SYD
Hindi matunaw ang pagkakangiti ko habang nagtitipa ng mensaheng pabalik kay Kuya Miguel.Salamat nga pala sa regalo mo, Kuya Migs. Na-touch ako nang slight– with matching shy emoji pa.Nauna na siyang mag-text sa akin at kinakumusta ang naging kinalabasan ng pag-apply ko kanina. Tinanong din niya kung nagustuhan ko raw ba ang mga ipinaabot niya kay papa.Sobrang na-appreciate ko talaga ang mga iyon, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pala niya nakakalimutan ang mga simpleng kutkutin na makakapagpasaya sa akin.Tulad ng ipinangako niya sa huli naming pag-uusap, babawi raw siya sa mga panahong naging malayo kami sa isa’t isa– at mukhang inuumpisahan niya na itong gawin ngayon.Ayokong mag-assume, sapagkat malinaw na rin naman sa akin na hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin niya sa akin. Kuntento na ako sa kung ano mang estado ang mayroon kami ngayon. Ang mahalaga, alam ko, sa sarili ko, na masaya ako sa tuwing kasama ko siya. At nararamdaman ko na siguradong ganoon din naman siya sa akin.Ipauubaya ko na lamang sa tadhana kung hanggang saan kami dadalhin ng sitwasyon namin na ito. Ano’ng malay ko? Baka mamaya, magkaroon ng himala at mapagtanto niya na lang na in love na rin pala siya sa akin. Wala namang imposible. Libre lang din naman ang mangarap. Ang gagawin ko lang ay magtiwala at maghintay.Tumagilid ako nang pagkakahiga, paharap sa sandalan ng aming sofa. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatingin sa screen ng aking cellphone. Nginitian ko pa ang sariling repleksyon ko sa itim na screen nito. Hindi na ako makapaghintay na muling marinig ang notification tone nito, dahil alam ko naman na kay Kuya Miguel ulit ito manggagaling.Maya-maya ay nakarinig kami ng busina ng sasakyan sa harapan ng bahay namin. Nauna nang sumilip sa may bintana ang bunso namin, na si Caleb.Si papa naman ay nagtungo na sa pintuan. Samantalang ‘yong dalawang kapatid ko naman ay hindi man lang natinag sa panunood nila sa telebisyon.Bumalikwas ako nang tayo at sumunod na rin kay papa sa labas. Bumalandra sa amin ang isang kulay grey na pick up car na may lulang kulay itim na single na motorsiklo sa likuran nito.Kumunot ang noo ko at may pagtataka iyong tiningnan. Sabay pa kaming nagkatinginan ni papa, nang makita namin ang paglabas nina mama at Jasper sa passenger seat ng magarang sasakyan.“Ano’ng ginagawa nila mama ro’n, pa? Bakit po sila nakasakay sa pick up na ‘yon?” nagtatakang tanong ko.Nagkibit-balikat lang si papa. Mukhang wala rin siyang ideya tungkol sa mga nangyayari. Hindi ko maiwasan ang mag-over think. Hindi kaya nag-short sa pamasahe sina mama, kaya nakisabay na lang sila sa may-ari ng sasakyan na iyon? O baka naman na-snatch ang wallet niya, kaya gano’n?Sabay na kaming naglakad ni papa, palabas ng gate.Napa-wow ako, matapos kong sipatin ang kabuuan ng mamahaling sasakyan na binabaan nina mama. Grabe! Ang linis… ang kintab! Iyong tipong mahihiya ‘yong alikabok na kumapit sa makinis na pintura nito.“Toyota Tacoma… ang astig!" may pagkamanghang bulong ko.“Romeo!” Masayang tawag ni mama sa pangalan ni papa. Excited din siyang napatakbo palapit sa amin. Si Jasper naman ay nakasunod na rin sa kaniya sa likuran.“Juliet, ano’ng nangyari? Bakit kayo nakasakay sa sasakyan na ‘yan?” nag-aalalang tanong ni papa kay mama, na ngayon ay nasa harapan na namin.“Romeo! Romeo!” Hindi magkandatutong muling tawag ni mama sa pangalan ni papa. “Nanalo ako ng Grand Prize sa pa-raffle kanina ng foundation! Nakikita mo ba iyang motor na iyan?” sabay turo ni mama sa likuran ng sasakyan. “Sa atin na ‘yan!”