Share

Chapter 4 Nakaw Na Halik

Author: latebloomer
last update Last Updated: 2022-12-29 23:20:47

SYD

KAGAGALING ko lang sa computer shop nila Lhian. Nag-online registration ako roon, para makakuha ng available slot para sa pagpapa-renew ko ng aking expired na NBI Clearance. Buenas naman sapagkat natiyempuhan ko na makakuha agad ng schedule sa makalawa.

Sinisimulan ko na kasing asikasuhin isa-isa ang mga kakailanganin kong requirements, para sa a-applyan naming trabaho ng kaibigan kong si Noreen. Hiring daw kasi ngayon sa Yazaki at nangangailangan ang kumpanya ng mga bagong empleyado.

Suwerte nang maituturing kung sakali mang matanggap ako sa production company na iyon. Sapagkat bukod sa minimum rate, mayroon din silang ibinibigay na sampung kilong bigas sa bawat empleyado nito tuwing payday. Magiging malaking kabawasan na rin iyon sa gastusin namin sa pang-araw-araw, kapag nagkataon.

PAGKARATING ko sa amin, naabutan ko si mama na abalang nagbabalot ng lumpiang togue na ibebenta niya para bukas. Hindi ko mapigilang mapangiti habang maigi siyang pinagmamasdan sa kaniyang ginagawa.

Marahan kong inilapag sa sofa ang bitbit kong plastic envelope, na pinaglalagyan ng mga ipina-print kong resumé at ilang mga dokumentong ipina-xerox ko kanina.

Hindi pa rin namamalayan ni mama ang pagdating ko. Walang ingay ang ginagawa kong paghakbang, palapit sa kinapupuwestuhan niya. Napakagat-labi ako upang mapigilan ang napipintong pagtawa.

Bigla ko siyang niyakap mula sa kaniyang likuran na siyang naging dahilan nang pagkagulat niya.

“Anak ng tipaklong!” sigaw ni mama na nakapagpaangat pa sa dalawang balikat niya.

Humagalpak ako ng tawa at bumitiw na mula sa pagkakayakap sa kaniya. Pumuwesto ako sa may gilid, sabay abot sa isa niyang kamay upang magmano.

“Ikaw talagang bata ka! Puro ka na lang kalokohan! Saan ka ba nanggaling at bakit ngayon ka lang umuwi?” singhal niya sa akin.

“Kina Lhian po, ma. May inasikaso lang po ako, kaya medyo madilim na po nakauwi. Hmm… tulungan ko na po kayo riyan,” alok ko kay mama.

Nakita ko na may isang plastic bag pa na pinaglalagyan ng mga lumpia wrappers. Tangkang aabutin ko na sana ang mga iyon upang paghiwa-hiwalayin sa pagkakadikit, nang bigla naman akong pigilan ni mama.

“Mamaya mo na asikasuhin iyan, hija. Magsaing ka na lang muna. Nakaligtaan ko nang gawin iyon dahil doble itong gagawin ko ngayong bilang ng lumpia.”

“Doble? Bakit naman po? Marami na po ‘yong palaging ginagawa ninyo, ‘di po ba? Hindi po kaya masayang lang ang puhunan kung hindi naman lahat maibebenta?” sagot ko kay mama.

Naglakad na ako patungong kusina. Kinuha ko ang kaldero. Sinandok ko ang mga tira pang lamig na kanin at inilagay sa malukong na mangkok.

Nakatitig lang ako sa lumalabas na tubig mula sa gripo habang nakikinig sa sagot ni mama.

“Naku, anak! Dinaanan kasi ako nong regular customer ko kanina, at ang sabi niya…" bahagyang huminto si mama sa pagsasalita.

Napalingon ako sa kaniya, habang patuloy sa paghuhugas ng bigas ang isang kamay ko. “Ano pong sabi ng customer niyo, ma?”

“Ang sabi niya babalikan niya raw ako bukas, para pick-up-in ang isandaang pirasong lumpiang togue na in-order niya sa akin. Pinadagdagan niya pa nga ng isandaang piraso rin na nilagang itlog ‘yong order niya, eh!” masayang balita sa akin ni mama.

Napakunot ang noo ko. Tig-isandaang pirasong nilagang itlog at lumpia? Ang dami naman non? Kaya pala mayroon akong nakitang apat na tray ng itlog sa may dirty kitchen namin sa labas.

Teka… ano ba iyong umorder sa kaniya? May-ari ng lugawan?

Muli kong nilingon ang kinauupuan ni mama. Nasilayan ko sa kaniyang mukha kung gaano siya kasaya sa ibinalita niya.

“Talaga po, ma? Eh, ‘di wow!” biro ko, kahit na ang totoo ay diskumpiyado ako sa kung sino man ang customer niyang iyon. “Mukhang suwerte po ang araw na ito sa inyo, ah. Kaya lang, Ma, hindi kaya kayo non indiyanin bukas? Ibig ko pong sabihin… sobrang dami po ng in-order niya. Baka po masayang lang ang lahat ng pagod at puhunan ninyo kung hindi niya kayo sisiputin bukas?” Nag-aalalang saad ko.

Lumapit ako sa pinagsasabitan ng basahan at pinunasan ang basang puwitan ng kaldero, bago ko tuluyang inilagay sa rice cooker.

“Huwag ka nang mag-alala sa puhunan, hija. Dahil nag-advance payment na kanina ‘yong guwapong customer ko na umorder sa akin ng mga ito.”

Bahagyang namilog ang mga mata ko. Tama ba ‘yong narinig ko? Guwapong customer? Aba! Bihira lang pumuri nang ganoon si mama, ah. Nakakapanibago.

Lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya sa pag-upo. Kumuha na rin ako ng dalawang pirasong disposable gloves para matulungan na siya sa pagbabalot ng lumpiang togue.

“Guwapo po ba talaga? Ha, ma?” mapang-asar na tanong ko, sabay taas-baba ng dalawa kong kilay. Nahalata ko kasi na parang kinilig pa si mama, pagkabanggit niya sa salitang guwapo.

“Aba’y oo, anak. Hindi lang basta guwapo, kung hindi nuknukan pa ng guwapo! Irereto ko nga siya sa iyo, eh,” walang prenong saad ni mama, na siyang nakapagpatikom ng bibig ko.

*

KINABUKASAN, maaga pa lang ay nakatanggap na ako ng text message mula kay Maggi. Pumunta raw ako sa kanila, mamayang alas tres ng hapon. Dadalaw daw kasi sa kanila sina L.a at Kelly at gusto rin daw ako ng mga ito makita.

High School pa lang ay magkakaibigan na silang tatlo nila Maggi. Naging ka-close ko lang sila noong naging classmate nila ako sa Saint Clare University.

Kilala ang grupo nila noon sa campus dahil sa isa pa nilang kaibigan na si Toni Lee. Natatandaan ko, bigatin talaga ang isang iyon. Marami ang inggit sa kaniya, lalong-lalo na iyong napapabalitang half-sister niya. Ilang beses pa ngang may nangyaring trouble sa pagitan ng dalawang iyon noon sa loob ng campus. Pati nga ako, muntik nang pag-initan ng grupo ng classbitch na iyon dahil ang akala nila, kasama ako sa grupo nila Maggi.

“GRABE, Syd! Mas lalo kang naging attractive ngayon, na-starstruck ako!” maharot na salubong sa akin ni Kelly. “Kung napatol lang ako sa tomboy, jojowain na kita, eh. Ang sarap mong i-rampa sa mall!" dagdag pa niya.

Kumibot ang labi ko sa sinabi niya. And, excuse me! Kahit naman ganito ako, ni minsan, hindi pumasok sa isip ko na makipagrelasyon sa kapwa ko babae. Isipin ko pa lang, kinikilabutan na ako!

Tinapunan ko na lang siya nang pekeng ngiti, para hindi niya naman isipin na asiwa ako sa sinabi niya.

“Natatandaan ko pa, sobrang popular mo sa campus dati, right, mga sis?” baling niya naman kina Maggi at L.a at muli ring ibinalik ang tingin sa akin. “Isipin mo, both boys ang girls really admired you for being a good looking. Mas sikat ka pa nga dati kay Wacks, kung tutuusin, ano!”

Natatandaan ko iyong binanggit ni Kelly na Joaquin. Iyon ‘yong Third Year College Student noon, na candidate para maging susunod na captain ball ng Men’s Basketball Varsity Team ng Saint Clare.

“Oo nga, sis. Tama si Kelly,” segunda ni L.a. “Biruin mo, freshman ka pa lang sa university dati pero kilalang-kilala ka na agad. Biglang nag-boom ang pangalan mo simula noong napasali ka sa varsity team. Ang dami mong supporters. Everytime na may laro kayo, talagang dinudumog ang gymnasium. Kulang na nga lang magtayo sila ng sarili mong fans club noon, eh."

“S-sikat ba talaga ako? Parang hindi naman…” painosenteng saad ko.

“Teka, wala ka bang social media account? Dati pa kita sini-search pero hindi kita mahanap-hanap, o baka naman iba ang ginagamit mong pangalan?” tanong ulit ni Kelly.

Umiling ako. “Wala, eh. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganiyan-ganiyan,” alibi ko. “At saka isa pa, mayroon naman akong simcard. Hindi ko kailangan ng social media para makausap ang pamilya ko. Nagte-text o ‘di naman kaya ay tumatawag na lang ako sa cellphone ni mama kapag may gusto akong sabihin sa kanila.”

Tinaasan ako ng kilay ng bruha. Mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Weh? ‘Di nga? Mamatay?” pang-aasar pa nito. “Parang imposible naman yata iyang sinasabi mo, Syd? Ikaw lang yata ang millennials na nakilala kong walang hilig sa soc med, my gosh!”

“Aba! Eh, ‘di huwag kang maniwala!” natatawa na lang na sagot ko.

Sa totoo lang, iniiwasan ko talaga ang magkaroon ng social media account.

Iyon lang kasi ang alam kong paraan upang hindi ko na makita pa ang mga sweet-sweetan posts nila Miguel at ng girlfriend niya pa noon na si Cassy. Sumasama lang ang loob ko.

Pero minsan, dumarating talaga ang oras na hindi ako makatiis. May mga pagkakataon na gumagawa ako ng dummy account para lang silipin kung ano na ba ang ganap sa buhay ni Miguel.

Sa ganitong paraan ko lang din nalaman na ilang buwan lang matapos kong bumiyahe pa-Ilocos ay siya namang hiwalayan nina Miguel at Cassy. Simula noon ay iba-iba na rin ang nakikita kong mukha ng babae na ipinopost niya sa soc med. Siguro, iyon lang din ang way ni Miguel para maipakita na hindi siya affected sa hiwalayan nila ng Cassy na iyon. Pakiramdam ko, lalo lang tuloy akong nawalan ng pag-asa sa kaniya.

Itinaas ko ang mga paa sa silya at humalukipkip ng upo.

Bigla ko na namang naalala si Miguel. Hindi ko maiwasan ang mag-alala. Hindi ko na siya ulit nakita, simula noong gabing iyon. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? Ano rin kaya ang sinabi sa kaniya ni Kuya Lemy?

