All Chapters of The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2): Chapter 1 - Chapter 10

47 Chapters

Chapter 1 Cinderella Santos

SYD NAGAGANAP ngayon ang championship game ng Inter-Barangay Women’s Basketball Summer League sa aming lugar. Halos hindi mahulugang karayom ang loob at labas ng covered court dahil sa dami ng mga taong nanonood. Kaniya-kaniyang pusta. Kaniya-kaniyang sinusuportahang kuponan. At siyempre, hindi mawawala ang mga diehard na fans. Halos mapatiran na nga sila ng litid sa leeg, basta mai-cheer lang ang mga manlalarong hinahangaan. “Tumira ng tres... pasok! NUMBER 14, Santos! Three points!” Kasunod na ay ang mga nakakabinging hiyawan mula sa mga taong nanonood. Sinabayan pa nang napakalakas na pagdagundong ng tambol, na sinadya pa talagang dalhin sa loob ng mga sira-ulo kong katropa. Talaga namang nakakabuhay ng dugo ang naging mainit na pagsalubong sa akin ng mga kabaranggay ko. Na-miss ko talaga ang pakiramdam nang kakaibang adrenaline rush na ito— sobra! Halos limang taon din kasi akong namalagi sa probinsya ng Ilocos Sur, simula noong kupkupin ako ng bunsong kapatid na babae n
last updateLast Updated : 2022-12-26
Read more

Chapter 2 First Heartbreak

SYD TILA huminto sa paglakad ang oras nang muling magtama ang aming paningin. Hindi ako agad nakahupa. Mabilis na naglakad si Miguel papunta sa direksyon ko at isang napakatamis na ngiti ang isinalubong sa akin. “Kumusta ka na, Cinderella? Lalo ka yatang gumawapo ngayon, ah!” biro niya sa akin. Ito ang unang beses na muli kong narinig ang baritono niyang boses mula sa napakahabang panahon na hindi ko siya nakita. Sinubukan kong inormal ang tila abnormal na pagkakatibok ngayon ng puso ko. Kung anong angas ko sa pagsagot kanina kay Kuya Lemy ay siya namang lambot ko kay Miguel. “H-hindi naman masyado, Kuya Migs. Medyo lang.” Gusto kong batukan ang sarili. Bakit ba kasi pagdating sa kaniya, talagang tumitiklop ako? Hindi ko na namalayan na nasa gilid ko na pala si Miguel at seryoso nang nakatunghay sa akin. Napayuko ako. Nakaramdam ako nang pagkailang dahil sa tila nakapapaso niyang mga tingin sa akin. Nabigla ako nang walang sabi-sabi niya akong iniharap sa gawi niya. Ilang bes
last updateLast Updated : 2022-12-26
Read more

Chapter 3 Asungot

SYD NAUNA nang magpaalam ang mga ka-team ko matapos ng ilang oras naming pahinga at makuwelang pagkukuwentuhan. Naiwan namang nagkakasiyahan sa loob ang mga kuya ko kasama ang ilan pa nilang mga katropa. Panigurado, na aabutan na naman sila ng pagtilaok ng manok bago matapos ang pag-iinuman nila. Welcome naman sa bahay ang lahat ng mga kaibigan namin, mapababae man ito o lalaki. Mas pabor nga ito kina mama at papa dahil katuwiran nila, hindi na raw kami ang lalayo para lang makidayo pa sa ibang lugar. Mas mapapanatag daw ang kalooban nila kapag alam nilang nasa bahay lang kami o ‘di naman kaya ay nandito lang sa malapit. Iwas trouble, kumbaga, lalo na at puro barako ang mga anak nila. Mas pinili ko na lang muna mag-stay sa ilalim ng punong mangga na nasa loob ng aming bakuran. Mayroon ditong ikinabit si papa na duyan na gawa sa lubid at makapal na kahoy ng Narra, na nagsisilbi naman nitong upuan. Bukod sa rooftop, isa rin talaga ito sa mga favorite spot ko sa tuwing gusto kong map
last updateLast Updated : 2022-12-26
Read more