“Po! Talaga po, ma?” hindi makapaniwalang sabat ko.“Oo, anak! hindi ba’t sadyang napakabuti ng Panginoon!” bulalas pa ni mama. Hindi na rin nito mapigilan ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata. “Noong nakaraang araw lang, pinoproblema ni Rommel ang pagpapa-repair ng lumang motorsiklo ng papa ninyo. Heto at binigyan na tayo ng Diyos ng kasagutan sa problema natin. At hindi lang iyan, hija,” ani mama.“Huwag n’yo pong sabihin na may mas maganda pa po kayong ibabalita, bukod sa brand new motorcycle na ‘yan, ha, ma?” tanong ko.“Oo, anak!” galak na sagot ni mama. “Nakausap ko si Miss Mary kanina.”“Sino pong Miss Mary, ma?” muling tanong ko.“Siya ‘yong pinaka-assistant ng chairman ng AGC Foundation, anak. Nabanggit ko kasi sa kaniya na naghahanap ka nang mapapasukan. Sakto naman na kailangan daw ng bagong sekretarya ng isa sa mga boss niya. Kaya ayon, ikaw na lang daw ang irerekomenda niya,” nakangiting saad ni mama.Tumango-tango ako. Ayos na sana, kaso alanganin ako sa ibinalita ni mama.“Puwede po ba ako sa job position na iyon, ma? First Year College lang po ang inabot ko at Education po ang course ko. Parang ang labo naman po na matanggap akong sekretarya sa sinasabi ni Miss Mary.”“Huwag ka nang mag-alala, anak. Malakas ang backer mo,” kumpiyansang saad ng mama ko na tila ba’y siguradong-sigurado na matatanggap ako sa sinasabi n’yang kumpanya. “Basta bukas na bukas din ay puntahan mo na ang address ng opisina na sinabi niya. Hihintayin ka na lang daw ni Miss Mary ro’n, okay?”*NAKAAWANG ang bibig, habang may pagkamangha kong tinitingala ang napakatayog na building ng AG Corporation. Hindi ko akalain na sa ganitong lugar pala ako papupuntahin ni Miss Mary. Nagsusumigaw sa karangyaan! Labas pa lang ay talagang makikita na, na may ipinagmamalaki ang kumpanyang ito.Inilibot ko ang tingin sa iba pang mga kalapit nitong establisyemento. Nakakapanibago. Pakiramdam ko tuloy, isa akong probinsyanang dugay na bagong salta lang sa siyudad.Nag-text na sa akin si Miss Mary kanina. Binilinan ako nito na dumiretso na lamang daw ako sa opisina ng HR pagkarating ko rito. Hintayin ko na lamang daw siya sa mga nakahilerang upuan na nasa labas lang ng HR Room.Nasa alas siete y media pa lang ngayon ng umaga. Isa-isa nang nagdadatingan ang sa tingin ko'y mga empleyado ng AGC. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa bawat taong naka-corporate attire na pumapasok sa loob.Mga mukhang pormal at may pinag-aralan. Napatingin tuloy ako nang de oras sa suot ko. Hindi lang mukhang alanganin, kun'di sadyang alanganin kumpara sa mga postura ng mga taong nahandirito. Nakaramdam ako nang panliliit sa sarili. Hindi ko maiwasan ang magdalawang isip, kung tutuloy pa ba? O uuwi na lang?Humigpit ang pagkakahawak ko sa plastic envelope na pinaglalagyan ng resumé at ilang mga requirements ko.Baon ang lahat nang lakas ng loob, suminghap muna ako ng isang napakalalim na buntong-hininga, bago ko nagawang maihakbang ang mga paa, palapit sa napakalaking building na ito.“Okay, Syd, fighting!” pagchi-cheer ko sa sarili.Limang baitang muna ang inakyat ko bago tuluyang makalapit sa automatic glass door ng AGC.“Good morning po!” masiglang bati ko sa security guard na nakaprontang nagbabantay sa may gilid. Dire-diretso akong naglakad ngunit bigla na lang ako nitong pinigilan.“Excuse me, ma’am,” sita nito sa akin.Nilingon ko siya at may pagtatakang tiningnan. “Bakit po, sir? May problema po ba?” magalang na tanong ko.