang pagkukuwentuhan. Naguguluhan nga ako sarili ko, kung para saan ba talaga itong ipinaghihimutok ng butse ko. Dahil ba 'to sa naramdaman kong pagka-out of place sa kanila kanina? O dahil sa bulaklak na ibinigay ni Yuan kay mama? Hay! Ang daya n'ya naman kasi! Bakit si mama lang ang meron? Tapos ako, wala!? Nakakainis siya! Alam n'ya ba 'yon?! Hindi siya nagpatinag sa pagngiti kahit pa magkasalubong na
SYD NARAMDAMAN ko na lang ang pag-angat ko, dahil sa ginawang pag-buhat sa akin ni Yuan. Yumakap ako sa kaniyang leeg at otomatikong pumaikot ang aking mga binti, sa kaniyang baywang. Trumiple ang aking kaba, lalo na nang dumantay ang mainit, nakaumbok at tigas na tigas niya na ngayong sandata, sa ibabaw ng aking pagkababae. Nagsimula siyang maglakad. Halos kapusin ako sa paghinga, nang idinikit niya pa nang husto ang aking katawan sa kaniya. Naramdaman ko ang pagkislot ng kaniyang alaga, nang pasimple niya pa itong ikiniskis sa ari ko. Nanayong bigla ang balahibo ko, sa ginawang ‘yon ni Yuan. Hinaplos ko ang pisngi niya. Isang ngiti ang iginanti niya sa akin. Hindi ko alam, pero parang may kakaiba sa ngiti niyang iyon, na dumagdag sa pagkakaba na aking nararamdaman. Hindi napatid ang pagtitinginan naming dalawa, hanggang sa marating namin ang malaking sectional sofa, na nasa pinaka-gitna nitong Penthouse— maingat niya akong ibinaba rito. Nanatiling nakatayo si Yuan, sa harapan
SYD “AMININ mo… na-wow mali ka ro’n, ‘no?!” pang-aasar ko kay Yuan. Dito ko na sa labas ibinuhos ang kanina ko pang tinitimping pagtawa. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. Lalo ko tuloy siyang pinag-tawanan, dahil sa nakikita kong hitsura niya. “Tsss… nakakatawa— Ha!... Ha!” sarkastikong turan niya. Huminto ako sa gilid ng kaniyang sasakyan, kung saan naroroon ang passenger seat. Siya naman ay nakatayo lang at nakamasid sa akin. Hinihintay ko siyang pagbuksan ako, pero mukhang wala siyang planong gawin ‘yon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang, dahil mukhang wala na naman siya sa mood, kaya ako na ang nagkusang nagbukas, sa pinto ng kotse niya. Natigilan ako at nasorpresa sa nakita. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya, pati na rin sa panibagong malaking kumpol ng bulaklak ng mga puting Rosas, na nasa ibabaw ng passenger seat, na uupuan ko. “Yuan…” “So, Yuan na lang ulit ngayon, gano’n?” Sus! Tamporurot na naman ang loko! “Okay… babe.” Halos labas sa ilong na pa
SYD Official?… yes, we are now official!— boyfriend ko na si Yuan at girlfriend niya na ‘ko. Shocks! Totoo na ba ‘to? O baka nabibigla lang ako? May feelings na rin ba ‘ko sa kaniya? O baka naman attracted pa lang ako? Nagselos na nga ako ‘di ba? ‘Di ko pa rin ba masasabing ‘in love’ na ako, sa lagay na ‘to? Basta’t ang alam ko, nasanay na ako sa presensya ni Yuan. Kakaibang saya ang nararamdaman ko, sa tuwing nakikita siya. Panatag ako, kapag alam kong nasa paligid ko lang siya. Nakukumpleto niya ang araw ko, marinig ko pa lang ang boses niya, higit lalo na kapag nasilayan ko pa ang magaganda niyang ngiti, sa kabila ng mga pang-aasar na ginagawa ko sa kaniya. Teka… signs na ‘yon ng in love, ‘di ba? Hindi kaya… in love na nga talaga ‘ko sa kaniya?! Kung gano’n… ibig sabihin… nakalaya na ako sa nararamdaman ko kay Miguel? Maigi kong ninanamnam ang sandali namin ni Yuan, nang nakaganito — nakahilig ako sa kaniyang balikat, habang nakayakap sa isang braso niya. Ang sarap lang s