Chapter 4 Nakaw Na Halik

SYDKAGAGALING ko lang sa computer shop nila Lhian. Nag-online registration ako roon, para makakuha ng available slot para sa pagpapa-renew ko ng aking expired na NBI Clearance. Buenas naman sapagkat natiyempuhan ko na makakuha agad ng schedule sa makalawa.Sinisimulan ko na kasing asikasuhin isa-isa ang mga kakailanganin kong requirements, para sa a-applyan naming trabaho ng kaibigan kong si Noreen. Hiring daw kasi ngayon sa Yazaki at nangangailangan ang kumpanya ng mga bagong empleyado. Suwerte nang maituturing kung sakali mang matanggap ako sa production company na iyon. Sapagkat bukod sa minimum rate, mayroon din silang ibinibigay na sampung kilong bigas sa bawat empleyado nito tuwing payday. Magiging malaking kabawasan na rin iyon sa gastusin namin sa pang-araw-araw, kapag nagkataon.PAGKARATING ko sa amin, naabutan ko si mama na abalang nagbabalot ng lumpiang togue na ibebenta niya para bukas. Hindi ko mapigilang mapangiti habang maigi siyang pinagmamasdan sa kaniyang ginagawa.
last updateLast Updated : 2022-12-29
Read more

Chapter 5 Supot

SYD “Uy… kinikilig yan!” Pang-aasar ni Kelly, na siyang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Kinunutan ko siya ng noo. “Kinikilig? Pinagsasabi mo?” maang-maangan kong tugon, kahit na alam ko naman talaga ang tinutukoy niya. “Sus! Denial Queen! Aminin mo… naguwapuhan ka rin sa kaniya, ano?” saad niya ulit. “Kanino ba kasi?” pagmamatigas ko. “Hay... kanino pa ba? Eh, ‘di roon sa stranger guy na first kiss mo!” walang prenong sagot niya sa akin. Pinamulahanan tuloy ako ng mukha. “Uy! Nagba-blush siya! Ibig sabihin, ‘di mo pa rin nalilimutan iyong Mystery Groom na iyon, ano?” Pinagtutulungan na nila ako ngayong asarin. Tinulak-tulak pa nga ni L.a ang gilid ng isang braso ko dahil sa hindi maitagong pagkakilig nito. Teka? Ano ba kasi ang nakakalilig doon? “Infairness, mga sissy, ha! Ka-look-a-like kaya ni Gong Yoo iyong stranger guy na iyon! Grabe! Ang guwapo! Oppa!” Kinikilig din na anas ni Maggi. Napaismid ako. “Gong Yoo, raw? Baka CongGo kamo!” pamimilosopo ko. Muli
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more

Chapter 6 AGC

SYDHindi matunaw ang pagkakangiti ko habang nagtitipa ng mensaheng pabalik kay Kuya Miguel.Salamat nga pala sa regalo mo, Kuya Migs. Na-touch ako nang slight– with matching shy emoji pa.Nauna na siyang mag-text sa akin at kinakumusta ang naging kinalabasan ng pag-apply ko kanina. Tinanong din niya kung nagustuhan ko raw ba ang mga ipinaabot niya kay papa.Sobrang na-appreciate ko talaga ang mga iyon, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pala niya nakakalimutan ang mga simpleng kutkutin na makakapagpasaya sa akin.Tulad ng ipinangako niya sa huli naming pag-uusap, babawi raw siya sa mga panahong naging malayo kami sa isa’t isa– at mukhang inuumpisahan niya na itong gawin ngayon.Ayokong mag-assume, sapagkat malinaw na rin naman sa akin na hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin niya sa akin. Kuntento na ako sa kung ano mang estado ang mayroon kami ngayon. Ang mahalaga, alam ko, sa sarili ko, na masaya ako sa tuwing kasama ko siya. At nararamdaman ko na siguradong ganoon din naman
last updateLast Updated : 2022-12-31
Read more

Chapter 7 Elevator

SYD“Hija, sandali!” sigaw na nakapagpatigil sa sana’y pagtawid ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. “Bakit n’yo pa ho ako hinabol, sir? May kailangan pa po ba kayo?” nagtatakang tanong ko sa security guard ng AGC.“Oo, hija,” saad niya habang hinihingal na huminto sa harapan ko. “Pinapunta ni Miss Mary ‘yong isang staff na taga-HR. Hinahanap ka. Mabuti na lang at naabutan pa kita rito. Halika na at nang makapasok ka na sa loob,” balita ni manong guard sa akin.Napangiti ako. Siyempre, hindi na ako nagdalawang isip pa na sumunod kay kuya guard. Muli akong nakakita nang katiting na pag-asa. Ano’ng malay ko, baka sakaling maawa sa akin ‘yong may-ari at i-hire pa rin ako kahit hindi naman talaga ako qualified sa posisyon.Pinatuloy na ako sa loob ng guard matapos kong makapirma sa logbook. Tulad ng ibinilin niya sa akin, dumiretso na ako sa may information desks kung saan naghihintay ‘yong pinapunta ni Miss Mary para sunduin ako.Mabilis na nahagilap ng mga mata ko ang tinutukoy
last updateLast Updated : 2023-01-01
Read more