“Pero, Syd. Ito iyong pinaka hindi ko makakalimutan na nangayari sa iyo noon sa campus,” makahulugang sambit ni Maggi. Naputol tuloy ang malalim na pag-iisip ko sa kuya niya.

Bahagyang kumunot ang noo ko at napaisip sa sinabi niya. “At ano naman iyon, aber?”

“Naaalala mo pa rin ba iyong last day of Intrams natin dati sa university?” Sabay pukol nito nang nakakalokong ngiti sa akin.

Natahimik ako.

“OMG! Don’t tell me, iyong ano… iyong… my god! I love those moment of yours, sissy!” patiling sabat ni Kelly kay Maggi, pero sa akin naman ito nakatingin. Sobrang kinikilig pa ang bruha, na aakalain mong isang bulate na sinabuyan ng isang dakot na asin sa katawan.

“Uy! Parang alam ko iyan, bakla!” ani L.a, na halos umabot na sa tainga ang pagkakalapad ng ngiti sa akin.

Napabuntong-hininga ako. Okay… alam ko na ang ibig nilang sabihin.

Biglang nagbago ang timpla ko nang otomatikong nag-rewind sa utak ko ang lahat ng mga naging ganap noong araw na iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang impaktong lalaki na nagnakaw sa aking first kiss!

Five Years Ago

Saint Clare University

NAGMAMADALING mga hakbang ang ginagawa ko paakyat sa pinaka-rooftop ng pitong palapag na Science Building ng university.

Mainit na buga ng hangin ang agad na sumalubong sa akin, pagkabukas ko pa lang sa bakal na pintuan. Nasa alas tres pasado pa lang ng hapon ngayon at medyo tirik pa rin ang araw.

Nagtungo ako sa railings na siyang bumubuo sa pinakaharang ng rooftop. Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok na sumusundot ngayon sa mga mata ko.

Ngayon ang huling araw ng Itramurals. Tanaw mula rito sa itaas ang mga estudyante mula sa magkakaibang department, na abala sa mga ginagawang iba’t ibang aktibidades sa ibaba ng campus.

Muli kong sinipat ang hawak kong cellphone nang maramdaman ko ang muling pag-vibrate nito. Panibagong comment na naman ang nabasa ko mula sa ipinost ni Miguel. Mula iyon kay Cassy.

–You don’t know how much lucky I am to be with the coolest man I’ve ever known. Cheers for another more years to come, babe. I love you and I will always do.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kawawang gadget. Namomroblema na nga ako sa pagkakasakit ni papa, dumagdag pa sila!

Hindi ko na naman maiwasan ang lumuha. Ilang beses ko nang sinermonan ang sarili ko, pero… bakit hindi ko pa rin magawang mag-move on?

Come on, Syd! Ang tagal na, oh! Walanghiya! Isang taon na, umaasa ka pa rin? Hindi naman naging kami, pero bakit ganito? Bakit ko pa rin nararamdaman itong pesteng sakit na ito?

Ano ba ang karapatan ko?– wala!

May pakialam ba siya kahit maglupasay pa 'ko rito sa kinatatayuan ko?– wala pa rin! So, ano ngayon itong nginangawa-ngawa ko?

Inilang beses kong ipiniling ang ulo habang mariin na ipinikit ang mga mata. Truth hurts, hindi ba? Oo, literal! Nakakapagtaka lang dahil alam ko naman kung ano ang sagot sa mga katanungan ko, pero bakit hindi ko pa rin magawa ang tama?

Pinunasan ko ng aking palad ang mga luhang nagpapalabo ngayon sa paningin ko. Isang malalim na pagsinghot ang ginawa ko bago ko malakas na isinigaw ang kirot na nararamdaman ko.

“Walang forever! Maghihiwalay din kayo! Tandaan niyo ‘yan!”

Ampalaya na kung sa ampalaya pero wala na akong pakialam. Ito lang naman kasi ang tanging magagawa ko para mailabas ang kinikimkim na sakit ng puso ko.

Akmang sisigaw pa sana ako nang may biglang kung anong bagay ang bumagsak, na siyang nakabasag sa katahimikang bumabalot, dito sa rooftop. Napalinga-linga ako sa paligid.

“S-sino ‘yan?” kinakabahang tanong ko. “M-may tao ba riyan?” dumoble ang kaba sa dibdib ko nang wala pa ring nagsasalita. Malakas ang pakiramdam ko na may ibang tao ang naririto.

At paano kung mayroon nga? Ibig sabihin… narinig niyang lahat ang kadramahan ko? Ang katangahan ko?

Napalunok ako. Humigpit ang pagkakahawak ko sa isang strap ng backpack ko. Napako ang aking tingin sa isang malaking tangke ng tubig. Mayroon itong bubungan na maaaring silungan kung sakali mang may ibang tao na naririto.

Baon ang lakas ng loob, dahan-dahan akong lumakad palapit sa tinatantiya kong pinanggalingan ng tunog.

Muli akong napalunok. Nasa may kabilang side na ako ng tangke. Dalawang hakbang na lamang at makikita ko na kung ano o kung sino man ang nagtatago rito, nang biglang may lumipad na dalawang kalapati sa harapan ko na siyang sobrang ikinagulat ko!

Napatili pa nga ako nang bongga at pabagsak na napaupo, kaya damang-dama ng puwet ko ang mainit na semento ng rooftop.

“Buwisit!” pikon na turan ko nang makita ko na napunit pa ang gilid ng nag-iisang pencil cut skirt ko.

Mabilis akong tumayo at pinagpag ang puwetan ko. Hindi na ako nag-abala pa na ituloy ang pagligid ko sa kabilang gilid ng tangke.