“Pasensya na po, pero hindi po kayo puwedeng makapasok,” saad nito. Napakunot bigla ang noo ko nang pasadahan pa ako nito ng tingin, mula ulo hanggang paa.Ano’ng problema nito? Sa isip-isip ko.May ilang mga empleyado na ang nauna sa akin at malaya naman silang nakapasok sa loob. Kaya hindi ko maiwasang magtaka kung bakit pagdating sa akin ay hindi puwede.“You are wearing inappropriate attire, ma’am,” dugtong na saad nito.Napaawang ang bibig ko. Hindi ko naisip na ganito pala kahigpit ang management ng isang kumpanya.Sinipat ko ang suot ko. Nakaputing long sleeved polo shirt naman ako at nakakulay grey na jagger pants na pinaresan ko ng kulay puting sneakers. Maayos din naman ang pagkakaayos ng semi longback hairstyle ko. Hindi pa ba ito pormal sa kanila?Palibhasa’y nasanay lang ako sa grocery store, payak na pamumuhay at simpleng mga tao lamang ang palaging nakakahalubilo. Kaya wala rin talaga akong ideya tungkol sa mga paganitong policy ng bigating kumpanya na katulad nang ganito.“Pero, sir, baka naman po puwede niyo na akong palusutin. Pinapapunta po kasi ako rito ni Miss Mary, ‘yon pong assistant ng chairman ng AG Foundation. Tutulungan niya raw po kasi ako na makapagtrabaho rito,” pakiusap ko kay kuya guard.“Si Miss Mary? Mary Ann Francisco ba ang tinutukoy mo, hija?” tila hindi makapaniwalang saad nito. Tumango ako. “Hindi ka ba niya pinaalalahanan tungkol dito?"Umiling ako. “Wala din naman po kasi siyang nabanggit sa akin na bawal po ‘yong ganitong attire rito. Kaya, kuya, baka naman po puwede niyo na akong papasukin? Sige na po. Sayang din po kasi ang perang pinamasahe ko papunta rito kung wala rin naman pala akong mapapala.” Kunwari’y pangongonsensya ko sa kaniya. Sana nga lang, tumalab.“Gustuhin ko man, miss, kaso hindi talaga pupuwede ‘yang pinapakiusap mo, eh. Company policy kasi, kaya pasensya na talaga.”“P-pero, kuya—“ Hindi ko na naituloy ang pagsasalita nang may biglang boses ng babae ang nagsalita sa may likuran ko.“Will you please, excuse us? You’re blocking our way!” maarte at pataray na saad nito sa akin.“Good morning, Mr. Vice President. Good morning, Sir Resty. Good morning, Ma’am Erika,” agad na bati ng guwardiyang kausap ko sa mga taong nasa likuran ko. Pati tuloy ako ay napatingin na rin sa mga binati nito.Nakita ko ang matalim na tingin sa akin ng babaeng nasa likuran ko. Nakataas pa ang isang kilay, na tila minamata ang hitsura ko.Otomatiko namang napataas din ang isang kilay ko. Aba! Huwag siyang magkakamaling maghamon sa isang Syd Santos, dahil talagang papatulan ko siya!Pero mas umagaw sa atensyon ko ay ang dalawang nagtatangkarang lalaki na nasa magkabilang gilid ng feelingerang babae. Nakaramdam na naman ako ng pagkahiya. Hindi ko masyadong natitigan ang mga mukha nila dahil nag-iwas na agad ako ng tingin. Pero hindi maipagkakaila sa mga ito na mga mukha silang sosyal at sopistikado.Ako na ang nagkusang umatras upang mabigyan sila ng daan.“Good morning, too, Kuya Boy!” masiglang bati rin sa security guard ng isa sa mga lalaki. Hindi ko nga lang alam kung sino ba sa dalawang iyon ang nagsalita. Nakayuko ako, kaya ang paglampas na lang ng kanilang mga paa ang aking nakita.Nang hindi ko na talaga mapakiusapan ang guard ay nagkusa na akong umalis. Laglag-balikat akong naglakad palayo sa gusaling inakala ko’y magiging kasagutan na sa problema ko.SYD“Hija, sandali!” sigaw na nakapagpatigil sa sana’y pagtawid ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. “Bakit n’yo pa ho ako hinabol, sir? May kailangan pa po ba kayo?” nagtatakang tanong ko sa security guard ng AGC.