Chapter 8 Mr. Sungit

SYD BAKIT parang biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko? Teka, ngayon lang ba ako nakakita ng guwapo? Correction— kun’di nuknukan nang kaguguwapo!Kalma ka lang, Cinderella Santos! Inhale… exhale…Nang mapansin ng isang lalaki na nakamasid ako sa kanila ay mabilis kong inilipat ang tingin sa numero kung nasaang floor na kami. Biglang nag-init tuloy ang magkabilang pisngi ko. Baka isipin nito na kanina ko pa sila tinititigan.Palangiti itong lalaki na nakapansin sa akin, samantalang ‘yong isang kasama niya naman ay mukhang ipinaglihi sa sama ng loob. Mas guwapo sana, kaso ang asim ng dating! Ni wala ngang reaksyong mababanaag sa awra nito, o baka poker face lang talaga siya? Kung sabagay, masusungit naman ang karamihan sa mga guwapo at mayayaman, kaya bakit pa ba ako magtataka?Nang makarating sa 6th floor ay nauna nang lumabas ‘yong mukhang masungit. Naglakad ito na para bang siya ang may-ari ng building. Nakasunod lang sa likuran niya ‘yong lalaking palangiti. Suminghap ako nang mal
last updateLast Updated : 2023-01-12
Read more

Chapter 9

SYD“I know, sir,” mahinang sagot ko.“Don’t mind her records, cuzz. It’s not necessary after all,” mabilis na kontra sa kaniya ni Sir Resty.Ibinaling ni Sir Resty ang tingin sa akin. “Instead of answering those non-sense common interview questions, why don’t you introduce yourself to us, Miss Santos? Para naman mas makilala ka pa namin nitong pinsan ko. And please, ‘yong wala sana rito sa resumé mo.”“Resty, shut up!” saway sa kaniya ni Mr. Antonio. Magkasalubong na rin ang dalawang kilay nito na para bang hindi nagustuhan ang itinuran ng kaniyang pinsan.“But why? What’s wrong with that?” sagot naman ni Sir Resty na nakaarko pa ang mga kilay. “I just want her to feel comfortable with us. Look at her, Yuan. Halatang naiilang siya sa atin.”Lalo tuloy humigpit ang pagkakapisil ng isang kamay ko sa gilid ng suot kong blazer. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan. Bakit ba pakiramdam ko, ginigisa ako ngayon dito sa mismong kinatatayuan ko? Lalo na kapag nagtatama ang paningin namin ni Mr. A
last updateLast Updated : 2023-01-12
Read more

Chapter 10

SYDHindi nagustuhan ni Kuya Miguel ang ginawang kapangahasan ng magiging amo ko. Ikinulong niya ako sa isang bisig niya at agad na inilayo mula rito.“You don’t need to do that. You’re too close to her,” mariin ngunit may halong pagtitimping sita ni Kuya Miguel kay Sir Yuan. Nakita ko ang ginawang pagngisi ni Sir Yuan. Lumipat ang tingin nito sa kamay ni Kuya Migs na nakahawak pa rin sa kaliwang balikat ko. Napansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Suminghap siya nang malalim, bago muling binalingan si Kuya Miguel.Blangko pa rin ang makikita sa ekspresyon ng mga mata ni Sir Yuan. Pero bakit gano’n ang nababasa kong reaksyon niya? Nagagalit ba siya? Kung oo, sa anong dahilan?Nakaramdam ako nang tensyon sa pagitan ng dalawang nagtatangkarang lalaki na nasa magkabilang gilid ko. Parehas silang nagpapakiramdaman.Maihahalintulad sila sa isang bomba. Iyong tipong isang maling galaw mo lang— tapos ka!Ayokong mapahamak si Kuya Miguel. Higit lalo na ang masaktan siya ng dahil sa akin.
last updateLast Updated : 2023-01-17
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status