Tiningnan ko ang oras sa suot kong relos. Mag-aalas kuwatro na pala! Nagmamadali na akong bumaba dahil may ilang activities pa ako na kailangang salihan.

“SAANG banda ba kasi kayo?” tanong ko kay Maggi, ka-videocall ko siya ngayon. Kasama kaming dalawa sa mga naka-assign sa Photo Booth. Hindi ko nga lang sila natulungan nitong nakaraang dalawang araw dahil kasali ako sa pa-games sa Women’s Basketball.

“Nandito na kami sa booth, Syd. Malapit lang sa may stage. Bilisan mo na at nang matulungan mo na kami. Marami na ring naghahanap sa iyo rito para makapagpa-picture."

Agad akong napangiwi sa isinagot niya.“Okay, sige. Malapit na ako."

Halos patakbo na ang ginagawa kong paghakbang. Natatanaw ko na ang mga makukulay na design ng mga nakahilerang activity booths sa may gilid ng stage ng university.

Tatlong booth na lang ang layo ko kina Maggi nang may kung sino na lang ang biglang nagtakip sa mga mata ko.

“H-hoy! Ano ‘to?” Malakas at naguguluhang tanong ko sa taong gumagawa sa akin nito. Naramdaman ko ang pagtali nito ng panyo sa likuran ng ulo ko.

Rumehistro sa pandinig ko ang iba’t ibang boses ng nagtitilian at naghahagikgikan, na tila ba ay mga kinikilig sa mga nasasaksihan nila.

“Wait lang, miss. Mabilis lang ito.” Napaawang ang labi ko. Boses ito ng lalaki! Rumehistro sa ilong ko ang nakahuhumaling nitong amoy— amoy yayamanin!

Napalunok ako. “T-teka! Ano bang trip mo? Anak ng... kinakabahan ako, ha!” Hinawakan nito ang mga kamay ko at inalalayan papunta sa hindi ko alam na lugar.

Infairness, ang lambot ng dalawang palad niya, ha. Bigla tuloy akong nahiya. Ito kasing sa akin, parang kasing gaspang ng papel de liha, eh. Iyon nga lang… bakit ang lamig naman yata ng mga palad niya? Ano ‘to? Kinakabahan? o sadyang pasmado lang?

Tila may kung anong gumuhit na kakaibang kilabot sa batok ko, nang bumulong ang estrangherong lalaki sa gilid ng aking tainga.

“Sumunod ka na lang,” malambing na sagot nito.

Tuyot na tuyot na ang lalamunan ko dahil sa kakalunok. Napaigtad ako nang hindi sinasadyang dumikit ang aking likuran sa malapad nitong dibdib at diyos ko! Nadaplisan ko rin ang kaniyang… ang kaniyang pagkalalaki!

“Do you take this girl, to be your wife…”

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Ano ito? Marriage Booth? Sa dinami-dami, ako pa talaga ang nabiktima ng mga ito?

Nagpatuloy pa sa pagsasalita iyong kunwaring Pari kuno. Hanggang sa narinig ko na naman ang boses ng lalaking nagpiring sa mga mata ko.

“Yes, I do,” mabilis na sagot nito. Nahimas kong bigla ang kaliwang tainga ko nang may biglang tumili nang pagkalakas-lakas sa gilid ko.

“Oh, my god! Kinikilig ako! Sobrang bagay sila, hindi ba?"

"Over acting lang?" usal ko.

Ako naman ngayon ang binalingan ng Pari kuno at tinanong. Siyempre, hindi ako agad nakasagot.

“Say, I do na, miss bride! Naghihintay ng sagot mo si Mr. Groom!” hiyaw ng isa sa mga nanonood.

“Sige ka, kapag hindi ka pa rin sumagot, kakaladkarin kita at ako na lang ang papalit sa puwesto mo!” tudyo pa ng isang papansin na babae.

Natatawa akong napailing. Okay, sige na nga. Pagbigyan ang mga hilig. Tutal, katuwaan lang naman ang lahat ng ito. Wala namang mawawala kung sakyan ko na lang ang trip nila.

“I repeat… do you take this man to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?"

Binasa ko muna ng laway ang nanunuyo kong mga labi bago ako sumagot ng, “Yes, I do.”

“With the power vested in me, I pronounce you a couple. You may now kiss the bride.”

Walanghiya! Ano raw? Kiss the bride? Hindi ko naisip ito, ah!

Dali-dali kong tinanggal ang pagkakapiring ng aking mga mata.

Never been kiss pa ako. At isa pa… inilalaan ko para kay Miguel ang birhen ko pang nguso. Hindi ko ito iningatan nang ganito katagal, para mahalikan lang ng kung sino. Hindi puwede! Ano siya? Hilo?

Isang estudyanteng lalaki na may suot pang abito ang agad na bumungad sa akin. Ito marahil ang kunwaring Pari na pasimuno sa kalokohan na ito.

“Wait lang, tsong! Wala naman sa usapan ang kiss-kiss na iyan, ah!” maangas na protesta ko, sabay talikod. Ni hindi na ako nag-aksaya pa nang kaunting segundo para sipatin ang hitsura ng lalaking nasa gilid ko— wala akong pakialam sa kaniya!

Akmang lalakad na sana ako palayo para mapuntahan na sina Margareth nang may malapad na kamay ang biglang humawak sa pulsuhan ko at mabilis akong ipinaharap sa kaniya.

“Anak nang– hmp!”

Wala na akong kawala. Naikulong na nito ang mukha ko sa dalawang kamay niya. Halos mapugto ang paghinga ko. Sobrang dumadagundong na rin ang tibok ng puso ko. Hanggang sa namalayan ko na lang ang aking sarili na nakahinang na ang mga labi sa estrangherong lalaki, na basta na lang nagdala sa akin sa sitwasyon na ito.