“Oo, hija,” saad niya habang hinihingal na huminto sa harapan ko. “Pinapunta ni Miss Mary ‘yong isang staff na taga-HR. Hinahanap ka. Mabuti na lang at naabutan pa kita rito. Halika na at nang makapasok ka na sa loob,” balita ni manong guard sa akin.Napangiti ako. Siyempre, hindi na ako nagdalawang isip pa na sumunod kay kuya guard. Muli akong nakakita nang katiting na pag-asa. Ano’ng malay ko, baka sakaling maawa sa akin ‘yong may-ari at i-hire pa rin ako kahit hindi naman talaga ako qualified sa posisyon.Pinatuloy na ako sa loob ng guard matapos kong makapirma sa logbook. Tulad ng ibinilin niya sa akin, dumiretso na ako sa may information desks kung saan naghihintay ‘yong pinapunta ni Miss Mary para sunduin ako.Mabilis na nahagilap ng mga mata ko ang tinutukoy
SYD BAKIT parang biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko? Teka, ngayon lang ba ako nakakita ng guwapo? Correction— kun’di nuknukan nang kaguguwapo!Kalma ka lang, Cinderella Santos! Inhale… exhale…Nang mapansin ng isang lalaki na nakamasid ako sa kanila ay mabilis kong inilipat ang tingin sa numero kung nasaang floor na kami. Biglang nag-init tuloy ang magkabilang pisngi ko. Baka isipin nito na kanina ko pa sila tinititigan.Palangiti itong lalaki na nakapansin sa akin, samantalang ‘yong isang kasama niya naman ay mukhang ipinaglihi sa sama ng loob. Mas guwapo sana, kaso ang asim ng dating! Ni wala ngang reaksyong mababanaag sa awra nito, o baka poker face lang talaga siya? Kung sabagay, masusungit naman ang karamihan sa mga guwapo at mayayaman, kaya bakit pa ba ako magtataka?Nang makarating sa 6th floor ay nauna nang lumabas ‘yong mukhang masungit. Naglakad ito na para bang siya ang may-ari ng building. Nakasunod lang sa likuran niya ‘yong lalaking palangiti. Suminghap ako nang mal
SYD“I know, sir,” mahinang sagot ko.“Don’t mind her records, cuzz. It’s not necessary after all,” mabilis na kontra sa kaniya ni Sir Resty.Ibinaling ni Sir Resty ang tingin sa akin. “Instead of answering those non-sense common interview questions, why don’t you introduce yourself to us, Miss Santos? Para naman mas makilala ka pa namin nitong pinsan ko. And please, ‘yong wala sana rito sa resumé mo.”“Resty, shut up!” saway sa kaniya ni Mr. Antonio. Magkasalubong na rin ang dalawang kilay nito na para bang hindi nagustuhan ang itinuran ng kaniyang pinsan.“But why? What’s wrong with that?” sagot naman ni Sir Resty na nakaarko pa ang mga kilay. “I just want her to feel comfortable with us. Look at her, Yuan. Halatang naiilang siya sa atin.”Lalo tuloy humigpit ang pagkakapisil ng isang kamay ko sa gilid ng suot kong blazer. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan. Bakit ba pakiramdam ko, ginigisa ako ngayon dito sa mismong kinatatayuan ko? Lalo na kapag nagtatama ang paningin namin ni Mr. A
SYDHindi nagustuhan ni Kuya Miguel ang ginawang kapangahasan ng magiging amo ko. Ikinulong niya ako sa isang bisig niya at agad na inilayo mula rito.“You don’t need to do that. You’re too close to her,” mariin ngunit may halong pagtitimping sita ni Kuya Miguel kay Sir Yuan. Nakita ko ang ginawang pagngisi ni Sir Yuan. Lumipat ang tingin nito sa kamay ni Kuya Migs na nakahawak pa rin sa kaliwang balikat ko. Napansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Suminghap siya nang malalim, bago muling binalingan si Kuya Miguel.Blangko pa rin ang makikita sa ekspresyon ng mga mata ni Sir Yuan. Pero bakit gano’n ang nababasa kong reaksyon niya? Nagagalit ba siya? Kung oo, sa anong dahilan?Nakaramdam ako nang tensyon sa pagitan ng dalawang nagtatangkarang lalaki na nasa magkabilang gilid ko. Parehas silang nagpapakiramdaman.Maihahalintulad sila sa isang bomba. Iyong tipong isang maling galaw mo lang— tapos ka!Ayokong mapahamak si Kuya Miguel. Higit lalo na ang masaktan siya ng dahil sa akin.