SYD “YOU hear me, right? You’re gon’na sleep with ME. It’s getting too late, so, let’s go,” masungit na saad ni Yuan. Tatalikod na sana siya, nang muli akong magsalita upang tumanggi sa nais niya. “P-pero, Yuan, okay na ‘ko ritong kasama sina Miss Roxy at Dhar. I-isa pa…” “Naipag-paalam na kita sa inyo.” “A-ano?...” H’wag n’ya sabihing, galing na siya sa ‘min?! “Ano na lang sasabihin nila Mama’t Papa, kapag nalaman nilang hindi kita nasundo sa pesteng bar na ‘yon?!” Tumiim ang bagang ni Yuan. Kita ko sa mga mata niya ang tinitimping inis— sa akin? “Pero…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin, pagkakita sa seryosong awra niya. Maaaninag sa kaniya ang determinasyong mapasunod ako. Iniwas ko ang mga mata ko. Wala na akong nagawa, kun ‘di ang tumango sa kaniya. Sinamahan pa kami ni Dhar, hanggang sa labas ng suite. Naunang naglakad si Yuan, sa ‘kin. Hindi niya man lang muna ako hinintay matapos makapag-paalam kay Dhar. Huminto siya sa tapat ng elevator at pumindot sa button
SYDNilapitan ako ng mga kasama ko, na tila mga nahimasmasan sa nangyari. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Dhar sa likod ko at ang pagkapit naman ni Misty, sa magkabilang braso ko. Naririnig ko ang pagtatalak at panggigigil nina Miss Roxy, Arianne at Bria sa aroganteng foreigner, pero hindi ko na ‘yon inintindi pa.“Are you all right, Miss? May masakit ba sa’yo? or what?” Nasa state of shock pa rin ako sa mga sumandaling ito, kaya hindi ko magawang makasagot sa lalaki. Maka-ilang beses ko lang naitango ang aking ulo, bilang naging tugon ko, sa kaniya.“Thank you so much, sa pag-rescue sa kaibigan namin, sir! Naku!... kun ’di dahil sa inyo, malamang na—”“Leon! What the hell are you doi’n?! Let’s go!”Naantala ang pagsasalita ni Dhar, dahil sa boses na ‘yon ng isang babae. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. Matangkad ito— balingkinitan, ngunit kapansin-pansin ang magandang pagkakakurba ng katawan. Tinumbok nito ang kinaroroonan ng lalaking tumulong sa akin. Napatingin ako
NILASAP ko ang lamig ng tubig na inihilamos ko, sa aking mukha. Medyo nawala ang amats ko at nakaramdam ng kaginhawahan, dahil sa ginawa kong iyon. Hinayaan ko lang umagos at kusang matuyo ang mga butil-butil na tubig, na nagkalat sa aking balat. Mariin kong nakagat ang ibabang labi, nang maalalang muli ang imahe ni Yuan, habang may nakayapos na babae sa kaniya. Suminghap ako, habang maiging pinagmamasdan ang repleksyon ko, sa malapad na salamin, na nasa harapan ko. Sinipat ko ang kabuuan ko. Sa buong buhay ko, mukhang ngayon lang yata ako nakaramdam ng insecurity sa sarili. Aaminin ko, na walang wala itong hitsura at porma ko, kung ikukumpara sa mala-modelong tindig ng kasama niya. Ayokong lamunin ng negativity, na unti-unti nang nabubuo sa utak ko. Ayokong mag-over think. Ayoko siyang pagdudahan, lalung lalo na, ang pag-isipan siya ng kung anu-ano. Hindi ako dapat magpadala, sa bugso ng damdamin. Ang babaw naman kasi, kung pagbabasehan ko lang ang naka-upload na photo na ‘yon.