Mangiyak-ngiyak akong napatingin sa mukha ng estranghero nang ihiniwalay na nito ang kaniyang sarili sa akin. Wala sa mga mata nito ang pagsisisi. Hindi rin nakaligtas sa akin na mapansin ang pagkintal ng ngiti sa mga labi nito.

Lapastangan! Hindi ako makapaniwala! Sa isang iglap… walang kahirap-hirap na nanakaw ng walanghiyang ito ang first kiss ko!

Related chapters

  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 5 Supot

    SYD “Uy… kinikilig yan!” Pang-aasar ni Kelly, na siyang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Kinunutan ko siya ng noo. “Kinikilig? Pinagsasabi mo?” maang-maangan kong tugon, kahit na alam ko naman talaga ang tinutukoy niya. “Sus! Denial Queen! Aminin mo… naguwapuhan ka rin sa kaniya, ano?” saad niya ulit. “Kanino ba kasi?” pagmamatigas ko. “Hay... kanino pa ba? Eh, ‘di roon sa stranger guy na first kiss mo!” walang prenong sagot niya sa akin. Pinamulahanan tuloy ako ng mukha. “Uy! Nagba-blush siya! Ibig sabihin, ‘di mo pa rin nalilimutan iyong Mystery Groom na iyon, ano?” Pinagtutulungan na nila ako ngayong asarin. Tinulak-tulak pa nga ni L.a ang gilid ng isang braso ko dahil sa hindi maitagong pagkakilig nito. Teka? Ano ba kasi ang nakakalilig doon? “Infairness, mga sissy, ha! Ka-look-a-like kaya ni Gong Yoo iyong stranger guy na iyon! Grabe! Ang guwapo! Oppa!” Kinikilig din na anas ni Maggi. Napaismid ako. “Gong Yoo, raw? Baka CongGo kamo!” pamimilosopo ko. Muli

    Last Updated : 2022-12-30
  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 6 AGC

    SYDHindi matunaw ang pagkakangiti ko habang nagtitipa ng mensaheng pabalik kay Kuya Miguel.Salamat nga pala sa regalo mo, Kuya Migs. Na-touch ako nang slight– with matching shy emoji pa.Nauna na siyang mag-text sa akin at kinakumusta ang naging kinalabasan ng pag-apply ko kanina. Tinanong din niya kung nagustuhan ko raw ba ang mga ipinaabot niya kay papa.Sobrang na-appreciate ko talaga ang mga iyon, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pala niya nakakalimutan ang mga simpleng kutkutin na makakapagpasaya sa akin.Tulad ng ipinangako niya sa huli naming pag-uusap, babawi raw siya sa mga panahong naging malayo kami sa isa’t isa– at mukhang inuumpisahan niya na itong gawin ngayon.Ayokong mag-assume, sapagkat malinaw na rin naman sa akin na hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin niya sa akin. Kuntento na ako sa kung ano mang estado ang mayroon kami ngayon. Ang mahalaga, alam ko, sa sarili ko, na masaya ako sa tuwing kasama ko siya. At nararamdaman ko na siguradong ganoon din naman

    Last Updated : 2022-12-31
  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 7 Elevator

    SYD“Hija, sandali!” sigaw na nakapagpatigil sa sana’y pagtawid ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. “Bakit n’yo pa ho ako hinabol, sir? May kailangan pa po ba kayo?” nagtatakang tanong ko sa security guard ng AGC.“Oo, hija,” saad niya habang hinihingal na huminto sa harapan ko. “Pinapunta ni Miss Mary ‘yong isang staff na taga-HR. Hinahanap ka. Mabuti na lang at naabutan pa kita rito. Halika na at nang makapasok ka na sa loob,” balita ni manong guard sa akin.Napangiti ako. Siyempre, hindi na ako nagdalawang isip pa na sumunod kay kuya guard. Muli akong nakakita nang katiting na pag-asa. Ano’ng malay ko, baka sakaling maawa sa akin ‘yong may-ari at i-hire pa rin ako kahit hindi naman talaga ako qualified sa posisyon.Pinatuloy na ako sa loob ng guard matapos kong makapirma sa logbook. Tulad ng ibinilin niya sa akin, dumiretso na ako sa may information desks kung saan naghihintay ‘yong pinapunta ni Miss Mary para sunduin ako.Mabilis na nahagilap ng mga mata ko ang tinutukoy

    Last Updated : 2023-01-01
  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 8 Mr. Sungit

    SYD BAKIT parang biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko? Teka, ngayon lang ba ako nakakita ng guwapo? Correction— kun’di nuknukan nang kaguguwapo!Kalma ka lang, Cinderella Santos! Inhale… exhale…Nang mapansin ng isang lalaki na nakamasid ako sa kanila ay mabilis kong inilipat ang tingin sa numero kung nasaang floor na kami. Biglang nag-init tuloy ang magkabilang pisngi ko. Baka isipin nito na kanina ko pa sila tinititigan.Palangiti itong lalaki na nakapansin sa akin, samantalang ‘yong isang kasama niya naman ay mukhang ipinaglihi sa sama ng loob. Mas guwapo sana, kaso ang asim ng dating! Ni wala ngang reaksyong mababanaag sa awra nito, o baka poker face lang talaga siya? Kung sabagay, masusungit naman ang karamihan sa mga guwapo at mayayaman, kaya bakit pa ba ako magtataka?Nang makarating sa 6th floor ay nauna nang lumabas ‘yong mukhang masungit. Naglakad ito na para bang siya ang may-ari ng building. Nakasunod lang sa likuran niya ‘yong lalaking palangiti. Suminghap ako nang mal