SYDPAGKATAPOS namin mag-shopping ni Kuya Miguel ay bumiyahe na agad kami pa-Tagaytay. Mayroon daw kasi siyang kakausapin na bagong customer ro’n na pagsu-supply-an niya ng yelo. Bago niya puntahan ang ka-meeting niya ay sa isang native kainan muna kami dumiretso, para makapananghalian.Halos hindi ko na mabuhat ang sariling tiyan dahil sa sobrang kabusugan. Paano naman kasi, nag-uumapaw sa iba’t ibang klaseng sahog ang isini-serve nilang Bulalo rito. Sulit na sulit at abot-kaya pa ang presyo. Isang order lang pero parang pangtatluhang tao na ang katumbas na puwedeng kumain nito. Hindi ko na napigilang mapadighay, na siyang sabay na ikinatawa naming dalawa. “Solve?” tanong ni Kuya Miguel, bago itinuloy ang pag-inom sa Iced Tea na hawak.“Hay… sobra,” nakangiting sagot ko habang hinihimas pa ang tiyan. Perfect match talaga ang mainit na sabaw ng Bulalo para sa napakalamig na klima ng Tagaytay. “Grabe! Ang lakas mo kumain. Saan mo ba inilagay ang lahat ng iyon, ha? Eh, pagkaliit-liit
SYD NAGPAHINGA lang ako ng isang oras at bumangon na rin ako mula sa aking pagkakahiga. Hindi ako agad tumayo. Pa-indian sit lang muna akong umupo sa ibabaw ng aking kama. Itinukod ko ang isang siko sa gilid ng tuhod at pumangalumbaba. Sa totoo lang, hindi pa rin humuhupa ang pagkainis ko kay Kuya Lemy. Oo nga’t ipinagpahinga ko ang pagod kong katawan ngunit paikot-ikot naman na naglalaro sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya kanina. Napansin ko na ang biglang pagbabago ni Kuya Lemy kay Migs, simula no’ng gabi na nahuli niya kami na magkasama.Bakit ba kasi s’ya tutol na magkalapit kaming dalawa ni Miguel? May mali ba ro’n? Kung tutuusin, hindi na rin naman bago sa kaniya ang totoong nararamdaman ko para kay Migs. Aware sila ro’n ng pamilya namin noon pa. Kaya hindi ko pa rin ma-gets kung bakit kailangan niyang mag-react nang gano’n?Hindi ba dapat matuwa pa nga siya kung sakali mang maging kaming dalawa? Dahil unang-una, kilala na naming lahat si Miguel. Malapit siya sa aming
SYDTAPOS ko nang banlawan ang lahat ng nilabhan ko. Iniisa-isa ko na ito ngayong inilalagay sa loob ng dryer nang biglang nagsalita si mama sa may likuran ko. “Tapos ka na maglaba, anak?” tanong n’ya na bahagya pang nakapagpagulat sa akin. “O-opo, ma,” nagkanda-utal na sagot ko. Hindi ko naman kasi akalain na nasa likuran ko na pala si mama. Ang totoo kasi niyan, ukupado pa rin talaga ang isip ko nang mga naging tagpo namin kanina ni Kuya Migs. “Nga pala, ma. Ano po’ng pinag-uusapan ninyo ni papa? Napansin ko po kasing mukhang biernes santo ang mukha niya, eh. May problema po ba?” tanong ko, habang hinihintay na matapos sa pag-ikot ang dryer. “Ma?” muling tawag ko kay mama nang hindi niya ako agad nasagot. Mukhang nagdadalawang isip pa siyang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit. “Oo, anak. May problema.” Muling bumalatay ang lungkot sa mukha n’ya. Nakaramdam na tuloy ako nang pag-aalala. “Pero hindi naman sa pamilya natin, hija. Kun’di sa asawa ng Tita Allyson mo.” Natigilan