SYD Tinalikuran ako ni Miss Roxanne, nang hindi nawawala ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa may pinto, nang bigla namang bumukas iyon. Iniluwa nang malapad na pintuan ang fresh na fresh na si Sir Resty. Katulad ni Yuan, talaga namang wala ring maipipintas sa isang ito, pagdating sa kaguwapuhan. “Oh! Nandito na pala ang mga naggagandahang dilag ng AGC, eh! Good morning! Good morning, ladies!” masiglang biro niya sa amin. Naki-ride on naman si Miss Roxanne sa pang-uuto niya. “Naks! ‘Yan talaga ang gusto ko sa’yo, Sir Resty, eh! Hindi ka marunong magsinungaling! Kaya lab lab kita, eh!” “Of course! Ako pa ba? You know me well, Miss Roxy!” nagmamalaking saad niya, sabay kindat. Parehas silang bumunghalit ng tawa. Ilang pagkukulitan pa ang ginawa ng dalawa, bago ako nagawang balingan ni Sir Resty. “Nice! Pumapag-ibig na talaga ang pinsan ko, ah!” Lalong lumapad ang pagkakangiti nito, pagkakita sa kumpol ng bulaklak na bitbit ko.
SYD Pinag-isipan kong mabuti ang ipinakiusap niya sa akin noong gabing ‘yon. Ngunit, hindi ko talaga alam, kung bakit sa kabila ng mga ipinagtapat ni Yuan ay hindi ko pa rin talaga magawang maniwala sa kaniya— para kasing may pumipigil, na hindi ko mawari kung ano. Kaya ang ending, sasakyan ko na lang muna, sa ngayon, kung ano man ang trip ng lalaking ‘yon. May bakas nga nang panghihinayang sa mukha ni mama, no’ng sabihin ko sa kanila na hindi ko pa naman talaga officially sinagot si Yuan. Boto pa naman sana silang lahat sa kaniya. Sino ba naman kasi’ng hindi, ‘di ba? Oo nga’t nasa kaniya na ang lahat ng mga magagandang katangian na hinahanap ng isang babae, sa lalaki. Isa siyang perfect boyfriend material— matalino, guwapo, perpektong hubog ng katawan na talaga namang kababaliwan ng mga kabaklaan at kababaihan. Higit sa lahat, mayaman. Plus points pa na may respeto sa mga nakatatanda at mapagkawang-gawa sa mga nangangailangan. Ngunit, sapat na ba ang mga katangian niyang ‘yon pa
SYD Nandito na kami sa labas at nakatayo sa tapat ng kotse ni Yuan. Sumulyap ako sa amin, upang alamin kung walang nakasilip sa kahit na isang miyembro ng pamilya ko. Nang masigurong wala nga, ibinalik kong muli ang matalim at nagbabaga kong tingin sa kaniya, sabay unday nang malakas na suntok sa kaniyang sikmura. “Argh! Babe! Ang sakit! What was that for?” gulat na reklamo niya, habang hinihimas ang bahaging sinuntok ko. “Talagang masasaktan ka sa’king, baliw ka!” sabay umbag ulit sa kaniya. Dito ko planong ituloy ang extension ng gigil ko sa kaniya. “Ouch! Nakadalawa ka na, ha!” Halatang iniinda na ni Yuan ang ginawa ko, dahil nakangiwi na ngayon ang mukha niya. “Akala mo nakalimutan ko na ‘yong ginawa mo, ha! Para ‘yan sa panghihipo mo sa’king, maniyak ka!” “Pero nasampal mo na ‘ko kanina, ‘di ba?! Tingnan mo nga ‘tong pisngi ko, oh, may bakat pa ng kamay mo,” nakangusong maktol niya. Aba’t nagawa pa talagang magpa-cute ng mokong. Akala niya naman, uubra ‘yon. “Kulang pa ‘y