    Last Updated : 2023-01-12
  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 9

    SYD“I know, sir,” mahinang sagot ko.“Don’t mind her records, cuzz. It’s not necessary after all,” mabilis na kontra sa kaniya ni Sir Resty.Ibinaling ni Sir Resty ang tingin sa akin. “Instead of answering those non-sense common interview questions, why don’t you introduce yourself to us, Miss Santos? Para naman mas makilala ka pa namin nitong pinsan ko. And please, ‘yong wala sana rito sa resumé mo.”“Resty, shut up!” saway sa kaniya ni Mr. Antonio. Magkasalubong na rin ang dalawang kilay nito na para bang hindi nagustuhan ang itinuran ng kaniyang pinsan.“But why? What’s wrong with that?” sagot naman ni Sir Resty na nakaarko pa ang mga kilay. “I just want her to feel comfortable with us. Look at her, Yuan. Halatang naiilang siya sa atin.”Lalo tuloy humigpit ang pagkakapisil ng isang kamay ko sa gilid ng suot kong blazer. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan. Bakit ba pakiramdam ko, ginigisa ako ngayon dito sa mismong kinatatayuan ko? Lalo na kapag nagtatama ang paningin namin ni Mr. A

    Last Updated : 2023-01-12
  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 10

    SYDHindi nagustuhan ni Kuya Miguel ang ginawang kapangahasan ng magiging amo ko. Ikinulong niya ako sa isang bisig niya at agad na inilayo mula rito.“You don’t need to do that. You’re too close to her,” mariin ngunit may halong pagtitimping sita ni Kuya Miguel kay Sir Yuan. Nakita ko ang ginawang pagngisi ni Sir Yuan. Lumipat ang tingin nito sa kamay ni Kuya Migs na nakahawak pa rin sa kaliwang balikat ko. Napansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Suminghap siya nang malalim, bago muling binalingan si Kuya Miguel.Blangko pa rin ang makikita sa ekspresyon ng mga mata ni Sir Yuan. Pero bakit gano’n ang nababasa kong reaksyon niya? Nagagalit ba siya? Kung oo, sa anong dahilan?Nakaramdam ako nang tensyon sa pagitan ng dalawang nagtatangkarang lalaki na nasa magkabilang gilid ko. Parehas silang nagpapakiramdaman.Maihahalintulad sila sa isang bomba. Iyong tipong isang maling galaw mo lang— tapos ka!Ayokong mapahamak si Kuya Miguel. Higit lalo na ang masaktan siya ng dahil sa akin.

    Last Updated : 2023-01-17
  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 11 Tutol

    SYDPAGKATAPOS namin mag-shopping ni Kuya Miguel ay bumiyahe na agad kami pa-Tagaytay. Mayroon daw kasi siyang kakausapin na bagong customer ro’n na pagsu-supply-an niya ng yelo. Bago niya puntahan ang ka-meeting niya ay sa isang native kainan muna kami dumiretso, para makapananghalian.Halos hindi ko na mabuhat ang sariling tiyan dahil sa sobrang kabusugan. Paano naman kasi, nag-uumapaw sa iba’t ibang klaseng sahog ang isini-serve nilang Bulalo rito. Sulit na sulit at abot-kaya pa ang presyo. Isang order lang pero parang pangtatluhang tao na ang katumbas na puwedeng kumain nito. Hindi ko na napigilang mapadighay, na siyang sabay na ikinatawa naming dalawa. “Solve?” tanong ni Kuya Miguel, bago itinuloy ang pag-inom sa Iced Tea na hawak.“Hay… sobra,” nakangiting sagot ko habang hinihimas pa ang tiyan. Perfect match talaga ang mainit na sabaw ng Bulalo para sa napakalamig na klima ng Tagaytay. “Grabe! Ang lakas mo kumain. Saan mo ba inilagay ang lahat ng iyon, ha? Eh, pagkaliit-liit

    Last Updated : 2023-01-23
  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 12

    SYD NAGPAHINGA lang ako ng isang oras at bumangon na rin ako mula sa aking pagkakahiga. Hindi ako agad tumayo. Pa-indian sit lang muna akong umupo sa ibabaw ng aking kama. Itinukod ko ang isang siko sa gilid ng tuhod at pumangalumbaba. Sa totoo lang, hindi pa rin humuhupa ang pagkainis ko kay Kuya Lemy. Oo nga’t ipinagpahinga ko ang pagod kong katawan ngunit paikot-ikot naman na naglalaro sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya kanina. Napansin ko na ang biglang pagbabago ni Kuya Lemy kay Migs, simula no’ng gabi na nahuli niya kami na magkasama.Bakit ba kasi s’ya tutol na magkalapit kaming dalawa ni Miguel? May mali ba ro’n? Kung tutuusin, hindi na rin naman bago sa kaniya ang totoong nararamdaman ko para kay Migs. Aware sila ro’n ng pamilya namin noon pa. Kaya hindi ko pa rin ma-gets kung bakit kailangan niyang mag-react nang gano’n?Hindi ba dapat matuwa pa nga siya kung sakali mang maging kaming dalawa? Dahil unang-una, kilala na naming lahat si Miguel. Malapit siya sa aming