ALAS cinco y media pa lang ng umaga ay bumiyahe na ako paluwas upang masigurong hindi nga talaga ako male-late sa unang araw ko sa AGC.Sa totoo lang, hindi talaga mawala-wala sa isip ko ang katagang binitiwan ni Sir Yuan na I will punish you sa oras na ma-late raw ako sa pagpasok. Nagmistula iyong echo, na paulit-ulit na umaalingawngaw sa pandinig ko. Habang naglalakad ay isinasabay ko na rin ang pagkakabit ng temporary ID sa gitnang bahagi ng blouse ko. Patakbo na nga ang ginagawa kong paghakbang sa limang baitang, paakyat sa pinaka main entrance ng building. Salamat sa Betadine at limang band-aid strips na ipinantapal ko sa mga paltos ko sa paa at nagagawa ko na ngayong maihakbang ang mga ito nang maayos. Nakita ko kaagad ‘yong guard na nakausap ko. May kinakausap ito sa radio transceiver na hawak, habang ang mga mata ay abala pa rin sa pagmamasid sa mga taong pumapasok sa loob. “Good morning po, Kuya Boy!” masiglang bati ko rito. Kinuha ko ang ballpen at agad na nag-time in sa l
SYD NARAMDAMAN ko na lang ang pag-angat ko, dahil sa ginawang pag-buhat sa akin ni Yuan. Yumakap ako sa kaniyang leeg at otomatikong pumaikot ang aking mga binti, sa kaniyang baywang. Trumiple ang aking kaba, lalo na nang dumantay ang mainit, nakaumbok at tigas na tigas niya na ngayong sandata, sa ibabaw ng aking pagkababae. Nagsimula siyang maglakad. Halos kapusin ako sa paghinga, nang idinikit niya pa nang husto ang aking katawan sa kaniya. Naramdaman ko ang pagkislot ng kaniyang alaga, nang pasimple niya pa itong ikiniskis sa ari ko. Nanayong bigla ang balahibo ko, sa ginawang ‘yon ni Yuan. Hinaplos ko ang pisngi niya. Isang ngiti ang iginanti niya sa akin. Hindi ko alam, pero parang may kakaiba sa ngiti niyang iyon, na dumagdag sa pagkakaba na aking nararamdaman. Hindi napatid ang pagtitinginan naming dalawa, hanggang sa marating namin ang malaking sectional sofa, na nasa pinaka-gitna nitong Penthouse— maingat niya akong ibinaba rito. Nanatiling nakatayo si Yuan, sa harapan
SYD “AMININ mo… na-wow mali ka ro’n, ‘no?!” pang-aasar ko kay Yuan. Dito ko na sa labas ibinuhos ang kanina ko pang tinitimping pagtawa. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. Lalo ko tuloy siyang pinag-tawanan, dahil sa nakikita kong hitsura niya. “Tsss… nakakatawa— Ha!... Ha!” sarkastikong turan niya. Huminto ako sa gilid ng kaniyang sasakyan, kung saan naroroon ang passenger seat. Siya naman ay nakatayo lang at nakamasid sa akin. Hinihintay ko siyang pagbuksan ako, pero mukhang wala siyang planong gawin ‘yon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang, dahil mukhang wala na naman siya sa mood, kaya ako na ang nagkusang nagbukas, sa pinto ng kotse niya. Natigilan ako at nasorpresa sa nakita. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya, pati na rin sa panibagong malaking kumpol ng bulaklak ng mga puting Rosas, na nasa ibabaw ng passenger seat, na uupuan ko. “Yuan…” “So, Yuan na lang ulit ngayon, gano’n?” Sus! Tamporurot na naman ang loko! “Okay… babe.” Halos labas sa ilong na pa
SYD Official?… yes, we are now official!— boyfriend ko na si Yuan at girlfriend niya na ‘ko. Shocks! Totoo na ba ‘to? O baka nabibigla lang ako? May feelings na rin ba ‘ko sa kaniya? O baka naman attracted pa lang ako? Nagselos na nga ako ‘di ba? ‘Di ko pa rin ba masasabing ‘in love’ na ako, sa lagay na ‘to? Basta’t ang alam ko, nasanay na ako sa presensya ni Yuan. Kakaibang saya ang nararamdaman ko, sa tuwing nakikita siya. Panatag ako, kapag alam kong nasa paligid ko lang siya. Nakukumpleto niya ang araw ko, marinig ko pa lang ang boses niya, higit lalo na kapag nasilayan ko pa ang magaganda niyang ngiti, sa kabila ng mga pang-aasar na ginagawa ko sa kaniya. Teka… signs na ‘yon ng in love, ‘di ba? Hindi kaya… in love na nga talaga ‘ko sa kaniya?! Kung gano’n… ibig sabihin… nakalaya na ako sa nararamdaman ko kay Miguel? Maigi kong ninanamnam ang sandali namin ni Yuan, nang nakaganito — nakahilig ako sa kaniyang balikat, habang nakayakap sa isang braso niya. Ang sarap lang s
SYD “YOU hear me, right? You’re gon’na sleep with ME. It’s getting too late, so, let’s go,” masungit na saad ni Yuan. Tatalikod na sana siya, nang muli akong magsalita upang tumanggi sa nais niya. “P-pero, Yuan, okay na ‘ko ritong kasama sina Miss Roxy at Dhar. I-isa pa…” “Naipag-paalam na kita sa inyo.” “A-ano?...” H’wag n’ya sabihing, galing na siya sa ‘min?! “Ano na lang sasabihin nila Mama’t Papa, kapag nalaman nilang hindi kita nasundo sa pesteng bar na ‘yon?!” Tumiim ang bagang ni Yuan. Kita ko sa mga mata niya ang tinitimping inis— sa akin? “Pero…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin, pagkakita sa seryosong awra niya. Maaaninag sa kaniya ang determinasyong mapasunod ako. Iniwas ko ang mga mata ko. Wala na akong nagawa, kun ‘di ang tumango sa kaniya. Sinamahan pa kami ni Dhar, hanggang sa labas ng suite. Naunang naglakad si Yuan, sa ‘kin. Hindi niya man lang muna ako hinintay matapos makapag-paalam kay Dhar. Huminto siya sa tapat ng elevator at pumindot sa button
SYDNilapitan ako ng mga kasama ko, na tila mga nahimasmasan sa nangyari. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Dhar sa likod ko at ang pagkapit naman ni Misty, sa magkabilang braso ko. Naririnig ko ang pagtatalak at panggigigil nina Miss Roxy, Arianne at Bria sa aroganteng foreigner, pero hindi ko na ‘yon inintindi pa.“Are you all right, Miss? May masakit ba sa’yo? or what?” Nasa state of shock pa rin ako sa mga sumandaling ito, kaya hindi ko magawang makasagot sa lalaki. Maka-ilang beses ko lang naitango ang aking ulo, bilang naging tugon ko, sa kaniya.“Thank you so much, sa pag-rescue sa kaibigan namin, sir! Naku!... kun ’di dahil sa inyo, malamang na—”“Leon! What the hell are you doi’n?! Let’s go!”Naantala ang pagsasalita ni Dhar, dahil sa boses na ‘yon ng isang babae. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. Matangkad ito— balingkinitan, ngunit kapansin-pansin ang magandang pagkakakurba ng katawan. Tinumbok nito ang kinaroroonan ng lalaking tumulong sa akin. Napatingin ako
NILASAP ko ang lamig ng tubig na inihilamos ko, sa aking mukha. Medyo nawala ang amats ko at nakaramdam ng kaginhawahan, dahil sa ginawa kong iyon. Hinayaan ko lang umagos at kusang matuyo ang mga butil-butil na tubig, na nagkalat sa aking balat. Mariin kong nakagat ang ibabang labi, nang maalalang muli ang imahe ni Yuan, habang may nakayapos na babae sa kaniya. Suminghap ako, habang maiging pinagmamasdan ang repleksyon ko, sa malapad na salamin, na nasa harapan ko. Sinipat ko ang kabuuan ko. Sa buong buhay ko, mukhang ngayon lang yata ako nakaramdam ng insecurity sa sarili. Aaminin ko, na walang wala itong hitsura at porma ko, kung ikukumpara sa mala-modelong tindig ng kasama niya. Ayokong lamunin ng negativity, na unti-unti nang nabubuo sa utak ko. Ayokong mag-over think. Ayoko siyang pagdudahan, lalung lalo na, ang pag-isipan siya ng kung anu-ano. Hindi ako dapat magpadala, sa bugso ng damdamin. Ang babaw naman kasi, kung pagbabasehan ko lang ang naka-upload na photo na ‘yon.