    Last Updated : 2023-01-30

Latest chapter

  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 47 Medyo SPG

    SYD NARAMDAMAN ko na lang ang pag-angat ko, dahil sa ginawang pag-buhat sa akin ni Yuan. Yumakap ako sa kaniyang leeg at otomatikong pumaikot ang aking mga binti, sa kaniyang baywang. Trumiple ang aking kaba, lalo na nang dumantay ang mainit, nakaumbok at tigas na tigas niya na ngayong sandata, sa ibabaw ng aking pagkababae. Nagsimula siyang maglakad. Halos kapusin ako sa paghinga, nang idinikit niya pa nang husto ang aking katawan sa kaniya. Naramdaman ko ang pagkislot ng kaniyang alaga, nang pasimple niya pa itong ikiniskis sa ari ko. Nanayong bigla ang balahibo ko, sa ginawang ‘yon ni Yuan. Hinaplos ko ang pisngi niya. Isang ngiti ang iginanti niya sa akin. Hindi ko alam, pero parang may kakaiba sa ngiti niyang iyon, na dumagdag sa pagkakaba na aking nararamdaman. Hindi napatid ang pagtitinginan naming dalawa, hanggang sa marating namin ang malaking sectional sofa, na nasa pinaka-gitna nitong Penthouse— maingat niya akong ibinaba rito. Nanatiling nakatayo si Yuan, sa harapan

  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 46

    SYD “AMININ mo… na-wow mali ka ro’n, ‘no?!” pang-aasar ko kay Yuan. Dito ko na sa labas ibinuhos ang kanina ko pang tinitimping pagtawa. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. Lalo ko tuloy siyang pinag-tawanan, dahil sa nakikita kong hitsura niya. “Tsss… nakakatawa— Ha!... Ha!” sarkastikong turan niya. Huminto ako sa gilid ng kaniyang sasakyan, kung saan naroroon ang passenger seat. Siya naman ay nakatayo lang at nakamasid sa akin. Hinihintay ko siyang pagbuksan ako, pero mukhang wala siyang planong gawin ‘yon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang, dahil mukhang wala na naman siya sa mood, kaya ako na ang nagkusang nagbukas, sa pinto ng kotse niya. Natigilan ako at nasorpresa sa nakita. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya, pati na rin sa panibagong malaking kumpol ng bulaklak ng mga puting Rosas, na nasa ibabaw ng passenger seat, na uupuan ko. “Yuan…” “So, Yuan na lang ulit ngayon, gano’n?” Sus! Tamporurot na naman ang loko! “Okay… babe.” Halos labas sa ilong na pa

  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 45

    SYD Official?… yes, we are now official!— boyfriend ko na si Yuan at girlfriend niya na ‘ko. Shocks! Totoo na ba ‘to? O baka nabibigla lang ako? May feelings na rin ba ‘ko sa kaniya? O baka naman attracted pa lang ako? Nagselos na nga ako ‘di ba? ‘Di ko pa rin ba masasabing ‘in love’ na ako, sa lagay na ‘to? Basta’t ang alam ko, nasanay na ako sa presensya ni Yuan. Kakaibang saya ang nararamdaman ko, sa tuwing nakikita siya. Panatag ako, kapag alam kong nasa paligid ko lang siya. Nakukumpleto niya ang araw ko, marinig ko pa lang ang boses niya, higit lalo na kapag nasilayan ko pa ang magaganda niyang ngiti, sa kabila ng mga pang-aasar na ginagawa ko sa kaniya. Teka… signs na ‘yon ng in love, ‘di ba? Hindi kaya… in love na nga talaga ‘ko sa kaniya?! Kung gano’n… ibig sabihin… nakalaya na ako sa nararamdaman ko kay Miguel? Maigi kong ninanamnam ang sandali namin ni Yuan, nang nakaganito — nakahilig ako sa kaniyang balikat, habang nakayakap sa isang braso niya. Ang sarap lang s

  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 44 Official

    SYD “YOU hear me, right? You’re gon’na sleep with ME. It’s getting too late, so, let’s go,” masungit na saad ni Yuan. Tatalikod na sana siya, nang muli akong magsalita upang tumanggi sa nais niya. “P-pero, Yuan, okay na ‘ko ritong kasama sina Miss Roxy at Dhar. I-isa pa…” “Naipag-paalam na kita sa inyo.” “A-ano?...” H’wag n’ya sabihing, galing na siya sa ‘min?! “Ano na lang sasabihin nila Mama’t Papa, kapag nalaman nilang hindi kita nasundo sa pesteng bar na ‘yon?!” Tumiim ang bagang ni Yuan. Kita ko sa mga mata niya ang tinitimping inis— sa akin? “Pero…” Hindi ko na naituloy ang sasabihin, pagkakita sa seryosong awra niya. Maaaninag sa kaniya ang determinasyong mapasunod ako. Iniwas ko ang mga mata ko. Wala na akong nagawa, kun ‘di ang tumango sa kaniya. Sinamahan pa kami ni Dhar, hanggang sa labas ng suite. Naunang naglakad si Yuan, sa ‘kin. Hindi niya man lang muna ako hinintay matapos makapag-paalam kay Dhar. Huminto siya sa tapat ng elevator at pumindot sa button

  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 43 Huli, Pero 'di Kulong

    SYDNilapitan ako ng mga kasama ko, na tila mga nahimasmasan sa nangyari. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Dhar sa likod ko at ang pagkapit naman ni Misty, sa magkabilang braso ko. Naririnig ko ang pagtatalak at panggigigil nina Miss Roxy, Arianne at Bria sa aroganteng foreigner, pero hindi ko na ‘yon inintindi pa.“Are you all right, Miss? May masakit ba sa’yo? or what?” Nasa state of shock pa rin ako sa mga sumandaling ito, kaya hindi ko magawang makasagot sa lalaki. Maka-ilang beses ko lang naitango ang aking ulo, bilang naging tugon ko, sa kaniya.“Thank you so much, sa pag-rescue sa kaibigan namin, sir! Naku!... kun ’di dahil sa inyo, malamang na—”“Leon! What the hell are you doi’n?! Let’s go!”Naantala ang pagsasalita ni Dhar, dahil sa boses na ‘yon ng isang babae. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. Matangkad ito— balingkinitan, ngunit kapansin-pansin ang magandang pagkakakurba ng katawan. Tinumbok nito ang kinaroroonan ng lalaking tumulong sa akin. Napatingin ako