SYD Tinalikuran ako ni Miss Roxanne, nang hindi nawawala ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa may pinto, nang bigla namang bumukas iyon. Iniluwa nang malapad na pintuan ang fresh na fresh na si Sir Resty. Katulad ni Yuan, talaga namang wala ring maipipintas sa isang ito, pagdating sa kaguwapuhan. “Oh! Nandito na pala ang mga naggagandahang dilag ng AGC, eh! Good morning! Good morning, ladies!” masiglang biro niya sa amin. Naki-ride on naman si Miss Roxanne sa pang-uuto niya. “Naks! ‘Yan talaga ang gusto ko sa’yo, Sir Resty, eh! Hindi ka marunong magsinungaling! Kaya lab lab kita, eh!” “Of course! Ako pa ba? You know me well, Miss Roxy!” nagmamalaking saad niya, sabay kindat. Parehas silang bumunghalit ng tawa. Ilang pagkukulitan pa ang ginawa ng dalawa, bago ako nagawang balingan ni Sir Resty. “Nice! Pumapag-ibig na talaga ang pinsan ko, ah!” Lalong lumapad ang pagkakangiti nito, pagkakita sa kumpol ng bulaklak na bitbit ko.
SYD Pinag-isipan kong mabuti ang ipinakiusap niya sa akin noong gabing ‘yon. Ngunit, hindi ko talaga alam, kung bakit sa kabila ng mga ipinagtapat ni Yuan ay hindi ko pa rin talaga magawang maniwala sa kaniya— para kasing may pumipigil, na hindi ko mawari kung ano. Kaya ang ending, sasakyan ko na lang muna, sa ngayon, kung ano man ang trip ng lalaking ‘yon. May bakas nga nang panghihinayang sa mukha ni mama, no’ng sabihin ko sa kanila na hindi ko pa naman talaga officially sinagot si Yuan. Boto pa naman sana silang lahat sa kaniya. Sino ba naman kasi’ng hindi, ‘di ba? Oo nga’t nasa kaniya na ang lahat ng mga magagandang katangian na hinahanap ng isang babae, sa lalaki. Isa siyang perfect boyfriend material— matalino, guwapo, perpektong hubog ng katawan na talaga namang kababaliwan ng mga kabaklaan at kababaihan. Higit sa lahat, mayaman. Plus points pa na may respeto sa mga nakatatanda at mapagkawang-gawa sa mga nangangailangan. Ngunit, sapat na ba ang mga katangian niyang ‘yon pa
SYD Nandito na kami sa labas at nakatayo sa tapat ng kotse ni Yuan. Sumulyap ako sa amin, upang alamin kung walang nakasilip sa kahit na isang miyembro ng pamilya ko. Nang masigurong wala nga, ibinalik kong muli ang matalim at nagbabaga kong tingin sa kaniya, sabay unday nang malakas na suntok sa kaniyang sikmura. “Argh! Babe! Ang sakit! What was that for?” gulat na reklamo niya, habang hinihimas ang bahaging sinuntok ko. “Talagang masasaktan ka sa’king, baliw ka!” sabay umbag ulit sa kaniya. Dito ko planong ituloy ang extension ng gigil ko sa kaniya. “Ouch! Nakadalawa ka na, ha!” Halatang iniinda na ni Yuan ang ginawa ko, dahil nakangiwi na ngayon ang mukha niya. “Akala mo nakalimutan ko na ‘yong ginawa mo, ha! Para ‘yan sa panghihipo mo sa’king, maniyak ka!” “Pero nasampal mo na ‘ko kanina, ‘di ba?! Tingnan mo nga ‘tong pisngi ko, oh, may bakat pa ng kamay mo,” nakangusong maktol niya. Aba’t nagawa pa talagang magpa-cute ng mokong. Akala niya naman, uubra ‘yon. “Kulang pa ‘y