  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 42

    NILASAP ko ang lamig ng tubig na inihilamos ko, sa aking mukha. Medyo nawala ang amats ko at nakaramdam ng kaginhawahan, dahil sa ginawa kong iyon. Hinayaan ko lang umagos at kusang matuyo ang mga butil-butil na tubig, na nagkalat sa aking balat. Mariin kong nakagat ang ibabang labi, nang maalalang muli ang imahe ni Yuan, habang may nakayapos na babae sa kaniya. Suminghap ako, habang maiging pinagmamasdan ang repleksyon ko, sa malapad na salamin, na nasa harapan ko. Sinipat ko ang kabuuan ko. Sa buong buhay ko, mukhang ngayon lang yata ako nakaramdam ng insecurity sa sarili. Aaminin ko, na walang wala itong hitsura at porma ko, kung ikukumpara sa mala-modelong tindig ng kasama niya. Ayokong lamunin ng negativity, na unti-unti nang nabubuo sa utak ko. Ayokong mag-over think. Ayoko siyang pagdudahan, lalung lalo na, ang pag-isipan siya ng kung anu-ano. Hindi ako dapat magpadala, sa bugso ng damdamin. Ang babaw naman kasi, kung pagbabasehan ko lang ang naka-upload na photo na ‘yon.

  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 41

    SYD Tinalikuran ako ni Miss Roxanne, nang hindi nawawala ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa may pinto, nang bigla namang bumukas iyon. Iniluwa nang malapad na pintuan ang fresh na fresh na si Sir Resty. Katulad ni Yuan, talaga namang wala ring maipipintas sa isang ito, pagdating sa kaguwapuhan. “Oh! Nandito na pala ang mga naggagandahang dilag ng AGC, eh! Good morning! Good morning, ladies!” masiglang biro niya sa amin. Naki-ride on naman si Miss Roxanne sa pang-uuto niya. “Naks! ‘Yan talaga ang gusto ko sa’yo, Sir Resty, eh! Hindi ka marunong magsinungaling! Kaya lab lab kita, eh!” “Of course! Ako pa ba? You know me well, Miss Roxy!” nagmamalaking saad niya, sabay kindat. Parehas silang bumunghalit ng tawa. Ilang pagkukulitan pa ang ginawa ng dalawa, bago ako nagawang balingan ni Sir Resty. “Nice! Pumapag-ibig na talaga ang pinsan ko, ah!” Lalong lumapad ang pagkakangiti nito, pagkakita sa kumpol ng bulaklak na bitbit ko.

  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   CHAPTER 40

    SYD Pinag-isipan kong mabuti ang ipinakiusap niya sa akin noong gabing ‘yon. Ngunit, hindi ko talaga alam, kung bakit sa kabila ng mga ipinagtapat ni Yuan ay hindi ko pa rin talaga magawang maniwala sa kaniya— para kasing may pumipigil, na hindi ko mawari kung ano. Kaya ang ending, sasakyan ko na lang muna, sa ngayon, kung ano man ang trip ng lalaking ‘yon. May bakas nga nang panghihinayang sa mukha ni mama, no’ng sabihin ko sa kanila na hindi ko pa naman talaga officially sinagot si Yuan. Boto pa naman sana silang lahat sa kaniya. Sino ba naman kasi’ng hindi, ‘di ba? Oo nga’t nasa kaniya na ang lahat ng mga magagandang katangian na hinahanap ng isang babae, sa lalaki. Isa siyang perfect boyfriend material— matalino, guwapo, perpektong hubog ng katawan na talaga namang kababaliwan ng mga kabaklaan at kababaihan. Higit sa lahat, mayaman. Plus points pa na may respeto sa mga nakatatanda at mapagkawang-gawa sa mga nangangailangan. Ngunit, sapat na ba ang mga katangian niyang ‘yon pa

  • The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)   Chapter 39 Instant Boyfriend

    SYD Nandito na kami sa labas at nakatayo sa tapat ng kotse ni Yuan. Sumulyap ako sa amin, upang alamin kung walang nakasilip sa kahit na isang miyembro ng pamilya ko. Nang masigurong wala nga, ibinalik kong muli ang matalim at nagbabaga kong tingin sa kaniya, sabay unday nang malakas na suntok sa kaniyang sikmura. “Argh! Babe! Ang sakit! What was that for?” gulat na reklamo niya, habang hinihimas ang bahaging sinuntok ko. “Talagang masasaktan ka sa’king, baliw ka!” sabay umbag ulit sa kaniya. Dito ko planong ituloy ang extension ng gigil ko sa kaniya. “Ouch! Nakadalawa ka na, ha!” Halatang iniinda na ni Yuan ang ginawa ko, dahil nakangiwi na ngayon ang mukha niya. “Akala mo nakalimutan ko na ‘yong ginawa mo, ha! Para ‘yan sa panghihipo mo sa’king, maniyak ka!” “Pero nasampal mo na ‘ko kanina, ‘di ba?! Tingnan mo nga ‘tong pisngi ko, oh, may bakat pa ng kamay mo,” nakangusong maktol niya. Aba’t nagawa pa talagang magpa-cute ng mokong. Akala niya naman, uubra ‘yon. “Kulang pa ‘y

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status